Xander I: Preface

2306 Words
Osaka, Japan "Iie.. Arenai!" Mariing tanggi ni Keira saka humalukipkip sa pagkaka-upo sa harapang silya ng executive table ng amang si Kei Fujita.Nasa magandang mukha ang labis na pagka-disgusto sa tinatakbo ng argumento nila. Nais niyang i-express ang pagtanggi niya sa nais nitong mangyari. She's bound to go to the Philippines to visit her mother's grave bago ang nakatakdang engagement sa anak ng isang business partner ng ama. His father is into Tobacco business exports at wala siyang pakialam kung nais siyang ipagkasundo nito sa kung sinong pontio pilato right after she graduated from college. Tradisyon na sa Japan ang ganoong kasunduan sa mga anak na babae. Pero nais niyang puntahan muna ang libingan ng yumaong ina sa Laguna bago niya iyun gawin. Keira Fujita is born with a Filipina mother and a Japanese father. "Then you will not go to the Philippines alone. You will have to stay here and wait for us." Mariing sabi ni Kei in flat-tone English accent. "Iyada! You cannot do that." Nilingon si Maki na nakatayo sa tabi ng bintana na nakamasid sa kanilang mag-ama. "Onii san.." he referred to his older male cousin for help. "Your father is right Keira. Hindi mo ba napanood ang recent na balita sa Pilipinas?" He asked in flat Tagalog. He grew up in the Philippines anyway kaya ganuon ito katatas magsalita ng naturang lenggwahe. Nag-migrate lang ito sa Japan when he was eighteen years old if she's not mistaken. Ang samabahayang Fujita ay itinuturing na international household dahil ibat-ibat lahi ang nanunungkulan doon. Being in the Tobacco business located in South Africa, may mangilan-ngilang Africans ang kinuhang housemaid si Kei, who is very much fluent in speaking French aside from their local language. Filipinos being the dominant language aside from Japanese dahil nga parehong ang mga ina nila ni Maki ay mga Filipina. And some other nationalities na inuuwi ni Kei galing sa kung saan-saang mahihirap na bansa na nais nitong bigyan ng trabaho. "But bodyguards? That's absurd!" Sinabayan niya ng pag -ikot ng mata ang sinabi. "If you don't want to, then you can just wait for us. Two weeks Keira. End of discussion."Pagtatapos ni Kei sa usapan at hinarap ang papeles sa mesa. Bago dumating ang anak ay may importante itong pinag-uusapan kasama ang pamangkin. Keira's lips pressed into thin lines. Kahit anong isip ang gawin ay absurd ang gustong mangyari ng ama. Nag-stay siya sa London sa University of Cambridge upang mag-aral mag-isa at hindi niya binigo ito. She graduated with flying colors. At ngayong sa Pilipinas lang ang punta niya ay nais nitong magkaroon siya ng bodyguard. Hell no! "Daddy, Please." She begged "No!" Mariing umiling si Kei. Bumagsak ang balikat. Mukhang hindi oobra ang pakiusap niya. Kung ganun ay kailangan niyang gamitin ang last resort niya. Kailangan niyang makipag-negotiate sa ama. "Okay, just one bodyguard." Huling hirit niya at lihim na nag-crossed fingers. May mga friends siyang imi-meet na nakasama sa London at ayaw niyang mag-mukhang anak ng diplomat na may mga naka-bantay. "I am not planning to go anywhere. Sa province lang ni mommy. Please, dad." Keira begged in her usual sweet distinctive Japanese voice. Binalingan ng tingin ni Kei ang pamangkin sa kung anong opinyon nito. But he just shrugged sa panggigilalas ng matanda. Muling bumaling sa anak at nag-isip. "I promise, I won't give you a problem." She added at pinaraanan ng tingin ang mukha ng ama. At fifty eight ay matikas parin ang daddy niya. Of course, dahil hindi niya ito binibigyan ng problema. Salamat sa magandang pagpapalaki ng ina sa kanya. At sa negosyo naman ay malaki ang naitutulong ng pinsang si Maki upang mapagaan ang pagbalikat ng ama sa negosyo ng pamilya. "Dad?" untag niya na tila nahulog na sa malalim na pag-iisip. And then he looked at her with great satisfaction in his eyes. Senyales na may naisip na itong ideya para sa inuungot ng anak. "One then." Umaliwalas ang mukha ni Keira at sumilay ang isang maluwang na ngiti sa labi na lalong nagpa-singkit sa mga mata nito. "Yay! Arigato otousan..." masiglang tumayo at pumakabila saka yumakap sa ama at humalik sa pisngi bago tuluyang lumabas ng pinto ng opisina. "Are you sure ojisan?" tanong ni Maki. "I know someone who can help. Don't worry."Kei smiled wickedly. Her daughter thought na naisahan siya nito but she was wrong. Nais niyang paluguran ito. Akala niya noong una ay hindi niya mapapapayag ang anak sa planong pag-fix marriage dito. Pero bukal sa loob ng dalagang tinanggap iyun. Atleast just this once ay mapagbigyan man lang niya ito.  Camp Aguinaldo, Philippines   Pagkahatid kay Angela sa harap ng mansyon ng mga Martinez ay pasimpleng nilapitan ni Xander at Wesley ang isang sasakyang naka-park sa di-kalayuan. Agad bumaba ang binatana sa passenger seat at sumungaw ang lulan niyun. "Partner..." agad na bati ni Wesley kay Fritz at nag-appear and dalawa. Sandaling nag-kumustahan ang tatlo. "Wala paring balita?" Maya-maya'y tanong ni Fritz, ang mata ng lalaki ay nakatuon kay Xander. Umiling ang binata at naroon na naman ang pagbigat ng kalooban. Hindi sinasadyang napasulyap sa plastic ng mansanas sa passenger seat. "Sabihin mo, ilang kilo na ng mansanas ang nakain mo." Hindi napigilang taasan ng kilay at bahagyang natawa. Sandaling nakalimutan ang sitwasyon. Lt. Alvin Fritz Jereza. Certified sharpshooter at walang inuurungang kalaban. Mabibilang ang kahinaan. At isa na ang mansanas sa weakness nito. "Darating ang triplets, kaya babalik kami ng Camp Aguinaldo. Ikaw, kumusta?" "Kung hindi lang si big boss ang nag-utos sa akin ay makikipag-palit ako dito kay Wesley. You are doing a poor job partner. Anong araw na..." tukso ni Fritz . Nagtiim ang bagang ang sinabihan. Somehow, feeling guilty dahil nagmumukhang wala itong silbi. Tinapik ni Xander sa balikat ang katabi. He felt the same way. Kaya nga nirequest nila ang Legrand siblings. Mabuti nalang at napapayag si Don Alvarez kahit wala ito sa Pilipinas. "Just bear with the situation pare. I know this is boredom for you." may himig ng simpatya sa tinig niya. Kabisado niya ang kasamahan, like the rest of the member of Black Eagles, he too preferred to be in the field. "Any luck with him being alive?" "He better be. I won't forgive him kung sa ganitong bagay lang siya mamatay." Naikuyom ni Xander ang kamao. Totoo ang sinabi niya. He will never forgive Hans kung may nangyari ritong masama. Mas maraming delikadong misyon silang hinarap kaya hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwalang nadali ito ni Panlilio. "Me too..."sagot ni Fritz "Me three," sabad ni Wesley. At nagkatawanan ang tatlo. "Hinay-hinay lang sa mansanas. We better go." pagpapaalam ni Xander at nagpunta sa sasakyan kasunod si Wesley. Nagtuloy ang dalawa sa Camp Aguinaldo. Sa opisina ni Gen Guillermo ay inabutan ang Legrand triplets. Ang tatlong magkakapatid na pare-parehong nag-training sa US Navy Seal. Just like Wesley. Pero hanggang doon nalang ang pagkakapareho ng mga ito. The siblings were savage and animalistic. Being born in Russia and raised in the welfare of Don Alvarez, a philanthropist. They also undergone different training in the USA at ipinapadala sa kung saang bansang may gyera like Syria and Afghanistan. Speaks in several languages. Tall, muscular, and well build. They are considered Don Alvarez's greatest possession. "Long time..." Si Frederick Legrand kay Wesley at Xander. "Two years?" si Xander ang unang ngumiti at pinaraanan ang katawan lalaki na tila lalong naging muscular. If people complained about him being not so approachable. Ang tatlo ay talaga namang pangingilagan mo. Mabibilang sa kamay ang pag-ngiti. "Hey..."hand-shake sabay tapik sa dalawa pang sina Will at George. "Is this some kind of a joke? What happened to big boss. I heard he is about to get married." Bakas ang pagk-disgusto sa mukha ni George. Frederick winced. "That's what you get when you involve yourself with a woman." "At hinihintay kong ma-inlove ka rin..." balik-biro niya sa lalaki. "That's a joke right." Nakataas ang isang kilay at nasa mukha ang disgusto sa narinig. "Oh, I just can't wait Frederick. I'm waiting for the time you three fall in love. You might do something worse than what Hans did." Xander warned at nangingiti. "Oh please." George Legrand raised both of his hands and rolled his eyes. At kanya-kanya pang side-comment ang tatlong magkakapatid. Napapailing si Xander. The siblings don't even know the term lady. They once told him na iisa lang ang purpose ng babae sa buhay ng lalaki. Serve them in bed. Atleast hindi ganoon ang opinyon niya tungkol sa bagay na iyun. "Hell will freeze over before that happens." Muling komento ni George na parang pinandidirihan ang topic. "Hindi ko lang alam dito kay Will," and eyed his twin suspiciously. George and Will are identical, samantalang fraternal naman si Frederick pero mas magkapareho ang ugali si Frederick at George. But the three are exceedingly and dangerously handsome. Incredibly gorgeous tulad ng description ng ibang mga babae, with a splendid classic bone structure and dark, sensual eyes that held a tempting touch of wildness. They used to be so savage. Pero sa paglipas ng mga panahon ay naging magkaka-sundo silang lahat. "You should speak for yourself, Xander." Ganting tudyo ni Frederick. "Alam mo naman kami, we don't see ourselves in that kind of situation  given the surroundings we have, especially in Mindanao." Nagtaas siya ng kamay. "Hindi ko inaalis ang posibilidad since I've witnessed what had happened to Hans. Pero bibilang pa ng taon bago mangyari yun. Mauuna pa itong si Wesley." "Oh ba't naman ako nadamay diyan." Nanlaki ang mata ng binanggit. "Kapag nahanap si Big boss, ay wag kayong masyadong lumapit sa kanya. They said it was some kind of disease and they said it's highly contagious." Kanya-kanya ulit side-comment ang apat na lalaki sa loob ng kwarto. Si Xander ay napapailing nalang. Hans also said the same thing pero nagbago ito ng sobra dahil kay Angela. And they've been together for quite some time. Ipinagpapa-salamat niyang hindi niya naranasan ang nangyari rito. Though hindi niya isinasara ang posibilidad ng pag-aasawa since hindi narin naman siya buma-bata. But in love? George is right. Hell will freeze over. Natahimik ang lahat nang pumasok si Genereal Guillermo at sabay-sabay sumaludo ang limang lalaki rito. Hindi nagpatumpik-tumpik pa ang matanda at agad inilahad ang plano sa tatlo. Nang matapos ang meeting ay pina-iwan si Xander sa pagtataka ng binata. "Hinayaan kitang sumasa sa meeting becuase I know kung gaano ka nag-aalala kay Second Lt. Monteblanco. But I have to withdraw from that mission." Sandali siyang natigilan. "W-What do you mean sir?" nag-isang linya ang kilay niya. "I have a special assignment for you." Mula sa drawer ay inilabas ng matanda ang isang envelope at ipinatong sa ibabaw ng mesa. Magkasalubong parin ang kilay na dinampot iyun at binuksan. Bumungad ang isang larawan ng magandang dalagita. Gen. Guillermo explained kung ano ang magiging trabaho niya. A bodyguard ng isang anak ng mayamang hapon na magbabakasyon sa Pilipinas. "Dahil sa nangyari kay Faith delos Santos ay naalerto ang mga mayayamang tao para sa kaligtasan ng mga anak nilang babae. I know the Fujita's personally. Kaibigan ni Elena ang namayapang asawa ni Kei Fujita. At hiningi niya ang tulong ko. Keira Fujita will be arriving in Philippines alone kaya kinakabahan ang ama nito." Elena is Gen. Guillermo's wife. "But sir, paano ang paghahanap kay Lt. Monteblanco." Agad niyang tutol. "Kaya ko ipina-summoned ang Legrand siblings. I am withdrawing you from that assignment, hijo. It's hard I know. But we all have to move forward." Umahon ang labis pagtutol sa dibdib ng binata. "But sir alam niyong importanteng case ito sa akin." He complained lihim na naikuyom ang kamo. "I know what you feel Lt. Parehong malapit sa atin si Second Lt. Monteblanco. Pero sapat na ang apat na member ng Black Eagle para hanapin siya. You have to take this assignment dahil bukod kay Hans ay ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko tungkol sa mga ganitong bagay." "But sir..." he tried to continue pero nagsalita itong muli. "This is not a request Lt. Amigable. It's an order." mariing sabi ng heneral. Napatiim ang bagan ni Xander at madilim ang mukhang sinalubong ang mata ng heneral. He was firm at nais niyang mag-wala. How can he do this thing to him. "Bakit hindi sa pulis ninyo ibigay ang ganitong ka-simpleng trabaho." Hindi itinago ang galit sa tinig. Bodyguard? Is he taking him as a joke. "Dahil ba ito sa nangyaring kapalpakan?" Umiling ang heneral. "Hindi kayo pumalpak Lt. Keep that in your mind. Ligtas si Faith delos Santos. What happened is just a mistake pero hindi dahil doon kaya kita hinugot sa paghahanap kay Hans. Take it how Sergeant Jereza is looking after Ms. Martinez." "But sir..." "You don't have a choice." Maotoridad na putol ng matandasa sasabihin ng binata. Matagal na tinitigan ni Xander ang kaharap. At alam niyang kapag ginamitan na siya ng ganoong tono at ganoong reaksyon ay wala na siyang magagawa. "You will be meeting the young heiress at the NAIA terminal 3 the day after tomorrow. Just prepare yourself. Relay all the pieces of information you gather to the four-member and proceed with your assignment." Naggalawan ang muscles sa mukha ni Xander sa sobrang galit pero wala itong magawa.Madilim ang mukhang sumaludo sa heneral bago tuluyang lumabas ng opisina ng matanda. Sa sasakyan ay pinanggigilan ang manibela. Pagkatapos ay muling tinignan ang litrato ng babae. The girl must be sixteen. Fair and slender. Ayun sa report ay half Filipino half Japanese. Another spoiled brat. And he hated the likes of her. He looked at the name. Keira Fujita. It sounds familiar, lalo na ang apelyedo ng babae. Ilang beses narin siyan na-assign sa ganoong special cases lalo nung pa-umpisa palang siya sa pagsusundalo. But after twelve years of being a soldier ay hindi niya mapaniwalaang maa-assign pa siya sa ganoong assignment. Lalo na sa sitwasyon ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD