Prologue

739 Words
2016, Philippines Nagising si Xander sa kalagitnaan ng gabi. He was restless. Dinadala niya sa konsensya ang naging desisyon ni Hans at ang kasalukuyang pagkawala nito. Kung sana'y hindi siya pumayag. Umasa siyang hindi ito ang unang makakahanap sa kinaroroonan ni Panlilio. But as usual naunahan sila ng kasamahan. Kahit si Wesley na siyang tracker sa grupo ay naunanahan nito sa paghahanap.  Naalala niya ang naging huling argumento nila sa sasakyan bago sila maghiwa-hiwalay upang hanapin ang hostage na si Faith delos Santos. "Huwag mong ituloy ang plano mo Hans," pakiusap niya sa leader ng Black Eagles na si Second Lieutenant Hans Monteblanco. He is not just a colleague and a superior. But he was a very close friend to him. "Mapapabilis ang paghuli sa kanya kapag itinuloy ang plano natin." Giit nito. "Correction, plano mo lang ito at hanggang sa sandaling ito ay tutol ako. Pwede mong ikapahamak ang gagawin mo!"  "The sooner we finish this assignment the better." Napapailing si Xander. Minsan ay kinaiinisan ang hindi pagpapataas ng rangko. Hindi niya maaring baliin ang kung anumang desisyon ng binata. "I trust you and Wesley." Dagdag nito at sinulyapan ang lalaki sa likod na busy sa kung anong kinakalikot sa bagay. "Alam kong darating kayo on time." Nagtagis ang bagang niya. On time? Kung dumating rin ba siya on time twelve years ago ay may naitulong ba siya? Posible bang may nailigtas kahit isang myembro ng pamilya? "Tapusin na natin ito at ibalik si Panlilio sa kulungungan." Hinawakan siya nito sa balikat at pinisil. As if reassuring him that everything will be okay.  Matagal na silang magkasama sa trabaho at talaga namang wala siyang masabi sa galing nito pagdating sa pagpa-plano. Pero hindi sa lahat ng oras ay tama ang instinct nito. Lalo at hindi ito susunod sa nakagawiang rutina. Black Eagle stayed intact for years dahil sa procedures na sinusunod nila sa tuwing may misyon ang grupo. At ngayo'y hindi nais sundin ni Hans iyun. Shit happens anytime and anywhere! At si Panlilio ang tinutugus nila. Isang dating Kapitan sa hanay nila pero natanggalan ng titulo dahil sa pagkakatuklas ng tiwaling gawain. At katulad din ni Hans ay magaling din naman. Kung sana ay sa maganda lang nito ginamit.  "Just don't be reckless, Hans. May naghihintay na sayo." Paalala niya rito. Kumislap ang mata nito sa tinuran niya na dagli ring sinupil. "Tulad ng nakagawin." "It's showtime!" Bulalas ni Westley sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng interes sa pinag-uusapan ng mga kasamahan. Nasanay itong tumatanggap lang ng instruction kaya mas pinipiling manahimik kapag nagkakaroon na ng diskusyon. At doon naghiwa-hiwalay ang tatlo. Halos isang araw ang mabilis na lumipas nang maka-recieve siya ng tawag mula kay Hans. By then ay ramdam na niyang itutuloy nito ang plano. Sa kagustuhang nais mapabilis ang misyon ay kumikilos ito ng mag-isa. Idagdag pang nabubulag ito ng galit para sa dating kapitan. Hans wanted himself to be taken by Panlilio. Mahahanap ang base at maililigtas ang bihag na si Faith delos Santos.  He was as if he's running for his own life that time. Ramdam niya ang sobrang pagkabog ng dibdib. At nasa kabilang panig siya ng Pangasinan sa sinabing lokasyon ng kasamahan. Nakipag-communicate siya kay Westley habang papunta sa lugar na sinabi ni Hans. Pero sa bandang huli ay nagkamali sila. Hindi maayos ang naging intrsuction ng kasamahan, maybe he wanted to buy time upang madala ito sa base ng mga mga kalaban. They focused looking in San Manuel, at may kalakihang bayan iyun sa naturang probinsya. Maliban sa may mga bundok na kailangan galugarin doon. And it turned out na sa kabilang bayan pa pala dinala ang binata, pati na ang bihag. And the moment they reached the place ay wala na ni anino ni Hans sa lugar. Kung sana'y nagpa-iwan siya. But they focused on saving the hostage. That was the assignment. Sinundan nila ang sinasakyan ni Panlilio at ang bihag nito.  Nang galugurin ang paligid ng bodegang pinagtaguan sa bihag ay wala ng nahanap ang mga pulis. Kahit ang katawan ni Hans ay naglahong parang bula. It's as if he just disappeared! Tunog ng cellphone ang pumutol sa pagkakahulog sa malalim na pag-iisip. Tawag mula kay General Guillermo. Pinagre-report siya nito bukas ng umaga sa opisina nito sa Camp Aguinaldo.  Pagkababa ng tawag ay muling napatitig sa kalaliman ng gabi ito. He's still hoping for a miracle. Sana'y hindi pa huli ang lahat para sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD