Xander VIII: Kidnapped

1831 Words
Ayun sa kagustuhan at ideya ni Thess ay natakasan nila ang ang mga boduguards ni Kiera para lang makipag-blind date.  "This still exists?" Tanong niya habang naglalakad sila papunta sa restaurant kung saan sila magkikita-kita ng mga lalaking kikitain nito diumano. Honestly speaking, she's quite unsure about what she did. Pero hindi pa rin siya magkaroon ng lakas ng loob para tumanggi sa kaibigan. Lalo at hindi naman madalas humingi ng pabor si Thess.  Blind date? Okay, kakain lang naman sila with a random stranger. Mapagbibigyan pa ang kaibigan. Atleast hindi kasama si Minzu kaya iba ang way ng pakikipag-usap ni Thess sa kanya. She really felt like they are really friends. Idagdag pang tuwang-tuwa itong natakasan nila ang mga bodyguards niya.  Pagdating sa restaurant ay nandoon na ang kikitain nila. One of them is a manager from one of the famous local banks in the country. Ang isa naman ay freelance model.  Of course bilang dalawang Pinoy na nakaharap ng ibang lahi ay napunta sa kanya ang atensyon ng dalawa na halatang hindi nagustuhan ni Thess. "I'm getting engaged soon. Thess is very much looking forward to meeting you guys."  Sabay na bumaling ang mata ng dalawa sa kaibigan. "I-It's not what you think."  Naramdaman ni Kiera ang pagsiko ng katabi at ang makahulugan nitong pagsenyas. "I mean, she really likes meeting new people. When we were at the university, she's the first one to approach me. She's so friendly and smart, and I can't say anything bad about her."  Her friend looked pleased. Somehow, yes, ito naman talaga ang unang nag-approach sa kanya dahil pareho silang Asian noon. Pero ang nag-push through ng pagkakaibigan nila ni Minzu ay siya iyun.  "You both studied in London. Anyone planning to work there." "I will," Thess answered in a split second. She mentioned the same of the company at nagkataon pamilyar si Carl doon. "It's one of the big companies in London."  "I actually got the job before we graduate." Her friend admitted sheepishly. "But due to hectic schedule during that time, plus I need to fix my documents for my residency in Great Britain, I missed the first opportunity as they were really in a rush at that time to find someone for the position. But I made sure I get it on the second offer."  "Lucky! You must have an impressive record to get the opportunity twice. I'm planning to migrate there too. My uncle is offering me a good position where he is currently working." Sagot ni Eman, the model. "How about you, Kiera. Are you not planning to work?" Si Carl, the manager.  Ibinaba niya ang baso sa ginagawang pagsipsip sa iniinom na juice. Sa totoo lang ay bored siya. During high school in Tokyo ay ilang beses na siyang naimbitan sa ganuong klaseng set-up. Gokon or commonly called a mixer to young people. Generally, a single man and woman who know each other organize the date in advance. Usually, it takes place in a restaurant or anywhere that people can eat, drink and make a bit of noise. At masasabi niya talagang hindi niya hilig ang ganuon. "My dad said I don't have to work. That's why he decided to marry me to one of his business partner's son." "Oh, so your father has his own business?"  "Tobacco imports in South Africa." Kaswal niyang sagot. Nagkatinginana ang dalawang lalaki. Marahil ay hindi alam ng mga ito ang tungkol doon.  "You must be really rich then. Nag-aral ka sa prestigious school in London for nothing." Tumaas ang kilay niya. "Hindi porket hindi magagamit ang pinag-aralan ay mapupunta nalang yun sa wala. I can use the learnings I gain for general use."  Tumikhim ang katabi. At lihim na nakaramdam ng pagtutol si Kiera. She is feeling uncomfortable! Nagtatanong ang kausap, ano bang gusto ni Thess na gawin niya. Sinubukan niyang mag-isip ng topic para maibalik sa kaibigan ang atensyon ng dalawang lalaki na lalong tila nagka-interest sa kanya dahil sa nalaman ng mga ito.  At talagang naiinis siya. It's not as if she wanted the two boy's attention. Ni hindi nga niya tinanong kung saan nakilala ng kaibigan ang dalawa dahil wala siyang interes at all! "Do you guys usually go on dates likes this? Thess and I, it's first for both of us. Diba Thess," niliggon ang katabi na hindi na maganda ang bukas ng mukha.  "We do! But it's all girls." Matabang na sagot nito. Siya ang pilit na umintindi. "Oh yeah! We usually go out Like dinner. But it's just us. We have one more friend, but she's also busy. You know I admire my friends. Thess and Minzu are the most hardworking people I know. Hindi ako magtataka kung isa sa mga araw na ito ay maging milyonaryo na silang dalawa " Binuntunan ng marahang tawa ang sinabi.  The two men agreed. Si Eman ang sumagot. "That's not impossible. But it takes time. Even I was waiting for the right opportunity too. You are lucky, Thess! You got the opportunity, and you grab it! Now, you have to work your ass off to chase that million dollars."  "And not only in peso but in euro!" Dagdag ni Carl  na ikinangiti ng babae. Saka lang nakahinga si Kiera. Halatang interesado parin ang dalawang lalaki sa kanya pero alangan kung paano siya ia-approach ng hindi napapansin ni Thess. In all fairness, mukhang disente ang mga nahanap ng kaibigan.  Pagkatapos ng late lunch na yun ay nag-aya pa ang dalawang lalaki na maglibot-libot sa paligid ng kinaroroonan. She wanted to refuse pero halatang gusto pa ni Thess ang sumama. Hindi niya maintindihan ang kaibigan. Halatang kay Eman ito interesado. Pero wala naman itong mapapala dahil babalik na ito sa London sa mga susunod na linggo. Kung si Carl pa iyun ay maiintindihan niya. Pero hindi siya makahanap ng tyempo para komprontahin ito.  And just like that, they decided to tag along. Halos hindi matapos ang tawa ng kaibigan. They were walking along the road. Siya, katabi si Carl na katabi si Thess at sa dulo ay si Eman. And her friend is very much enjoying both men's company. Nang bigla nalang isang sasakyan ang huminto sa tabi nila at nagsipulasan ang ilang kalalakihan. Kiera panicked! Halos hindi siya nakagalaw. Ang mga taong kasama nilang naglalakad ay nagsitakbuhan. "Kunin ninyo ang babae!" Nakasalubong niya ang mata ni Thess na kapareho niyang natakot.  "Sandali lang!" Hunarang si Eman na agad tinutukan ng baril kaya hindi ito nakagalaw.  Napaatras siya nang humakbang ang lalaki palapit sa kanya. Siya ang pakay dahil nadaanan ng mga ito ang kaibigan pero ni hindi ito hinawakan. But why? She doesn't know these people. Pinanigasan siya nang katawan at tumaas ang lahat ng kung anong balahibo sa batok nang maramdaman ang pagdantay sa braso niya ng isang maaskad na lalaki.  "D-Don't touch me!" Umatras siya at inalis ang sling bag at hinampaz rito. Oh, her hermes bag! Pero kung hindi niya yun gagawin ay mapapahamak siya. Tumama iyun sa mukha ng lalaki kaya nagalit ito at dinakma ang kamay niya. "Puta ka! Halika dito!" "Let go of me!" Umikot ang mata niya sa mga kasama. Pare-parehong nakatutok ang baril sa mga ito ng kasamahan ng lalaking humawak sa kanya kaya hindi nakagalaw ang mga ito. At kung hindi lang natatakot sa kasalukuyang sitwasyon ay gusto niyang matawa. Both men are tall and muscular pero ni hindi magawang manlaban dahil lang tinutukuna ng baril. So lame! Iginala niya ang mata sa paligid. Police! They needed a police. Pero ang mangilan-ngilang kasabay kanina ay hindi na mahagilap. Sa sulok ng mga mata ay nakasilip ang iba sa kinatataguan pero mukhang natakot. "Bitiwan mo ako!"  "Huwag ka ng manlaban kung ayaw mong masaktan!"  Kiera freaked out! Paano nalaman ng mga ito ang eksaktong kinaroonan niya? Had they been following her? Since when?  Kinaladkad siya ng isang lalaki upang ipasok sa loob ng sasakyan. Rumihistro ang pagkasindak sa mukha nang mapadaan sa tapat ng kaibiga. N-No!  "T-Thess..." "Kiera..." Tangka itong susunod pero itutok sa leeg nito ang baril.  "D-Don't," awat niya. She's scared and uncertain pero hindi nais na madamay ito at mapahamak.  "Pumasok ka sa loob!" Hinawakan sa ulo nito si Kiera upang piliting makapasok sa loob ng sasakyan.  "What do you want! Get off me." Pinaghahampas niya ang lalaking tumabi sa kanya sa upuan. Lalabas sana siya sa kabila pero pumasok sa kabila ang isa sa mga kasamahan nito.  And then she ends up in the middle of the two. Fear filled her entire body when the car started to move. Kapag nagtagumpay ang mga ito ay dadanasin niya ang sinapit ng mga nakidnap noong nakaraan na napanood niya sa balita. "You are bad people!" Pinaghahampas ang mga ito na dahilan ng paggewang ng sasakyan. Sinubukan niyang manlaban. Dinakma ang driver na dahilan ng paggewang ng sasakyan na nawala sa lane at nabunggo ang isang sasakyang bigla nalang lumitaw mula sa isang eskinita! Nahagip ng mata iyun. The car looked familiar. Mula sa harapang salamin ng kinasasakyan na hindi naman tinted ay nakita niya ang plate number ng nasa unahan. She's not quite sure but she knew the first two digits. "Alexander!" Sigaw niya at kumaway. Ang nabunggong sasakyan ay tinted kaya hindi niya alam kung nakita ba siya ng tinawag.  "Ang likot mo! Halika dito!" Sinabunutan siya ng katabing lalaki kaya napabalik siya sa kinauupuan.  "Get off me! Ouch!" Alexander help me! She screamed out!" Napahinto siya ng tutukan siya ng baril.  "Sige sumigaw kapa! Hindi ka naman mamatay kung babarilin kita sa kamay mo!"  Hintakutan siya.  "Bilisan mo na Badet. Magmaneho kana."  Badet! Was the driver a woman! Nilingon ang driver's seat. Mahaba ang buhok ng nagmamaneho, lampas tenga. Hindi makita ang bulto ng katawan nito dahil nakasuot ng jacket.  "W-What do you want? If you want money ay ibibigay ko sa inyo ang atm card ko ngayon din at pwedeng-pwede kayong mag-withdraw."  Sandaling nagkatinginan ang mga nasa loob ng sasakyan.  "Ano kami bobo? Milyon ang makukuha namin sa tatay mo kapag siya ang kinontak namin. Hindi namin kailangan ang barya mo."  Tawanan ang mga ito.  "Putcha! May sumusunod!" Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang nagmamaneho. And she was indeed a girl. Pero wala na dito ang atensyon ni Kiera at nabuhayan ng loob na lumingon. She gasped! Iyun ang sasakyang nakabangga nila kanina.  It could be him! Hindi siya relihiyosang tao. Since her mother died, she had stopped praying. Hindi naman uso sa Japan ang may relihiyon. Even her father never visited the church! A Japanese culture na mas naniniwala sa ibat-ibang klase ng diety, hindi tulad ng majority ng mga Filipino na maraming relihiyon but at some point, believe in only One Entity.  In that certain situation, she murmured her thanks. Sinong mag-aakalang makakasalubong nila ang bodyguard niyang ilang beses tinakasan.  "Putang-ina! Hindi niya tayo nilulubayan." Patuloy na pagra-rants ng nagmamaneho.  Naramdaman ni Kiera ang pagbilis ng sasakyan at talagang natatakot siya. Nasa highway sila at maraming sasakyan ang kasabayan. Panay ang overtake nila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD