Xander IX: Danger!

1384 Words
"Damn that little wench!" Pang-ilang beses ng pagkokondena ni Xander kay Kiera! Enough! Sagad na siya sa sobrang pagkainis rito.  He will do his best to save her and that's it! Siya mismo magbabalik dito sa ama nito. Hindi niya kailangang malagay sa ganitong sitwasyon dahil sa ginagawang pagtakas nito. Hindi pa siya nakakita ng taong kasing-tigas ng ulo ng dalaga. Worse! He even tried talking to her in a nice way katulad ng payo ni Chrisitine. But she's hopeless. Ikuha nalang ito ng isandaang libong bodyguard o kaya naman ay ibalik nalang sa Japan kung saan ito nanggaling.  Mabuti nalang at biglang nag-cancel ang pinsang si Lana sa pagluwas sa Maynila kaya nakabalik siya agad. And imagine his freak out when he found out what happened when Christine called him.  Natakasan nito ang pinagbantay na bodyguard. Kinailangan pang ipa-locate ang cellphone nito kaya madali niya itong na-track. Pasekreto niyang pina-install ang locator na yun kay Christine para sakaling tumakas ulit ang babae ay agad itong mahanap.  And he's on the way to her location. Iniwasan ang traffic kaya nasuot sa isang eskinata. Mabuti nalang at hindi tinted ang sasakyan ng mga kumuha dito. At ang pagbunggo sa bagong-bagong sasakyan.  Tumunog ang cellphone. Si Chrisitine. Hindi niya sana gustong sagutin dahil kasalukuyan niyang hinahabol ang kinasasakyan mga kumidnap kay Kiera. Pero alam niyang nag-aalala ang babae. At mabuting mas maaga palang ay masabihan na ito sa sitwasyo ng pinsan.  "Did you find her?"  "I'm sorry to inform you Christine. Pero nakuha siya ng mga kidnaper!" Nailayo sa tenga ang cellphone dahil sa pagsigaw ng babae sa kabilang linya. "Sinusundan ko ngayon ang kinasasakyan nila." "Oh my God! What should we do? What have you done, Kiera!"  "Tatawagan kita para i-update. Subukan mong i-locate ang cellphone niya at i-report sa mga pulis. A group of men took your cousin, Christine. Hindi ko alam kung kakayanin ko mag-isa to." "Oh my God!" Nangipupos ang tinig nito sa kabilang linya.  "I'm sorry! I'm partly to blame. Hindi ko dapat ipinasa sa ibang responsibilidad ko." Narinig ang pag-iyak nito sa kabilang linya.  "I-It's not your fault, Lieutenant. Sadya lang talagang matigas ang ulo ni Kiera nitong mga nakaraan. Alam kong pangit na ang tingin mo sa kanya. Or you think that she deserved what happened to her. But please...please do save her." She sobbed. "As I said, I will do my best. Tatawagan na lang kita ulit. Hindi ako makakapagconcentrate kung patuloy kitang kausap.We're on the highway now." "Please do your best." Ulit nito sa sinabi ng binata. "Thank you and take care."  Hindi na siya nagpaalam at basta nalang pinatay ang tawag. Kailangan ang dalawang kamay sa pagmamaneho dahil maraming sasakyan ang basta nalang lumilitaw sa lane na tinutugpa. Limang sasakyan ang pagitan ng sinusundan. Kailanganang talasan ang mata upang hindi makawala ang mga ito. Tataas ang speedometer at magmi-menor dahil sa patuloy na pagsulpot ng sasakyan. "s**t!"  Hindi pwedeng makuha ang dalaga. Kahit gaanong inis ang nararamdaman ni Xander para sa matigas ang ulong binabantayan ay hindi parin ito pwedeng makuha ng mga kidnapers. Hindi lang siya magmumukhang katawa-tawa kundi patutunayan lang niya kay General Guillermo na wala siyang kwenta. Tulad ng pag-aalis nito sa kanya sa hanay sa paghahanap kay Hans.  Nagdilim ang paningin dahil sa naisip. Diniinan ang silinyador kasabay ng dire-diretsong pagbusina ng sasakyan. Ang iba ay bahagyang tumabi at nang mapatapat sa kanya ay ibinaba ang bintana sa gawi niya at galit na nagsalita. Pero wala ng pakialam si Xander.  Lumiit ang distansya. At dahil mabigat na trapiko ang naghihintay sa tinutugpang daan ay bigla nalang lumiko ang sinusundan sa isang maliit na eskinita.  Nagpatuloy siya sa pagbuntod hangga sa abutan ang mga ito. Tulad ng ginawang pagbangga sa kanya kanina ay hindi pinag-abalahang bungguin ang likuran ng mga ito. Damn! So much for buying a new car!  Just because of that wench! Naningkit ang matang nakatitig sa unahan. Tanggapin ng mga ito ang galit niya. Nahiling nalang na sana ay marunong humawak si Kiera. Paulit-ulit iyung binunggo at ginitgit sa makipot na eskinita. Kita ang pag-usok ng isang parte ng sasakyan at ang tunog ng pagkaskas ng metal na nakakangilo sa tenga.  Nagbukas ng bintana ang nasa unahan at sumungaw ang isang lalaki at pinaputukan siya. Tumama ang unang putok sa side view mirror.  "Damn!" Malakas na sigaw sa loob ng sasakyan. Muli siyang pinaputukan pero hindi niya tinigil ang ginagawa. A little more! He was running out of time.  Pagkuwa'y sinadyang bagalan ang pagtakbo at pumwesto sa likuran. Nag-menor bago diniinan muli ang silinyador at humarurot siya upang banggain ang likuran ng nasa unahang sasakyan. Tuluyang nawalan ng balanse ang nagmamaneho at gumewang iyun saka bumungo sa isang lumang pader.  Hindi na nag-aksya ng panahon si Xander at nilapitan ang sasakyan. He only has one goal! Ang mailabas doon si Kiera. Binuksan ang pinto sa likuran at sinalubong siya ng putok ng baril na agad naiwasan. "Stupid!" Hinablot ang kamay ng lalaking halatang mahilo-hilo sa paggewang ng sinakyan at hinila palabas saka binigwasan kaya nawalan ito ng malay.  Ang apat na natitira sa loob ay ganun din. "Kiera!" Agad nilapitan ang dalagang walang malay na nakalaylay ang ulo sa katabi nitong lalaki. Dali-dali itong inilabas at dinala sa sariling sasakyan. Agad itong pinulsuhan at nakahinga si Xander nang mapagtantong nawalan lang ito ng malay. Sunod na tinignan ang ulo nito kung may sugat ba. Isang marahas na paghinga ang pinakawalan at kinalma ang pagririgodon ng puso nang matiyak na wala itong pinsala. She was sitting in between two men, kaya marahil hindi ito nauntog sa sasakyan. Unti-unting itong nagka-malay. "Are you okay?" Si Kiera ay mariing ipinikit ang mata dahil sa nararamdamang pagkahilo. Feeling niya ay literal na nayanig ang buong mundo. "I-It hurts!" Tumaas ang kamay at nasapo ang ulo. "W-What happened?"  Ang kaninang gentleness na nasilip sa mata ng binata ay bigla nalang naglaho. "Tignan mo ang resulta ng tigas ng ulo mo!" She couldn't answer back! Bumalik sa isip ang pinagdaanan kani-kanina lang. She felt like bursting into tears. Ramdam na ramdam parin niya ang panlalamig ng mga kamay. Akala niya ay tuluyan na siyang makikidnap. Napasinghot siya. "W-Where are they? Why am I here? Did you save me?"  "Hindi mo natatandaan ang nangyari?" Pagalit parin ang tinig nito. Pero hindi na yun alintana ni Kiera. "Y-You were following us. You almost killed us." Naningkit ang mata nito. "As if I have another option? Hindi lang isang tao ang nagtangkang kumuha sayo. It's my duty to save you pero hindi ko ilalagay sa amba ng kamatayan ang sarili ko para iligtas ang isang taong wala namang pakialam sa sarili.  Nakiusap ako sayo kanina hindi ba? Mahirap bang intindihin yun?" Pumait ang panlasa niya. Hindi niya gusto ang paraan nito ng pakikipag-usap sa kanya pero wala siyang maapuhap na pwedeng isagot rito. He saved her life.  Bago pa muling makapagsalita ang binata ay isang putok ng baril ang tumama sa sasakyan. Kitang-kita ni Kiera ang paglabas ng  isa sa mga kidnapers galing sa loob ng sasakyan at itinutok ang baril sa kinaroroonan nila.  "Duck!" Sigaw ni Xander at hinila siya pababa. Mabilis itong gumapang papunta sa driver's seat.  "They will kill us!" She panicked. Hindi alintana ang hindi sinasadyang pagkakahawak ng lalaki sa mga maseselang parte ng katawan dahil dumaan ito sa ilalim niya. Nagpatuloy ang pagpapaulan ng mga putok sa kanila hanggang sa makapunta si Xander sa driver's seat at binuhay ang makina ng sasakyan.  Kung paano nito nagawang i-kambyo ang sasakyan  ng nakayuko ay hindi niya alam dahil nanatili siyang nakayukyok. She was literally shaking. Hindi niya akalaing mararanasan niya ang ganitong bangungot sa pinakamamahal na bansa.  Naramadaman ang pag-andar ng kinalululanan at ang pag-reverse nun at diretsong pag-andar. Pero hindi siya nag-angat ng mukha dahil natatakot siya. Takot na takot! Feeling pa nga niya ay nananaginip lang siya. "Pwede ka ng umunat."  Hindi siya sumunod. Wala siyang lakas ng loob sumunod. Mabilis parin ang t***k ng puso at naroon parin ang panginginig.  "s**t!" Humapas ang kamay nito sa manibela.  Sinilip niya ito at saktong lumingon sa kanya ang binata pagkatapos ay sa side mirror. "Sinusundan nila tayo." Nanlaki ang mata niyang umunat at tumingin sa likuran. And yes, ang sinasakyan nga niya kanina ang nasa likuran. Naitulos siya sa kinauupuan.  Are they going to die?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD