Gab's POV
"GAB GISING!" napabalikwas ako nang bangon ng marinig ko ang boses ni Ate. Napahawak ako sa dibdib ko habang hingal na hingal na tila ba binangungot ako, teka hindi nga ba?
"Nananaginip ka," mahinahong sabi ni Ate. Panaginip? Pero bakit ganon, it felt so real. Pati ba yung pagreport namin panaginip lang? "Buti nalang pinuntahan kita rito para gisingin, kakain na." dagdag niya.
Nauna na siyang lumakad sa palabas ng kwarto ko kaya inayos ko muna ang sarili ko bago ako sumunod sa kaniya. Pero bago iyon, nilibot ko ang paningin sa kwarto ko parang may mali kasi. Wala naman akong nakikitang kakaib- teka, bakit nawawala ang ginawa naming heart lampshade? Ibig bang sabihin non, hindi panaginip iyong ginawa naming pagreport? Agad kong sinundan si Ate, marami akong katanungan sa kaniya.
"Ate sandali," tawag ko sa kaniya. Malayo-layo na rin kasi ang nalalakad niya. Taka niya naman akong nilingon. "Bakit? May masakit pa ba sa'yo?" nag-aalalang tanong niya. Natawa naman ako, hindi naman ganito si Ate ah?
"Tangek wala, may itatanong lang sana ako" paliwanag ko nang maabutan ko na siya, sabay na kaming bumaba.
"Sigurado ka ba?" paninigurado niya, tumango naman ako. "Siya sige, ano ba yon?" dagdag niya.
"Paano pala ako nakauwi?"
"Hindi mo ba matandaan?" tanong niya. Umiling naman ako, magtatanong ba ako kung natatandaan ko? Minsan may pagkatanga rin itong si Ate eh.
"Ay oo nga pala, paano mo matatandaan eh nahimatay ka." hindi ko narinig ang sinabi ni Ate kasi pabulong iyon, sinabi niya iyon habang parang tangang-tanga sa sarili. "Hinatid ka ni Loki rito, totoong nahimatay ka raw habang nilulusutan niyo yung guard para makalabas kayo." sagot ni Ate sa'kin. Nahimatay ako? But it just an act, natuluyan ba ako?
__
Nandito na kami ngayon sa tapat ng gate. Yung guard na nakabantay ngayon ay iyong strict! Hindi iyong ka-close kong guard, paano na yan?
"Gab," Loki whispered in my ear. We're trying not to notice by the guard so.
"Bakit?"
"Let me carry your bag."
"Bakit?"
"Just do what i said."
"Okay."
"Now, pretend that you lost your consciousness."
"Bakit nanaman?!"
"Just do it."
"Ayoko nga, ayokong humiga sa sahig noh!"
"AAA-mhmm" napasigaw ako ng bigla niya akong binuhat pa bridal style pero buti nalang hindi narinig ni mamang guard. "What do you think your doing?" I whispered.
"Close your eyes, don't open it until I say so, okay?" imbes na sagutin niya ako ay inutusan niya pa ako, great. Sinunod ko naman siya. Ramdam kong nagmamadali itong tumatakbo at sigurado akong papunta ito kay manong guard.
"Hey, guard! Something happened to my girlfriend! And there's no doctor in the clinic, please let me out!" natatarantang sabi ni Loki kaya nataranta rin ang guard.
"Naku, bakit naman walang doctor sa clinic?!" ramdam ko ang pagkataranta ni guard habang binubuksan niya ang gate. "Labas na iho, magmadali ka! Gusto mo bang ipagkuha kita ng taxi?" dagdag pa niya.
"No need, guard. Bumalik nalang ho kayo sa work niyo. I can handle this."
"Sure ka ba iho?"
"Yes po." Pagkasabing iyon ni Loki ay ramdam kong umalis na si Guard. Wow, ang galing niyang umarte.
__
Hanggang doon lang ang naalala ko, natuluyan ba talaga ako?
"Oh anak, maayos na ba ang pakiramdam mo? Wala na bang masakit sa'yo?" bungad ni Papa nang makababa na kami ni Ate hindi ko man lang namalayan na nasa kusina na pala kami.
"Opo, maayos na po ako." sagot ko sabay halik sa kaniya sa pisnge bago ako umupo. Mukhang hindi naman naging kumbinsido si Papa sa sagot ko.
"Sigurado ka ba? Sabi kasi sa'kin ng doctor ang dahilan daw ng pagkahimatay mo ay lack of sleep. May problema ba, anak? Kung may problema ka pwede ka naman magsabi sa amin ng Ate mo." napangiti naman ako sa sinabi ni Papa.
Lack of sleep? Shoot, hindi nga pala ako nakatulog agad nong galing ako kina Loki. Binagabag niya kasi ang isip ko, don't get me wrong ha, hindi ko siya iniisip. Nabagabag lang talaga ako sa sinabi niya sa'kin non sa rooftop kaya para mawala yun sa isip ko, i imagined things. Tapos maaga pa akong nagising non kaya siguro ako nahimatay. Pero may bumabagabag pa sa akin eh, hindi ko lang masabi kung ano.
"Papa, relax. Nahimatay lang ako, hindi pa ako mamamatay noh. Malakas yata 'tong anak mo." pampalubag loob ko kay Papa. Nagpatuloy na kami sa pagkain pagkatapos nang pag-uusap na iyon.
Nandito na ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga habang nakatingin lang sa kisame. Feeling ko talaga may mali eh, ano nga ba? Habang iniisip ko kung ano nga ba ang mali ay bigla kong naalala yung napanaginipan ko. Ang weird lang kasi parang totoo talagang nangyari yon eh. The way Loki looked at me in that dream, I think he wants to save me from getting hit by a truck. At iyong napulot ko pang panyo, may nakasulat doon eh. Hmm, bakit hindi ko maalala ang nakasulat don? Sigurado akong may nakasulat talaga doon eh. Ipinagkibit balikat ko nalang ang naisip, hindi mo naman talaga maalala ang lahat ng nangyari sa panaginip mo eh.
Mga ilang oras na rin ang nakalipas simula nong maisip ko iyong naging panaginip ko pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog, nakatulala lang ako sa kisame. Napalingon ako sa bedside table ko at kinapa ang cellphone kong nakalagay doon. 10:47 palang pala kaya siguro hindi ako makatulog kaagad. Napalingon ako sa nakabukas kong bintana sa kwarto ng biglang umihip ang hangin, napakunot naman ang noo ko hindi ko ba naisara ang bintana kanina? Tumayo ako para isara sana ang bintana ng biglang may tumalon sa akin. It's Freckle!
"Meow," sabi niya ng masalo ko siya. Yes, its a cat. My cat. She's a cat, color black siya. Ito ang kahuli-hulihang regalong natanggap ko kay Mama bago siya nawala. Sabi nila malas daw ang mga black cat pero para sa akin hindi.
"Freckle, bakit ngayon ka lang? At siyaka saan ka ba nanggaling at ngayon ka lang ulit umuwi? Sa bintana ka ba dumaan? Na-miss kita, akala ko hindi kana uuwi eh." pag-uusap ko sa pusa ko. Her dark blue eyes stared into mine, "Meow," namimiss din daw niya ako. Hinimas-himas ko ito bago ko isinara ang binuksan niyang bintana ko.
Inilagay ko siya sa kama ko at tinitigan, mukhang tumaba ata siya ah? Wait- "Buntis ka ba, Freckle?!" nanlalaking matang tanong ko sa kaniya, nag-meow naman siya bilang sagot. "Owh, magiging mommy kana!" masayang tugon ko at niyakap siya. We stayed in that position for like a minutes and mahabang katahimikan ang nangyari.
"Pero alam mo ba Freckle, parang may mali talaga eh. Hindi ko lang masabi kung ano." tinititigan niya lang ako habang nagsasalita ako. Hays, "Ano nanaman kaya ang magiging reaction ni Ate kapag nakita ka niya ulit?" dagdag ko pa. Hindi kasi gusto ni Ate si Freckle kasi malas daw ito, ang paniniwala niya si Freckle ang dahilan kung bakit namatay si Mama. Nagtitigan lamang kami ni Freckle hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
**
Maaga akong nagising kanina dahil kay freckle kaya nandito ako ngayon naglalakad patungong classroom. Madami ngang nakatingin sa akin eh, isa ito sa dahilan kung bakit ayaw ko pumunta ng school ng maaga. I hate attentions, especially their stares at me. I feel like they're judging me by just staring at me. Kung hindi ko kasi nasasabi sa inyo, I'm quite popular here in our school.
"Hey Gab!" napahinto ako nang may tumawag sa pangalan ko, nasa likod ko ito at hindi pamilyar ang boses niya sa akin. Boses babae ito pero sigurado akong hindi ito si Rhea, ang boses ni Rhea ay parang nanghahamon ng away habang ito naman ay mahinhin. Nilingon ko ito at isang magandang babae ang nakita ko. She has thick eye-lashes, perfect shape of nose and a red kissable lips-angelic face kumbaga- she also has a long curly hair. Mukha naman siyang mabait kaya sinagot ko ito.
"Bakit?" tanong ko. She smiled at me, hindi siya pamilyar sa akin at mukhang mas matanda ako sa kaniya kaya sigurado akong hindi ko ito kaklase.
"I'm Freya and I just want to ask something, if you don't mind." sagot niya.
"Sure, what is it?" pati tuloy ako napa-english na rin. Mukha kasi itong amerikana eh, na-curious tuloy ako kung marunong ba itong magtagalog.
"Is it true that you're Loki's girlfriend?" she asked. Wait, what?!
"Pfft hahaha no, why? At tsaka saan mo naman nakuha ang balitang yan?" natatawang sagot ko, I can't imagine Loki being my boyfriend. Tila lumiwanag naman ang mukha niya sa naging sagot ko.
"Oh you didn't know? It's all over the campus. You know, since Loki transfered here, he became a heartthrob." paliwanag niya. Woah, si Loki heartthrob? Sabagay, he has the looks naman and he's quite smart, I admit. "And good that you're not his girlfriend. Hindi kayo bagay, he's handsome and you're not that pretty." dagdag pa niya. Ano daw?!
"Excuse me?" nasagot ko nalang. Tama nga sila 'looks can be deceiving'. Akala ko mabait, yun naman pala hindi.
"Oh, don't get me wrong. I'm just telling you the truth. Hindi ko nga alam why you're always together eh, you look like his maid when you're together to be honest. Siguro ginayuma mo siya no? Hahaha," nang-uuyam na sabi niya sa akin. Hindi ko na nagugustuhan ang tono niya sa pananalita. Kanina para siyang anghel, I even complimented her beauty pero ngayon tila naging demonyo na siya. Lumalabas na ang tunay niyang kulay.
"You know what Freya, I may not be pretty like you but I can make him fall in love with me." nakangiting sabi ko sa kaniya, she's making a scene kasi. Lumapit ako sa kaniya at bumulong, "And oh, just a friendly reminder lang ha, huwag mo ng subukan lumapit pa sa kaniya, you're not his type. Bago ka mangarap na makuha mo siya, better fix your attitude first," I even mimicked her tone of voice before going. Nagngingitngit naman siya sa galit, I even heard her whisper, "b***h," to me.
The bell rang, great late nanaman ako nito! Malayo-layo pa ang lalakarin ko para marating ko ang room namin. Kasalanan 'to ng Freya na 'yon eh, kung hindi niya lang sana ako inistorbo sa paglalakad ko edi sana kanina pa ako nakarating sa room. Pero imbes na tumakbo, naglakad lang ako. What's the point pa kung magmamadali ako? Late na rin naman ako.
Habang paakyat ako sa hagdan, nag-iisip ako kung ano ang pwede kong idahilan. Ano pa bang pwedeng idahilan ko, eh halos lahat na ng pwedeng idahilan ay naidahilan ko na. Paano ba naman, lagi akong late. Hindi ko rin naman pwedeng sabihing nakipag-away ako sa hallway kaya ako na-late, baka ma-guidance pa ako.
Kumatok kaagad ako pagkarating ko sa harap ng room namin, nagkaklase na sila. Binuksan ito ni Sir Grey, akmang magdadahilan na ako ng pinigilan ako nito magsalita.
"Don't bother to make excuses, Miss Dela Cruz. Sanay na ako sa pagiging late mo," sabi ni Sir. Napakamot nalang ako sa batok ko nang marinig kong nagtatawanan ang aking mga kaklase. Buti naman pala at hindi ko na kailangan pang magdahilan, wala rin naman akong naiisip na idahilan eh.
Habang papunta ako sa upuan ko ay napatayo si Loki sa pagkakakita sa akin, anyari sa kaniya? "Y-you're okay?! At wala kang mga sugat!" sabi niya sa akin habang chinecheck ang buong katawan ko, ano bang nangyayari sa kaniya?
"Ano bang pinagsasabi mo diyan? Bakit naman hindi ako magiging okay?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Nahimatay lang naman ako kahapon diba? Ang weird niya huh. Magsasalita pa sana siya ng parang bigla siyang may naalala.
"Hey lovebirds, mamaya na yan may klase pa tayo" singit ni Sir. Shoot, nasa classroom nga pala kami. Nakatingin sa amin ang lahat at ang iba ay tila kinikilig at ang iba naman ay masama ang tingin sa akin. Namula naman ang mukha ko sa kahihiyan.
BREAKTIME
"Loki sandali," tawag ko sa kaniya ng akmang aalis na siya. Taka niya naman akong nilingon at may nagtatanong na matang tumingin sa akin. Hinintay ko munang makalabas ang aming kaklase bago siya sinagot.
"Salamat nga pala sa paghatid sa akin kahapon sa bahay," pagpapasalamat ko sa kaniya. Mas lalo lang namang kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Sabi ni Ate nahimatay daw ako kahapon habang tinatakasan natin ang guard, at ikaw raw ang umuwi sa'kin sa bahay. Hindi ko naman alam na matutuluyan pala ako non hahaha." pagpapaliwanag ko.
Nanatili lamang siyang tahimik habang nakatingin sa akin, mukhang malalim ang iniisip niya.
"Hoy! Nagtatampo ka ba sa akin kaya ayaw mo akong kausapin? Nagtatampo ka ba dahil hindi natuloy ang pagc-celebrate natin kahapon?" pagkukuha ko sa atensiyon niya. Nakatingin nga siya sa akin pero mukhang nasa malayo naman ang isip niya. Nagtagumpay naman akong ibalik siya sa reyalidad.
Walang sabi-sabing niyakap niya ako. Nagulat ako kaya sinubukan ko siyang itulak pero sadyang mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin kaya hindi ako nagtagumpay. At nakaramdam din kasi ako ng electricity na sinasabi nila when we touched.
"Stay still, just let me hug you." sabi niya. Sinunod ko nalang ang sinabi niya, baka mawala ang tampo niya kung sakaling pagbibigyan ko siya. Tahimik lamang kami habang nasa ganoong posisyon, unti-unti ko na rin siyang niyayakap pabalik. Why does it feels like I'm safe in his arms?
"I'm so worried about you, d*mn. I can't forgive myself if something ever happens to you. I'm sorry," he whispered in my ears and it gave me butterflies in my stomach. Ano bang ginagawa niya sa'kin? Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Weird.