Gab's POV
"Bakit ka ba nags-sorry eh wala ka namang kasalanan? Pft."
"N-nothing, I'm just glad that you're okay now even if this is not real" tugon niya pero hindi ko narinig yung huling sinabi niya kasi pabulong iyon. Tinanggal niya na rin ang pagkakayakap sa akin at may napansin ako, namumula ang tenga niya. Tawa ang naging tugon ko sa kaniya.
"Pft namumula ang mga tenga mo hahaha," pang-aasar ko sa kaniya. Napaiwas naman siya nang tingin sa akin. Nang hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawa ay sinamaan niya na ako ng tingin kaya napa-peace naman ako sa kaniya.
*KRINGG KRINGG
Wtf, bell na kaagad?! Ni hindi pa nga kami nakakapag-break eh. Argh, ganon ba talaga kami katagal nag-usap ni Loki? Sa pag-usap ba talaga kami ni Loki tumagal o sa ginawa niyang pagyakap sa'kin? Namula naman ako sa naisip. 15 minutes lang ang breaktime kaya hindi na nakakapagtaka. Ni hindi man lang ako nakaramdam ng gutom, sabagay nakakain naman ako kanina sa bahay bago ako pumunta rito.
Nagsimula ng magsidatingan ang aming kaklase kaya napabalik nalang kami ni Loki sa upuan namin. Wala na kaming magagawa, terror ang sunod naming guro eh.
Nang dumating na si Ma'am ay nagsimula na kaagad siyang mag-discuss pero bago iyon ay binati niya muna kami ulit ni Loki at cinongratulate para sa successful naming presentation kahapon. Dito na talaga nagsisimula ang tunay na klase. Napalingon ako kay Loki na mukhang hindi naman nakikinig at nasa labas lang ng bintana ang paningin. Mukhang naramdaman niya ata ang ginawa kong pagtitig sa kaniya kasi nilingon niya ako. Shoot, nahuli niya akong nakatitig sa kaniya! Napaiwas naman ako ng tingin pero bago iyon nakita kong bahagyang napataas ang sulok ng labi niya. Nakakahiya.
Lunchtime na at nagulat ako ng nasa labas ng classroom ko sina Jack at Rhea na mukhang hinihintay talaga ako. Kinawayan naman agad ako ni Rhea ng makitang nakatingin ako sa kanila. Ang aga naman ata nilang dinismiss? Malayo ang building namin sa kanila eh kaya nakakapagtakang nakarating na kaagad sila rito eh kakabell pa lang naman. Agad naman akong pumunta patungo sa kanila, baka may importante silang sasabihin.
Nang makalapit ako sa kanila ay nakipagbeso ako kay Rhea at fist bump naman kay Jack bilang bati sa kanila.
"Anong ginagawa niyo rito? Ang aga niyong dinismiss ah?" pambubungad na tanong ko sa kanila.
"Nabalitaan kasi namin na nahimatay ka raw kahapon kaya napagdesisyonan naming puntahan ka. Gag* ka kasi, hindi mo na nga sinagot mga chats namin sa'yo wala ka pa sa cafeteria kanina kaya mas lalo kaming nag-alala sa'yo. Okay ka na ba?" mahabang litanya ni Rhea, napangiti naman ako. They're truly my bestfriends.
"Oo, okay na ako. Pasensiya na rin kung pinag-alala ko kayo, at tsaka hindi ko pa nabubuksan ang mga social media ko eh." paliwanag ko sa kanila.
"Sigurado ka bang ayos kana? Eh bakit wala ka nga sa cafeteria kanina?" pang-uusisa pa ni Rhea. Lagot, anong idadahilan ko? Ngumiti ako nang pagkalaki-laki sa kanila sabay sabing, "Ano ka ba, ayos na nga ako. Ako pa ba? Malakas yata 'to, tsaka nahimatay lang naman ako eh. At ano kasi, tinamad lang akong pumunta sa cafeteria kanina tsaka hindi rin naman ako nagugutom kasi nakapag-breakfast ako kanina sa bahay." pagdadahilan ko. Half of it was true, syempre yung hindi totoo roon is yung tinamad ako.
Kinagat naman agad ni Rhea ang dahilan ko, si Jack naman ay binigyan ako ng nagdududang tingin, mukhang hindi siya nakumbinsado sa idinahilan ko. Kaya para mawala yun, nagchange topic na ako. "Btw, yun lang ba talaga ang ipinunta niyo rito? Pasensiya na kung naabala ko pa kayo."
Jack sighs before answering my question, "No, the real reason why we're here is that we're picking you up," nagtataka naman ako na mukhang nahalata naman nila yun kaya hindi na ako nagsalita pa, "Mom invited you and Rhea in our house, gusto niyang sabay-sabay tayong mananghalian," dagdag ni Jack. Oh that's why. Bibihira lang itong mangyari, ah. Minsan lang kasi kaming magkakasabay kumain tatlo sa lunchbreak kasi minsan umuuwi ako sa bahay.
We're now heading towards Jack's house, sa sobrang tahimik nagsalita si Rhea. Hindi niya talaga matiis na hindi nagsasalita.
"Uy Gab, balita ko may nakasagutan ka raw kanina sa hallway ah? Mag share ka naman! Bibihira ka lang makita sa hallway eh, himala ata hindi ka late pumasok ngayon? Ganiyan ba epekto kapag hinihimatay?" pagbibiro ni Rhea.
"Chismosa ka talaga Rhea kahit kailan," pagpaparinig sa kaniya ni Jack. Hay naku, magbabangayan nanaman sila kaya bago pa mangyari iyon ay nagsalita na ako.
"Maaga kasi akong nagising kanina kasi ginising ako ni Frickle. At paano mo naman nalaman na may nakasagutan ako kanina?"
"Duh, famous ka kaya!" napairap naman ako sa sinabi niya.
"Nagtanong lang yung babae kung boyfriend ko ba raw si Loki,"
"Eh ano namang sagot mo? Kwento mo lahat lahat, ano ba yan!" pangdedemand niya. Kaya ayon, kwinento ko sa kaniya ang lahat sumisingit pa nga siya minsan eh. Tahimik lang namang nagd-drive si Jack habang nakikinig sa amin.
"Buti hindi mo sinapak yun, Gab?" komento ni Jack.
"Oo nga naman Gab, sus kung ako lang nakasagutan non baka nakalbo ko na yun." pangsesegunda pa ni Rhea. Nagkasundo ang mga baliw.
"Huwag na, sayang naman kagandahan niya kung bibigyan ko siya ng black eye diba," sabi ko.
"Deserve niya yun noh!" sabi ni Rhea na tinanguan naman ni Jack.
"Alam niyo ang B.I niyo sa'kin, alam niyo namang nagbago na 'ko eh." tugon ko. "Tsaka bata yun, ayoko naman makasuhan ng child a***e" dagdag ko pa.
At ayun humagalpak kami sa tawa, ni hindi nga namin napansin na nakarating na nga pala kami sa bahay nila Jack eh.
"Oh, tamang tama ang pagdating niyo I just finished cooking." bungad sa amin ni Tita, Mommy ni Jack. Isa-isa naman kaming nagbeso sa kaniya bilang bati at nag-good aft. "Tara na sa kusina, they're all waiting." dagdag pa ni Tita.
Iginiya niya naman kami sa kusina at naghihintay na nga sila, sina Tito-Daddy ni Jack- at si Justine-nakakabatang kapatid ni Jack- Wow, they're complete huh. Bakit pa ba kami niyaya ni Tita rito eh bonding magpamilya naman ata 'to? Oo nga pala, they said we are also part of their family. Napatingin naman ako kay Rhea at ang gag* nagniningning ang mata sa tuwa, paano nakita niya ang kapatid ni Jack na crush niya. Napailing nalang ako. Isa-isa rin naming binati sina Tito at ang kapatid ni Jack.
Nagsimula na kaming kumain at talaga nga namang pinaghandaan ni Tita ito, madami siyang niluto eh. Habang kumakain ay syempre nagkakamustahan kami, they're asking random things din. Halimbawa nalang ng 'how's school?' 'are you doing well in your school?' 'hindi ba kayo nahirapan sa kinuha niyong strand?' at marami pang iba. Nagkakasiyahan din kami kasi mahilig magbiro si Tito na sinisegundahan naman ni Rhea at minsan din kinukulit ni Rhea si Justine, hindi naman kasi lingid sa kaalaman naming lahat na may crush siya kay Justine kaya ayun si Justine, iritang-irita. Kaya talagang masaya ang nangyaring pananghalian namin dahil kina Tito at Rhea.
"I'm really glad that you're the friends of my son. Noong una akala ko talaga bakla itong panganay ko eh, kasi puro babae ang mga kaibigan niya. Hahaha," nakangiting sabi ni Tita. Tapos na kaming kumain at nagpapahinga nalang kami ngayon habang nagk-kwentuhan. Natuwa naman kami sa sinabi ni Tita.
"Mom!" Jack shouted looking so pissed.
"Hahaha bakla naman talaga yan Tita," pagsasang-ayon naman ni Rhea kay Tita.
"What?! I'm not gay!" pagtatanggol ni Jack sa sarili.
"Yes you are!" pagpapatuloy ni Rhea sa pang-aasar kay Jack.
"No, I'm not." seryoso na talagang sabi ni Jack.
"If you're not, then why you're still has no girlfriend?" tanong ni Rhea.
"Just because I don't have a girlfriend, doesn't mean that I'm gay." Jack explained.
Nagpapalipat-lipat lang naman ang mga tingin namin sa kanilang dalawa habang nagsasagutan sila. Palihim naman kaming nagturuan kung sino ang manok namin sa
kanila. Syempre kay Jack tayo, lagi namang panalo si Jack pag nagbabangayan sila eh. Ang manok naman nina Tita at Tito ay si Rhea habang sa Kuya naman kampi si Justine.
"Ni wala ka pa ngang ipinapakilala sa amin ni Gab kahit na isang babae eh, kaya paano mo mapapatunayang hindi ka talaga bakla ha?" panghahamon ni Rhea.
"You really want me to prove to you that I'm not gay?" sabi ni Jack na unti-unting inilalapit ang mukha niya kay Rhea. Bagay sila. Kung sigurong magiging sila they will make a good couple.
"Oo," kahit na natutuliro ay matapang niya itong sinagot. Napangiti naman si Jack sa isinagot ni Rhea at mas lalong inilapit ang mukha niya kay Rhea. Akala namin hahalikan niya ito pero dumiretso ang labi nito sa tenga ni Rhea at may ibinulong. Hindi na namin iyon narinig kasi nga ibinulong diba? Pero base sa itsura ni Rhea ay panalo si Jack. Na-stiffened ata si Rhea sa sinabi ni Jack , na-curious tuloy ako kung ano iyon. Ngingiti-ngiting lumayo naman si Jack sa kaniya.
Mahabang katahimikan ang nangyari until Justine break the silence, "Ate Gab, we won!" masayang sabi niya sa akin. Napangiti naman ako at nakipag-apir sa kaniya. Mukhang nalugi naman sina Tita at Tito kasi natalo sila hahaha.
"Ang galing mo talaga Jack, kaya sa'yo ako eh." natatawang baling ko kay Jack at nakipagfist bump sa kaniya. "Na-curious tuloy ako kung ano yung ibinulong mo at nagkaganiyan siya," dagdag ko pa. Natatawang umiiling naman si Jack at binelatan ako. Ang daya!
"Dito kaya kayo matulog mamaya? Sleep over kumbaga," Tita suggest. Nagugulat na tiningnan ko naman siya habang si Jack ay parang wala lang naman sa kaniya at si Rhea ayon nakatulala pa rin hanggang ngayon.
"Po?" ako yan.
"Sige na, bitin ang ating pagb-bonding eh. Please Gab?" pamimilit ni Tita. Well, wala namang problema sa akin na dito kami matutulog ewan ko lang kay Rhea. Kung dati gustong-gusto niyang mag-sleep over dito para makasama si Justine, ngayon mukhang hindi na.
"Okay lang naman po sa'kin, ewan ko nalang diyan kay Rhea." pagpaparinig ko kay Rhea. Hindi pa rin talaga siya natatauhan hanggang ngayon, ganon ba talaga epekto ng sinabi ni Jack sa kaniya? Ang lala naman ata.
"Jack, look what you did to Rhea. Ibalik mo nga yan sa dati," pinagalitan ni Tita si Jack. Si Jack lang talaga ang makakapagising niyan siya ang nasa tabi nito eh. Ang posisyon kasi namin ay nasa harapan ko sila at napapagitnaan namin ang lamesa, magkatabi sila habang kami naman ni Justine ang magkatabi. Habang sina Tita at Tito naman nasa magkabilang dulo ng mesa. Ayaw kasing tumabi ni Justine kay Rhea kahit pinipilit siya nito kaya kami ang magkatabi.
Jack waved his hand at Rhea's face but still no reaction. He even snapped his fingers at Rhea's eyes pero bigo pa rin, ni hindi man lang ito kumurap. No choice, Jack slapped Rhea but its not that hard. Tama lang para matauhan si Rhea.
"Ugh, bakit mo ako sinampal?! Bakla ka talaga!" pasigaw na sabi ni Rhea kay Jack. Pfft.
"Kapag hindi mo 'ko tinigilan sa pagtawag sa'kin ng bakla, totohanin ko 'yon." pananakot ni Jack dahilan na ikinalaki ng mga mata ni Rhea sabay iwas ng tingin. Ano kaya iyon?
"Hindi pa ba tayo babalik ng school? Baka malate na tayo," pag-iibang topic ni Rhea. Napailing nalang ako, ngayon lang siya nagkaganito.
"I agree with her son, it's almost 1. You better go now or else you'll get late." maotoridad na sabi ni Tito. "And you Justine, magpahatid kana kay Manong Jun." Tito added. Sa ibang school kasi nag-aaral si Justine and his reason? He don't wanna go to same school with his Kuya.
"Sige po Tita, Tito, alis na po kami. Ako nalang pong bahalang magkumbinsi kay Rhea para sa sleep over natin mamaya," pamamaalam ko. Nagpaalam na rin sina Jack, Rhea, at Justin.
Habang pabalik kami sa school ay tahimik lamang si Rhea sa buong biyahe. I think she didn't recover yet from what Jack said to her.
"Uy Jack, grabe ang naging epekto mo kay Rhea ah. Nac-curious na talaga ako kung ano ang sinabi mo kay Rhea at nagkakaganiyan yan,"pagbibiro ko kay Jack.
"Don't mind her, buti nga at natahimik din eh" sabi ni Jack na sinilip pa si Rhea si salamin.
"Alam mo ba kanina para kayong magshotang may LQ," natatawang sabi ko sa kaniya.
"Hahaha talaga?" pati siya rin natawa na.
"Hahaha oo, but I admit I think you will make a good couple kapag nagkatuluyan kayo." habang sinasabi ko iyon ay sinuri ko talaga ang bawat galaw, kilos at reaksiyon ni Jack. Nakita kong napangiti siya sa sinabi ko.
"Really? You think so?" aniya na tinignan pa ako saglit bago ibinalik sa daan ang tingin. Oh my God, is this for real?!
"Do you like her?" mahinang tanong ko sa kaniya kahit na alam kong wala sa sarili si Rhea at hindi kami naririnig nito ay hininaan ko pa rin ang boses ko. Sa halip na sagutin ako ay kinindatan lang ako nito bago nagpatuloy na sa pagd-drive.
**
"Okay class, I have announcement to make so listen carefully. All teachers have meeting today kaya wala na kayong klase mamaya. Now, dismissed." My basic calculus teacher said. Ano naman kayang pagm-meetingan ng mga teachers today? It's 2:45 palang, kung uuwi naman ako ano namang gagawin ko sa bahay?
Nagsimula ng lumabas ang aking mga kaklase at nagbell din ng malakas senyales na wala talagang pasok. Habang ako ito, nakaupo pa rin hindi alam ang gagawin. Napaangat naman ang tingin ko sa taong tumayo sa harapan ko. Its Loki.
"Bakit?" tanong ko.
"Hindi ka pa ba uuwi?" he asked.
"Maya-maya," sagot ko. Nanatili lamang siyang nakatayo at nakatingin sa akin, hindi pa ba siya aalis?
"Hindi ka pa ba aalis?" I asked.
"Remember our da- ehem I mean, ang selebrasyon sana natin kahapon na hindi natuloy?"
"Oh anong meron don?"
"Let's continue it now, I guess you're free naman" sabi niya. Pumayag ako sa kaniya, wala rin naman akong gagawin eh.
Palabas na sana kami ng classroom ng biglang magring ang phone ko, dali-dali ko itong kinuha sa bulsa ko at pagtingin ko sa caller ay si Jack pala ang tumatawag. Sinagot ko ito.
"Bakit?" agad na bungad ko.
"Let's meet outside, papunta na kami ngayon ni Rhea sa parking lot. We plan on going to the mall today, we'll buy some snacks for tonight."
"Wait, hindi ko nga pala nasabihan kanina si Rhea sinabi mo ba sa kaniya? Pumayag ba?"
"Yes, so ano kitakits nalang outside."
"Teka-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ng binabaan niya ako! Pano na yan? Kanino ako sasama?
"Who's that?" nabaling ang paningin ko kay Loki na nasa tabi ko pala.
"Si Jack, nagyayang magmall eh. I guess postponed nalang ulit ang selebrasyon natin ngayon." sabi ko sa kaniya with apologetic face.
"Date?" tanong niya. Nagpatuloy naman na kami sa paglalakad.
"Tang*k hindi, kasama namin si Rhea. Niyaya kasi kami ni Mom ni Jack na doon matulog mamaya kaya naisipan nila Jack na bumili ng snacks for tonight." paliwanag ko. He just nodded in return. "At tsaka tropa lang kami ni Jack noh!" dagdag ko pa.
"Then why you're so defensive? I'm just asking," tanong niya pa. Bakit nga ba ako nagmukhang defensive? Siguro dahil I don't want the idea me and Jack dating to him. I don't know.
"Anong defensive, hindi ah."
"Whatever," he said. "Dahil postponed nanaman ulit ang ating celebration, gusto kong bumawi ka." dagdag niya pa.
"What?! Bakit ko naman kailangan bumawi sa'yo?"
"Because I said so, and that's your punishment for postponing our celebration," sabi niya sabay pitik sa noo ko. WTH?!
Maraming nakakita sa ginawa niya kasi malapit na kami sa gate. Kanina pa nga ako may naririnig na tumitili eh, ang iba naman ay sinasamaan ako ng tingin at ang iba naman ay parang kinikilig pa sa amin dahil nga raw totoo ang rumor na 'couples' kami. Maraming nagsasabing bagay kami at marami rin ang mga negative comments. Wow ha, we're the campus talk.
Nasa gate na kami at agad ko namang nakita sina Jack at Rhea na nakasandal sa kotse. Mukhang naka-recover na si Rhea ah? Agad naman akong pumunta sa kanilang dalawa and did our pambati with each other. Nagtaka naman ako kung bakit nasa tabi ko pa rin si Loki.
"Oh bakit nandito ka pa? Hindi ka ba uuwi?" takang tanong ko sa kaniya. He just smiled at me in return at bahagyang ginulo ang buhok ko bago umalis.
"Aaaaack para talaga kayong magjowa Gab! Alam mo ba habang naglalakad kayo papunta rito kanina kinikilig ako sa inyo!! Actually hindi lang ako, marami kami." agad na sabi ni Rhea pagkaalis na pagkaalis ni Loki na hinampas-hampas pa ako sa balikat.
"Mukhang ayos kana ulit ah? Jack, patahimikin mo kaya 'to ulit?" pagbibiro ko pa. Agad namang nanlaki ang mga mata ni Rhea sa sinabi kong iyon na ikinatawa naman namin ni Jack.
"Naiinggit ka ba sa kanila, Rhea? We can mak-" hindi na natapos pa ang sasabihin ni Jack ng biglang magmadaling pumasok si Rhea sa kotse, natatawang sumunod naman kami sa kaniya.
Nandito na kami ngayon sa Mall. Nabili na namin ang lahat para mamayang gabi at may oras pa kaming natitira kaya we dicided to enjoy our remaining hours. Nanood kami ng sine, naglaro, nag-spa, at nagsusukat ng mga damit kahit na hindi naman kami bibili. Natapos kami mga around 5:30 na ng hapon kaya nagkayayaan na kaming umuwi at magpaalam sa mga magulang namin at kumuha ng gamit para mamaya at bukas.
Nadaanan namin ang National Book Store habang papalabas kami kaya nagpaalam ako sa kanilang may bibilhin lang ako saglit na libro at mauna na sila sa kotse, gusto pa nga sana nila akong samahan eh pero kininditan ko lang sila na ikinamula naman ni Rhea sinabihan pa nga niya akong 'I hate you' eh. Ubos na ang mga librong binabasa ko kaya gusto ko sanang bumili ng bago.
Wala akong mahanap na magandang basahin na libro dahil halos nabasa ko na lahat ng nandito pero kahit ganon nagpatuloy pa rin ako sa paghahanap. Ayun! Sa wakas nakakita na rin ako ng magandang babasahin kaso nga lang nasa itaas ito at hindi ko maabot, hindi ako pandak ha sadyang mataas lang talaga ang pinaglagyan ng libro. Lumingon-lingon ako sa paligid nagbabakasaling makahanap ako ng hagdan pero bigo kasi wala akong nakita. No choice, tinalon-talon ko ito pero hindi ko talaga maabot! Ano ba yan, baka naiinip na kakahintay sina Jack doon sa kotse.
"Is this the one that you want?" nagulat ako sa boses na narinig ko sa aking likuran, ang lalim ng boses niya!! Paglingon ko bumungad sa akin ang gwapong nilalang na matangkad, at ang lapit niya sa akin! Napasandal ako sa bookshelves dahil nga malapit siya sa akin. Ang posisyon namin ngayon ay bale nakasandal ako sa bookshelves kaharap ang gwapong nilalang na 'to na bahagyang nakayuko sa akin habang hawak ng isang kamay niya ang librong inaabot ko kanina. Tila nawalan ako ng boses ng matitigan ko siya, familliar ang mukha niya sa'kin hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.
"Miss?" pagtatawag pansin niya sa akin na ikinabalik ko sa ulirat.
"A-ah oo," nauutal na sabi ko. Natawa naman siya sa naging tugon ko. Kinuha niya ang librong inaabot ko while staring at me, nag-iwas ako ng tingin, nakakailang.
"Here," sabay abot ng librong gusto ko. Agad naman akong nagpasalamat sa kaniya at pumunta pa sa ibang bookshelves, baka sakaling may makita pa akong magugustuhan ko. Hindi ko na siya nilingon kahit ramdam ko na sinusundan niya ako ng tingin.
Nagpatuloy na ako sa paghahanap pa ng libro at winaglit sa isipan ko ang gwapong familliar na lalaki na yon sa isipan ko. Papunta na sana ako sa counter upang magbayad ngunit may nakabanggaan ako kaya nahulog ang mga napili kong libro sa sahig.
"Sorry," sabay naming sabi sa isa't isa. Hindi ko na siya tinignan pa at pinulot ang mga nahulog kong libro napansin ko namang tinulungan niya ako sa pagpupulot, gentlemen huh. Nang isang libro nalang ang nasa sahig ay sabay namin iyong nahawakan kaya aksidenteng nagkahawakan din ang aming mga kamay, nagugulat naman akong napataas ng tingin sa kaniya at mas lalo akong nagulat ng makita kung sino siya. Yung lalaking tumulong sa'kin kanina ang nagkabangaan ko, nakatitig rin siya sa akin. Dali-dali ko namang hinablot ang libro sa kaniya at tumayo.
"You really likes fantasy huh?" anang niya habang nakatingin sa libro kong napulot niya sabay abot sa'kin. Familliar talaga siya sa'kin at ang eksenang 'to eh.
"Yeah, and again sorry at salamat" sabi ko at tumuloy na sa counter at nagbayad. Wala na akong time para magpakilala sa kaniya at tanungin kung bakit siya familliar sa' kin, baka naiinip na sina Jack kakahintay sa'kin.
"Ang tagal mo naman," bungad sa'kin ni Rhea pagkapasok na pagkapasok ko sa kotse, she look so pissed I wonder kung ano nanaman ang ginawa sa kaniya ni Jack.
"Sorry, nahirapan kasi ako maghanap ng libro eh." sabi ko with apologetic face. Napa-sigh naman sila at hindi na kumibo pa.
Tahimik lang kami sa buong biyahe pero bago kami pumunta kina Jack ay huminto muna kami sa amin upang magpaalam, pinayagan naman ako ni Papa dahil may tiwala naman siya kay Jack at Rhea. Bago kami umalis ng bahay ay ibinilin ko si Frickle kay Papa. Wala pa si Ate sa bahay kanina pagdating namin. Ganoon na rin kay Rhea, ipinagpaalam namin siya at tulad ko pinayagan din siya.
Naging masaya ang aming ginawang pag-sleep over kina Jack. Marami kaming ginawa together with his family, we play some games, we watched movies at bago kami natulog ay nagtakutan muna kami by saying a story about ghosts. Hindi kasi kami pwedeng magpuyat kaya maaga kaming matutulog ngayon kasi may pasok pa bukas.
Nandito na kami ngayon ni Rhea sa kwarto namin. Yes, kwarto namin. Dahil nga raw part na kami ng family nila ay prinovide nila kami ng sarili naming kwarto rito sa bahay nila even though magkasama kami sa iisang kwarto ni Rhea, but it's okay. Tulog na tulog na si Rhea sa kama niya habang ako ito nakatulala lang sa kisame.
Binabagabag pa rin ako ng lalaki kanina sa bookstore. Actually kanina pa talaga siya hindi mawala sa isipan ko, nawala lang ng magkasiyahan kami kanina. Familliar talaga siya eh, pero sigurado akong first meeting namin yun kanina. At iyong eksenang yon parang nangyari na eh, kailan ba? Isipin mong mabuti Gab para makatulog kana!!
Isip
Isip
Isip
...
Naalala ko na! Siya 'yong lalaking nasa imagination ko! Kaya pala parang alam ko ang eksenang iyon kanina sa bookstore kasi ayon yung napili kong eksenang mangyayari sa amin ng lalaking 'yon, at kung hindi ako nagkakamali pinangalanan ko siyang Travis non.
Pero hindi, imposibleng mangyari 'yon!! Hindi siya 'yon!! It can't be real, right? It can't.