Chaoter 8: JEALOUS?

2850 Words
Gab's POV 'Argh mali, dapat tinanong niya muna ako kung aling libro ang inaabot ko o kaya nagkabanggaan nalang kami tapos nahulog yung librong dala ko pero dahil gentleman siya sabay naming pupulutin iyon tapos magkahawakan kami ng kamay at magkatitigan. Aish.' pagalit na sabi ko sa aking sarili. Paano ba naman kasi di ako kuntento sa iniimagine ko, parang hindi romantic eh. Ulitin ko nalang kaya? Aish ulit nanam- Hindi nga pala naituloy ang pag-imagine ko non kasi ginising ako ni Ate. Wala rin naman akong ginagawa ngayon, ngayon ko nalang itutuloy yon. At aha what if gawin nalang nating tutulungan niya ako sa pag-abot ng libro tapos pagpupunta na ako sa counter ay magkakabanggaan kami. Romantic enough, isn't it? __ Nandito na ako ngayon sa room, at hindi pa rin mawala sa isip ko yung lalaki kahapon. At oo, itinuloy ko 'yong ginawa kong imagination sa aking isipan noong bored na bored ako sa isang subject namin. Mangilan-ngilan pa lang ang tao ngayon dito sa room kasi maaga pa naman. Hindi ako late ngayon kasi kasabay ko sina Jack. Nakaupo lamang ako sa upuan ko habang malalim na nag-iisip. Habang yung mga kaklase ko naman ay kaniya-kaniyang mundo, just like a typical students does. May ibang naglalagay ng kolorete sa mukha, yung iba naman naghaharutan at nagkukulitan. Buti pa sila mukhang walang problema. Naramdaman kong parang may nakatitig sa akin kaya inilibot ko ang paningin ko sa classroom. Its one of my girl classmates, I think her name is Jenny. Nginitian niya ako nang mapansin niyang nakatingin na ako sa kaniya at nginitian ko naman ito pabalik. Si Jenny yung klase ng tao na matahimikin at sa palagay ko naman mabait, maganda rin siya at marami ring nanliligaw sa kaniya pero wala siyang sinasagot kasi busy siya sa pag-aaral, grade conscious kasi siya. Malapit ng magsimula ang klase kaya nagdagsaan na ang aking mga kaklase except kay Loki, absent ba siya ngayon? Nagkibit balikat nalang ako, bakit ko nga ba siya iniisip? Tama nga talaga ang sabi nila 'Speak of the devil and he shall come' dahil maya-maya lang ay nakita kong nasa pintuan na pala si Loki at nasa likod niya si Sir Gray. Pagkapasok na pagkapasok ni Loki ay nagtagpo agad ang aming mga paningin, that made my heart skipped a beat. Inaayos niya ang kaniyang mahahabang buhok habang nakatingin at papunta sa akin, bakit ang gwapo niya habang ginagawa yon? Hanggang sa makaupo siya na hindi man lang pinutol ang aming pagtitigan. "Good morning, students." bati ni Sir at binati rin naman namin siya pabalik. "I have announcement to make, so alam kong alam niyo na may nangyaring meeting kahapon and the headmaster announced that next week will be a examination day. Yes, naging maaga ang examination than we expected because there will be an interhigh at tayo ang host this year." dagdag ni Sir. Nagsigawan naman sa tuwa ang mga kaklase ko dahil makakakita na raw sila ulit ng pogi, makakasama raw nila ang kanilang mga jowang tiga ibang school at syempre dahil walang klase non. "Quiet everyone!" pagpapatahimik ni Sir sa mga kaklase kong nagsisigawan. "Okay let's go back to our topic. Next month na magsisimula ang interhigh kaya we don't have much time. So we only have three days left to review. Hindi ako magkaklase ngayon but magbibigay ako ng pointers para sa ir-review ninyo." pagkatapos sabihin yon ni Sir ay nagsimula na siyang magsulat sa whiteboard ng aming magiging pointers para sa prelims at exam, pagkatapos non ay umalis na kaagad siya at ang natitirang oras daw namin ay gamitin ito sa pagreview. Ibinilin niya kami sa class president namin kaya wala kaming nagawa kundi magreview. Takot nalang namin kay Mr. President. Nakakatakot kasi itong magalit kaya napapasunod niya ang lahat at kaya rin siya naging Presidente dahil sa authority na meron siya. And he's also part of our school officers. Habang nagrereview ako ay nagt-take down notes din ako sa mga mahahalagang bagay katulad nalang ng mga formula's. Pre-calculus kasi ang subject namin kay Sir kaya todo review talaga ako sa formula. Hindi naman ako nahihirapan sa pagrereview, sa katunayan nga ay nag-eenjoy ako. Basta may kinalaman talaga sa math ay nag-eenjoy ako. Nagtaka naman ako ng mapansin kong hindi nagrereview si Loki at relax na relax lang na nakatingin sa akin. Nagtaka naman ako kaya tinanong ko siya, "Bakit?" "Nothing," aniya na nakatingin pa rin sa akin. Hindi ba siya magrereview? "Hindi ka ba magrereview?" takang tanong ko. "Nah, it's too early for that." sagot niya na parang wala lang sa kaniya na may nalalapit na na exam. "And look at our classmates, halos ikaw pa lang ang nagrereview." dagdag niya pa. Napalingon naman ako sa aming mga kaklase at tama nga siya, dahil ang iba ay pasimpleng nagbabatuhan ng mga papel at nagkukulitan nang hindi napapansin ni Mr. President, pero meron din namang iba na nagrereview pero mangilan-ngilan nga lang. "Eh ano naman? Di porket hindi nagrereview ang iba ay hindi ka na rin magrereview?" tanong ko. Edi bahala siya kung ayaw niya magreview, buhay niya yan. "It's not that, and besides hindi ko naman na kailangan magreview" he said. Yabang, pero sabagay matalino naman siya. Hindi sa hindi ako matalino ha, I just can't afford to get lower grades kasi mapapagalitan ako ni Ate kapag may grades akong bababa sa 95. "Whatever," nasabi ko nalang at nagpatuloy na sa pagrereview. Maya-maya lang ay nagring na ang bell, it means break time na. Dali ddali ko namang niligpit ang aking gamit at tumayo na para pumunta ng cafeteria. "Hey Gab," napatigil naman ako sa paglalakad nang may tumawag sa'kin. "Bakit?" tanong ko. "Huwag mong kakalimutan na bumawi sa'kin mamaya," yun lang at naglakad na siya palabas. Sh*t, oo nga pala kailangan ko pa palang bumawi sa kaniya. Saan ko naman kaya siya dadalhin mamaya? Mamaya ko na nga lang popobremalahin yon, mamaya pa namang hapon yon eh. Pagkapasok na pagkapasok ko sa cafeteria agad kong nakita sina Rhea na nakaupo na sa usual table namin, agad naman akong kinawayan ni Rhea at kinawayan ko rin naman siya pabalik. Bumili muna ako ng pagkain bago tumungo sa kanila at nakipagbeso at fist bump. "Sinabi na rin ba sa inyo yung announcement Gab?" bungad na tanong ni Rhea sa'kin. "Oo, kaya nga baka magiging busy nanaman ako sa mga susunod na araw eh, alam niyo naman si Ate." sabi ko. "Hindi yun! Yung interhigh ang tinutukoy ko," sabi niya. Akala ko naman yung exam. "Ah oo, bakit?" "Anong bakit? Magiging busy nanaman kaya kayo ni Jack sa pagp-practice! Maiiwan nanaman akong mag-isa," sabi niya nang naka-pout. Sus, ang Rhea namin nagtatampo. "Ulyanin ka talaga, Rhea. Did you forget? Gab said last year that she wouldn't join this year," sabat naman ni Jack at kinurot ang pisnge ni Rhea. Tama si Jack, sinabi ko talaga yun last year. "Huh?! Bakit?! Last year na natin ngayon tsaka ka pa hindi sasali," gulat na sabi ni Rhea. "Yun na nga, last year na natin ngayon kaya hindi ako sasali. I want to enjoy our last year here and syempre magf-focus ako sa pag-aaral." paliwanag ko. "Matutuwa ba ako dahil hindi ako maiiwan mag-isa o malulungkot dahil hindi na kita mapapanood maglaro?" sabi ni Rhea na parang litong-lito. Napailing nalang ako sa kaniya. "Kumain ka na nga lang," sabi ko pa at sinunod din naman niya. Nagpatuloy naman na kami sa pagkain. Hanggang sa matapos na kaming kumain at bumalik sa kaniya-kaniyang klase. Pati sa mga sumunod naming klase ay binigyan lamang kami ng pointers para sa prelims at exam at pinareview kami. Ganoon lamang ang nangyari sa buong maghapon. Bukas na raw sila magrereview sa amin kaya binigyan lamang nila kami ng pointers. Uwian na at ito ako kasama si Loking naglalakad papuntang parking lot. Tinext ko na rin sina Jack na hindi ako makakasabay sa kanila pauwi kaya pinauna ko na sila. Habang naglalakad kami ay hindi na talaga maiwasan na pagchismisan at pagtinginan kami na binalewala lang namin. Nang makarating kami sa kotse niya ay nauna na kaagad siyang pumasok sa driver seat na hindi man lang ako pinagbuksan. Well, ano pa bang maaasahan ko? Arogante nga pala siya at UNGENTLEMAN. "So, where are we going?" kaagad na tanong niya pagkapasok ko sa passengers seat. "Just drive at ituturo ko nalang kung saan tayo pupunta," sagot ko. Kahit na nagtataka ay sinunod niya naman ako. "Kumaliwa ka diyan," pagtuturo ko sa daan. Taka niya naman akong nilingon sabag sabing, "What is kaliwa?" Halos mapa-face palm ako sa tinuran niya. "Seriously hindi mo alam? Its right," natatawang sabi ko. Sinamaan niya naman ako nang tingin ng mapansin niyang natatawa ako. Hanggang sa makarating kami sa turu-turuan. Yep, dito ko siya dinala sa turu-turuan. Kanina ko nga rin lang naisip na dito siya dalhin pambawi, bigla kasi akong nagcrave ng street foods kaya dito ko siya naisipang dalhin. Mukhang hindi pa naman yata siya nakakatikim nito kaya gusto kong ipatikim ito sa kaniya. "What the hell? Ano 'to?" tanong niya. "Turu-turuan! Dito mo matitikman ang iba't ibang klase ng street foods! I bet hindi ka pa nakakatikim non kaya dito kita dinala, tara" paliwanag ko at akmang lalabas na ng kotse. "No way, sa iba nalang tayo" pagpoprotesta niya pa. Sinamaan ko naman siya ng tingin, "Diba sabi mo kailangan ko bumawi? Kaya ito na, dito ako babawi" sabi ko at tuluyan ng lumabas. Wala naman siyang nagawa at lumabas na rin. "Yeah I did said that but this is not what I expected!" hanggang sa paglabas niya ba naman nagmamaktol pa rin siya. "Huwag ka ngang maarte, masasarap mga pagkain dito no!" sabi ko at hinila siya sa isa sa mga nagtitinda. Loki's POV Hindi na ako nakapagprotesta pa ng bigla niya akong hilahin sa isa sa mga nagtitinda. I tried to get my hands off of her but she's just too strong! Babae ba talaga siya? Kumuha siya ng stick at nagtusok nang kung ano anong mga bilog na hindi ko alam kung anong tawag sa mga iyon at isinawsaw sa mga kung anong sawsawan na meron dito at itinutok sa labi ko na parang gusto niya yatang kainin ko ang mga 'yon. "What are you doing?" I asked her. "Sinusubuan ka" "I will not eat that" "You will eat this" "No, I am not eating that" final na sabi ko. Bigla naman siyang ngumisi sa akin na tila may kalokohan na naisip. Uh oh, I don't like that smile. "Nah-uh, makakain mo 'to." "How can yo-" I didn't finish my word when she suddenly put the food inside my mouth! What the hell! "See? Told yah," sabi niya at kinindatan pa ako sabay subo rin niya ng pagkain. Sinamaan ko naman siya ng tingin na dahilan na tumawa siya. "1-1," she said while laughing. Napatigil naman ako sa pagnguya at tila naging slowmo ang paligid at siya lang ang nakikita ko, she's so pretty when she laughs. Damn. "Hoy!" sigaw niya dahilan na bumalik ako sa ulirat. "Huh?" lutang na sagot ko. "Ang sabi ko masarap ba?" tanong niya. I continued eating and I can say that it's delicious, very very delicious. But I will not admitting that to her! "S-sakto lang," hindi makatinging sabi ko sa kaniya. Ginaya ko naman yung ginawa niya kanina at nagtusok din at sinawsaw muna bago kinain. "Sus, if I know sarap na sarap ka na" sabi niya. Hindi ko naman siya sinagot at nagpatuloy lang sa pagtusok at pagkain. Nakakarami na rin ako ng kain yet I still didn't know what it called. Mukhang babalik-balikan ko 'to ah. I turned to Gab para sana tanungin siya kung anong tawag dito, just to saw that she's eating it all at once. I think mga apat din yung kinain niya ng sabay kaya nagmumukha tuloy siopao ang kaniyang mga pisnge. Napatawa naman ako sa ka-cutan niya at hindi napigilang pisilin ang kaniyang mga pisnge. Dahilan na samaan niya ako ng tingin pero imbes na matakot mas lalo lang akong natawa kasi mas lalo siyang naging cute sa ginawa niya. Imagine, a small girl with a chubby face and her two eyebrows were fighting? Hahaha, how cute. Kumain lamang kami nang kumain ng iba't ibang pagkaing itinitinda rito, halos lahat na yata natikman na namin. At bawat tikim namin non ay itinatanong ko sa kaniya kung anong tawag ng mga yon, fishball, kikiam, kwek-kwek, tokneneng, isaw at marami pang iba na nakalimutan ko na ang pangalan. We didn't notice the time and we can already saw the sunset from here. Masyado kaming na-enjoy sa pagkain, at dahil na rin sa kakulitan niyang ngayon ko lamang nakita. Ganito ba talaga siya kapag maraming pagkain? Nagiging makulit? Or personality niya lang talaga ito na hindi niya inilalabas. But I admit ,nag-eenjoy ako kapag kasama siya. We decided na umupo na muna upang magpahinga, kitang-kita mula rito sa inupuan namin ang sunset. Tahimik lamang naming pinanood ang sunset, napatingin naman ako sa kaniya at bahagya siyang nakangiti habang nakatingin sa sunset. "Beautiful," hindi ko namalayang nasabi ko 'yon nang malakas. "Huh?" she innocently asked. F*ck. "The sunset is beautiful," I said then turned into the sunset. Hindi naman na siya sumagot, hays muntik na. "Pogi ka pala?" biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya na sana pala hindi ko nalang ginawa, her face is so close to mine! Pareho naman kaming nagulat dahil don kaya sabay din kaming napalayo sa isa't isa. What was she thinking? "S-sorry," sabay naming sabi kaya nagkatinginan kami at napatawa nalang. "Do you want to go home na? Malapit ng gumabi," I said. "Nah, hindi pa nga natin natitikman lahat ng paninda rito." she answered. Nagtaka naman ako, natikman na namin lahat ah? "Huh? Natikman na natin lahat ah," "Nope, tumingin ka don" sabi niya at may itinuro. Nagtataka man ay tiningnan ko 'yon at barbecue-han ba 'yon? I'm not sure because they're just setting up things. "Barbecue?" "Oo, twing malapit na gumabi tsaka pa lamang sila nag-oopen kaya hindi mo yan napansin kanina" paliwanag niya. "Tara, mukhang tapos naman na silang magset-up" sabi pa niya at hinila ako. Bigla akong napatingin sa magkahawak naming kamay, we look like a walking while holding-hands. Then an idea came up to me, I intertwined our fingers. Napatingin naman siya sa'kin. "What?" I asked, innocently. "Uy Gab, ikaw na ba yan iha?" tanong ng may-ari ng barbecue-han. Hindi ko man lang napansin na nasa tapat na pala kami ng barbecue-han. Dahil don ay hindi na nakasagot sa tanong ko si Gab. "Oho Aling Marie, hinintay ko nga po talagang bumukas ka eh." Gab answered. "Naku, akala ko talaga hindi kana babalik dito eh. Siya nga pala sino yang kasama mo? Boyfriend mo?" baling ni Ale sa'kin ng mapansin niyang magkahawak kamay kami ni Gab. Napangiti naman ako nang pilit bawiin ni Gab ang kaniyang kamay. "Yes, I'm his boyfriend. Nice to meet you po," inunahan ko na si Gab sumagot. "Naku ke-gwapo gwapo mo namang bata, bagay na bagay kayo." sabi ni Ale. Susubukan pa sanang magsalita ni Gab pero hindi na siya hinayaan pa ni Ale. "Oh maupo muna kayo doon, ako ng bahala sa order niyo alam ko naman kung anong gusto ni Gab eh, dodoblehin ko nalang para magkasya sa inyo." dagdag pa niya. Pumunta naman kami kaagad ni Gab sa napili naming upuan para maghintay. Pinili namin iyong wala masyadong katabi kasi nagsisimula nang magdagsaan ang mga tao. Mukhang mabenta tong barbecue-han nila Ale ah? Kaagad namang binawi ni Gab ang kaniyang kamay na pinagbigyan ko rin naman. "Bakit mo naman sinabi 'yon?" pagalit na tanong niya sa'kin. "Ang alin?" inosenteng sabi ko. "Huwag ka ngang magpa-inosente diyan, alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko." "Ah, na boyfriend mo ako? Bakit ba nagagalit ka pa eh, there are rumors nga sa school na girlfriend kita." "Iba 'to ngayon, paano kung masabi niya kay Ate na boyfriend kita kahit hindi naman?" "So? Edi totohanin natin," sabi ko na dahilan na ikinatahimik niya sabay iwas nang tingin. I'm not serious with what I said okay, I'm just teasing her. I like it when she's pissed off. Matagal siyang natahimik habang nakatingin lamang sa malayo. Napatingin naman ako sa tinitignan niya kasi naging seryoso ang mukha niya habang nakatingin doon, and I got curious. Pagtingin ko sa tinitingnan niya ay I saw a boy eating ice cream while sitting at the bench peacefully. I must admit that the guy has looks and his physical appearance can stunned you like Gab does. She's stunned by looking at that guy. And then the guy looked at her back, they're now looking at each other. And I don't know why but I got pissed, why she's looking like that to that guy? Does she likes that guy? Tsk, I'm more handsome than him! Then, I just have a feeling to punch that guy. I don't want Gab to looked at other boys. Wait, why did I comparing myself to that guy? And why I got pissed off when Gab just looking at him? Am i jealous?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD