Gab's POV
"Hoy, anong date pinagsasabi mo diyan. Hindi 'yon date noh!" defensive na sagot ko. Natawa naman siya sa aking sinabi dahilan na mapatulala ako sa kaniya. Ngayon ko lang siyang nakitang tumawa.
"Its called date, Gab." saad niya. Ngayon niya lang ako tinawag sa pangalan ko. Bakit parang ang ganda pakinggan ng pangalan ko pag sa kaniya galing?
"Hindi nga! Tsaka bumili lang tayo para sa punishment natin, hindi 'yon date. Hindi." pangdedepensa ko pa.
"Ano bang matatawag mo sa dalawang tao, one boy and one girl, going out? Diba, its called date."paliwanag niya. May point siya, pero hindi nga kasi 'yon date! "Unless, hindi mo pa naranasang makipagdate?" buyo niya pa sa akin.
"Hindi ah! Marami na kaya akong naka-date." Sa imagination nga lang. Sabi ko pero syempre hindi ko dinagdag yung panghuli.
"Really? Ni hindi mo nga alam what date means eh." pang-aasar niya pa.
"Whatever. Basta hindi date tawag don. Bababa na 'ko, sinasayang mo lang oras ko eh." ani ko. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng pinigilan niya ang kamay ko.
"Wait! Uh sa'yo na 'tong teddy bear na napanalunan ko." saad niya sabay kuha ng teddy bear sa backseat. "Consider it as my gift for our first date." dagdag pa niya. Argh! Ilang beses ko bang sabihin na hindi nga date yun?!
"Sinabi nang hindi nga date yun eh! Pero thanks na rin sa Teddy bear hihi." sabi ko. Aba, hindi ko tatanggihan ang teddy bear na bigay niya noh. Ang cute kaya, kyaaah ang sarap siguro nito yakapin pag natutulog. Human size kasi ang teddy bear na napanalunan niya.
"You're welcome. Sunduin ulit kita bukas, and don't be late. 1:00 pm." dagdag pa niya. Speaking of sunduin, napatingin ako sa relo ko and 5:54 na! Patay.
Nagpaaalam muna ako sa kaniya bago dali-daling bumaba. Naku lagot. I have 6 minutes nalang para maghanda!
Rhea's POV
"Buti naman nakarating kayo iha, oh kain pa kayo" bati sa amin ng mama ni Jack. Andito na kami ngayon sa bahay nila. Ang bongga ng welcome party. Nakasuot si Jack ng Americana suit na mas ikinagwapo niya lalo, nagmumukha na tuloy siyang CEO sa isang kumpanya. Ako naman ay naka black dress na inilalantad ang aking likuran at mga paa, ganto talaga ako magdamit, gusto ko kasing ma-impress yung kapatid ni Jack, WAAAH makikita ko na din siya ulit!! At si Gab naman, simple lang ang suot. Naka blue dress siya na above the knee na fit na fit sa akin kaya kitang-kita ang kurba ng katawan niya.
"Welcome home ulit tita. Namiss ho namin kayo. Mag-sstay na po ba kayo rito for good?" tanong ni Gab.
"I missed you too iha. And about that, yes. Dito na muna kami hanggang sa maka-graduate kayo." aniya ni tita. Buti naman para hindi na mag-isa rito si Jack sa bahay nila.
"Wow, talaga po tita?" Ako naman ang sumagot. Tumango naman si tita. "Ah nga pala po, asan po si Justin?" dagdag ko pa. Si Justin ay iyong nakakabatang kapatid ni Jack. Oh diba, pangalan palang gwapo na.
"Nandoon sa kwarto niya nagpapahinga." sagot ni tita. "Oh siya, maiwan ko muna kayo ah. Jack iho, ikaw nang bahala sa kanila." sabi ni tita bago alis.
Ay, nagpapahinga siya? Paano ko siya makikita niyan? Uwahh, pasukin ko nalang kaya ang kwarto niya?
"Yes mom." sagot ni Jack. Nang kami nalang tatlo ang natira sa table agad kaming tumingin kay Gab, yung may pangdududang tingin.
"What?" hindi na siya nakatiis at nagtanong na rin.
"Bakit ka na-late kanina?" pang-uusisa ko sa kaniya na sinabayan ko pa ng pagtaas-baba ng kilay.
"As i said, nakatulog ako." ulit nanaman niya sa isinagot niya sa amin kanina ni Jack.
"You know you're not a good liar, Gab." Si Jack naman ang nagsalita. Oo nga naman, si Gab ata ang pinaka honest sa amin. Naalala ko pa nga pag ipinupuslit namin siya sa kanilang bahay para ayain lumabas at magsinungaling sa pamilya niya hindi niya magawa. Ganyan kabait ang kaibigan namin.
"Fine. Galing kami sa mall ni Mr. Arogante kanina." pag-aamin niya. O TO THE M TO THE G!!! SERYOSOOOO?!
"What? Nag date kayong dalawa ni pogi?!" gulantang na sabi ko. Yup, pogi. Pogi naman kasi talaga siya eh. Kung hindi lang talaga dahil kay Gab crush ko na rin yun eh, kaso nga lang kay Gab na siya. De bale, may Justin pa naman ako.
"Hindi kami nag-date!! Diba nasabi ko naman sa inyo na binigyan kami ng punishment, yun lang yun." pangdedepensa niya sa sarili.
"Still. Nagmall kayo ng kayong dalawa lang, parang nagdate na rin kayo." Jack said.
"Hindi nga kasi yun date! Bumili lang kami ng mga gagamitin para sa gagawin naming punishment." saad niya.
"Bumili kayo ng gagamitin niyo para sa punishment niyo ng ganon katagal? Hindi ako naniniwala, may iba pa kayong ginawa eh." sabi ko naman.
"M-meron nga. Nag-arcades kami."
"Did you have fun?" Jack.
"Oo naman."
"Then it's called date!" ako.
"Hindi nga!" Gab. Pulang-pula na ngayon ang mukha ni Gab. Bakit kasi ayaw niyang aminin na nagdate sila ni Pogi? Kyah, ang swerte naman ni Gab nakadate niya si Pogi! At hindi lang iyon, first date niya si pogi!! Kyahh.
"CHEERS! PARA KAY GAB NA MAY FIRST DATE NIYA!" sigaw ko sabay cheers sa kani-kanilang baso. Asar na asar naman si Gab. Ang cute talaga ni Gab pag namumula hahaha!
Ganiyan lang ang nangyari sa party. Nag-celebrate kami para sa first day ni Gab, at si Gab naman asar na asar. She keep denying na nagdate sila ni Pogi. Hanggang sa natapos nalang ang party nang hindi ko man lang nasisilayan si Justin. Kakasad. De bale mag-aaya nalanh ako na mag-sleep over kami rito para makasama ko pang matulog si Justin. Oh diba ang talino ko?!
Gab's POV
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw. Aray, ang sakit ng ulo ko. May hangover pa ata ako ah, anong oras na ba? Agad kong kinapa ang phone ko sa bedside table ko at 12 noon na?! Bakit hindi man lang ako ginising ni ate may pupuntahan pa ako ngayon!! Dali dali akong nagpunta ng banyo at naligo kahit masakit pa ang ulo ko, iinom nalang siguro ako ng gamot mamaya.
"Good afternoon, Pa, Ate." bati ko kina papa pagkababa ko.
"Oh? May lakad ka?" tanong ni ate. Patay, paano na 'to?
"Ah oo, ate. Hindi pa kasi namin natatapos yung project na ginagawa namin kahapon." pagdadahilan ko. Kumagat ka please.
"Hindi pa rin natatapos yun? Eh gabi kana nga umuwi kahapon?" tanong ni ate na may pagdududa.
"Ano ka ba naman George, hayaan mo na. Kain ka muna anak para makainom kana rin ng gamot para sa hangover mo." singit ni papa na kinindatan pa ako. Savior talaga kita Pa!
"Pero Papa! Baka nakikipagdate lang yan si Gab!" kontra ni ate. Uh, what's with the date?!
"Georgia naman, hindi na bata 'tong kapatid mo. Magc-college na nga yan next year eh. Hayaan mo naman siyang mag-enjoy pa minsan minsan." pagtatanggol sa akin ni papa. Ganiyan talaga si ate sa akin napaka over protective.
"Ate, hindi ako nakikipagdate. Project lang talaga, promise." sabi ko kay ate na ikipanatag ng loob niya. Pagkatapos non nagpatuloy na ako sa pagkain at uminom ng gamot.
*DINGDONG DINGDONG
"Pa, Ate ayan na ata sundo ko. Mauna na ako." paalam ko at hinalikan sila isa-isa sa pisnge. Sinabihan naman nila akong mag-ingat at huwag gagawa ng masama.
"Good, you're not late." bungad niya sa akin. Oo nga no? Parang lately palagi akong late. Agad naman siyang nagtungo sa driver seat, hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto. Hindi lang siya arogante, ungentleman pa.
Nagsimula na kaming bumyahe at nagsisimula na namang sumakit ang ulo ko, hindi pa yata tumalab ang ininom kong gamot. Hinilot hilot ko ang ulo ko upang maibsan ang sakit. Pansin ko namang pasulyap-sulyap ng tingin sa akin si Mr. Arogante.
"Do you have headache?" hindi na niya napigilang magtanong.
"Hangover." maikling sagot ko.
"Hangover? Did you drink last night?" tanong nanaman niya.
"Oo" sagot ko.
"Did you drink medicine na ba?"
"Yup, mawawala na rin siguro to maya-maya."
"Okay, rest ka muna malayo pa naman." saad niya. Mabait naman pala siya. Kaya nagpahinga nga ako na di ko namalayang nakatulog na pala ako.
"Hey sleepyhead, wake up." sabi ng kung sino. Ang ingay naman niya kitang natutulog ang tao eh.
"Hey, wake up!" at doon na ako naalimpungatan ng mag raise na yung voice niya.
"Finally. Andito na tayo bumaba kana, siguro naman hindi na masakit ang ulo mo." sabi ni Mr. Arogante. Nasa labas na siya ngayon ng kotse at bukas na ang pinto sa tabi ko. Agad naman akong bumaba at napatingala sa bahay na nasa harapan ko, wow is this his house?! Ang laki, hindi na ata matatawag na bahay to, mansion na to eh!
Kahit na 2 storey lang tong bahay nila ang laki pa rin kasi may rooftop sila sa ibabaw.
"Oh anak, you're here na pala! Bakit hindi pa kayo pumasok?" sabi ng kakalabas lang ng ginang. Ang ganda niya, i think she's in 40's. Mama ba to ni Loki? She looks like a model. Agad naman kaming pumasok ni Loki sa mansion nila. Mansion talaga, napakalaki eh.
"Mom, ayos na po ba yong rooftop?" tanong ni Loki sa kaniyang ina, so I'm right mama niya nga ito.
"Yes son, everything is settled." sagot naman ng mama niya. Ano bang meron sa rooftop? "Son, introduce mo naman ako sa magandang kasama mo." dagdag pa ng mama ni Loki.
"Ah yes, Mom this is Gab, my classmate. And Gab this is my Mom." Sabi ni Loki.
"Pleasure to meet you, iha. You're so beautiful." baling sa akin ng mama ni Loki.
"Pleasures mine ho. Kayo din po napakaganda, model ho ba kayo?" sabi ko. Mukhang natuwa naman siya sa aking sinabi.
"May lahi ka bang manghuhula iha? You're right, I'm a model."
"Wala ho, pang-model lang po kasi talaga ang kagandahan niyo kaya ko nasabi."
"Okay stop the complimenting now Mom, we're going to the rooftop na." singit ni Loki. Ah sa rooftop pala kami gagawa.
"Ah son, baka hindi pa nanananghalian si Gab, kain na kaya muna kayo?" sabi ng mom niya. Should i call her tita?
"Ah hindi na po, kumain na po ako. Hindi rin po kasi ako papayagan nila papa umalis ng bahay ng hindi pa kumakain." sabi ko naman. Nagpaalam na kaming pupunta na kami sa rooftop ni Loki at dadalhan niya nalang daw kami mamaya ng meryenda. Pagkadating namin sa rooftop agad akong namangha sa nakita, ang ganda ng view. May nakalatag na foam sa sahig, unan at yubg pinamili namin kahapon, parang magp-picnic lang kami ah. Tsaka kahit na tanghaling tapat hindi masyadong mainit dito kasi sa ibang direksyon nakatungo ang araw. Tsaka kahit na umulan may parang roof sila na de-remote, ang gara.
"Magp-picnic ba tayo?" natatawang sabi ko sa kaniya.
"Tsk, sabi ko kay Mom linisin lang tong rooftop hindi gawing gsnito eh." hindi ko masiyadong narinig ang kaniyang sinabi kasi mahina lang ito, pero base sa expression niya he's annoyed.
Nagsimula na kaming gumawa ng aming punishment, malalaman niyo rin bukas kung ano ito. Nakakapagod, mga ilang oras na rin kasi kaming gumagawa pero mali ang nagagamit naming formula eh. Hindi naman nawala ang pagbabangayan namin ni Loki habang gumagawa, sinisisi namin ang isa't isa kung bakit kami pumapalpak. Napahiga nalang ako sa pagod, parang gusto ko nanamang matulog.
"Meryenda time!" pasok ng Mom ni Loki sa rooftop na may dala-dalang pagkain. Teka anong oras na ba? Napatingin ako sa relo ko at magf-four na pala. Ganon na kami katagal gumawa? Mag-ggabi na pero hindi pa namin natatapos ang project, pano na yan? T_T
"Oh magmeryenda muna kayo habang nagpapahinga, how's your project?" sabi ng mom ni Loki ng makalapit na siya sa amin. Agad naman akong umupo, nakakawalang respeto naman siguro kung nakahiga pa rin ako diba.
"Thanks po, ayun po hindi pa rin natatapos." sagot ko.
"Matatapos niyo rin yan, aja fighting!" pagpapalakas ng loob sa amin ng mom niya na sinabayan pa ng pagtaas ng kamay. "Oh siya maiwan na muna kayo, i have something to do pa eh." paapam niya.
Pagkaalis na pagkaalis ng Mom ni Loki agad akong bumaling sa kaniya. "Hoy, paano na yan? Magg-gabi na pero hindi pa rin natin nap-perfect to? Tas bukas na pasahan, paano na ya- uhm hmm" hindi ko natapos ang sinasabi ko kasi bigla niyang nilagyan ang aking bibig ng pagkain, napaka arogante talaga. Sinaamaan ko naman siya ng tingin.
"Ang ingay mo. Matatapos natin yan, don't worry."
sabi niya pero hindi pa rin napapanatag ang loob ko.
"Paano ka naman nakakasigurado ha?"
"I'm sure of it. Wala ka bang tiwala sa akin?"
"Wala."
"What the-" gulat na sabi niya. Natawa naman ako.
"Btw, kayo lang ba dalawa ng Mama mo rito?"
"Nah, i have a little brother."
"May kapatid ka pala? Nasaan siya? Hindi ko siya nakita kanina pagkarating natin dito."
"He's sleeping kanina in his room pagkarating natin."
"Ah, eh yung Papa mo?" dahil sa tanong kong iyon natahimik siya. May problema ba sila ng Dad niya?
"Let's get back to work." cold na sabi niya. Confirmed, may problema nga sila.
Tahimik kaming nagpatuloy sa paggawa, ang awkward. Bakit ko ba kasi natanong pa yun? Ang bobo mo talaga, Gab. Hanggang sa dumilim na pero hindi pa rin namin maperfect perfect tong inimbento namin.
"Suko na ko! Magpa punish nalang tayo ulit bukas." wika ko at napatingin sa kalangitan. Wow, ang daming stars. Na-star struck ako sa kalangitan, obsess kasi ako sa star. Lagi akong tumitingin sa langit twing gabi, masilayan ko lamang ang kagandahan ng kalawakan. Para kasing.. may magical na nangyayari dito twing gabi.
"Do you like star?"tanong niya, ramdam ko naman ang tingin niya sa akin.
"Nah, I'm obsess with it. Alam mo kasi ang ganda nilang panoorin twing gabi, nakakagaan ng loob."
sagot ko na nanatiling nasa langit ang tingin.
"Yeah, it's beautiful." sagot niya pero ramdam ko na nasa akin pa rin ang tingin niya. Agad naman akong napalingon sa kaniya sabay sabing "Huh?"
"The stars are beautiful" sabi niya sabay tingin sa kalangitan. Napatitig naman ako sa kaniya, ang gwapo niya. Ang kataasan ng buhok niya ay mas lalong nagpa gwapo sa kaniya. Agad akong yumuko at kunyaring kinuha ang isa sa mga inimbento namin (yung isa kasi hawak niya) ng bigla sitang lumingon sa akin. Muntik na kong mahuli don ah. Ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin kaya bumaling nalang ulit ako sa kalangitan. Agad nanlaki ang mga mata ko ng may dumaang wishing star.
"Nakita mo yon? May dumaang wishing star! Magwish tayo dali!" masayang baling ko sa kaniya.
"What? Naniniwala ka don?" sabi niya.
"Oo naman, edi kung ayaw mo ako nalang." sabi ko at agad agad na pumikit. Sabi nila ang dapat daw na iwish mo ay yung what makes you happy kaya yun ang hiniling ko.
"You're beautiful." sinabi niya yon na saktong ikinamulat ng mga mata ko kaya nagkatitigan kami. Ang lapit lapit ng mukha namin sa isa't isa. Nanatili kami sa ganong posisyon ng mga ilang minuto ng aksidente niyang hawakan yung isa sa mga inimbento namin at umilaw, pagkailang segundo umilaw din yung hawak hawak ko. Alam niyo ba kung ano ang nangyari?
It feels like something magical happened.