Chapter 3: DATE

2349 Words
Gab's POV "Hey, are you listening?" tanong ni Mr. Arogante pero hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagkain, bahala siya diyan. Naiinis ako sa kaniya, alam niyo kung bakit? Flashback "HAHAHAHA k-kung nakita mo HAHAHAHAHA l-lang sana si PFT HAHAHAHA-" natatawang kwento ni Jack. Nandito kami ngayon sa cafeteria, kakaupo pa lang namin nagsimula na kaagad magkwento si Jack. "Sige subukan mo lang ituloy 'yan, Jack. Nakikita mo ba 'to?" pagpipigil ni Rhea sa sasabihin ni Jack sabay pakita sa kaniyang kamao. Na-curios tuloy ako sa sasabihin ni Jack kasi mukhang tungkol ito kay Rhea. "Huwag ka matakot diyan, Jack. Ikwento mo na bili- ARAY!" naputol ang aking sinasabi ng biglang may humatak sa akin mula sa pagkakaupo. "Ano bang problema mo?!" galit na tanong ko sa humatak sa akin at mas lalo akong nagalit ng makita ko kung sino siya, si Mr. Arogante lang naman. "We need to talk." "Wala tayong dapat pag-usapan. At pwede ba, bitiwan mo ang kamay ko!" galit na sabi ko pero hindi siya nagpasindak dahil mas hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak sa akin. "Bro, chill. Anong kailangan mo sa kaibigan namin? Who are you, btw?" singit ni Jack. "I'm Loki, her boyfriend." pakilala niya. Tarantado talaga 'to! Panindigan ba naman ang sinabi niya kay Ma'am kahapon na magshota kami. "BOYFRIEND?!" gulat na sigaw nina Jack at Rhea. "Huwag kayo maniw- hmm uhm" hindi nanaman natapos ang sinasabi ko ng biglang takpan ni Loki ang aking bibig. "Yes, so if you excuse us." paalam niya. Hindi na nakaangal sina Jack at Rhea dahil tila nawala sila sa kanilang mga sarili. End of flashback "Aray!" nabalik ako sa ulirat ng may pumitik sa noo ko, syempre walang iba kundi si Mr. Arogante. "Kanina ka pa ah! Ano bang proble-" hindi ko nanaman naituloy ang gusto kong sabihin kasi bigla niyang sinalpakan ang aking bibig ng pagkain. Argh! "You're too loud. Can't you speak nicely?" tanong niya. Aba, eh siya nga kanina bigla bigla nalang nanghahatak! Inirapan ko lang naman ito kasi nga puno ng pagkain ang aking bibig. "So, as i was saying. Do you have any suggestions of what we will be iimbentuhin?" kibit-balikat lang naman ang isinagot ko sa kaniya na ikinainis niya. "Can you please be serious just this time?" "Eh sa wala akong mai-suggest eh" ani ko. "Atsaka kasalanan mo rin naman iyon kung bakit tayo binigyan ng punishment!" i added. "It's not my fault." "Yes, it is!" "No, it's not. Only if you didn't hit me with that stone yesterday, hindi ko sana sinabi kay Ma'am that we'd 'celebrated our anniversary chuchu'." "Ah so sinasabi mong ginawa mo lang iyon para makapaghigante ka sa akin?" tanong ko. I scoffed, "Childish." "Did you just called me childish?" "Yes, i did." "How dare you." nanggigigil na aniya. I just sticked my tounge out bilang tugon. Ang sarap niya talagang inisin. *KRINGG KRINGG KRINGG Biglang nagsitayuan ang lahat at isa na ako don. Aba, ayaw ko ng ma-late noh baka madagdagan nanaman ang punishment ko. Tinulungan naman akong magligpit ni Mr. Arogante sa aming pinagkainan. Ang sikip naman! Paano ba naman kasi nakipagsiksikan ako sa mga nagtatapon ng basura matapon lang itong basura namin. Biglang may tumulak sa akin kaya muntik na akong matumba buti nalang may sumalo sa akin sa pagkaka-out of balance. Nakahawak ako sa dibdib niya habang siya naman ay nakahawak sa aking bewang. I felt electricity when we touched. "Careful," bulong niya sa aking tenga. Tiningala ko ito at napamulagat dahil si Mr. Arogante pala ang nakasalo sa akin. Parang nag-slow motion ang lahat ng kami ay magkatitigan. Nanatili kaming magkayakap sa gitna ng maraming estudyante habang magkatitigan. We stayed in that position for like 5 minutes. Agad ko siyang tinulak nang humupa na ang mga estudyante, nakaramdam din kasi ako ng pagka-ilang. Tumikhim muna ako bago magsalita. "Tabi nga," tsaka ko siya itinulak nang bahagya. Agad hinanap ng mga mata ko sina Jack at Rhea, ngunit bigo ako. Nauna na yata silang lumabas. Lumabas na rin ako at nagtungo na papuntang room. "Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa akin?" biglang tanong niya na sinabayan na pala ako sa paglalakad. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Papasok na sana ako sa room ng bigla siyang humarang sa harapan ko. Ano nanaman bang kailangan niya?! "Ano?" tanong ko na sinabayan ko pa ng pagtaas ng kilay. "Magpasalamat ka sa akin." "Why would i?" "Because i saved you." "Kusa mo 'kong tinulungan kaya hindi kita kailangang pasalamatan." hindi ako makatingin sa kaniya habang nagsasalita, naiilang pa rin kasi talaga ako sa kaniya. "EHEEEM!" tikhim ng kung sino man sa aking likuran. "AT DITO PA TALAGA KAYO NAGSUYUAN SA HARAP KO!" naku lagot, si Ma'am. "PUMASOK NA KAYO!" dagdag pa niya. Agad naman kaming pumasok ni Mr. Arogante. Pahamak talaga iyang si Loki eh! Hindi bagay sa kaniya ang pangalan niya, magkaibang magkaiba sila ng Loki sa Norse Mythology! Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin nang makaupo na kami. At alam niyo ba kung anong tugon niya sa tingin ko? He smirks at me. Argh! Nakakainis talaga siya! Akala mo naman ikinagwapo niya ang pagngisi, nagmumukha kaya siyang demonyo! ** "Gab!" sigaw ni Rhea habang kumakaway sa akin. Kaya kinawayan ko din ito pabalik at sinalubong siya. "Oh, asan si Jack? Di ata kayo sabay ngayon?" bungad na tanong ko sa kanya. Nagtataka lang ako kung bakit hindi sila sabay ngayon kasi usually sabay naman sila lagi pag sinasalubong ako kasi sabay-sabay kaming umuuwi. "Nagpatulong sa kanya si prof na dalhin yung mga ginamit namin kanina sa office niya. Hintayin nalang daw natin siya sa waiting shed." sagot niya. Tumango nalang ako sa kanya bilang pagtugon at nagtungo na kami sa waiting shed. Habang hinihintay namin si Jack panay kwento naman si Rhea tungkol sa mga lalaki. Kung hindi niyo kasi naitatanong, mahilig sa lalaki itong si Rhea. Nagpaalam muna ako kay Rhea at sinabing may bibilhin lang ako sandali. Tumawid ako papuntang kabila ng kalsada kasi nasa harapan lang naman ng waiting shed namin ang tindahang bibilhan ko. And suddenly a thought appear in my mind, what if may muntik na makasagasa sa akin habang tumatawid sa daan? Tapos yung nagd-drive pala non ay isang mafia son! Syempre lalabas siya ng kaniyang kotse tapos hihingi ng tawad sa akin pero nung nakita niya ako, na love at first sight siya sa akin. OMG, ang romantic diba? Maimagine nga mamaya. Pagkabalik ko sa waiting shed andon na si Jack sakay ng kotse niya. Yep, may sariling kotse si Jack. May students license na kasi siya kaya pinayagan na siya ng kaniyang mga magulang na dalhin ito sa school. Hatid niya rin kami lagi ni Rhea. Sabi ko nga huwag na ako ihatid eh kasi pwede ko namang lakarin nalang pero ayaw nila. "Oy Gab, hinto muna kami sa bahay niyo ah." bungad sa'kin ni Jack pagkapasok ko sa kotse niya. Nasa backseat ako habang si Rhea naman ay nasa passenger seat. "Sure. Siguradong matutuwa si Papa niyan." sabi ko. Natutuwa kasi talaga si Papa kapag nandoon sila sa bahay kasi ang bibibo raw nila parang nagkakaroon ng buhay ang bahay namin. "Dadating na raw ang mga magulang niya Gab, AAAA excited na akong makitang muli 'yong kapatid niya, mas lalo na siguro 'yong pumogi." saad ni Rhea. Ito talagang si Rhea, ang bata bata pa nong kapatid ni Jack eh. Nasa abroad kasi ang mga magulang ni Jack. Pinili ni Jack na magpaiwan dito sa Pilipinas kasi ayaw niya raw kami iwan ni Rhea. "Tsaka may pa welcome party raw sa sabado kaya ipagpaalam ka namin sa Papa mo mamaya." dagdag ni Rhea. "Sabado? Paano yan mukhang di ata ako makakapunta." saad ko dahilan na mapapreno bigla si Jack. "ANO?! / BAKIT?!" sabay nilang sigaw. Aray naman. "Hindi ko pa ba naikwento sa inyo? Binigyan ako -kami pala- ni Ma'am Salvy (yung teacher naming bitter) ng punishment sa pagkakalate." paliwanag ko. "ANO?!" muli nanaman nilang sigaw. Masisira ear drums ko nito eh. "Mahabang kwento eh. Pero try ko pumunta sa welcome party, anong oras ba gaganapin 'yon?" tila gumaan naman ang kanilang loob sa sinabi kong iyon. Nag start na uling magdrive si Jack. "Gabi, mga 6 ata. Pero huwag kayo mag-alala susunduin ko naman kayo." aniya. Tulad nga ng napag-usapan, huminto muna sila sa bahay. Masaya naman si Papa dahil nakapagdalaw daw sila sa bahay. Dito na rin sila pinaghapunan ni Papa. Walang tigil kami sa kakatawa dahil sa mga banat na kwento ni Jack. Hindi na rin namin namalayan ang oras kakakwentuhan. Pero nakauwi naman sila nang maayos. I decided to open my f*******: muna habang nagpapatuyo ng buhok, kakaligo ko lang kasi. Friend requests and messages agad ang bumungad sa akin. Puro spam lang naman yung messages na nakuha ko at ang ilan ay yung sa gc namin magkakaibigan. Nakita ko rin sa myday nila yung picture namin kanina dito sa bahay. Sunod ko namang chineck yung friend requests, sa dami ng nag-friend request sa akin isa lang ang nakakuha ng attention ko. Loki Evans. Si Mr. Arogante ba 'to? Agad akong nagpunta sa timeline niya pero 'no posts available' raw. Inaccept ko ito baka may importanteng sasabihin tungkol sa punishment namin kaya niya ko in-add. Loki Evans sent you a message. *click* Loki Evans :Finally you've accepted my fr :Anyways, do you have any idea of what we will be doing? Told yah. Pero wala pa talaga akong maisip eh. Hmm, napatingin-tingin ako sa paligid ng kwarto ko nagbabasakaling may makitang makatutulong sa amin. Napatingin ako sa lampshade na nasa study table ko. Aha! Gab Dela Cruz: Yes, alam ko na kung ano ang ating iimbentuhin. Loki's POV Nahihilo na ako sa kakatingin sa ate ni Gab na naglalakad sa aking harap back and forth. Nakakatakot pa ito kung paano siya tumingin sa akin. Argh, lagot talaga 'yan sa'kin mamaya si Gab. Ang usapan 9:30 susunduin ko na siya but its 10:15 already and yet she's still in her room. "Kaano-ano mo ang kapatid ko?" anang ate ni Gab. "I'm her classmate po." "Classmate? Sabado ngayon bakit mo siya sinusundo? May klase ba kayo?" "Were making a project po" "Project? Kakasimula pa lang ng klase may project na kayo agad?" she asked. F**k, what am i going to say now? I can't tell her that we were punish! "Oh, Mr. Arogante. Kanina ka pa ba nandito? Sorry nalate ako ng gising." singit ni Gab. Wooh! Muntik na. Wait, what did she called me? That 'Mr. Arogante' again? Damn this stupid girl. I just glared at her in return. "At saan ka naman pupunta, Gab?" Ate niya. "Hindi ba ako nakapagpaalam sa iyo kagabi, Ate? Sabi ko wala ako ngayon kasi gagawa kami ng ano, project. Oo, project tama." "Naku, siguraduhin mo lang. Baka naman makikipagdate ka lang, idinadahilan mo lang 'yang project na 'yan." "Ate naman.. Mas gugustuhin ko pa ngang magkulong sa kwarto kesa lumabas eh." Gab said na parang nandidiri sa isiping magd-date kami, and that gives me an idea. "Pano, alis na kami Ate! Sayang oras eh." she added. ** We are here in the food court, resting and of course eating. We already buy the materials we will be using and it takes for hours for goddamn sake! Nahirapan kasi kami kung saan makikita ang ganito, ganyan. "Ngayon ba natin bubuohin 'to?" Gab asked before biting the burger. "Nah, may bukas pa naman." "Saan natin gagawin 'to? Sa bahay ba namin?" "Hell no. In my house nalang." "Ok then, uuwi na 'ko. Ay teka, total sa bahay niyo naman tayo gagawa, iwan ko na sa'yo itong binili natin." "You're leaving already?" "Yes, bakit? Kailangan ko pa maghanda eh, may pupuntahan ako mamayang 6 pm." she said. Saan naman kaya siya pupunta? Napatingin ako sa watch ko and its 3 pm palang pala. "No, you're not leaving. 3 pm palang naman, let's have some fun first." i said. Aangal pa sana siya but i shushed her. We went on the 'world of fun', this is where arcades and games are located. I buy coin tokens for us. Nung una ayaw pa niya maglaro but i managed to convince her. We played and played, we laugh, and we tease each other. Tuwing tumatawa siya hindi ko mapigilang mapatingin sa kaniya, she's pretty. Lagi kasi siyang galit tuwing nakikita ko siya. "Hoy, bakit ka nakatulala diyan?" she said while waving her hands at my face. Damn. "Nothing, i just realized that ang pangit mo pala." "Okay, imma pretend that i never heard that." natatawang aniya then sticked her tongue out at me. Hilig niya talaga mag ganyan. "Doon naman tayo, dali." she added then pulled me. We continued playing until we lost breathe. Ang kulit niya. Nagpadamihan kami ng tickets then ang may pinakamay mababang tickets will be given a consequence. That's not my idea, its hers. Nandito na kami ngayon sa kuhanan ng prize and guess who's the winner? Of course its me. I got a big Teddy bear for the prize and she got a small oven. "Oh no, 5:25 na!!" biglang sigaw niya. I looked at my watch and its 5 na nga. We didn't notice the time. "Kailangan ko ng umuwi," she added and then ran. Pero bago pa siya makalayo nahuli ko ang mga kamay niya. "Hatid na kita" i said. "S-sige." she said, avoiding to look into my eyes. Gab's POV Tahimik lang kami sa biyahe, no one dared to talk hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng awkward ng sabihin niya kaninang ihahatid niya ako. Nagulat ako ng bigla siyang mag-lean closer to me. Ang lapit-lapit ng mga mukha namin sa isa't isa, yung tipong nararamdaman ko na ang hininga niya sa akin. Ang bango niya. He looked at my eyes down to my nose and stop to my lips. Akala ko hahalikan niya ako ng may marinig akong click sound, tunog ng seatbelt. Agad naman siyang bumalik sa kaniyang upuan. Wooh. Tumikhim muna siya bago nagsalita, "Did you enjoy our date?" tanong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD