Gab's POV
"Aba, gago 'yon ah. Sabihin mo sa'kin pangalan ng gagong 'yon Gab, aabangan ko siya mamaya sa gate." saad ni Jack.
"Huwag ka ngang oa, Jack. Baka gusto niya lang talaga maupo sa tabi ng bintana." kontra naman ni Rhea.
"Wala akong pake. Tsaka nakakalimutan mo na rin bang gustong-gusto ni Gab sa tabi lagi ng bintana maupo? Anong klaseng kaibigan ka naman Rhea!"
"Syempre hindi ko nakakalimutan iyon, Jack. Paano ko makakalimutan iyon eh simula nong nag-highschool tayo lagi yang nakikipag-away makuha lang iyong upuan na nasa tabi ng bintana. Kahit upuan din nga sa bus! Kahit na sabihin kong nasusuka ako wala siyang pake, naalala ko pa ngang sabi niya non 'edi sumuka ka, nasa akin ba bibig mo' hanep. "
"Oh 'yon naman pala. Eh bakit mo pinagtatanggol 'yong gagong 'yon ha?"
"Hindi ko siya pinagtatanggol noh! Huwag mo kasing husgahan agad 'yong tao." sabi ni Rhea sabay irap kay Jack.
Pabaling-baling ang tingin ko sa kanilang dalawa habang kumakain ng fries na parang nanonood lang ako ng sine. Meet Jack and Rhea, my bestfriends. Ganyan talaga yan sila lagi parang mga aso't pusa. Kung hindi nga lang kami magkakaibigan, shinip ko na silang dalawa. Nandito kami ngayon sa cafeteria, nasabi ko rin ang nangyari kanina sa room kaya ganyan nalang sila kung magbangayan. Kaya para matahimik na silang dalawa sumingit na ako.
"Kumain na nga lang kayo, ang iingay niyo." ani ko.
"EH KASI SIYA EH!" sabay nilang sambit na nakaturo pa sa isa't isa. Nagsamaan pa sila ng tingin. Tss, parang mga bata.
"Oh awat na," inawat ko na silang dalawa habang maaga pa bago pa sila magbardagulan. Sa wakas, natahimik din.
"Pero Gab matanong ko lang, pogi ba si 'Mr. Arogante'?" biglang tanong ni Rhea.
"HUUK-" bigla akong nabilaukan sa tanong na iyon ni Rhea. Sakto kasing umiinom ako nang itinanong niya iyon. Agad namang tinap ni Jack ang likuran ko tsaka tinanong kung ayos lang ba raw ako.
"Kaya pala pinagtatanggol mo ang gagong 'yon kasi baka pogi, ikaw talaga Rhea! Tingnan mo tuloy itong nagawa mo kay Gab." galit na sabi ni Jack kay Rhea at akmang babatukan ito pero nakailag si Rhea. Agad naman nag peace sign si Rhea sa akin.
"Aray!" daing ni Rhea nang hindi niya naiwasan ang muling batuk ni Jack sa kaniya. Uh-oh, ayaw na ayaw pa naman ni Rhea na nasisira yung buhok niya kasi baka ma turn-off daw ang mga lalaki sa kanya. Kaya bago pa makapaghigante si Rhea kay Jack pumagitna na ako.
"Hep hep! Tama na yan. Ayos lang naman ako Jack, nabigla lang talaga ako sa tanong ni Rhea. Tsaka para sa tanong mo naman Rhea, oo pogi siya pero huwag ka sa kaniya masama ugali non." saad ko.
*KRINGG! KRINGG! KRINGG!
"Naku bell na, Jack. Linisin mo na ang mga kalat natin bilis!" nagmamadaling sabi ni Rhea. Gulat naman akong napatingin sa kanya. Bakit ba niya pinagmamadali si Jack eh kaka-bell pa lang naman. Tila nabasa naman ni Rhea ang tumatakbo sa isipan ko.
"Ay oo nga pala Gab, hindi kana namin masasabayan ni Jack kasi strict yung teacher sa susunod naming subject eh tapos sa fourth floor pa ang room namin kaya bawal talaga kami ma-late or worst mapaparusahan kami." paliwanag ni Rhea. Grabeng ka-istriktuhan naman 'yon. Sayang naman. Nakasanayan na kasi namin dati na hihintayin muna namin humupa ang mga estudyante bago lumabas kasi ayaw namin na nakipagsiksikan sa kanila lalong lalo na si Rhea pero parang di na ata 'yon mangyayari ngayon.
"No worries, ayos lang ako dito. Sige na makipagsiksikan na kayo don sa mga estudyante ako ng bahala dito sa kalat natin baka ma-late pa kayo." saad ko. Ayoko naman silang ma-late noh, tsaka fourth floor pa room nila eh, under construction pa elevator namin kaya kailangan pa nilang umakyat hanggang fourth floor.
"Sigurado ka Gab?" tanong ni Jack. Tinanguan ko lang naman ito tsaka binigyan siya ng thumb up. Bago sila tuluyang umalis nagbeso muna sa'kin si Rhea tsaka nag-fist bump naman kami ni Jack.
Pinanood ko silang maglakad papunta sa pinto ng cafeteria at makipagsiksikan sa mga estudyante hanggang sa hindi ko na sila matanaw. Ay oo nga pala, magkaklase silang dalawa kasi parehas sila ng strand na kinuha. Business ang kinuha ni Jack kasi gusto niyang sundan ang yapak ng kaniyang papa. Si Rhea naman ay Accountancy kasi gusto niya raw magbilang ng pera (pero di ako naniniwalang yan lang talaga ang reason niya). At ako naman ay Engineering ang kinuha.
Nang makita kong humupa na ang mga estudyante ay agad akong tumayo at iniligpit ang aming kalat. May rules kasi kami dito na bago mo iwan ang table na pinagkainan mo dapat malinis ito. Habang tinatapon ko ang aming kalat sa basurahan ramdam kong may tumabi sa akin pero hindi ko na ito pinansin. Baka tatapon lang din ng kalat niya.
"So I'm pogi huh?" nagtayuan ang mga balahibo ko sa leeg ng bigla itong magsalita malapit sa aking tenga. Familiar ang boses niya na para bang narinig ko na ito pero hindi ko lang maalala kung kailan at saan. Agad ko namang nilingon ito na sana hindi ko nalang pala ginawa. Muntik na kaming magkahalikan!
"WHAT THE HELL?!" napasigaw ako dahil sa nangyari. Sinong hindi eh muntik ng mawala ang first kiss ko! Tinignan ko naman ito ng masama pero mas lalo akong nainis ng mamukhaan ko ito. And guess who? Si Mr. Arogante lang naman. Nginisihan lang naman ako nito bago ako lagpasan. Argh, arogante talaga!
Nanatili muna akong nakatayo dito ng mga ilang segundo bago ako nakapagpasiyang sumunod na sa kaniya. Kung nakakamatay lang siguro ang pagtitig, siguro kanina pa siya nakahandusay sa sahig. Naiinis pa rin ako sa kaniya kaya ng makakita ako nga maliit na bato dito ko ibinaling ang aking inis, sinipa ko ito ng malakas.
"Ouch!" daing ng kung sino. Oh no, may natamaan ba ako?
"Hey, what's your problem huh?!" sigaw nanaman nang dumaing kanina. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala naman akong makita na tao kahit ni isa, syempre dahil nasa klase na siguro sila.
"What are you looking at? Are you trying to find a way to escape from me?" saad ni Mr. Arogante. OMFG, huawag mong sabihing siya yung natamaan ko?! Pero kung siya man, he deserves it.
"Hinahanap ko yung natamaan ko, ikaw lang pala." I said then smirks at him. Sumama naman ang tingin nito sa akin.
"Sinadya mo bang patamaan ako?" tanong niya. Mas lalong lumawak ang pagkakangisi ko ng marinig ko nanaman ang accent niya sa pagsasalita ng tagalog.
"Nope, so do not blame me. Instead, blame the wind for forcing the stone to hit you." saad ko. Mas lalo namang sumama ang tingin niya sa akin.
"I'm not stupid to blame the wind. You're the one who kick it, not the wind."
"Ako nga ang sumipa pero hindi ko iyon pinatamaan sa direksyon mo. The wind controls the forces of that stone and luckily, it hits you. And i thank the wind for that, you deserves it anyway." ani ko bago ko siya lagpasan, binangga ko pa talaga ang balikat niya nang gawin ko iyon. Ngiting tagumpay naman akong nagtungo sa susunod kong klase.
Loki's POV
Damn that girl. She's getting into my nerves. Makalipas ang ilang segundong pagkatulala, I decided to follow her. Hindi ako makakapayag na hindi makabawi sa kaniya.
I saw her in front of our classroom already, why she's still outside? She looks stupid. Nang makalapit na ako sa kaniya doon ko lang nalaman kung bakit she's still standing there. The door are close, it means we are late. Again. Bakit hindi pa siya kumakatok para papasukin na siya? Tss, stupid talaga. I suddenly remember kaninang umaga, ganito din iyon ng madatnan ko siya. Deja vu huh? Parang wala talaga siyang balak kumatok kaya I decided to do it nalang.
*TOK TOK
"YOU TWO ARE LATE AGAIN." bungad nang bumukas sa pinto habang nakataas ang kaniyang kaliwang kilay. She looks scary. Looks like she's a terror teacher. Napatingin naman kami sa isa't isa ni Miss Referee (I am referring to this stupid girl beside me) we look at each other with a questioning look. Like, how did this scary looking teacher knew that we were late kanina? Parang nabasa niya naman ang aming isipdahil muli siyang nagsalita.
"YOUR CLASSMATES TOLD ME WHILE WE WERE HAVING ATTENDANCE EARLIER." paliwanag niya. Ah, so that's why. "SO TELL ME, WHY ARE YOU TWO LATE? AND BAKIT MAGKASAMA NANAMAN KAYONG DALAWA?" she added. Tila may lightbulb akong nakita ng makaisip ako ng kalokohan. Ah no, its not kalokohan, it's called revenge. Magsasalita na sana si Miss Referee pero inunahan ko siya.
"Eh kasi Ma'am Anniversary namin ngayon. And we celebrated it at the cafeteria kanina, and we didn't notice the time. Right, baby?" I reasoned out kay Ma'am sabay baling kay Miss Referee. Shock covered all over her face. Pft, if only you can see her face right now, it's priceless.
"Hoy gago anong pinagsasabi mo?" she said. Pft, ang hirap magpigil ng tawa. Then our classmates starts whispering at each other.
"Don't mind her, Ma'am. We had a fight kanina in the cafeteria kaya siya nagkakaganiyan." I said to Ma'am. Ma'am sighed and let me and this girl beside me come inside the room.
Nang makaupo na kami, ramdam kong nakatitig sa akin si Miss Referee kaya nilingon ko siya. Masama itong nakatitig sa akin, so i winked at her in return.
" 2-1 " i whispered.
**
"CLASS DISMISS" Ma'am announced. So, I immediately stand and walk to the door but..
"MISS DELA CRUZ AND MISTER EVANS, MAIIWAN KAYO." Ma'am added. When our classmates is gone, Ma'am started to talk.
"Siguro nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinaiwan. It's because I'm giving you a punishment."
"PUNISHMENT?! / WHAT?!" me and Miss Referee said in unison.
"Yes, a punishment. But don't worry hindi ko naman kayo palilinisin or what. The punishment you will do is mag-iimbento kayo."
"Imbento?! Ang hirap naman ata ng pinapagawa niyo Ma'am? And bakit naman po ganiyan ang punishment namin eh na-late lang naman po kami?" Miss Referee protested. Mm, she has a point.
"THAT'S WHY IT CALLED PUNISHMENT! Are you complaining? Na late kayo sa dalawang klase kahit na first day of school pa lang, sa kadahilanang nag-celebrate kayo anniversary niyo. Inshort, inuna niyo ang pag-ibig na iyan kesa sa pag-aaral niyo! Nandito kayo sa school upang mag-aral hindi para pumag-ibig!" mahabang litanya ni Ma'am. Why Ma'am is so bitter by the way? Oh let me guess, matandang dalaga tong si Ma'am.
"We accept the punishment, Ma'am. When will be deadline of this?" I asked.
"I will only give you one week. Kaya dapat sa lunes mai-present niyo na ito sa amin ni Sir Gray niyo. Yes, you heard it right. Sa amin ni Sir Gray niyo. Kakausapin ko si Sir niyo mamaya about this punishment. And of course hindi lang ito punishment dahil kung maganda ang inyong imbento, you will be exempted on prelims exam. Hindi lang kasi ito about punishment, dito namin makikita kung mai-aaply ba ninyo ang inyong natutunan sa Math at Science noong nakaraang taon. Sa pag-iimbento kasi it contains Math and Science. So, goodluck." Ma'am explained.
So i guess, makakasama ko ng buong linggo si Miss Referee?