Gab's POV
'Argh mali, dapat tinanong muna niya ko kung aling libro ang inaabot ko o kaya nagkabanggaan nalang kami tapos nahulog yung librong dala ko pero dahil gentleman siya sabay naming pupulutin iyon tapos magkahawakan kami ng kamay at magkatitigan. Aish.' pagalit na sabi ko sa aking isipan. Pano ba naman kasi di ako kuntento sa inimagine ko, parang hindi romantic eh. Uulitin ko nalang kaya? Aish ulit nanam-
"GAB, GISING NA!"
"AY MALI!" napasigaw din ako sa gulat. Teka.. UMAGA NA?! NI HINDI PA NGA AKO NAKAKAPAGDECIDE KUNG ANONG PLOT ANG IIMAGININE KO EH. Argh, ilang oras ba akong nag-imagine?
"ANONG MALI HA, BUMANGON KANA DYAN AT MALIGO. ALAM MO BA KUNG ANONG ORAS NA HA?! ALAS SYETE NA, LATE KANA GAB! FIRST DAY NA FIRST DAY LATE KA. SIGURO HINDI KA NANAMAN NATULOG NG MAAGA KAGABI ANO?!" mahabang litanya ni ate. Ni hindi na nga namalayan ni ate na nandito na ako sa banyo sa kakasigaw niya. Tsaka kung alam mo lang ate, wala pa akong tulog.
"MALILIGO NA AKO ATE, SALAMAT SA PAGGISING SA AKIN." pabalik kong sigaw sa kanya bago buksan ang shower.
**
"Alis na ako pa," paalam ko kay papa sabay halik sa kanya sa pisnge.
"Oh, di ka ba muna magb-breakfast?" tanong niya. Ayaw kasi ni papa na walang laman ang tiyan namin sa umaga. Para kasi sa kanya, mahalaga ang pagkain sa umaga para may lakas ka para sa buong araw.
"Sa school nalang siguro, Pa. Late na kasi ako eh." sagot ko. Napabuntong hininga naman si Papa sa sagot ko na ibig sabihin hindi na niya ako kukumbinsihing kumain.
"O siya sige, mag-ingat ka papuntang school ha. At wag mong kakalimutang kumain pagdating doon." panghahabilin pa ni Papa. Tinanguan ko naman ito tsaka sinabihang wag mag-alala at lumabas na.
Pagkalabas ko ng bahay agad akong nagpara ng taxi kahit walking distance lang naman iyong school ko dito sa bahay. Kaya ako nag taxi hindi dahil sa late na ako, kundi dahil ayokong mainitan. Pero kung hindi naman ako late nilalakad ko nalang, exercise na rin kumbaga.
Baka nagtataka kayo kung bakit hindi na ako nakapagpaalam kay ate kanina. Yun ay dahil wala na si ate sa bahay kanina. Isa kasi siyang guro pero sa ibang school siya nagtuturo kasi doon siya nai-assign. Kahit na gustuhin niyang sa school ko namin siya magturo upang mabantayan ako, wala siyang nagawa. Hindi naman kasi siya pwedeng makialam sa desisyon ng DepEd. Pabor din yun sa akin kasi ayokong nasa iisang school lang kami ni ate. Sobrang strict niya kasi sa akin. Tsaka siya na din ang tumayong ina sa akin dahil bata pa lamang kami ay kinuha na sa amin si Mama.
"Ma'am nandito na po tayo," nabalik ako sa ulirat nang magsalita ang driver. Nagbayad at nagpasalamat muna ako sa kanya bago bumaba.
"First day na first day late ka, Miss Dela Cruz" bungad sa akin ni Guard ng nasa gate na ako.
"Good morning din ho, Guard." bati ko sa kanya sabay ngiti. Tinap ko pa siya ng dalawang beses sa balikat bago ko ito lagpasan.
"Naku, kung hindi ko lang talaga crush ang ate mo tsk tsk.." rinig ko pang sabi ni Guard. Kahit na nakatalikod na ako sa kanya alam kong umiiling-iling ito habang sinasabi iyon. Kinawayan ko na lamang siya ng pabaliktad bilang paalam.
Habang naglalakad papuntang room pansin kong may nakasunod sa akin na lalaki, bago ang mukha niya sa akin. Baka transferee? Nagkibit balikat nalang ako't nagpatuloy sa paglalakad.
Nandito na ako ngayon sa tapat ng room. Sirado ang pinto na ibig sabihin late na talaga ako ay mali, kami pala. Oo, kami. Yung sinasabi kong nakasunod na lalaki sa akin kanina magiging kaklase ko pa ata. Ata kasi hindi ako sigurado, huminto din kasi siya sa harap ng magiging classroom ko- namin pala kung magiging kaklase ko nga siya.
"What are you waiting? Knock the door." nagulat ako ng biglang magsalita iyong lalaki. Grabe, spokening dolar. Sa tingin ko hindi ito pure pinoy.
"Huh," I scoffed. "Bakit di ikaw ang gumawa? What's the use of your hands?" pagtataray ko sa kanya. Arogante. Kebago-bago eh. Tinignan lang naman ako nito ng masama bago kumatok ng dalawang beses.
"Yes? What can i help you?" tanong ng bumukas sa pinto. He looks young, sa tingin ko kaedaran lang ito ni ate. May itsura din siya pero medyo nerdy, naka glasses eh. Ito ata magiging adviser namin for the whole s.y.
"I'm transferee here, Sir. Sorry if I'm late, naligaw ho kasi ako." sabi ni Mr. Transferee. Ang cute niya magsalita ng tagalog, may accent.
"At ikaw naman, Miss?" baling sa akin ni Sir. Naku lagot, ano idadahilan ko?
"Miss Dela Cruz ho, Sir. Dito ho talaga ang room ko, late lang." paliwanag ko kay Sir. Tila may nakita akong recognition sa mga mata niya ng banggitin ko ang aking apilyedo or baka namamalikamata lang ako.
"Pasok kayo. So far hindi pa naman kami nakapagsimulang magklase, you two are lucky." pagpapaliwanag ni Sir habang ini kami papasok sa room. "Kakatapos lang nilang magpakilalang lahat, i guess your turn now." pagpapatuloy pa niya ng nasa harap na kami.
"Good morning everyone, I'm Gabby Dela Cruz." pagpapakilala ko sabay ngiti.
"Loki Evans" maikling pakilala ni Mr. Transferee. Grabe, nagtitipid ba 'to sa laway? Bigla namang nagtilian ang mga kaklase kong babae at bakla. At meron pa ngang iba na parang kinikiliti. Ano namang ikinagaganyan nila eh nagpakilala lang naman itong katabi ko?
"And I'm Kael Garcia, ang magiging teacher niyo sa math at magiging adviser niyo for the whole s.y. You two can now seat." pagpapakilala din ni Sir.
Agad ko namang inilibot ang ang tingin nagbabasakaling makakahanap ako ng upuan na nasa tabi ng bintana. Aha, ayon sa likuran! Agad akong naglakad patungo rito ramdam ko namang sumunod sa akin si Mr. Transferee at ang mga tingin ng aking kaklase. Ilalagay ko na sana ang bag ko sa upuan na malapit sa bintana ng inunahan ako ni Mr. Arogante tsaka siya umupo rito. Parang wala lang naman sa kanya ang kanyang ginawang pag-aagaw ng upuan dahil deretso lang itong nakatingin sa harap. Habang ako ay hindi makapaniwalang napatingin sa kanya, nakaawang pa ng bahagya ang aking mga labi. Rinig ko naman ang paghagikgikan ng aking mga kaklaseng nakakita sa ginawa niya. Arogante talaga. Nakatayo pa rin ako at nakatingin sa kanya ng masama tila naramdaman niya naman ang aking mga tingin kaya nilingon niya ako.
"What? Aren't you going to sit?" tanong niya. Tiningnan ko lamang ito ng masama bilang tugon.
"Miss Dela Cruz, bakit nakatayo ka pa rin? Maupo kana." sabi ni Sir. Wala na akong nagawa kundi maupo sa tabi ni Mr. Arogante. No choice eh, ito nalang ang natitirang upuan na bakante.
Inis ko namang nilingon ang aking katabi ngunit sa gulat ko, nakatingin pala ito sa akin. Ngayon ko lang napansin, may itsura pala siya. Mahahaba ang kanyang buhok dahilan upang hindi mo makita ang kaniyang mga mata, matatangos din ang kaniyang ilong. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang labi, mapula ito na aakalain mong naglagay ito ng liptint. Isa lang ang masasabi ko, gwapo. Kaya siguro nagsitilian ang mga kaklase ko kanina.
"Done checking my face?" aniya. Oh crap.