"Aray, ano ba! Bitiwan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya habang kinakaladkad niya ako. Ano bang problema nito?! Kung gusto niya kaming mag-usap pwede namang tanungin niya ako hindi sa ganitong paraan!
"Shut up!" nagulat ako nang sigawan niya rin ako. Hindi niya pa ako kailanman sinigawan, ngayon pa lang. Nagalit na siya sa akin noon pero hindi niya naman ako sinisigawan non. Mahinahon siya lagi kung makipag-usap sa akin kaya ganito nalang talaga ang pagkagulat ko. Dala ng gulat napahinto ako sa paglalakad pero dahil kaladkad niya nga ako, napahinto rin siya.
Hinihila niya ako ngunit hindi ako nagpapadala kaya galit itong lumingon sa akin. "What now? Maglalakad ka o bubuhatin pa kita?" tanong niya sa akin na may halong pagbabanta. Pero hindi ako nagpadala.
"Ano bang problema mo?" walang emosyong tanong ko sa kanya. Sabihin na nating oa pero ang lakas talaga ng impact sa akin nang sigawan niya ako.
"W-wala," sagot niya tsaka umiwas ng tingin.
"HUH, PAGKATAPOS MO AKONG KALADKARIN KANINA NA HALOS MASUBSOB NA AKO SA LUPA SASABIHIN MONG WALA LANG?!" galit na talaga ako. Una, kinaladkad niya ako, pangalawa sinigawan niya ako na hindi niya naman ginagawa dati tapos sasabihin niyang wala lang?!
"Gusto mo ba talagang malaman kung ano ang problema ko?" mahinahon niyang sabi sa akin na halatang pinipigilan niyang magalit.
"OO!" deretsong sagot ko sa kanya.
"Ikaw," mahinang ani niya. Taka ko lang naman itong tinignan.
"IKAW ANG PROBLEMA KO GAB!" hindi na niya napigilan ang galit. Kitang-kita ko ang pag-igting nang kanyang panga na ibig sabihin galit nga ito. Pero anong ibig sabihin niyang ako ang kaniyang problema?
"Wdym..?" you can see confusion across all over my face.
"ARGH!" napasabunot ito sa kanyang mahahabang buhok na tila napikon sa aking sinabi. "ALAM MO NAMANG GUSTO KITA DIBA? AY HINDI, I THINK I LOVE YOU NA NGA EH. TAPOS MAKIKITA KONG NAKIKIPAGLANDIAN KA DON KAY MATT, ANO SA TINGIN MONG MARARAMDAMAN KO? I'M JEALOUS GAB! I'M F*CKING JEALOUS! DAMN IT." hindi naman lingid sa aking kaalaman na may gusto ito sa akin. Pero ang sabihan akong malandi?
Nangingilid aking mga luhang tinignan ito,"So, sinasabi mong malandi ako?" nasasaktang ani ko.
"N-no, h-hindi 'yon ang i-ibig kong sabihin G-gab" utal-utal na sabi niya sa akin. Lumapit pa siya sa akin at tila gusto akong hawakan pero umatras ako.
"Wag kang lalapit sa akin," mahinang ani ko pero hindi ito nakinig at patuloy lang sa paglapit "WAG KA SABING LALAPIT EH!" dahil sa sigaw kong iyon napahinto siya.
"Sorry kung nasabihan kita ng ganon. Nadala lang ako ng selos, I'm so sorry." sincere na pag-uumanhin niya sa akin. Pero hindi ko ito kinibo.
"You know that I love you, right?" dahil sa sinabi niyang iyon nabuhay nanamang muli ang galit sa aking kalooban.
"STOP SAYING THAT YOU LOVE ME!" nagulat siya nang sumigaw ako. "YOU KEEP SAYING THAT YOU LOVE ME PERO HINDI MO NAMAN AKO NILILIGAWAN!" dugtong ko pa.
"I want to court you but i can't, Gab." aniya.
"You can't? Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.
"I want to court you but not in this world. Not this time." pagpapaliwanag niya. Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan sa sinasabi niya.
"Hindi kita maintindihan. Anong 'not in this world' 'not in this world'? Nasaan ba tayo? Nasa ibang mundo ba tayo?" natatawang tanong ko. Siguro dala lang din ng selos niya kaya kung ano-ano nang pinagsasabi niya. Pft.
"Hindi mo pa ako maiintindihan sa ngayon. Pero maiintindihan mo rin ako." seryoso talaga siya sa kanyang sinabi.
"Kailan? Kailan ko maiintindihan yan? IPAINTINDI MO SA'KIN!" napasigaw na ako. Ang weird niya. Ang weird nilang lahat. Pag may hindi ako maintindihan sa kanilang mga sinasabi, ganon lagi ang kanilang isinasagot sa akin.
"Gusto mo na ba talagang maintindihan ang lahat?" tanong niya. Tumango lamang ako bilang tugon.
"Go home."
**
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead or actual events is purely coincidental.