bc

All I Want

book_age4+
4
FOLLOW
1K
READ
drama
like
intro-logo
Blurb

"Ang bobo mo naman, anong year mo na nga ulit?"

"Ang gastos mo" "Bat di ka nalang umalis?"

"Huminto kana kaya? Pabigat ka lang e"

Sa tuwing nagkakamali ako, iyan ang madalas kong naririnig. Ang masakit pa roon ay galing sa sarili kong pamilya.

Nag aaral ako ng mabuti, nakikita nila yon. Maganda lahat ng bunga ng ginagawa ko. Pero lahat ng bunga ay di nila naaappreaciate.

I'm that type of student na average lang sa class. Di matalino pero di rin mahina ang utak.

Lagi akong pinipressure ng mama ko sa grades. She thinks na everything between my classmate is a competition. Mahirap syempre. But do I have a choice?

"Oh ayusin mo yang exam mo ha, mahal mahal ng binabayad sayo, mas mahal pa sa school ng kuya mo"

Ako? wala tamang tingin lang sa libro habang nag rereview. Halata namang di ako makapag focus.

Hanggang sa dumating na nga ang araw kung kelan irerelease yung result ng exam. Guess what? Antaas ng score sa lahat ng subject, yung iba don almost perfect na.

"Mi, tignan niyo po ang tataas ng score ko sa exam yung iba perfect na hehehehe"

Wanna know what she said? She said "edi maganda". I also try to show it kay dadi and he said the same thing. I'm use to their actions. Like it's hard for them to appreaciate efforts even a little thing. The only person that show love and appreaciation to my hard work is my ate and my bestfriend.

The other day,

Kuya's POV

"Ma, pa tignan niyo ang tataas ng score ko sa exam mas mataas pa sa iba kong kaklase hahahahha"

"O congrats, akin na patingin send mo sa akin yung result ipapakita ko kila tito mo, sesend ko sa gc namin. Nakakatuwa naman" sabi ni papa.

chap-preview
Free preview
Feelings
Tuwing umaga pagkagising ko, lagi kong iniisip pano ako nakatulog ng di ko namamalayan? whahahaha Kung sa iba ay nagigising sila dahil sa alarm clock o body clock nila, well ako hindi, dahil nagigising ako sa sigaw ng mama ko. "Tanghali na di pa rin kayo nagsisi gising diyan?" "Mga anak mayaman ba kayo?" "Akala niyo may mga yaya kayo" Sa mga oras na yon alam kong magsisimula na ang araw ko. Tatlo kami magkakapatid. Babae ang panganay, sunod ay lalaki at ako naman ang bunso. Syempre pag ikaw ang bunso minsan oo favorite ka pero may mga pagkakataon na naiipapasa sayo ng kapatid ang gawain. Pero dahil bunso ka wala ka nang magagawa roon. Hindi naman kami mahirap actually. Pero di rin kami mayaman. Nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Nabibigay sa amin mga pangangailangan namin. Mga everyday needs ganon. At pagdating naman sa school lahat kami naka private school pero uulitin ko di nga kami mayaman. Tuwing may pasok kami sa school, 5 am palang ginigising na kami ng nanay ko. Lahat kami pang umaga kasi tamad kami sa hapon. Tsaka sa hapon kaya masaya mag laro para abutan ka ng gabi sa labas. Nung elementary, iisa lang kami ng school ng mga kapatid ko.Kaya asahan mo ng nagpupuntahan kami sa kanya kanyang room para manghiram lang ng gamit sa kapatid gaya ng krayola o lapis. Madalas nanghihiram sa akin yung kuya ko kasi alam niyo naman mga lalaki di sila maano sa mga gamit. Di rin siya makahiram sa ate kase sinusungitan siya. Elementary, kahit bata palang ako non nakakaramdam na ko na pinipressure ako ni mama sa grades ko. Nakailang tutor na rin ako. Tatlo, apat,lima? Di ko alam siya lang naman may gusto non e. Naexperience ko na rin magkaroon ng tutor na masungit at magagalitin. Alam niyo yung mga teacher na maiikli ang pasensya? Ganon. Sa tuwing nagkakamali ako, hinahampas niya ako. Minsan pinapalo. Minsan binabatukan. Minsan hampas ng tarpulin. Masakit kaya. Gusto ko na umiyak non e. Gusto ko na rin umuwi.Di rin ako makapag sumbong sa mama ko kasi bespren sila nung teacher na yon malamang di ako papaniwalaan pag nagsabe ako. Sa buong taon na may tutor ako, masasabi ko namang marami akong natutunan. Medyo iba nga lang sa pakiramdam kasi nasa isip ko dapat si mama nagtuturo sa akin ng mga ganong bagay kasi bata pa ako nung time na yun talagang lagi ko pang hinahanap si mama pero wala e, wala naman akong magagawa sila ang magulang. Ewan sabe para daw sa ikabubuti ko. Ok. Pag elementary ka asahan mo ng may pang umaga at pang hapon yan na klase. Pang umaga ako at aaminin kong di ko gusto yung nasa mga panghapon na estudyante sa school namin. Ewan ko naiinis ako sa presensya nila. Ang tataray kasi nila kala mo naman magaganda. Yung isa nga don bungi e. Di kami nagpapansin tuwing naabutan nila kami sa school.Sila yung mga estudyante na alagang alaga ng mga magulang na tipong sabihan mo lang ng pangit, matitrigger na. Mga spoiled brat ganon. Pero wag ka maiitsura yung mga kaklase nilang lalaki hahaha. Alam kong di kayo maniniwala sa sasabihin ko pero never pa ako na inlove sa kaklase ko o sa taong nasa eskwelahan ko lang. Ewan ko parang walang dating sakin. Madalas na tingin ko lang kasi ay "classmate" o "schoolmate" ganon. "Hoy andrei dalian mo nga diyan magsusulat ka pa sa slambook ko" "O sige wait lang" 2 hours later "Hoy ano to bakit pangalan ko yung nakalagay sa Crush?" Tiningnan niya lamang ako habang nakangiti. Bandang uwian na non at nag aayos na ko ng gamit. "Tulungan na kita diyan basta hayaan mo lang akong icrush ka" sabe ng lalaki. Elementary palang ako non at wala pa akong masyadong idea about sa mga crush pero alam kong hindi ko siya gusto non hahahahhahaha. Di ko siya pinapansin kasi obvious naman na di ko siya gusto. At syempre nga bata pa ay mabilis din siyang nakalimot sa feelings niya. When I was in 4th grade. I have two close boy friends. Their name is Michael and Josh. Meron pang isa si JD pero mas close kasi ako don sa dalawa. Btw my name is selene. Selene Madrigal. Sa tuwing inaantay ko sundo ko, lagi akong sinasamahan ni Michael. Minsan aayain niya ako kumain ng kung ano mang candy. Minsan tatambay muna kami sa computer shop sa tapat ng school. Alam niyo ba nung time na yun may nabubuo na akong feelings kay Michael. Medyo weird pero siguro dahil sa ugali?. Close si Michael kay mama. Sobra. Ewan pero malaki ang tiwala ni mama sa kaniya. Mas lalo lang akong kinikilig tuwing pumupunta siya sa bahay. Yes po opo pumupunta siya sa bahay. Madalas nagdadala siya ng mangga tas binibigay niya kay mama kaya naman si mama tuwang tuwa sa kaniya. Aaminin ko namang kinilig ako sa ganong actions. Sino bang hindi? Duh. Minsan nga napapatanong nalang ako "gusto ko ba siya?" "hindi kaya magalit si mama pag nalaman niyang may gusto ako kay michael?" Habang lumilipas ang oras at araw. Parehas kami nag gogrow. Masaya ako. Feeling ko safe ako palagi pag andyan siya. Ang bata bata ko pa pero nakakaramdam na ko agad ng ganon? Pero uunahan ko na kayo, hindi kami touchy sa isa't isa. Andon pa rin yung respect and care. Hanggang sa nag grade 5 na kami. Balik eskwela na. Wala siya. Wala kahit isang bakas. Akala ko absent lang kasi first day hanggang sa lumipas na ang napakaraming araw wala man lang siyang paramdam. Hindi ko siya nakakasalubong sa kahit saang streets. Di na rin siya pumupunta sa bahay. Nawalan na ko ng balita sa kaniya. Di ko alam saan siya nagpunta. Kung ano ang nangyari sa kaniya. Siguro may problema sa pamilya? Ewan. Nung panahon kasi na yun wala pa akong cellphone. Di pa kami masyadong palagamit ng f*******:. Mixed emotions. Galit na malungkot na nakakainis. Mabilis kasi ako masanay. Mabilid ako maka adopt ng isang bagay. Si Michael ang naging escape ko sa madidilim na parte ng buhay ko. Masyado ba akong mabilis magkwento? hahahhahaha. Bat nga ba madilim ang ibang parte ng buhay ko? Alam niyo kasi ganito yan. Lumaki akong may short tempered na tatay pero di siya namimisikal. Mabilis lang talaga siya magalit. Samantalang si mama naman ay mabait pero maattitude rin minsan. Strict sila but still, I can do whatever I wanna do.Like alam niyo yun? Nagagawa niyo pa rin yung mga bagay na gusto niyo pero may limits? Malaya akong gawin lahat ng gusto ko pero at the same time may mga bawal? Hindi naman sila mahigpit pero masasakit sila mag salita. Never akong nag expect na magiging payapa at tahimik ang bahay namin. Lagi kasing away dito, away doon. Minsan may makikita ka nalang na lumilipad na gamit. Minsan naman makakarinig ka nalang na malakas na kalabog o nabasag na baso o plato. Lumaki ako sa ganong paligid. Palagi akong nakakarinig ng sigaw at malalakas na pag iyak. Ilang beses na rin tumibok ng napakabilis ang puso ko dahil sa kaba yung tipong mararamdaman mo nang hihinto na siya. Ilang beses na rin nanginig,nasugatan, at nagka pasa ang kamay at ibang parte ng katawan ko tipong di ko alam gagawin ko. Di mo naman kasi maiiwasang madamay pag magulang at kapatid mo na ang nag aaway. Lahat yan naranasan ko sa loob ng sarili naming tahanan. Pero minsan pinagtataka ko kung bakit napaka lambot ko pa rin. Sanay ako sa ganong paligid pero bakit napaka iyakin ko pa rin sa maliliit na bagay? Minsan talaga mapapatanong ka nalang kung bakit mo nararanasan yung mga ganong bagay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Claimed By My Stepbrother (Cadell Security Series)

read
452.8K
bc

Surprising The Boss (True Love Series Book 4)

read
137.0K
bc

The Ryland Boys

read
820.6K
bc

The Prince's Rejected Mate

read
550.4K
bc

Their Powerful Hybrid Mate

read
80.2K
bc

Claimed by the Alpha: Amber Eyes series 1

read
688.9K
bc

TEASING MY 7 HOT ALPHA STEPBROTHERS AT THE ROYAL ACADEMY

read
3.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook