I’m walking alone in the silent corridor. I’m always alone, and I’m used to it.
“Arcadia!”
Lumingon ako sa tumawag sa akin. A beautiful lady with an innocent face was walking towards me.
“You’re Yume Arcadia Hezena, right?” malambing na tanong ng babae.
Hindi ko maiwasang hindi siya hangaan. She’s not just beautiful, her voice sounded angelic, too.
Tumango ako. “Yes, what can I do for you?” I inquired.
Ngumiti siya nang malawak. “I’m Ezelliana Mondragon, can we be friends?” dire-diretsong tanong niya na labis kong ikinagulat.
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Is this for real? Nobody, as in nobody asked me to be their friend. A casual acquaintance maybe, a business partner, but not as a friend.
“Madalas kitang nakikitang mag-isa,” matamis siyang ngumiti, “We are in the same level and building… So, I thought baka pwede kitang maging kaibigan?”
Inilahad niya ang kamay niya sa akin.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa hugis-kandila niyang mga daliri at sa maganda niyang mukha.
“You know, I used to be alone, too. That’s why…” Inabot niya ang mga kamay ko. “I want to be your friend.”
May kung anong kakaibang saya sa puso ko. Ang matatamis niyang ngiti, maamong mukha, ang malambing niyang tinig, at ang mabubulaklak niyang mga salita—lahat ng iyon, ang naging dahilan kung bakit ako naniwala sa kaniya.
Hindi ako sigurado pero nakangiting tumango ako. "S-Sure.”
Lalong lumapad ang ngiti niya. “Call me Ezelle,” she said cheerfully and hugged me.
That’s one of the firsts.
Mabilis para sa akin ang mga pangyayari. Noong una ay nag-aalangan ako, but she always found time for me. Nandiyan siya palagi sa tabi ko. Isinasama niya ako sa bawat gagawin niya. Sabay kaming kumain, sabay kaming mag-aral, siya ang nag-pursue sa akin na sumali ako sa mga art contest at palagi siyang nasa tabi ko para suportahan ako. Marami siyang kaibigan, pero hindi niya ako nakakaligtaan.
Ezelliana Mondragon became my first ever friend.
“Arcadia?” tawag niya sa akin.
Nilingon ko si Ezelle. Mas marami ang tumatawag sa akin ng Yume, pero siya, mas gusto niya akong tawaging Arcadia.
“Bakit?” tanong ko habang patuloy sa ginagawa ko.
Nasa library kaming dalawa at nag-aaral. Gumagawa siya ng research niya sa Science habang ako’y gumagawa ng assignment sa Math.
“Did you ever think to leave your mansion?”
Natigilan ako sa ginagawa ko at napatingin sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.
Dahil hindi ko rin alam ang sagot.
“Hindi ka ba nasasakal sa loob ng mansion ninyo?” tanong niya habang nakatingin lang sa librong nasa harap niya.
Nakatingin siya sa libro pero malayo ang isip.
“Bakit mo naitanong?”
Nagpapasalamat ako at hindi ako nautal. Hindi ko kakayaning magsinungaling sa kaniya kung sakaling magtanong pa siya ng kung ano.
This was one of the reasons why I grew believing her. She always hit the right spot. She always understood me.
Lumingon siya sa akin. “Masarap maging mayaman, we can have everything that we want, yet there’s a consequences in being a rich kid and being an heiress…”
Tuluyan niya nang nakuha ang buong atensyon ko.
“Nakakasawa ang napakaraming bodyguards at maid na laging nakasunod sa’yo. Napakahirap humarap at makisama sa mga taong hindi mo naman kilala at gusto, but you have to because you might need them in the future.” Lumingon siya sa akin at ngumiti.”Naranasan mo na ba ‘yun?”
Marahan akong tumango. Yes, I understand her, or that what I thought so, until that day.
KINUHA ko ang pouch ko at lumabas na ng silid. Wala pa si Akane paglabas ko kaya dumiretso na ako sa elevator. Mas maaga akong nagising kanina kaya hindi ko siya masisisi kung wala pa siya. Isa pa, gabi na rin kaming nakauwi galing sa plaza.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti kapag naaalala ko ang nangyari kagabi.
Pagbukas ng elevator ay dumiretso ako sa Lounging Area. Wala pang gasinong tao nang pumasok ako maliban sa apat na mga bodyguard na nagkakape sa isang mesa. Nabaling kaagad ang atensyon nila sa akin pagkapasok ko pa lang.
Tumayo sina Nor, Brandon, Matt at Akane pagkakita sa akin.
“Good morning, Miss Yume.” Halos sabay-sabay nilang bati.
Ngumiti ako sa kanila at bumati, “Good morning.”
“Nakatulog ka ba nang maayos, Miss Yume?” Sinalubong na ako ni Akane, may masuyong ngiti sa mga labi niya.
Pinagdiit ko ang mga labi ko bago tumango sa kaniya.
Ilang sandali niya akong tinitigan bago muling nagsalita.
“Ipapahanda ko na ang agahan ni'yo,” ani niya.
“Sige, salamat,” tipid kong wika sa kaniya at umupo sa sa paborito kong pwesto.
Umalis naman si Akane para pumunta sa counter. Hindi pa siya nagtatagal na nakatalikod ay dumating na sina Ally at Gem. Mabilis na nilapitan ito nina Matt at Nor. Mukhang halos pare-parehas kaming napaaga ang gising. Si Brandon, na mukhang nakatunog ay kaagad na namaalam para puntahan na si Aila.
“Yume.” Lumapit sa akin sina Gem at Ally at sinamahan na ako sa table ko.
“Good morning.”
Ngumiti sila parehas pero halata sa mukha ni Ally ang inis.
“Tama na iyan, Ally. Masiyadong maaga para sumimangot ka,” puna ni Gem dito.
Hindi pa siguro sila nakakalimot sa nangyari kahapon.
Dumating na si Akane na dala ang agahan ko. He served sunny side up egg with bacon and toast plus creamy coffee. Nagpasalamat ako sa kaniya bago tuluyang tumalikod na ito.
Mamaya lang ay kasunod naman sina Nor at Matt na dala ang agahan nina Ally at Gem. Tahimik kaming kumakain nang dumating sina Brandon at Aila. Pagkakita niya pa lang sa amin ay ngumiti na siya. Mukhang iba na ang ihip ng hangin.
“Morning,” masiglang bati ni Aila.
“Good morning,” bati namin sa kaniya.
“Sumabay ka na sa amin,” pag-aaya ni Gem.
Umupo sa tabi ko si Aila.
Pinagmasdan ko siya, hindi na mababakas ang Aila na nakita namin kahapon. Ang Aila na lang na nakikita ko ay ang normal na Aila na madalas kong kasama—maingay, energetic, masarap kausap at malambing.
“Bakit parang ang aaga ninyong nagising?” tanong niya.
“Maaga akong tinawagan ni mommy,” inis na kwento ni Ally habang masamang nakatingin kay Matt. Wala namang reaksyon mula kay Matt na sinulyapan lang si Ally.
“Mukhang ako na ang sunod,” ani Gem habang nakatingin sa cellphone. Nilingon nito si Nor, pero kagaya ni Matt ay wala ring reaksyon.
Nagkatinginan kami ni Aila, pero dahil parehas kaming walang alam sa nangyayari ay sabay na lang kaming nagkibit-balikat.
Tahimik kaming lahat hanggang matapos kumain. Hindi ko halos manguya ng maayos ang pagkain ko dahil sa tension sa paligid.
“Ano bang problema ninyong dalawa?” tanong ni Aila, mukhang hindi na ito nakatiis.
Humalukipkip si Gem. “May nagsumbong kina mommy nang nangyari kahapon.”
“Yeah, and my mom called me para lang sabihing kapag naulit na naman daw iyon ay babalik na ako sa mansion.”
Napangiwi ako nang makita ko ang paghigpit ng hawak ni Ally sa tasa.
“How about you? Hindi man lang ba kayo tinawagan ng mga parents ninyo?” takang tanong ni Gem sa amin ni Aila.
Nagkibit-balikat kami.
“Kung alam ko lang na mapapagalitan ako, di sana’y hindi lang tubig ang ibinuhos ko sa babaing 'yun.” Halata sa mukha ni Ally na nanggigigil.
“Malaking problema kapag naaprubahan ang request niya.” Naiiling na komento ni Gem habang nakatingin kay Ally.
“Siya na yata ang babaing may pinakamalaking problema sa buhay,” ani Aila.
Sabay na tumango sina Gem at Aila.
“Anyway, magkakilala kayo ni Ezelliana, Yume?”
Muntik na akong masamid sa tanong ni Gem. Pag-angat ko nang tingin ay nakatingin silang lahat sa akin na para bang naghihintay ng sagot. Ibinaba ko ang tasa ng tsaa ko.
“Oo, ilang beses sinubukan ni Mr. Mondragon na makipagnegosasyon kina daddy.” Diretsa kong sagot sa kanila.
Well, that half meant true. I can’t tell to them that we used to be a good friends.
“Ezelle...” mahinang sambit ni Aila na tila ba may kakaiba sa pagtawag ko kay Ezelliana ng Ezelle.
“Gusto niyang iyon ang itawag ko sa kaniya,” I said to Aila.
“I see.” She smiled, but there’s really something with those smiles.
“Sinubukan? So, it wasn’t successfully happened?” tanong ni Ally na nagpabaling sa kaniya ng atensyon ko.
Tumango ako. “I’m not sure, but daddy didn’t sign any contract with them.”
That's also half meant truth.
Tumango-tango ang mga ito.
“Your father is sure an intelligent one.” Gem said while smirking.
“How about in school, did the two of you talked?” Aila suddenly asked.
“Yeah.” That’s also true. I couldn’t lie to them, but I couldn’t also tell the whole truth.
“It seems that she knew you in different perspective. Mag-iingat ka sa babaing iyon, Yume. That girl is cunning.” Diretso ang tingin na paalala sa akin ni Ally.
Hindi na niya kailangang sabihin pa iyon. I knew Ezelle and her games.
Tumayo na si Ally. “Mauuna na ako sa inyo. I have to go to mommy and explain to her that what happened yesterday is just a lame teen’s fight.” Mariing pahayag ni Ally bago muling tinapunan nang masamang tingin si Matt.
Mukhang nakukuha ko na ang dahilan kung bakit inis pa rin si Ally.
“Good luck,” nailing na paalam ni Gem bago tumayo na rin. “I think I also have to go.”
Nagpaalam na rin sa amin si Gem. Naiwan kami ni Aila na parehas tahimik. Halos paubos na ang laman ng tasa ko ay wala pang nagsasalita hanggang ako na mismo ang hindi nakatiis.
“Kumusta ka, Aila?” may masuyong ngiting tanong ko sa kaniya.
I saw her flinched but then she flashed her famous grin.
“Fine,” she answered then intently looked at me. “I’m sorry about yesterday. I’m just mad kaya hindi ko na halos alam kung anong ginagawa at sinasabi ko.” Her voice became soft.
“It’s fine. Wala ka namang ginawang mali. Anyways, thank you.” I didn’t understand everything, but maybe Aila was worried that Ezelle would play her tricks on me. Though, she already had. I couldn't allow them to know and Ezelle must stop from doing so.
Tinitigan niya ako. “Ezelliana tricked Dex and Ally before, causing a lot of pain to both of them. The group almost lost each other, thanks God, Gem wasn’t the type of girl that listen to a girl like Ezelliana. Hindi siya pumayag na dahil sa gulong ginawa niya ay mawala ang pagkakaibigan namin.” Tumigil ito sa pagsasalita at sumimsim ng tsaa. Muli niya akong nilingon, “Knowing Ezelliana, babalik siya kaya mas madalas dapat tayong magkasama. I won’t allow that treacherous lass to touch you.” She smiled, yes she always did, but I could see a hint of desperation and sadness in her eyes.
Why I had this feeling that she was trying to protect me? She wanted to protect me from Ezelliana, and I also have to do the same. Hindi ko hahayaang gawin sa kanila ni Ezelliana ang ginawa niya sa akin.
“Yeah, of course. Siguro, maganda kung sisimulan na natin ngayon.” Tumayo ako. “Tara, anong gusto mong gawin?” I asked while grinning.
Malapad siyang ngumiti. “Anything will do.”
Sa huli, magkaakbay kaming lumabas ng Lounging Area. Magsho-shopping kami, mamamasiyal, at pupunta sa kung saan namin magustuhan. Siguro, next time aayain ko siyang pumunta sa tiyangge o kaya naman ay kumain ng kwek-kwek.
Magustuhan kaya niya doon?
“ARCADIA!”
Mula sa canvas ay napalingon ako sa pamilyar na tinig na tumawag sa akin. Humahangos siyang palapit sa akin.
“Ezelle, bakit nagmamadali ka ata?” nagtatakang tanong ko nang makalapit siya. Ibinaba ko ang paintbrush at hinarap ko siya.
“You haven’t heard the news?” she asked while trying to calm herself. She’s still beautiful and composed even she's heaving after running.
“About?”
She beamed, showing her perfect white teeth, then held my hand. “You’re one of the students that will represent on the Art Grand Contest. All of the best schools will come kaya dapat galingan mo. Susuportahan kita.” Masayang-masaya niyang balita.
Hindi ko mapigilang hangaan kung paanong ganito siya sa akin. Para ngang mas masaya pa siya sa akin. Masaya akong sinusuportahan niya ako pero may mga bagay na nahihirapan akong gawin.
The truth was my adviser already talked to mom and dad. Pumayag sila kahit na hindi ko sana gusto. Gusto ko ang pagpipinta pero hindi ko gustong gawin iyon sa harap ng maraming tao.
“Bakit? Huwag mong sabihing ayaw mong sumali.” Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
“No, it’s not that, but—”
“Come on, I'll support you, okay? Hindi mo kailangang mag-alala.” Ginanap niya ang kamay ko.
Nag-aalinlangan pa rin ako pero iba ang hatid niyang assurance.
Huminga ako ng malalim bago tumango. “Sige, gagalingan ko.”
“Yes!” masaya niyang bulalas bago niyakap ako. “I’ll be there to support you,” she said happily.
She’s always like that. I still couldn’t believe that a girl like Ezelliana Mondragon— beautiful, intelligent and famous would be my friend.
I could still hear rumors about her. That she was a cunning and trickery lady. That she didn’t seriously take things. Many said that she’s just using me and when she’s done, she would soon dispose me.
Pero hindi ako naniwala at wala akong balak maniwala sa kanila. Iba ang Ezelliana na nakilala ko.
“TINGNAN mo ito, Yume, ang laking canvas nito.” Itinuro ni Aila sa akin ang canvas na halos kasingtaas ng isang tao.
“Mas marami ka pang makikitang mas malaki diyan.”
“Talaga?”
Tumango ako.
“May iba't-ibang laki rin pala ng paintbrush,” humahangang saad ni Aila habang doon naman nakatingin sa rack ng mga paintbrush.
“Oo, depende sa laki ng line na kailangan mong gawin o sa nais mong gamitin.”
Tumango-tango siya. "Kailan ka nagsimulang mag-painting?” usisa pa niya habang sinisipat 'yung pinakamaliit na paintbrush.
“I can’t remember, but I’m still young then. Mom always wanted me to learn many things like playing piano, dancing, singing and painting. She also got a Language Teacher for me, pero hindi rin nagtagal. Sa lahat, painting lang talaga ang nagustuhan ko. Kapag bakasyon, nagpapapunta rin si mommy sa mansion ng mga teachers para personal akong turuan pero hindi na niya maibaling ang tingin ko sa ibang bagay.” Patuloy lang ako sa pagsasalita habang inaabot ko ang malaking lalagyan ng kulay pulang pintura.
Inilagay ko iyon sa basket na dala ni Akane kasama ng ibang pinamili ko.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti kapag nakikita ko sina Akane at Brandon na parehas naka-black suit at may dalang pulang basket. Kaagad akong tumalikod sa takot na baka mapansin nila.
“Ang lungkot naman no’n.”
“Huh?”
“Palagi ka lang mag-aaral, hayy… Ayaw ko ng ganoon,” nakangusong ani Aila.
“Okay lang iyon. Halika na, magbayad na tayo.”
“Kahit wala akong alam sa painting, susuportahan kita palagi!” Determinadong pangako ni Aila na sinamahan pa ng pagtaas ng nakakuyom na dalawang palad niya dahilan para mapangiti ako.
“Salamat.”
“I’ll be your number one fan and I'll be there to support you!”
“I’ll be there to support you!”
Pamilyar sa kaniya ang mga katagang iyon. Minsan nang may nagsabi sa akin ng mga salita iyon pero at the end ay nabalewala lang. I never thought that broken promise would leave a sting in my heart.
“NAKITA ninyo ba si Ezelle,” tanong ko sa isa sa mga kaklase niya.
Sabay dapat kaming kakain kaninang breaktime ay wala siya. Ngayon namang lunch ay wala rin. Pumasok naman siya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkikita.
“Wala siya, pagka-bell ay nagmamadaling lumabas,” sagot ng isa sa mga classmate niya.
“Si Ezelliana ba?” sumingit ang isang lalaking marahil ay kaklase rin ni Ezelle. “Nakita ko sila papunta sa kabilang building. Sa tingin ko ay papunta sila doon sa dating library.”
“Sila? Sa dating library?” ulit ko sa huli niyang sinabi.
Tumango ito.
“Siguro, may nilalaro na naman 'yon.” Natatawang sabat ng isa pang estudyante.
Hindi ko na sila pinansin at kaagad na nagpunta sa sinabi nilang lugar. May building sa likod pero hindi kami pumupunta doon. Ang baba ay may ilang lab pa samantalang ang itaas ay halos tambakan na lang ng ilang sirang gamit.
Nasa taas ang dating library at matagal na ring walang gumagamit ng lugar. Hindi ko maiwasang hindi magtaka kung bakit pupunta si Ezelle sa ganoong lugar.
Kinakabahan man ay pumunta ako. Naaamoy ko ang amoy ng alikabok at mga lumang gamit pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy pa rin sa paglalakad.
Nagsimula na akong umakyat sa mataas na hagdan. Habang humahakbang ako sa bawat baitang ay nararamdaman ko ang pagbilis nang t***k ng puso ko. Hindi naman ako dapat kabahan dahil si Ezelle ang pupuntahan ko ngunit hindi ko mapigilan.
Nakaakyat na ako sa ikalawang palapag ng building. Kumanan ako kung saan sa dulo ng pasilyo ay naroon ang library. Dahil walang tao maliban sa akin ay dinig na dinig ko ang mahinang yabag ng sapatos ko.
Nadaanan ko ang mga dating opisina at wala akong makita maliban sa mga luma at sirang gamit, mga inalikabok na mga aklat, papel at kung ano-ano pa. Malapit na ako sa library ng makarinig ako nang malakas na kalabog. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at lalong bumilis ang t***k ng puso ko.
Luminga-linga ako sa paligid.
Wala namang tao maliban sa akin. Hindi pa nagtatagal ay naulit ang malakas na kalabog na para bang may mabigat na bagay ang bumagsak.
Napatingin ako sa library. Doon nanggagaling ang malakas na kalabog.
Humakbang muli ako.
'Nandoon si Ezelle at baka may nangyayaring masama na sa kaniya. Baka kailangan niya ng tulong.' Kahit halos mabingi na ang tenga ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Nag-aalala ako para kay Ezelle.
Habang palapit ay unti-unti kong naririnig ang mahihinang boses na nag-uusap. Lumapit pa lalo ako.
“Tama na! Ayoko na!”
Dagling tumigil ang naninigas kong mga binti sa paghakbang at tinutop ang bibig ko para pigilin ang sigaw na muntik nang kumawala sa lalamunan ko. Nagsimula nang magtaas-baba ang balikat ko dahil pakiramdam ko’y anumang oras ay pangangapusan ako ng hininga.
'A-anong ginagawa nila?’
Nanlalamig ang buong katawan ko dahil sa pinagsama-samang takot, kaba at pag-aalala.
“Ayoko na!” sumigaw muli ang babae kanina, para bang nahihirapan ito.
‘Kailangan ko siyang puntahan.’
Akmang hahakbang muli ako nang may pumigil sa braso ko. Natigilan ako lalo nang humigpit ang hawak niya sa braso ko.
“Anong ginagawa mo dito, Arcadia?”
Natauhan lang ako nang marinig ang pamilyar na tinig.
“Ezelle,” gulat kong wika nang paglingon ko ay siya ang nabungaran ko.
Kaagad ding nawala ang munting pag-asa sa dibdib ko nang mamasdan ko ang reaksyon niya. Malayong-malayo ito mula sa Ezelle na madalas kong kasama. Madilim ang anyo niya habang nakatingin sa akin. Ang dati niyang mga mata na maamo ay napakatalim nang tingin sa akin.
“Bakit ka narito?” kahit ang tono nang pananalita niya ay nag-iba—malamig at nakakakilabot.
“H-hinahanap kita.”
Naningkit ang mga mata niya.
“You’re really that attached to me?” she asked in a sarcastic tone.
Napasinghap ako sa naging tono ng pananalita niya.
“Ezelle...”
Sandali niya akong tinitigan bago parang nanghihinang nagbaba ng tingin. I never saw her in that way.
“Halika na.” Hinila niya ako.
“Pero...”
“Don’t mind them,” she said quietly yet firmly.
Hinila niya ako hanggang makarating kami sa hagdan. Halos magkandarapa ako dahil sa paghila niya.
“Ezelle, sandali...” pagpiglas ko sa kaniya.
Binitawan niya ako bago hinarap.
“Wag ka nang babalik dito,” malumanay na ang pagkakasabi niya.
“Bakit? Ano bang ginagawa mo dito? Tsaka may narinig ako sa taas, ano ba i—”
“Tama na, Arcadia. Hindi ka na babalik dito.” Nagbago ang ekspresiyon nito. Bumalik sa pagiging maamo, “Magkaibigan tayo 'di ba? Sa pagkakataong ito, magtiwala ka sa akin. Huwag ka nang babalik dito, masasaktan ka lang.”
Magsasalita pa sana ako pero mahigpit niya akong hinawakan sa kamay.
“Mangako ka, Arcadia.”
Wala na akong nagawa kundi ang tumango. “Nauunawaan ko.”
Gusto ko mang magprotesta pero ang desperasyon sa mga mata niya ang tumatalo sa akin.
Tumango ito na para bang sinasabing 'salamat sa pag-unawa.’ Binitawan niya ang mga kamay ko at tumalikod na. Pinanood ko siya habang paakyat sa hagdan.
Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang isa pang Ezelle. No, that’s Ezelliana Mondragon, cause the person I've met and became friend was Ezelle, not her.
Tumalikod akong naguguluhan pero wala akong maggawa. Maraming tanong sa isip ko pero hindi ko alam kung paano ko masasagot. Umaasa akong balang araw ay sasabihin niya din sa akin ang lahat.
Sino ka ba talaga Ezelliana Mondragon?