Chapter 14 “Changes Part 2”

2281 Words
Everything went so fast. Hindi ko halos napansin na pauwi na kami ni Akane sa Galleria. Tahimik kami parehas habang biyahe at tila hinahayaan niya munang makapag-isip at makapagpahinga ako. Pasimple kong sinulyapan si Akane. Focus ang atensiyon niya sa pagmamaneho. Pagkatapos ng maghapon na nangyari sa amin, hindi man lang kakikitaan ng pagod ang mukha niya. Kahit sa buong dinner, nakangiti at magalang na sumasagot siya kina mommy at daddy. Ibinalik ko ang tingin ko sa labas ng bintana. There was something in my mind, but I couldn’t hold on to it. Bumalik ang isip ko sa mga nangyari sa dinner. Magkasabay kami ni mommy na dumating sa dining room. Nandoon na sina Yona at Yuri, pati sina daddy at Akane. Nakahanda na rin ang pagkain sa hapag-kainan. Umupo na si daddy sa sentro ng hapag, si mommy ay nasa kanan niya katabi sina Yona at Yuri. Umupo ako sa kaliwa ni daddy habang si Akane ay nasa likuran ko. “Maupo ka na, Akane.” Napalingon ako kay daddy dahil sa sinabi niya. “Paumanhin pero—” “Think of it as our gratitude for taking care of Yume, as well as Yona and Yuri,” mommy cut him off with a smile. Sa pagkakataong ito ay kay mommy naman ako napatingin. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Hindi pa nangyari na nag-aya sina mommy at daddy ng isa sa mga bodyguard namin na sabayan kaming kumain. Yeah, they held simple celebration as act of their gratitude, but it never happened that they invited them in our own personal dinner. Lalo na at ngayon lang kami muli nagkasabay-sabay kumain. “Kung iyan po ang gusto ninyo.” Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Napapitlag na lang ako nang hilahin ni Akane ang upuan sa tabi ko. “Miss Yume?” Napalingon ako sa kaniya. He looked like he’s asking for my permission to seat beside me. Marahan akong tumango at kaagad tumingin sa ibang direksyon nang umupo siya sa tabi ko. Hindi sa ayaw kong kasabay at katabi siya, pero parang bigla ay hindi ako mapakali sa isiping magkatabi kami. 'Get a grip on yourself, Yume. Palagi siyang nasa tabi mo, pero bakit ngayon ka lang nagre-react ng ganiyan?’ I keep on telling to myself. But, what I don’t understand is why it felt different this time? “Let’s eat,” aya ni mommy. Tumango ako. Nagsimula nang kumain ang lahat. Paminsan-minsan ay inaasikaso ni mommy si daddy. Magana namang kumakain sina Yona at Yuri na kung minsa'y nagkukulitan. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Sa loob ng maraming taon, hindi ko naisip na maaaring mangyari uli ito. “Yona, kumain ka ng maraming gulay at huwag mo lang ilagay sa tabi,” saway ni mommy kay Yona kahit ang buong atensiyon nito ay nasa pagkain. “Eh?” gulat na protesta ni Yona. “Sabi sa’yo, kita ka ni mommy,” bulong ni Yuri sa kakambal. “Dad, humigop ka nito, maganda ito sa immune system mo.” Inialok ni mommy kay daddy ang maliit na bowl ng white bean chicken soup. “Salamat.” Inabot ni daddy ang bowl mula kay mommy. Napapangiting sumubo ako habang nakatingin sa kanila. Noong maliliit pa kami at bumibisita kina lola ay madalas magluto si mommy iba’t-ibang klase ng soup, kaya naman naging gawi ko na kumain ng may soup. “Miss Yume, heto pa po.” Nabaling ang atensiyon ko kay Akane nang lagyan niya ang bowl ko ng soup. “S-salamat,” ani ko. Kinuha ko ang bowl. May masuyong ngiting tumango ito. At dahil hindi nito inaalis ang tingin sa'kin ay ako na ang kusang nag-iwas ng mga mata, at nagpatuloy sa pagkain. Humihigop ako ng soup nang mapatingin ako sa beans, hindi ko maiwasang hindi maalala si Aila. Ayaw na ayaw nito ng beans pero madalas pakainin ito ni Brandon. Hindi rin ako masiyadong mahilig sa beans pero... “Di’ba dati, ate, hindi ka kumakain ng beans?” may pagtatakang tanong ni Yona na nagpatigil sa’kin sa pagsubo ng beans. Ramdam ko ring natigilan si Akane sa tabi ko at natuon ang atensiyon sa akin nina mommy at daddy. “Talaga, Miss?” inosenteng tanong ni Akane kay Yona. “Uhuh, madalas pa nga niyang hirangin iyan at ilagay sa gilid ng plato.” Bigla ay gusto kong lumapit kay Yona at itikom ang maingay niyang bibig. “Pero...” Nagtatakang wika ni Akane at kahit hindi ako nakatingin ay dama kong nasa akin ang atensiyon niya. “… wala kang nababanggit na ayaw mo.” “Pinapakain mo siya ng beans?” Sa pagkakataong ito ay si Yuri naman ang nagtanong. “Opo,” tugon niya. “At kumakain siya ng walang reklamo?” tanong naman ni Yona. Gusto ko nang matunaw sa hiya. Kailangan kong magsalita pero parang nalunok ko ata ang aking dila. “Walang pili sa pagkain si Miss Yume,” magiliw na tugon ni Akane. “Impo—“ “Yona!” I gave her a warning look. “Nag—“ “I-I just grew eating them, that’s why you also have to start eating your vegetables.” Matapang na depensa ko kay Yona kahit sa totoo lang ay hindi ko mapigilang mag-stutter. Mahinang tumawa si mommy habang nakangiting nailing si daddy. “T-tooo iyon, tsaka maganda siya immune system kaya dapat lang kumain tayo ng beans.” “Yeah, but mommy kept telling us that before, yet yo—” “Just eat your vegetables,” irap ko sa kaniya bago uminom ng tubig. “Okay,” nakangiting pagsang-ayon ni Yona. “But after, I get my own bodyguard that is like Kuya Akane.” Ngiting-ngiting dugtong ni Yona na dahilan para masamid ako. Umubo-ubo ako. ‘Ito talagang si Yona!’ “Okay ka lang, Miss Yume?” nag-aalalang tanong ni Akane habang marahang hinahaplos ang likod ko. And gush it, parang nakalimutan kong nasamid ako dahil natuon ang atensiyon ko sa marahan niyang paghaplos sa likuran ko. “S-sorry.” “Here, Yume.” “Thanks, dad.” Inabot ko ang tissue na inialok ni daddy. Umayos ako nang upo at pinahid ang labi ko. Medyo masakit pa rin ang lalamunan ko pero iba-iba na. Binitiwan na ako ni Akane pero parang dama ko pa rin ang mainit niyang palad sa likod ko. It’s not the first time that he touched me, but when he did, my skin tingles. “Okay ka na, Miss Yume?” “Y-yeah,” tugon ko kay Akane. “Thank you.” “Walang anuman, Miss." Hindi ko maiwasang hindi titigan ang gwapo niyang mukha. Every time he smiles, it makes my heart flutters. “Dad, gusto ko talaga ng bodyguard na katulad niya.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang mapanuksong tinig ni Yona. Nilingon ko siya at akmang pagsasabihan pero sumalubong sa akin ang masayang ngiti sa labi niya at ganoon din sina mommy, daddy at Yuri. Nag-init ang sulok ng mga mata ko pero pinigil ko ang pagpatak ng mga luha ko. I don’t want to ruin this moment. I smiled at them and secretly thank God. ‘Wanting changes around you is good, but changing yourself for good is better.’ NAGPATULOY ang dinner ng maayos. Mommy and Daddy asked Akane a lot of questions about Galleria, about me, and my schooling. Napag-usapan din namin sina Aila at Brandon. Naalala kong hindi ko pa pala natatawagan si Aila. “Kaibigan po sila ni Miss Yume,” kwento ni Akane. Nang sulyapan ko sina mommy ay wala naman akong nakitang ibang reaksyon mula sa kanila. Masaya silang may bago na akong kaibigan. Nang matapos ang dinner ay hindi kami kaagad umalis dahil nag-usap pa sina daddy at Akane sa study room. “I think, daddy likes him.” Napalingon ako kay Yuri na katabi ko sa living room. “Sa tingin ko rin,” ani din ni Yona na nasa kanan ko naman. Hindi ako nagsalita. Inabot ko ang tasa ng tsaa at sumimsim. Hindi ko rin maiwasang hindi magtaka. It seemed that they knew each other for so long. “Stop thinking too much, it’s just because he’s your ate Yume's bodyguard.” Pumasok si mommy sa living room. “Aren’t your going to stay here for the rest of the night?” baling sa akin ni mommy. “Maybe next time, mommy.” Nakausap ko si Brandon at kanina pa raw hindi mapakali si Aila. Pagkatapos nang nangyari kanina sa school at ng dahil sa ginawa ko, tingin ko’y dumagdag pa ako sa isipin niya. “It’s Friday naman, ate. Walang pasok bukas,” protesta ni Yona. “Sorry, pero may kailangan pang ayusin si ate, eh. Siguro next time, sama-sama tayong matutulog.” Hinaplos ko ang buhok ni Yona. “Okay.” Natuon na ang atensiyon ni Yona sa cellphone na hawak. “Ano bang ginagawa mo?” tanong ko at sumilip sa ginagawa niya. “Nag-uupdate po iyan ng status niya sa Instagram.” Si Yuri ang sumagot na abala nakatuon naman ang atensiyon sa pagbabasa sa hawak na libro. “i********:?” nagtatakang tanong ko. Nadinig ko 'yun kay Aila minsan nang bumili kaming cellphone pero hindi ko pa nasusubukan. “That’s called social media,” tugon pa ni Yuri. “And you should try this...” Nakangiting tumayo si Yona. Iniharap nito ang cellphone sa amin. “Ate, Yuri, smile.” “Yona!” protesta ni Yuri na kaagad nagtago sa likod ng libro niya. “Wag kang KJ, Yuri. Minsan lang 'to.” Bumaling si Yona kay mommy. “Mommy, sama ka.” Hindi ko napansin na kanina pa pala kami pinapanood ni mommy. “Fine,” she said. Tumayo siya at tumabi kay Yuri. Napilitan tuloy umisod si Yuri palapit sa akin. “Okay, one… two... three... smile!” Sabay-sabay kaming ngumiti. Nakailang shots pa bago tuluyang tumigil si Yona. “I’ll upload this to my account.” Masayang anunsiyo ni Yona at nagmamadaling nagpipindot sa cellphone niya. Pinanood ko si Yona sa ginagawa niya. Matagal ko nang nakikita at nadidinig ang tungkol sa social media na 'yon pero aminado akong wala akong masiyadong alam doon. “Hilig na iyan ni Yona.” Bumalik si mommy sa pang-isahang upuan. “Wag kang mag-alala, I told her to be careful sa mga ginagawa at nakikilala niya diyan.” “Don’t yah worry. Sinasala ko lahat ng request na ina-accept ko.” Nakatuon pa rin ang atensiyon ni Yona sa cellphone. “But, still, kailangan mong mag-ingat sa pino-post mo,” paalala ni Yuri. Naglipat-tingin ako sa kanilang dalawa. “I already said, I’m being careful.” Yona snapped. “Yeah.” “Wala ka kasing alam sa social media.” Mukhang malapit ng mainis si Yona. “You know, I don’t care.” Yuri. “Kan—.” “Both of you, stop!” mariing awat ni mommy, at ibinaba ang tasa niya sa center table. “Kapag hindi kayo tumigil, walang gadgets at grounded kayo buong weekend.” Akmang magpoprotesta pa silang dalawa pero kaagad ring tumahimik ng mataray silang nilingon ni mommy. “Mukhang hindi ko napapansin na mabilis na ang paglaki ninyo.” Bumalik ang atensiyon ko kay mommy na nakatitig sa tasa ng tsaa. Nakangiti siya pero kita ko sa mga mata niya na tila ba may hinahanap siya. “Lumaki lang kami, mommy. We’re still your child,” nakangiting wika ko sa kaniya. Ngumiti siya. “Yeah.” Mamaya pa ay dumating na din sina daddy at Akane. They joined us for a while. Hindi rin nagtagal ay namaalam na kami. “MISS Yume, malapit na tayo.” Umayos ako nang pagkakaupo at inayos ang sarili ko. “Can you please stop the car?” pakiusap ko kay Akane. Bahagya niya akong nilingon. “Sige, Miss Yume.” Itinigil niya ang sasakyan sa gilid. Hindi ko na hinihintay pang ipagbukas niya ako ng pinto, kusa na akong bumaba. Ngayon ko lang napagmasdan nang gabi ang Galleria mula sa labas. Nagkukulay ginto ang complex dahil sa ilaw na nalilikha mula sa bawat silid. May makukulay ding ilaw sa malawak na lawn sa harap ng Galleria. Naglakad ako papunta sa harap ng sasakyan. Magkatabi kami ni Akane na nakatingin sa Galleria. “Lumalabas ako tuwing gabi at palagi kong nakikita ito pero… Mas maganda siyang tingnan ngayong gabi.” Napapangiting yumuko ako at inabala ang sariling tingnan ang sapatos ko. “Akane...” “Bakit, Miss Yume?” Hindi ako kaagad nagsalita. Marami akong gustong sabihin pero mahirap humanap ng tamang salita. Tiningala ko siya. “Salamat sa lahat,” nakangiting ani ko sa kaniya. Hindi nakaligtas sa akin ang kakaibang kislap sa mga mata niya. Humarap siya sa akin. “Para sa'yo, Miss Yume.” Tumayo ako nang tuwid at hinarap siya. “Pwede bang dito ka lang sa tabi ko palagi?” masuyo kong tanong sa kaniya. I may sound selfish bu, can I? Even it’s for now. Lumamlam ang tingin niya sa akin. Tumaas ang kamay niya patungo sa pisngi ko. Noong una, natatakot at kinakabahan ako pero ngayon sigurado na ako. Sa pagkakataong ito, marami na ngang nagbago. “Dumating man ang araw na hindi mo na ako kailangan, mananatili ako sa tabi mo.” Dama ko ang lungkot sa mga salitang binitawan niya. Hindi ko nauunawaan kung anong nais niyang ipahiwatig pero sa ngayon ang alam ko lang ay ayaw ko siyang mawala. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko. Napakainit ng palad niya. Napakainit na kayang pagliwanagin ang dati'y madilim kong mundo. I closed my eyes and let my heart feel at ease.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD