Comfort zone, the place where everybody wants and yearns to be. The place where we thought, we can stay for a long time, not knowing that it may get us weak.
That’s the place where I used to stay and decided to leave. I want a new life, a new version of me, and I believe it was worth-taking the risk.
Malayo pa ay tanaw ko na ang malaking gate ng mansion. My heart started to beat faster. I could feel sweat started to form on my forehead.
“You don’t have to come inside, ate,” Yuri said in a worried voice.
“And, you don’t have to worry about me,” nakangiting balik ko kahit na ang totoo ay nagsisimula na namang gumapang sa loob ko ang takot. There’s a urge inside me na gawin na lang ang sinabi ni Yuri pero alam ko sa sariling mali kapag ginawa ko iyon.
“What if, daddy takes away your freedom dahil sa nangyari? Paano ka na, ate?” I could feel the uncertainness in Yona's voice.
Nasa backseat kaming tatlo at nasa gitna nila ako kaya malaya ko silang naaakbayan.
“Tumigil na kayong dalawa sa pag-iisip. Haharapin ko sina mommy at daddy at sigurado akong hindi nila gagawin iyon. And,” I stop for a while to squeeze them both, “if that happens, I’ll think of a new way para payagan nila ako.” Hindi ako sigurado sa mga sinasabi ko pero ayaw ko na ring palagi na lang nag-aalala sa akin si Yona at Yuri.
“We’re here,” Akane announced.
Nag-angat kaming tatlo nang tingin sa unahan nang magsalita si Akane. Kasalukuyan nang ipinapasok niya ang sasakyan sa loob ng malaking gate.
“Heto na naman sila,” naiiling na ani ni Yona nang makita ang napakaraming bodyguard na nakahilera sa harapan ng mansion.
“Si ate ang bahala…” Hindi ko pinansin ang takot at kabang nagsisimulang gumapang sa dibdib ko.
Itinigil ni Akane ang sasakyan ilang metro mula sa mga bodyguard na nakahilera.
“Miss Yume?” nilingon ako ni Akane.
“I’ll be fine,” may ngiti sa labing wika ko.
Sandali niya akong tinitigan bago bumaba ng sasakyan. Habang umiikot si Akane patungo sa gilid namin para pagbuksan kami ay lumabas na sina mommy at daddy mula sa loob ng mansion. May kasunod itong mga maid at 'yong mga bodyguard kanina. Nakayuko ang mga ulo ng mga ito, siguradong hindi biro ang nakuha nilang sermon mula kina mommy at daddy.
Bumukas ang pinto ng sasakyan.
“Maiwan muna kayo dito,” saad ko kina Yona at Yuri.
“Ate...” Their eyes were both worried.
“You know, I love you both.” I said gently and kissed them at their foreheads.
Bumaba na ako habang naiwan naman sa sasakyan sina Yona at Yuri. Lumingon ako kina daddy at mommy at pakiramdam ko ay bigla akong pinanghinaan ng tuhod. I know, it’s not just them who I feared about, it’s the things that they could do. Ayaw ko nang makulong sa mansion na ito. Ayoko ng mag-home school. Gusto kong lumabas, mamili kasama ni Akane o ni Aila at Brandon. Gusto kong pumasok ng school. Gusto kong…
“Miss Yume…”
Napapitlag ako nang maramdaman ang marahang paghawak ng mga kamay ni Akane sa mga kamay ko. Napalingon ako sa kaniya at katulad ng dapat asahan ay nakangiti siya sa akin.
“Akane…”
“Dito lang ako sa tabi mo...”
Tila magic na nawala lahat ng takot ko. Huminga ako nang malalim at naglakad patungo kina mommy at daddy. Tumigil ako sa tapat nila at nagyuko ng ulo.
“Mommy, daddy, humihingi po ako nang paumanhin sa mga nangyari,” magalang kong hingi ng paumanhin.
“Nasaan ang mga kapatid mo, Yume?” Hindi pinansin ni mommy ang sinabi ko. Sa halip ay parang gusto niya akong sugurin ngunit alam kong nagpipigil lang siya ng galit.
Nanatili akong nakayuko. Pamilyar sa akin ang ganitong pangyayari.
“Nasaan ang mga kapatid mo, Yume? Nasaan sila?” Nagsisimula na si mommy maghestirikal.
Umiiyak na umiling-iling ako.
“H-hindi ko alam, mommy. A-andito lang sila kanina.” Naghahalo ang kaba at takot sa puso ko.
“Anong hindi mo alam? Kapatid ka nila. Ate ka! Bakit mo sila pinabayaan?”
“H-hindi po, nag—”
“Tama na, Yume! Tama na ang paliwanag mo! Anong klase kang ate at pati ang sarili mong mga kapatid ay pinabayaan mo.” Galit na galit si mommy habang sumisigaw sa harap ko.
Umiiyak na napaluhod ako. “Hindi po totoo iyan. H-hindi ko sila pinabayaan.”
“Gusto ko lang silang makasama ulit.” Naramdaman ko ang paglandas ng mga luha ko sa magkabilang pisngi. Hindi ko alam kung dala iyon ng alaala nang minsang nawala sa pangangalaga ko ang mga kapatid ko o ang katotohanang hindi na nila kayang magtiwala sa akin.
Tumunghay ako at tinitigan sila. “Alam kong malaki ang kasalanan ko at lalo ko 'yong dinagdagan nang itakas ko sila kanina pero kapatid nila ako at kahit sandali gusto ko silang makasama.”
Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang gulat at bahagyang paglambong nang lungkot sa mga mata nina mommy at daddy. Hinarap ko ang mga bodyguard kanina na nagbabantay kina Yona at Yuri. “Nais ko ring humingi nang paumanhin dahil sa nangyari kanina. Alam kong ginagawa ninyo lang ang trabaho ninyo.”
Mula sa pagkakayuko ay napatunghay ang mga bodyguard. “H-hindi po, wala kayong kasalanan.” Halos hindi magkatuto ang tatlo sa pagsasalita. Halatang hindi nila inaasahang marinig ang mga salitang iyon mula sa akin.
Sabagay, kailan ba ako nagkaroon ng lakas nang loob magsalita. Palagi akong sunod-sunuran sa bawat sabihin nina mommy at daddy.
“May kasalanan din po ako sa nangyari.”
Nagulat ako ng bigla na lang tumabi sa'kin si Akane at yumuko rin kina daddy at mommy.
“Akane...” bulong ko.
“Tinulungan ko po silang makatakas,” buo ang loob na pag-amin ni Akane. Dama ko sa bawat salita niya na handa siyang tanggapin lahat ng parusa na maaaring ibigay sa kaniya.
“Ginawa niya lang po ang sinabi ko,” mabilis kong sabat. Pagkatapos nang ginawa niya para sa'kin, hindi ako papayag na mapahamak siya.
Ilang segundong nanatili ang katahimikan sa paligid. Nag-angat ako ng mga mata kina daddy at mommy. Nakatingin lang sila sa amin habang walang emosyon ang mukha.
Ibinaling ni daddy ang atensyon niya kay Akane. “Dalahin mo sina Yona at Yuri dito,” utos ni daddy kay Akane.
“Opo.” Tumalikod si Akane.
Sinundan ko siya ng tingin habang binubuksan niya ang kotse at pinababa sina Yona at Yuri.
“Kunin ninyo ang mga bata at papasukin,” matigas na utos ni mommy sa mga maid.
“But, mommy!” pagpoprotesta ni Yona.
Sa amin, siya lang talaga ang kayang gawin iyon sa harap nina mommy. Ever since I was a child, whatever mom and dad’s said, it’s fine with me. Susundin ko sila dahil iyon naman talaga ang dapat di'ba? Kahit pa labag sa loob ko at iba ang naging bunga sa akin.
“No more buts, Yona. You’ll listen to me.”
Akmang magsasalita pa uli si Yona pero hinawakan na siya ni Yuri sa kamay at hinila. Yona acts in a way she wanted to, but Yuri acts in a way that would be good for everyone. And at this point, alam niyang mas makakabuti para sa amin ang susunod sila.
Hinintay kong makapasok sina Yona bago ako nagsalita. Sinulyapan ko sina mommy at daddy. “Maiintindihan ko kung masama ang loob ninyo sa akin.” Handa na ako sa galit nila.
“What you did is terrible. Hindi—“ Kitang kita ko sa mga mata ni mommy ang pagpipigil sa sarili kaya humugot ito nang paghinga bago nagpatuloy. “I can’t believe na nagawa mo ito, Yume.”
“I’m sorry.”
Mommy was about to talk when daddy interrupted her.
“Enough, Yanna.”
“But...” There was a ‘this-is-ridiculous’ look in her face.
“Where did you bring your sisters?” baling ni daddy sa akin.
“I-in the Amusement Park.”
Napatingin sa akin si mommy pero hindi nagbago ang expression ng mukha niya.
“I see,” ani daddy. “Well, in that case, wala na akong magagawa dahil nangyari na. Both of you get inside. Dito na kayo magdinner.” Kalmadong ani daddy.
Manghang napatingin ako kay daddy. Hindi ako makapaniwala na ganoon lang ang sasabihin niya.
“Pero…”
“You can still go to Galleria after you ate.”
Hindi ko na namalayang lalong nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko at kusang nagbagsakan ang mga luha ko. Hindi ito ang inaasahan kong pagtatapos.
“Thank you,” nakangiting ani ko.
Tumango si daddy pero nang balingan ko si mommy ay seryoso pa rin ang mukha niyang nakatingin sa akin.
“Kung iyan ang gusto ng daddy mo, ano pa nga bang maggagawa ko?” My mother said in a low voice. “Go and wash yourself at ipapahanda ko na ang mesa.”
“Okay po.” Pinunasan ko ang mga luha ko.
Tumalikod na sina mommy at daddy. Binalingan ko si Akane at malapad na ngumiti. Kung hindi lang kami nasa harap ng mansion ay baka nagtatalon na ako gaya nang ginagawa ni Aila.
“It turns out different.” May masuyong ngiti sa labi ni Akane.
“Yeah. Thanks to you.”
“Ehem.” Napalingon kami ni Akane ng tumikhim si daddy.
“Malamig na kaya pumasok na kayo dito,” seryoso ang pagkakasabi ni daddy pero may kakaibang kislap ang mga mata niya at ganoon rin si mommy sa kabila ng pagiging seryoso ng mukha.
“O-opo.”
“You go first, Miss.” Inilahad pa ni Akane ang kanang kamay niya pauna.
Gusto ko tuloy matawa sa kaniya pero mas pinili kong hindi na lang. Nagsimula na akong maglakad habang nasa likod ko si Akane. Malapit na kami sa front door ng sabay-sabay nagyuko ng ulo ang mga guards.
“Masaya kaming makita ka uli, Miss Yume.”
Napakagat-labi ako.
“Ako rin. Salamat sa inyo,” nakangiting bati ko.
Nakapasok na kami sa loob. Dumiretso si mommy sa kitchen habang may maid naman na nag-aabang sa akin.
"Akane, sumama ka muna sa'kin,” dinig kong utos ni daddy.
Napalingon ako kay Akane. Pasimple niya akong sinenyasan na okay lang daw siya. Wala akong nagawa maliban sa tumango.
Paakyat na ako ng hagdan ng muling magsalita si daddy dahilan para mapatigil ako.
“Yume...”
“Po?”
Ngumiti siya, “It’s just been three weeks and five days, yet you’ve already changed.”
Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya kaya ngumiti na lang ako. I smiled at him, and I did it from the heart. Because, the moment he said those words, I know, I’m making progress.
“Go and make yourself beautiful.”
“Okay, daddy.”
AFTER taking a quick bath, I left the bathroom in a robe. Abala ako sa pagpapatuyo ng buhok ko kaya natigilan agad ako ng paglabas ko ng bathroom ay may dalawang maid ang nakaabang sa'kin.
“Miss Yume, ipinahanda po sa amin ang mga damit na ito.”
“Pwede po kayong mamili kung alin ang gusto niyong isuot.”
Ibinalot ko ang buhok ko sa towel.
“No need. Iwan ninyo na lang diyan ang mga damit at ako ng bahala.”
“Pero ang bilin po ni Madam ay tulungan namin kayo sa pag-aayos.”
Nilapitan ko sila at kumuha ng isang dress. Pinili ko 'yung kulay cream bago binalingan sila, “Heto na lang, pwede n'yo na akong iwan. Salamat.”
Nagkatinginan pa silang dalawa bago nagsabi ng, “Masusunod po.”
Nang makalabas sila ay nagbihis na ako. Abala na ako sa pagsusuklay ng buhok ko nang madinig ko ang pagbukas ng pinto.
Hindi talaga sila titigil.
Hindi ko maiwasang hindi manibago. Ilang linggo pa lang pero parang ang dali kong nasanay na ako lang mag-isa.
“Pababa na rin ako ka—” natigilan ako sa pagsasalita nang mapagtanto kong si mommy pala ang pumasok ng bedroom. Dagling tumayo ako at hinarap siya. “Mommy...”
“Maupo ka lang,” masuyo niyang utos habang palapit sa akin. Wala na ang seryoso niyang mukha na gaya nang kanina.
Sumunod naman kaagad ako.
Habang palapit siya sa akin ay hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan. Hanggang ngayon ay napakaganda pa rin niya. Marami ang nagsasabi na si mommy ay typical na asawa, na bawat sabihin ni daddy ay sinusunod nito. Sa lahat nang ginagawa ni daddy, palagi lang nakasuporta si mommy at handang umagapay. May pagkakataong iniisip kong baka sa kaniya ko nakuha ang katangiang iyon— na kahit anong sabihin ng paligid, tatanggapin lang.
Hindi na mahalaga ang personal na nararamdaman.
“Pwede ko bang ayusin ang buhok mo?” Iba na ang emosyong nakalarawan sa mukha ni mommy nang tanungin niya ako.
“O-opo.” Iniabot ko sa kaniya ang suklay.
Marahan niyang sinuklay ang buhok ko at pakiramdam ko naman ay inihehele ako. Matagal na ng huling gawin ito ni mommy sa'kin, halos hindi ko na namalayang hinahanap-hanap ko din pala ito.
“Yume...” Her voice was so sweet, and I couldn't help not to stare at her reflection at the mirror.
"Galit ka pa rin ba sa'kin, mommy?” nag-aalalang tanong ko.
Nagbago ang kislap ng mga mata niya at sa isang iglap ay yakap na niya ako mula sa likuran. Umiling-iling siya habang mahinang humihikbi. “H-hindi. Hindi na. Patawarin mo ako kung nasigawan na naman kita.”
Na naman…
Hinawakan ko ang kamay at braso niyang nakayakap sa akin. “Naiintindihan ko naman po kayo.”
“No. I forgot that they are still your sisters—that they love you and you love them. Walang tumanim sa isip ko maliban sa sariling takot na ginawa ko. Alam kong hindi mo ginusto ang nangyari noon, but I didn’t listen to you. Instead, inilayo ko sila sa'yo and stop trusting you. I’m really sorry.”
Naipikit ko ang mga mata ko. I could still remember the pain of yesterday, the way she yelled at me, the way she looked at me like I’m the most pathetic person in the world. I wanted to get mad at her but at the end; I just hated myself so much. Kasalanan ko kung bakit na-kidnap sina Yona at Yuri noon. Kasalanan ko kung bakit kinailangan nilang sapitin ang takot habang nasa mga kidnappers nila at kasalanan ko rin kung bakit mas pinili nilang ilayo sa akin ang mga kapatid ko.
“All along, sinisi kita, not admitting to myself na may kasalanan din ako. I’m your mother, yet I can’t even protect you all.”
“No...” Humarap ako kay mommy, “Ako ang kasama nila that time at kung sana ay—”
“No. I just let you think that and I’m really really sorry. You have your own dilemma that time at hindi man lang kita naisip. I’m really sorry.” Niyakap niya muli ako.
My mother used to be like this, but after all what had happened to me, to us, marami nang nagbago.
“Kalimutan na lang po natin iyon, mommy.” Kumalas ako ng yakap sa kaniya. “And, I’m sorry again, dahil itinakas ko sila.”
Ngumiti ito. “No, don’t be.” She sighed then seat at my side. She held my hand and looked at me. “Nag-usap na kami ng daddy mo. Kung hindi mo pa ginawa iyon, hindi ko pa mare-realize kung gaano mo sila kamahal.”
“Still—”
“That man told me everything,” may masuyong ngiti sa labi niya.
Napakunot-noo ako. “Ano pong ibig niyong sabihin?”
“Your bodyguard. That fine, young man,” ani nito. Mula sa masuyong ngiti at mas lalong lumapad ang ngiti nito na para bang may naalalang magandang pangyayari.
Napakurap ako. “Si Akane po?”
Tumango siya. “That young man grew up nicely,” makahulugang ani mommy.
Lalo akong naguluhan sa sinabi at sa paraan nang pagsasalita ni mommy.
“Anyways, he told us na simula nang magpasukan, palagi na kayong nag-aabang sa labas ng gate nina Yona para lang makita sila.”
“Ohh.” I gasped.
Napatawa naman si mommy. “I think, your daddy is right, it’s just been a few weeks and you’ve already changed a lot.”
“Talaga po?” nahihiya kong tanong. Hindi ko napansin at wala akong napapansin. Ang alam ko lang kapag nahihirapan na ako ay may dumarating na tulong. Bukod sa pamilya ko, nandiyan na sina Aila, Brandon at si Akane.
“Buti pa ay bumaba na tayo. Naipahanda ko na ang table.”
“Okay, mommy.”
Pagkatapos niyang ayusin ang buhok ko ay sabay kaming bumaba.
And at this moment, I think nagmana talaga ako kay mommy. Some says we’re cold, yet inside we’re as soft as a cry baby.