Chapter 28 "Our Past"

3526 Words

[YUME] Naalimpungatan ako sa marahang pagyugyog sa akin. Nagmulat ako ng mata at sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ng isa sa maid. “Miss Yume, kailangan ninyo pong gumising.” Kahit inaantok pa ay kitang-kita ko ang takot at pag-aalala sa mukha niya. Bumangon ako. “Bakit? Ano bang nangyayari?” inaantok pang tanong ko. “Ang Sir po ay nakauwi na...” ‘Dumating na pala si daddy. Bakit kailangang gisingin pa kami?’ Tumingin ako sa orasan. Alas-dose pa lang at may pasok pa ako sa umaga. “Tara na po sa baba, Miss Yume.” Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mukha’t tinig ng maid. “Ano bang nangyayari?” tanong ko at bumaba ng kama. Isinuot ko ang robe na iniabot niya sa akin. Naglalakad na kami palabas ng silid ko ay hindi pa rin sumasagot ang maid. Hindi ko na siya pinilit p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD