[YUME] Hinilot-hilot ko ang sentido ko upang mabawasan ang tila mariing pagpintig nito na sinabayan nang pamimigat ng ulo ko. Paano ba namang hindi ay halos hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip kagabi. I tried to get her out of my mind, but it seemed that she already casted her spell to me. “Okay ka lang, Yume?” Napapitlag ako ng hawakan ni Aila ang noo ko. “H-Ha?” “Wala ka namang sakit, but you seem out of yourself.” Tinanggal ni Aila ang kamay niya sa noo ko. “You know, you can take a rest. Wala naman tayong masiyadong ginagawa ngayon dahil next week na ang program.” Pinilit kong ngumiti at pinasigla ang tinig ko. “I’m fine.” “Sa tingin ko ay tama si Miss Aila, makabubuti kong magpahinga ka muna.” Sumeryoso ang mukha ni Akane habang sinasalinan ng tsaa ang tasa ko. Nag

