[Yume's POV]
"Yesss! Tapos na ang exam!" malakas na wika ni Aila habang nag-iinat.
Kalalabas lang ng teacher namin at dahil last day of exam ay half day kami.
"I texted Brandon, sabi ko sumabay na lang siya kay Akane sa pagsundo sa atin." Nakasakbat na ang bag na lumapit sa akin si Aila.
Hindi naman halatang excited siyang umuwi.
"May gusto ka bang puntahan?" tanong ko sabay tayo at isinakbat ang bag sa balikat.
"Hmm... Wala naman," sagot niya.
Lumabas na kami ng room. Habang naglalakad ay pasimple nitong inilabas ang cellphone.
"Aila, bawal iyan," bulong ko.
"I'll just ask Brandon kung nandoon na sila." Nakangiting aniya habang itinatago na ulit ang cellphone.
Pinagmasdan ko siya. Ilang araw ko nang napapansin na may iba sa kaniya.
"Alam niyang bawal kang gumamit ng phone kapag nasa loob ng school kaya hindi na naman siya magre-reply."
Sumimagot ito pero mamaya ay ngumiti rin. "Ikaw, Yume, may gusto kang puntahan?"
"Wala naman. Okay na sa akin ang kumain at magpahinga."
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makalabas ng building. Sa dami ng estudyante ay mahirap makipagsabayan.
"Napakasimple mo talaga," wala sa loob na saad nito habang masiglang naglalakad.
Nilingon ko siya. Ilang araw ko na talagang napapansin na may kakaiba kay Aila. Masigla ito pero kakaiba ang sigla na meron ito ngayon. "Okay ka lang ba?"
Tumingin din siya sa akin kasabay nang pagseryoso ng mukha nito. "Yume, kahit minsan ba," bumuntonghininga ito bago nagpatuloy, "nag-away na kayo ni Akane?"
"Nag-away?" nagtatakang tanong ko. May mga pagkakataong hindi rin kami nagkakaunawaan pero palaging mas nauunang magpakumbaba si Akane. "Siguro. Oo. Minsan."
"Ang ganda mo talagang sumagot," sarkastikong sabi niya.
Mukhang nag-away na naman sila ni Brandon. Kung minsan talaga, hindi sila mukhang mag-amo lang. Nakangiting napapailing na lang ako.
"Bakit ganiyan ang ngiti mo?" usisa niya sa akin.
"Parang magkapatid kayo ni Brandon, siya ang kuya at ikaw ang bunso." Malapad ang ngiti na tugon ko.
Natigilan siya sa paglalakad. Lumungkot ang mga mata niya at napatulala sa kawalan.
Hindi ako pwedeng magkamali sa kakaibang lungkot sa mga mata niya. I once saw that looks, too.
"Iyon ba ang tingin mo sa amin?" Nakatingin pa rin siya sa kawalan habang nagsasalita.
Mukhang malalim na rin ang pagkakahulog niya.
Ipinulupot ko ang braso ko sa braso niya. Gano'n ang palagi niyang ginagawa kapag alam niyang nag-aalinlangan ako.
"Siyempre hindi."
Maang niya akong sinulyapan.
"Sa tingin ko," hinila ko siya, "maganda kong palagi kayong magkasama." Nakangiting hinila ko na siya para maglakad nang mabilis.
"Yume..." she whispered.
Yeah, I once saw that looks, too, in my mirror. Siguro, kaya ko siya nauunawaan. Umaasa akong, balang araw, magbabago ang landas na lalakaran namin.
Magkahawak-kamay kaming naglakad papunta sa gate. Hindi nagtagal ay natanaw namin sina Akane at Brandon. Kahit sa malayo ay kitang-kita ang mga humahangang sulyap at tingin ng mga babae sa kanilang dalawa.
"Mukhang kailangan nating magmadali." Sumeryoso ang boses ni Aila at bumilis ang paghakbang.
Napangiti ako. "Sa tingin ko, hindi naman."
"Ang daming papansin sa labas." Nagsisimula na namang magsalubong ang kilay ni Aila.
Sinabayan ko na lang ang mabilis niyang paghakbang. Hindi niya kailangang magmadali, dahil malayo pa kami ay sa kaniya lang nakatingin si Brandon. Sa kaniya lang nakatuon ang atensiyon nito at tila walang pakialam sa buong paligid.
Sana... Sana kami rin...
"UBE Leche Flan, Black Forest, at Caramel cake?" tanong ng babae habang inililista ang sinabi naming flavor ng mga cake.
Nakangiting tumango ako bilang tugon.
"Ire-ready ko na po. Pakihintay na lang," ani ng babae.
"Sige, salamat."
Tumalikod na ito. Binalingan ko naman si Aila na nagtitingin pa sa stand ng mga cake. "May gusto ka pa, Aila?" tanong ko.
"Hmm. Wala na. Salamat." Nakita ko ang pagtabingi nang ngiti ni Aila.
Ang totoo ay mukhang gusto pa nitong mag-try ng ibang flavor pero noong madami na itong sinasabi ay nag-iba na ang tingin ni Brandon.
"Nagtext si Gem, andoon na raw sila." Umalis na si Aila sa tapat ng fridge habang nakatingin sa cellphone.
"Baka may gusto silang ipabili."
"Gumawa daw si Chef Michael ng ice cream. Try daw natin pagdating."
Lihim akong napangiti. 'Yes! Ice cream!'
Ito ang naisip naming gawin. Wala kaming mga ganang lumabas kaya magfo-food trip na lang daw kami. Ang totoo ay si Aila ang nakaisip noon. At sa ngalan ng pagkain, maaasahan kami!
Dumaan lang kami sa bakeshop para bumili ng cake. Ang unang balak ay isang flavor lang pero nang makakita kami ng iba pang flavor, naisip naming bumili ng dalawa pa.
Pagkatapos magbayad ay kinuha na ni Brandon ang mga boxes. Si Akane ay nasa may sasakyan. Pinagbuksan niya kami, siya din ang nagda-drive habang nasa tabi niya si Brandon.
"Huh?" bulalas ni Aila.
Napalingon ako kay Aila na abala sa pagpindot sa hawak na cellphone.
"May bagong tenant na darating?" Hindi ko alam kung kanino niya sinasabi ang tanong na iyon dahil hindi rin nagsalita 'yong dalawang lalaking nasa unahan.
"Sa Galleria?" tanong ko.
Tumango siya. "May mga dumating daw kanina doon na mga bodyguards ng Hunters' Security Agency."
"Hunters' Security Agency?" ulit ko sa sinabi niya.
"Uhuh. Doon dati kinuha ang bodyguard ko noong mga ten years old pa lang ako." Pagkukwento ni Aila habang nagpipipindot sa cellphone.
"Talaga?"
"Oo. Halos, hindi na ako lumalabas ng kwarto ko noon dahil kapag nakakasalubong ko sila ay parang nagiging dwarf ako. Malalaki at matatangkad na lalaki kasi sila, mga six footer at parang mga wrestler ang katawan. Akala ko noon kapag hinawakan nila ako malalasog ang buto ko." Halos hindi maipinta ang mukha ni Aila habang nagkukwento.
"Eh?" Napangiwi ako sa mga sinabi ni Aila.
Hindi ko maiwasang hindi ma-i-magine ang mga hitsura nila. Hindi ko rin ma-i-magine ang kalagayan ko kung may mga gano'ng bodyguard ako.
Parang iisa ang iniisip namin ni Aila dahilan para magkatinginan kami bago sabay na umiling.
'Not gonna happen.'
Nanghihinang sumandal kami ni Aila. Nasanay ako sa palaging nakangiting mukha ni Akane kaya feeling ko'y magiging malaking pagbabago kung katulad nila ang makakasama ko.
Pero sino kaya iyong bagong darating na tenant?
PAGKARATING namin nina Aila sa complex ay sa Lounging Area agad kami dumiretso. Nandoon na sina Gem at Ally na ipinapahanda na ang mesa. Ilang sandali rin ay dumating na sina Lorie at Megan. Ang wala lang ay ang kambal, dahil may practice daw ang mga ito ng basketball. Nakakatuwa pang halos solo namin ang lugar dahil walang ibang tenant na kumakain o nagpapahinga.
"Dahil tapos na ang exam ay makakatulog na ako mamaya ng maaga." Gem said while cutting the lasagna she was eating.
"Ako rin!" masiglang banat naman ni Aila. "Kapag hindi ako inantok magko-Korean drama ako." Nangangarap na naman ang mga mata ni Aila.
"Wag ka na munang mag K-drama," paalala ni Megan.
"Baka mamaya, walking panda ka na," natatawang saad naman ni Lorie. "Nagkaka-eyebag ka na."
"Talaga?" Napamulagat si Aila. "Nagkaka-eyebag na ba talaga ako?" tanong niya.
"Isang linggo na lang pagpupuyat at malapit na," seryosong sabat ni Ally, pero ang totoo ay inaasar lang nito si Aila.
"Ohmo! I need a lot of fresh cucumber," hurumentado nito na sinamahan pa nang pag-face palm.
Eksakto namang kapapasok lang ni Brandon galing sa labas kasama ang ibang bodyguard.
"Hey, find me some fresh cucumbers," ungot nito kay Brandon.
Hindi kaagad nakasagot si Brandon sa sinabi ni Aila dala nang pagkabigla. Ilang sandali ring tinitigan nito si Aila bago tumango. "Okay, I'll buy later."
Nagkatinginan kami nina Ally at naiiling na napangiti.
Inukopa ng mga bodyguard ang mesa malapit sa pwesto namin. Sinabihan ni Gem na magmeryenda na rin sila habang kumakain kami. Isa sa mga natutunan ko sa kanila ay hindi lang basta bodyguard ang tingin nila sa kanila. Maybe after years of serving them, naging malalapit na sila sa isa't isa.
Lahat sila'y ilang taon nang magkakasama. Umabot kaya kami ni Akane ng ganoong katagal?
Bumalik ang atensiyon ko sa kanila nang kumuha si Aila ng compact mirror. Nagkatinginan kaming lahat maliban kay Aila na sinisipat ang mukha sa salamin. I pressed my lips to suppress my laugh. Naiiling na itinuloy ko na lang ang pagka-cut ng cake at naglagay sa platito.
"Maganda ka pa rin naman," natatawa ko pa ring komento habang iniaabot sa kaniya ang platito ng cake.
Ngumuso ito pero kaagad rin naman akong niyakap. "Buti na lang talaga at dumating ka."
Heto na naman siya. "Oo na. Pwede mo na akong bitawan."
"Malapit na akong maniwalang may gusto ka kay Yume," ani Ally.
"Tss." Binitawan ako ni Aila at bumalik na sa pagkain.
"Kilala ni'yo na yung bagong tenant?" out of the blue na tanong ni Lorie habang kumakain.
"Nope," si Gem ang sumagot. Nilingon nito si Nor, "Did you find anything?"
"Nasa request list pa sila, Miss Gem," magalang na sagot ni Nor.
"Hindi naman sila basta makakadiretso. Even the richest heir can't just barge in at sabihing gusto nila ditong tumira." Nagsasalita si Ally pero ang mga mata nito ay nakatuon sa iPad na nakapatong sa ibabaw ng mesa.
Sumandal ako sa upuan. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit parang napakahalaga nang darating na tenant.
"Sa klase ng bodyguard niya, hindi na ako magtataka kung bigatin siya." Nilaro-laro ni Megan ang slice ng cake na nasa platito niya.
"Ngayon ko lang naalala, I thought that agency already gone."
Napatingin kaming lahat kay Aila nang magsalita ito. Her face was dead serious.
"I was 13 when dad cut our contract with them. The contract just ended and that's all. Narinig ko lang sa mga maid na ipinasara na ang agency," pagkukwento ni Aila.
"Matt also told me that." Binalingan ni Ally si Matt, "Tell them."
"I think, its better if you're just going to rest assured, Miss." Diretsong pahayag ng bodyguard ni Ally pero sa magalang na paraan.
Hindi ito pinansin ni Ally. "Nawala sila for almost 2 years at bumalik din 2 years ago. Their agency's name is the same, but they are now under the company Vitallica Corporation."
'Vitallica Corporation?'
"It's a new company. Wala pa nga itong halos two years, but its surprisingly gaining many investments in just a short time." Nagpatuloy si Ally sa pagsasalita.
"Really?" Gem questioned.
"The name sounds familiar," Lorie commented.
Tahimik na tumango-tango ang lahat bilang pagsang-ayon.
"Isn't Vitallica Corporation exports electrical products?" Sa pagkakataong ito'y ako naman ang nagsalita.
Hindi ako pwedeng magkamali dahil nakita mismo ng dalawang mata ko ang ilan sa dokumentong nasa ilalim ng pangalan ng kompaniya. They were trying to persuade daddy to invest in the company, but daddy refused them. I'm not sure what his reasons that time. All I remembered was daddy always agitated that time.
That's also the time that I...
"You're right. They are exporting electrical machinery and other similar equipment," Ally said while scrolling on her iPad, making me looked at her.
"Geez, bakit parang hindi maganda ang pakiramdam ko sa bagong tenant na iyan?" Si Aila na abala na rin sa pagtipa sa cellphone niya.
Tiningnan ko sila. Ngayon ko nauunawaan kung paano nila nalaman na isa akong Hezena. They did a background check. They might look simple young ladies but they weren't.
Tumayo si Aila. "Kailangan ko ng tubig," ani niya. Tumayo si Brandon pero mabilis na nagsalita si Aila. "Ako nang kukuha."
Napilitang tumango si Brandon.
Pasimple kong tiningnan isa-isa ang mga bodyguard. Mukhang sanay na sila na ginagawa ito ng mga amo nila kaya hindi na sila nakikialam. Nadako ang tingin ko kay Akane. Seryoso ang tingin nito sa mesa na para bang may malalim siyang iniisip.
Iniisip din ba niya ang bagong tenant na darating?
Napapitlag ako nang bigla na lang siyang lumingon sa akin. Ang kaninang seryoso niyang mukha ay mabilis na napaltan ng ngiti. Napilitan akong gumanti nang ngiti.
"Tsaka na lang natin isipin siya kapag nandiyan na." Ibinaba ni Aila ang pitsel ng tubig bago naupo.
Hindi pa nagtatagal na nakakaupo si Aila nang bumukas ang pinto ng Lounging Area dahilan para doon kami lahat mapatingin.
We're not too far from the door, that's why we saw the four tall and masculine men in black entered the room, and they weren't familiar. They looked around as if checking the whole place before they let someone enter.
Hindi pa tuluyang nakakapasok ang misteryosang bisita nila'y nadama ko na agad ang pagbabago ng hangin sa paligid.
"You've got to be kidding me," Gem said ridiculously.
"D@mn!" Ally cursed under her breath.
Naramdaman kong napatayo si Aila na nasa tabi ko. I could feel the tension in her body, because at this moment, I could also feel the tension started to envelop me.
Mariin kong nakuyom ang palad kong nasa ilalim ng mesa. Bumibigat ang dibdib ko sa hindi ko maunawaang dahilan.
Why?
Is it because of sadness?
Or regret?
Or is it because of fear?
'Anong ginagawa mo dito, Ezelle?' Gusto kong isigaw sa kaniya pero parang nanigas ako sa kinauupuan ko.
Tumayo si Gem habang matalim na nakatingin sa bagong dating.
"I think we have to welcome our visitor." Gem said between gritted teeth.
"Who is she?" seryosong tanong ni Lorie.
"Who knows?" nagtatakang ani Megan at isa-isa kaming tiningnan. "But, I guess..."
"I'm feeling some bad vibes here," Lorie continued.
'So, do I.'
Tuluyan nang nakalapit si Ezelle sa'min habang sa likod nito ay nakatayo ang apat na naglalakihang bodyguard nito. Hindi na siya naka-uniform kaya nakakasigurado akong kung anumang balak nito ay pinaghandaan nito. Ilang buwan na simula nang magtagpo ang mga landas namin. And now, she's moving.
"Oh, how lucky I am. You're here, guys." She greeted cheerfully while swaying her curvaceous hips.
She's in red haltered dress that went until her mid-thigh with red stiletto. Her long curly hair seemed to dance in her every move. I would like that beauty if I just hadn't known that inside that beauty was a grim appearance.
"Bakit parang nagkita kayo ng multo? We're schoolmates, right?" Nakangiting tanong ni Ezelle. "Isn't your happy to see me?"
"Ezelliana..." May tigas ang pagkakabanggit ni Gem sa pangalan nito bago kalmadong naglakad papunta sa harap ni Ezelle.
"Oh, Gem, akala ko nakalimutan mo na ako." Malambing na wika ni Ezelle at kunwa'y nakipagbeso pa dito.
Para lang tuod na nakatayo si Gem sa harap niya at hindi pinansin ang ginawa ni Ezelle.
"Drop the mask, Ezelliana." Ally told in a solemn voice. Tumayo na rin ito at masama ang tingin na ibinabato kay Ezelle.
Pagak na tumawa si Ezelle at nakakiling ang ulong nagsalita, "Seriously, Zaizen, iyan agad ang isasalubong mo sa'kin?"
"Sa paano bang paraan mo gustong plastikin kita?" diretsang tanong ni Ally.
Something flashed in Ezelle's eyes before she smirked at Ally. "I missed your sharp tongue, Allison Zaizen. Nanghihinayang tuloy ako't ngayon ko lang naisipang lumipat dito sa Galleria."
Gulat na napatingin ako sa kaniya. 'No!' I could feel my hand began to tremble.
"You must be kidding us," hindi makapaniwalang anas ni Gem.
"No." Iniikot nito ang tingin sa buong silid. "I'm actually checking the whole place." Lumipat ang tingin nito sa mga bodyguards na hindi ko namalayang nakatayo na pala sa bandang likuran namin. "Oppss, I wasn't informed that bodyguards here aren't that bad. I think, I'm gonna get one also." The corner of her lips went up while looking playfully behind us eyeing our bodyguards.
"Anong palagay mo sa kanila, manikang nabibili sa mall?" Nagulat ako ng bigla na lang sumabat si Aila. Naniningkit ang mga nito habang nakatingin kay Ezelle.
'Aila...' I looked up at her and saw how her eyes were flaring, her lips trembling in rage.
Nakangising tiningnan ni Ezelle si Aila. "Oh Aila, bakit? Alin ba sa kanila ang sa'yo? Baka pwedeng hiramin ko muna."
"You—" Mabilis akong tumayo at pinigilan sa kamay si Aila ng akmang susugod ito patungo kay Ezelle.
Napatingin si Aila sa akin. Marahan akong umiling. I'm hoping that she would understand me. Ilang segundo niya akong tinitigan bago ibinalik ang tingin kay Ezelle.
Napalingon ako nang maramdamang lumapit na sa'min sina Akane at Brandon. Seryoso ang mga mukha nila. Hinawakan ni Brandon si Aila pero ipiniksi lang nito ang braso habang masama pa rin ang tingin kay Ezelle.
As long as Ezelle just talk, hindi sila pwedeng kumilos na lang basta.
Nagsimulang maglakad palapit si Ezelle sa direksyon namin pero kaagad itong nahawakan ni Gem sa braso. Eksaktong hinawakan ni Gem si Ezelle ay siya ring hakbang ng mga bodyguard nito. Sa isang kisapmata rin, nakalapit na si Nor kay Gem. Itinaas ni Ezelle ang kamay at sinenyasan ang mga bodyguard na tumigil.
"Gawin mo na ang gusto mong gawin at umalis ka na," matigas pa ring utos ni Gem na para bang walang pakialam sa malapit nang mangyari.
Ikiniling ni Ezelliana ang ulo niya at tiningnan si Gem. "Huwag mo akong utusan." Ipiniksi nito ang braso. Walang nagawa si Gem kundi ang bitiwan ito.
"Huwag ni'yo namang ipahalata masiyado na pinagkakaisahan ni'yo ako. Sumasakit ang dibdib ko." Kunwa'y humawak pa ito sa dibdib na para bang nasasaktan.
"Kung gulo ang hinahanap mo, sorry, pero 'yong mall mo wala dito. Umalis ka na. Isn't it obvious na walang may gustong makita ka?" Mataray namang banat ni Ally at humakbang palapit kay Gem. Maagap na hinawakan naman ito ni Gem sa pag-aakalang susugurin nito si Ezelle.
"Hindi ko na gusto ang talas ng dila mo, Zaizen. Nahasa na ba iyan ni Dex? Dex is a good kisser and he—"
"Walanghiya ka talagang babae ka!" Akmang susugurin ito ni Ally pero mabilis na nahawakan ito ni Matt sa bewang.
Napakurap ako, hindi makapaniwala kung gaano kabibilis kumilos sila.
"Why? I'm just stating the fact."
"You deceived him!" mariing sigaw ni Ally na pilit pumipiglas sa pagkakapigil ni Matt.
Nakuyom ko ang palad ko. Alam kong maraming ginawang hindi maganda si Ezelle. Pero hindi ako makapaniwalang kahit ang mga bagong kaibigan ko ay nagawan niya din ng masama. Hindi sila magagalit ng ganito sa kaniya kung wala lang ang lahat.
She played with them. She laid them in her playful game. She tricked them, betrayed them, and broke them. Just like what she'd done to me.
Matalim ko siyang tiningnan. This lovely but treacherous lady in front of me made me shivered. Matagal kong dinala ang lahat ng ginawa niya. I never fought back, because I thought that would be better. But, I guess, I'm wrong. Ginamit niya ang pananahimik ko para sirain ako sa ibang tao at sa pamilya ko. At ngayon, babalik siya, para sirain ang panibagong buhay na pilit kong binubuo.
"It's his fault na naniwala siya," nakangising saad ni Ezelle.
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko sa kaniya.
"Ang mahihina, madaling bumigay..." dugtong pa ni Ezelle bago lumipat sa akin ang mga mata niya.
"It's your fault! Walang lugar ang mahihinang katulad mo dito."
She said the same thing to me.
Sinalubong ko ang mga titig niya at hindi nakaligtas sa mga mata ko ang kakaibang kislap sa mga mata niya, at ang pagsilay ng kakaibang ngiti sa mga labi niya.
She's a manipulator. Showing your emotions is a sign of white flag waving in front of her.
"Bakit hindi mo na lang sabihin kung anong gusto mong sabihin?" Kalmado kong tanong sa kaniya.
"I thought you're just going to sit there and watch," she said sarcastically.
"I actually want to, but I think the circumstances asked me to speak."
Tumaas ang sulok ng labi niya, "So? Is it getting to you," tumalim ang tingin nito, "watching your new friends—"
"Nothing's getting into me. Because, I've already get everything." I said calmly emphasizing the last word.
"Arcadia..." Nagbago ang tinig nito, tila ba biglang sumeryoso na ito.
Wala pa ring reaksyong tinitigan ko siya.
"If you really want, you can stay here. Wala naman kaming maggagawa sa bagay na iyon. We are all tenants here." Malumanay kong pahayag sa kaniya at binigyan siya nang isang matamis na ngiti. I'm sort of proud for my newly recover strength. "Pero sa tingin ko," mas tinaliman ko ang tingin ko sa kaniya at bahagyang ikiniling ang ulo ko, "you are not welcome here." Those last words were cold as ice.
Hindi pa ako nakakatapos magsalita ay kita ko na kung paano manlaki ang mga mata niya. "You're really a fast learner, Arcadia." Nagsimula itong humakbang palapit sa akin.
"Yume..." Naramdaman kong hinawakan ako ni Aila.
Nanatili akong nakatingin kay Ezelle. "Life taught me so. How about you, Ezelle?" I asked her. "Kailan ka pa matututo?"
Mas lalo siyang lumapit sa akin. Akmang haharang sa pagitan namin si Akane pero kaagad ko itong sinenyasan na ayos lang ang lahat.
"Ano pa bang gusto mong matutunan, Arcadia?" Hinawakan ako ni Ezelle sa pisngi.
"Huwag mo siyang hawakan!" Nagulat na lang ako ng bigla na lang hinila ako ni Aila at siya ang humarap kay Ezelle.
"Aila..." Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan ang reaksyon niyang iyon.
"Wala kang karapatang hawakan siya," mariing dugtong ni Aila.
Kitang-kita ko ang kakaibang emosyon sa mukha niya habang nakatingin kay Ezelle.
"At sa palagay mo, meron kang karapatan, Namesis?" nanghahamong tanong ni Ezelle.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila.
"I-I m-may not..." nanginginig na ang boses ni Aila dahilan para mapangiti si Ezelle.
"Bakit bigla kang nanginig? May problema ba?"
"Mas makabubuti, Miss, kung aalis na kayo," payo ni Brandon kay Ezelliana. Mabilis na hinawakan ni Brandon si Aila para ilayo kay Ezelle pero pumiglas si Aila.
"Umalis ka na! Nakakasuka ang katulad mo!" galit na galit na si Aila.
Naningkit ang mga mata ni Ezelle. "Wag kang magmalinis."
"Ikaw ang wag magmalinis! Umalis ka na." Halos kalmado nang sabat ni Ally.
Magsasalita pa sana ito ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok doon sina Dex at Dux kasunod sina Mellow at Dolly.
Ngumisi si Ezelle lalo na ng gulat na napatingin sa kaniya ang kambal.
"Subukan mo lang lumapit sa kaniya," mariing banta ni Ally.
Tiningnan lang ni Ezelle ng nakakaloko si Ally at tumalikod na.
"Wag mo akong subukan, Ezelliana Mondragon," banta ni Ally.
"The hell I care." Tuluyan na itong naglakad ngunit hindi pa ito nakakalayo ay mabilis na kumilos si Ally at isinaboy rito ang malamig na tubig na nasa pitsel.
"Whhhaatt the!" Halos maghesterikal na sigaw ni Ezelliana habang parang basang-sisiw na nagkakawag-kawag.
"Miss!" mabilis na lumapit ang mga bodyguards nito pero tiningnan lang ito ng masama ni Ezelle dahilan para tumigil ang mga ito.
Malalaki silang lalaki pero isang tingin lang ng babaing ito at natatakot na sila.
"I already warned you." Matapang na saad ni Ally habang hawak naman ang pitsel ng juice. "Gusto mo naman ng may lasa para sakaling mabawasan iyang bitterness mo sa katawan?" tanong pa ni Ally.
"You! How dare you?" nanggigigil na sigaw ni Ezelle.
"This room has a lot of CCTV. Sa loob ng Galleria, mas mahalaga ang tenant, and let me remind you, you are not yet a tenant here." Sa pagkakataong ito ay si Gem na ang nagsalita. "I can ask for the footage and remake everything to show how the mighty Ezelliana Mondragon got soaked in cold water. Alam mo kung gaano lang kadali para sa akin na gumawa ng kwento." Kalmado pa ring banta ni Gem.
Natigilan si Ezelliana. "Hindi pa tayo tapos," nanggigigil sa galit at matalim na tiningnan kami bago nagdadabog na tumalikod ito.
Para namang mga bahag ang buntot na sumunod ang mga guard. Pinanood namin hanggang tuluyan na silang nawala. Sa huli, tila mga nauupos na kandila kaming napaupo. Mahigpit akong napahawak sa gilid ng mesa.
Gosh! What had just happened?
"Tubig!" dinig kong malakas na tawag ni Nor sa kung sinuman.
I'm too fazed to think anything.
"Miss Yume..." Nag-aalala ang mukha ni Akane na tiningnan ako. Nakaupo ako sa upuan kaya bahagya siyang lumuhod para magpantay ang mukha namin.
"You okay?" he asked gently, his hand touched my head.
Still fazed, I nodded. "I think so."
Nag-angat ako ng tingin at huminga ng malalim. I need to relax.
"Yume, tubig," lumapit si Lorie na may dalang baso ng tubig.
Tumayo si Akane at siya ang umabot ng tubig.
"Thank you, Miss Lorie."
"Thanks," I mumbled to her. She smiled gently and patted my shoulder. "I don't know her, but I think she's a bad news. Anyway, you'd done a good job." She gave me light touch at my head and left.
"Miss Yume." Iniabot sa'kin ni Akane ang tubig at inabot ko naman iyon. Nabawasan na ang panginginig ng kamay ko.
'I'm fine... It's just an adrenaline rush...' My mind grumbled.
Tiningnan ko ang paligid at halos pare-parehas kami ng posisyon. Nakaupo na rin si Gem at umiinom habang nasa tabi ito ni Nor. Si Ally ay hindi pa rin maipinta ang mukha.
"Anong nangyari?" tanong ni Dex nang makalapit. Bad move because Ally gave him sharp stares.
"Oh, anong kasalanan ko?" inosenteng tanong ni Dex.
"Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong itong pitsel ng juice ang ibuhos ko sa'yo." Galit na galit pa ring sigaw ni Ally.
Nakakatakot palang magalit si Ally.
Hinanap ng mga mata ko si Aila. Nakaupo ito, isang upuan ang layo mula sa'kin. Doon marahil ito pinaupo ni Brandon. Nakayuko ang ulo nito at mariing pagkakakuyom ng mga palad niya.
"That b***h really owes us a lot," tinig iyon ni Ally na naiinis.
Hindi ako tatanggi sa bagay na iyon. Pagkatapos nang ginawa niya, dinagdagan niya lang ang utang niya.
Sinubukan kong tumayo pero sa huli ay nabigo ako. Hindi ko namalayang nanginginig pala ang tuhod ko.
"Maupo ka lang muna sandali." Malumanay na ani Akane at pinasandal ako sa upuan. "It's just adrenaline rush, you'll be fine after a few minutes."
Tiningnan ko si Akane. Hanggang ngayon ay parang nag-aalala pa rin siya sa akin. "Sorry," mahinang sambit ko.
Lumambot ang mukha niya. "Wala kang ginawang masama, Miss Yume."
Akmang ibubuka ko ang bibig ko upang magsalita pero dinig kong nagsalita si Aila. Sabay kaming napalingon sa kaniya.
"Kaya ko ang sarili ko," malamig na ani Aila kay Brandon. Pinipilit ni Aila na tumayo pero pinipigilan ito ni Brandon sa magkabilang-balikat.
"You have to relax, first," he said softly, trying to calm her.
"Relax ako," giit ni Aila.
"You're not," Brandon insisted, his hands slid in her forearm and gently gave it a squeezed. Aila looked at him, coldness, fear and anger subsiding.
Hindi ko maunawaan kung bakit gan'on na lang ang inakto niya kanina.
"Yume..."
Napakurap ako. Hindi ko namalayang nakatingin na pala siya sa'kin. Masakit sa dibdib ang sakit at lungkot na nasa mata niya habang nakatingin sa'kin. Pinilit kong ngumiti. I mouthed 'thank you' at her, making her blink. And as if in cue, she smiled.
Tiningnan ko ang pintong nilabasan ni Ezelle. Alam ko simula pa lang ito ng pagharap ko sa kaniya at sa mga laro niya.