Chapter 17 “Can’t Help”

1955 Words
Maayos na natapos ang get together. Malalim na ang gabi nang maisipang maghiwa-hiwalay ng lahat. Ngayon ay pabalik na rin kami sa unit namin. Nakakabingi ang katahimikan ng paligid habang binabagtas namin ni Akane ang pasilyo patungo sa silid ko. “Napagod ka ba, Miss Yume?” tanong niya na naglalakad sa tabi ko. Hindi tumitinging umiling ako. “Hindi naman.” Malapit na kami sa unit ko nang maalala ko ang naging usapan namin noong umaga sa labas ng bathroom. Base sa mga kilos niya kanina ay parang kinalimutan na niya ang nangyari. Lagi lang siyang nakangiti kaya madalas hindi ko maunawaan kung ano ba talagang iniisip o nararamdaman niya. “Akane…” Tumigil na ako sa tapat ng pinto ng unit ko. “Bakit, Miss Yume?” Hinarap ko siya. “S-salamat.” “Walang anuman, Miss Yume. Pumasok ka na at magpahinga.” Hindi iyon ang gusto kong sabihin. Pero hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin. Hindi ko maiwasang hindi kuyumusin ang gilid ng suot kong dress dala ng tensyon. “May problema ba, Miss Yume?” Nagsisimula na siyang magtaka nang hindi ako kumikibo sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan ay tumingala ako sa kaniya. Titig na titig siya sa akin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin nang magsalubong ang mga mata namin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya dahil blangko ang mga mata niya. “I-I just want to say sorry,” hindi pa rin tumitinging anas ko. Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako. "I know I sometimes act like a brat. Impulsive at madalas mas nauuna ang pagkilos ko kesa—” “Miss Yume,” putol niya sa mga sinasabi ko. Napilitan akong ibalik ang tingin sa kaniya. “Kapag may ginawa akong hindi mo nagustuhan, pwede bang huwag kang tatakbo palayo sa’kin? Kung nagagalit ka, naiinis o anuman, at kung hindi mo masabi… pwede bang huwag kang tatakbo na lang basta palayo sa akin?” Napamaang ako sa kaniya. Hindi lang dahil sa mga salitang binitawan niya kundi pati na rin sa paraan nang pagtingin niya sa akin. He's looking at me as if anytime I would be gone in front of him. “Miss Yume, I’m sorry.” Mabilis ang pagkakasabi niya ng mga salitang iyon, at sa isang iglap ay nakakulong na ako sa matitigas na bisig niya. “A-Akane…” Natigilan ako sa ginawa niya pero hindi ko magawang bumitaw o itulak siya. Hindi ako makapaniwalang sa mga oras na ito ay nakakulong ako sa mga bisig niya. Dama ko ang mainit niyang katawan, ang malapad niyang dibdib at malalakas na braso niya. At tila may sariling isip ang mga palad ko na kumapit sa suot niyang suit. “Kung magagalit ka ay mauunawaan ko...” aniya sa mahinang tinig. His voice sounded as if his in pain—a long, excruciating pain. Hindi ako nagsalita at sa halip ay ipinikit ko ang mga mata ko. Wala akong makapa sa loob ko na inis, takot o galit. I felt weirdly peaceful. “Just a little bit…” he muttered and once again, he hugged me tighter. Nanatili akong tahimik habang pinapakinggan ang mabilis na pagtibok ng puso niya, at ang marahan niyang paghinga. Gusto kong isiping kahit sandali kaya kong pabilisin ang t***k ng puso niya gaya ng kung paano niya pinabibilis ang t***k ng puso ko. MATAAS na ang sikat ng araw nang magising ako. Hindi ko alam kung dala ng puyat o dahil nang nangyari kagabi ang dahilan kaya napasarap ang tulog ko. Hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang mainit at mahigpit niyang yakap. At pakiramdam ko’y mapupunit ang labi ko dahil sa lawak ng ngiting hindi ko maalis sa mga labi ko. Napabalikwas ako nang bangon bago humiga, at bumangon muli, at nahiga uli. “Nababaliw na ako!” naiinis kong bulalas ko sa sarili at tinakpan ang mukha ko ng malaki at malambot kong unan. Bakit ba naiisip ko pa lang si Akane ay biglang tumitibok ng sobrang bilis ang puso ko? Nahihirapan akong huminga at tila hindi ako mapakali. Hindi kaya’y maysakit na ako? Tumitig ako sa kisame pero kahit doon ay mukha niya ang nakikita ko. Naiinis kong itinakip muli ang unan sa mukha ko. “Yume, na—” Natigilan ako ng bigla na lang tumunog ang buzzer ng main door. Tumahimik ako sandali at bumangon. Nasundan pa uli ang pag-buzz. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon dahil linggo. Alam din naman ni Akane na kapag ganitong araw ay madalas nasa silid lang ako. Bumaba ako ng kama at lumabas ng bedroom. Naglalakad na ako papunta sa pinto nang maalala kong kababangon ko pa lang. Hindi pa ako nakakasuklay, o kahit magmumog at hilamos man lang. Tarantang tumakbo ako papunta sa banyo at mabilis na naghilamos at nagmumog. Sinuklay ko na lang ng kamay ang buhok habang palapit sa pinto. Hindi ko mapigilang mapangiwi nang makita ang sarili sa salamin. Mabuti na lang talaga at 'yong ternong pink na panjama bottom ang suot ko. Binuksan ko ang pinto, handa nang harapin kung sinuman ang nasa likod ng pintong iyon. Ngunit kabubukas pa lang ng pinto ay tila gusto ko na uling sarahan ang pinto. Napalunok ako dahil pakiramdam ko’y natuyo lahat ng tubig sa lalamunan ko. “Good morning, Miss Yume. Naabala ko po ba ang pagtulog ninyo?” Nakangiting tanong ni Akane. Gusto ko biglang sabunutan ang sarili ko dahil tinanghali ako nang gising. “Good morning din,” casual na bati ko kahit ang totoo ay gusto kong matunaw sa hiya. Ang fresh fresh niya sa suot niyang suit samantalang ako ay bahagya na nalapatan ng tubig ang mukha. Pakiramdam ko tuloy ay ang dugyot kong tingnan. “Dinala ko na po dito ang agahan ninyo.” Itinaas niya ang tray na hawak. “S-Salamat.” Lalo akong nakaramdam ng hiya. Siguro ay kanina pa siya naghihintay. Pero, bakit pakiramdam ko'y masiyado yata siyang magalang ngayon. “Iwan mo na lang at ako ng bahala,” ani ko sa kaniya. “Sige po.” Nanatili naman ako sa may pinto. “Ahmm, Miss Yume.” “Bakit?” Nagsimula na akong kabahan nang mag-iba ang paraan nito ng pagsasalita. “Ipapasok ko po itong pagkain ninyo.” Itinaas niya ng bahagya ang tray. “Ah... O-oo nga pala.” Niluwangan ko ang bukas ng pinto para makatuloy siya. Lihim kong nasabunutan ang sarili ko. ‘Hindi na talaga ito maganda,' bulong ko sa sarili ko. Pumasok siya at inilapag ang tray sa mesa. Habang nakatingin ako sa malapad na likod niya ay hindi ko maiwasang hindi isipin kung nagpapahinga pa ba siya? Nakakatulog pa ba siya ng maayos, o nakakakain pa kaya siya ng tama sa oras? I sighed. Dati-rati naman hindi ko ugaling problemahin ang buhay ng mga maid at bodyguard namin tapos ganito. Yume! Ano bang nangyayari sa’yo? “Kapag linggo, hindi mo kailangang gumising nang maaga. Hindi mo na rin ako kailangang dalahan ng pagkain. May fridge naman ako dito.” Pahayag ko habang naglalakad palapit sa mesa. Pwede rin akong bumaba sa Lounging Area. “Mas maganda sa katawan ang masustansiya at bagong lutong pagkain, Miss Yume.” Tiningnan ko siya. Palagi na lang siyang nakangiti. “Gamitin mo ang araw na ito para magpahinga. Hindi naman ako umaalis kapag Linggo. Kung sakali namang aalis ako, sasabihan kita kaagad.” Nagsasalita ako pero sa ibang bahagi ako ng silid nakatingin. Hindi ko siya magawang tingnan dahil natatakot akong mabasa niya ang iniisip at nararamdaman ko. Humakbang siya dahilan para malipat ang tingin ko sa kaniya. “Salamat sa pag-aalala, Miss Yume.” He bowed his head to me. I grazed my lower lip, and stared at him suspiciously. “Bakit ba ang galang mo masiyado ngayon?” Huli na bago ko pa napigilan ang sarili kong masabi ang mga salitang iyon. “Hindi ko pwedeng kalimutan na bodyguard mo lang ako, Miss Yume," tugon ni Akane sa mahinang tinig. Napamaang ako sa kaniya, nakatitig, at tila tinatantiya kung tama ba ang narinig ko. Nanatili siyang tahimik kaya isang mapait na ngiti ang binitiwan ko. Dahil ba pakiramdam niya ay nakalimot siya kagabi nang yakapin niya ako nang mahigpit? Niyakap niya ako na para bang takot na takot siyang mawala ako. Niyakap niya ako na para bang walang ibang mas mahalaga sa kaniya maliban sa akin. Pero bakit biglang ganito? Gusto niya na bang bawiin ang mga mabubulaklak na sinasabi niya? Pinaglalaruan ba niya ako dahil alam niyang mahina at wala akong alam? ‘Bakit parang ang bigat sa dibdib ng mga salitang iyon?’ Mabuti na lang at nakayuko siya. Hindi niya makikita… Pinilit kong ngumiti. “Hindi ba at ang sabi ko'y bawasan mo ang pagiging magalang mo sa'kin. Mas matanda ka sa akin at hindi ako nagiging komportable kapag ganiyan ka.” Bahagyang humina ang tinig ko sa mga huling salita. 'Hindi ako sanay na ganiyan ka.. Hindi ako sanay na dumidistansiya ka na lang bigla.’ Tumuwid siya nang tayo at nakangiting tiningnan ako. “Masusunod, Miss Yume.” ‘Bakit ba palagi kang ngumingiti kahit hindi na kangiti-ngiti ang isang bagay?’ Gusto ko mang itanong sa kaniya ay mas pinili kong tumahimik. Pinili kong ibahin na lang ang usapan. “Sige, salamat sa pagdadala ng pagkain.” Akmang tatalikod na ito ng tila may naalala. Muli nitong hinarap siya at nagsalita, "Tumawag nga pala kahapon ang magde-deliver ng mga binilhan natin ng canvas. Pinapasabi nilang darating sila bukas ng hapon.” “Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan 'yon.” Tumingin ako sa buong unit. Mabuti na lang at nalinis ko ang silid ko kahapon, kung hindi tiyak na mahihirapan ako kung saan ko ilalagay ang mga darating pa. “Kung sakaling madaming darating ay pwede nating ilagay sa kwarto ko.” “Salamat, pero sa tingin ko naman ay kakasiya ang mga iyon dito.” “Sabihan ni'yo na lang ako.” Tumango ako. Ilang saglit ay nagpaalam na din si Akane. Pagkalabas niya ay naligo na muna ako. Pagkabihis ko ay niligpit ko ang higaan ko. Madalas akong alukin ni Nesh na lilinisin niya ang silid ko pero madalas akong tumanggi dahil bukod sa kaya ko naman, gusto kong masanay na kahit sa munting paglilinis ng sarili kong silid ay ako na ang gumagawa. Kinuha ko ang tray ng pagkain at doon umupo sa couch na sadya kong iniharap sa salaming dingding. Minsan akong nagpatulong kay Akane na iharap ang isa sa malalaking couch sa harap ng glass wall. Nasisiyahan akong pagmasdan ang asul na kalangitan habang kumakalat ang makakapal at maninipis na puting ulap. Binuksan ko ang taklob ng tray para lang matigilan. Ang dapat sana'y marahang pagbababa ko ng taklob ay naging maingay na pagbagsak sa baba ng mesa. He always knew my favorite breakfast but I think he didn’t know that his ways could make me sway. I gently pick up the white rose. It’s just like the rose he gave me before— same color, same scent. After smelling the rose, I picked up the card. I could feel my hand trembled while reading the card. He wanted to remind himself that he’s just my bodyguard, but why was he doing this? “Miss Yume, You’re so beautiful last night that I can’t help myself from touching you. Though, for me, you are the most beautiful lady I’ve ever seen. I’m sorry but I’m not sorry about what happened. —Akane” “Nakakainis ka, Akane Weinhard,” sambit ko habang hawak sa tapat ng dibdib ang card. Marahil kung ibang pagkakataon ay maiinis ako pero aminin ko man o hindi… I, also, can’t help myself… Am I falling for him? It’s not that long since we met?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD