Nakabihis na ako nang lumabas ako ng bathroom at kasalukuyang iniisip kung paano makikipag-usap kay Akane. Siguradong para dito ay magkukunwari na lang itong walang nangyari at palalampasin ang ginawa ko.
Pagkasara ko ng pinto ng bathroom, dala marahil nang malalim na pag-iisip ay muntik na akong mapasigaw nang mapatingin sa lalaking nakasandal sa dingding hindi kalayuan sa entrance ng bathroom.
Pinagmasdan ko ang lalaki. Pamilyar sa akin ang suot at pigura niya.
“Akane...” tawag ko sa kaniya.
Napatayo kaagad ito. Hindi ako nagkakamali, siya nga iyon at halatang hindi pa ito nakakapalit ng damit. Anong oras pa siya naririto?
“Bakit ka nandito?” tanong ko.
'Geez, You know the answer, yet you still asked. Are you really that dumb, Yume?’
“Are you mad at me?” he asked in a quiet voice.
Hindi ako nakapagsalita. What is he talking about? Nainis ako kanina, but it’s not a big deal para magkaganito siya.
"Why did you run?” he went on.
Natigilan ako. “I-I didn’t…”
“I’m calling you and yet…” Tumigil ito sa pagsasalita bago pumikit. “Darn... Why am I saying this? Why am I acting like this?” Inihilamos niya ang palad sa mukha niya na para bang gulong-gulo siya sa sarili niya.
“Akane…” bulong ko.
Ibinaling niya ang tingin sa akin at sa pagkakataong ito ay bumalik na ang pagiging pormal nito. And I didn’t know why my chest suddenly felt pain.
“I’m sorry, Miss Yume. Hindi na ito mauulit. Nadala ko na sa kwarto ni'yo ang pagkain, pwede na po kayong kumain.”
Nanatili akong nakatayo sa harap niya, nakatingin sa kaniya. Hindi alam ang gagawin at sasabihin ko.
“The head security asked me to take a look at some systems. I have to check it, para makasigurado na maayos ang lahat sa complex.” Nanatiling pormal si Akane. “Kaya baka si Nesh na muna ang mag-asikaso sa inyo. Pupuntahan ko na lang kayo before 5 pm.”
Napalunok ako. Hindi ko siya maunawaan.
“Hindi na kailangan.” I said coldly then began to walk away from him. “I can handle myself. Take your time.”
I wanted to say different things. I wanted to say I’m sorry.
I wanted to say that I’m not mad to him, that I’m mad at myself.
But, I can’t.
I think, until now, I’m still a coward.
“Nakikiusap ako, Miss Yume.”
“I’m always behave,” I reminded him then made my pace faster.
I WORE a simple knee-length black dress with a white lace above its soft fabric. I let my hair down and put some make up. Wala akong balak mag-ayos kahit pa iyon ang bilin ni Aila but I have to hide the puffiness of my eyes. I put some lip tint and practice my smile.
Unpredictable ang pagkakakilala namin ni Aila but it went well. But this time, hindi ko maiwasang hindi kabahan. I used to meet some girls in my age before and some of them were from great family like mine. Unfortunately, before it went well, it already it all fell into pieces. They would smile at me, talk to me in a nice way, but when I turned my back— they were shearing me into pieces.
Napabuntonghininga ako. Hindi ako pwedeng umurong ngayon.
“Kakayanin ko ito.” Pampalakas-loob ko sa sarili.
Nang matiyak na maayos na ang lahat ay lumabas na ako ng silid.
“Miss Yume…” Akane regards me. He still looked formal.
Tumango ako sa kaniya.
Hindi niya binigo ako na darating siya before five. Hindi rin siya nagsisinungaling nang sinabi niya na si Nesh muna ang mag-aasikaso sa akin. Si Nesh din ang nagdala nang tanghalian ko kanina kahit na ang sabi ko'y hindi na nito kailangang mag-abala. May kitchenette sa loob ng unit at kaya ko namang maghanda kahit simpleng pagkain.
“Tumawag si Brandon at sabi niya ay nasa private room na sila.”
Nanatili akong tahimik kahit ng makasakay kami ng elevator. Naghahalo ang nararamdaman kong kaba at takot. Kaba dahil kasama at katabi ko si Akane at takot dahil sa maaaring mangyari mamaya. Mga bagay na wala akong kontrol.
Bumukas ang pinto ng elevator. Gusto ko mang humakbang ay parang nanigas ang mga paa ko sa sahig. Hindi ako makagalaw. Nauunahan na naman ako nang takot ko.
“Miss Yume...” Pumunta sa harap ko si Akane.
Tiningnan ko siya sa mga mata niya. His eyes before were cold, but this time all I could see was his concern.
“I-I'm..” Hindi ko magawang sabihin. Hindi ko kayang sabihing natatakot ako.
“I’ll be right here.” He said then gently held my hand.
Hawak niya ang mga kamay ko habang naglalakad patungo sa private room kung nasaan sina Aila. Ayon kay Aila, ang private room ay nasa fifth floor, kung saan madalas nila ginaganap ang mga simple and personal celebration.
“Nasa loob sila.” Marahang ginagap ni Akane ang kamay ko bago binitawan.
Muli ko siyang tiningnan na para bang nagtatanong kung kaya ko ba talaga? He didn’t speak. He just smiled and nodded. Lumipat ang kamay niya sa likod ko at iginaya ako hanggang makapasok.
All along, wala siyang ginagawa kundi palakasin ang loob ko.
“Yume!” Hindi pa kami tuluyang nakakapasok ay sumalubong na kaagad si Aila.
“Aila...” I said with a small smile.
“Akala ko, hindi ka na pupunta.” Halatang kanina pa naghihintay ito.
“Bagay sa'yo ang suot mo. Lalo tuloy tumingkad ang ganda mo,” tuwang-tuwang papuri ni Aila.
“S-salamat. Ikaw din, ang ganda mo.” Hindi ako sanay tumanggap nang papuri pero praktisado ako sa pagsagot sa mga ganitong pagkakataon. Ganunman, hindi ko kailangang magkunwari dahil totoong napakaganda ni Aila sa suot niyang damit.
She was wearing a halter peach dress. Hapit ang dress sa katawan nito kaya naman kitang-kita ang balingkinitan nitong katawan. Nakataas ang hanggang balikat na buhok nito at bumagay ang manipis na make-up.
“Halika, ipapakilala kita sa kanila.” Hinila na ako ni Aila.
Iginala ko ang tingin sa paligid. Simple pero maganda ang ayos ng malawak na silid. Konting palamuti lang ang nasa paligid. Hindi ito katulad ng mga okasyon na napupuntahan ko na magarbo. Sa kabilang bahagi ng silid ay may malaking table na puno ng masasarap na pagkain. Sa kabilang bahagi ay tila sala na may malalaking couches kung saan nakaupo ang ilang babae at lalaki. Sa bawat sulok ay may mga bodyguard.
‘Six bodyguards.’
“Mababait sila kaya hindi ka mahihirapan na pakisamahan sila.” Halatang masayang-masaya si Aila.
“Nasaan pala si Brandon?” tanong ko.
“Andoon.” Inginuso niya ang grupo ng mga bodyguard na magkakausap pero nananatiling ang atensiyon ay nasa grupo na nakaupo sa couch. “Gusto sana naming huwag na lang muna silang isama pero nagkakaproblema ang ilang system ng Galleria kaya, it’s a no.” Nagkibit-balikat si Aila.
Naalala ko ang dahilan ni Akane kaya si Nesh ang pumupunta sa silid ko kanina.
“Guys, andito na siya!” masayang anunsiyo ni Aila ng makalapit kami sa grupo.
Apat na babae at dalawang lalaki ang bumubuo sa grupo. Isa-isa kong pinagmasdan ang mga ito. Wala man lang kahit isa sa kanila ang pamilyar sa'kin ngunit nakakapagtakang lahat sila ay nakangiti sa akin.
“Mabuti at dumating ka na. Kanina pa hindi mapakali iyang si Aila.” Tumayo ang isang babaing nakasuot ng mint green na dress. May kulay ang hanggang balikat nitong buhok. “Anyway, I’m Gem.”
“H-hi.” bati ko sa kaniya. Hindi ko maiwasang hindi mautal. “I’m Yume.”
“So, totoo ngang ikaw si Yume Arcadia Hezena?” tanong naman ng isa sa mga babae. She’s wearing a Chinese-collared, short-sleeve, blue dress. Medyo pormal ang mukha at tila nananantiya ang mga mata.
“Wag kang masiyadong seryoso, Ally.” Inakbayan ng isa sa mga lalaki ang huling babaing nagtanong sa akin. “I’m Dex and this is Ally, girlfriend ko.”
“Anong girlfriend? Wala akong natatandaang sinagot na kita.” Pinanlakihan ng mata no’ng Ally ang lalaking nagpakilalang Dex sabay palis ni Ally nang pagkakaakbay ni Dex.
“Umayos nga kayo,” saway ni Aila. “Huwag mo silang pansinin.” Ipinulupot ni Aila ang braso niya sa bewang ko.
“Walang problema sa'kin.”
“Ako si Dux, twin brother ko si Dex.” Tumayo ang isa sa mga lalaki at nakipagkamay sa akin.
Pinagmasdan ko siya. Hindi sila magkamukha-magkamukha ni Dex pero kung pagmamasdan mo siyang mabuti ay makikita mo ang pagkakahawig nila ni Dex.
“Pero mas pogi ako,” singit ni Dex at ang kambal naman ang inakbayan.
Mukhang alam ko na kung saan nakuha ni Aila ang habit nang pang-aakbay.
Kaagad namang pinalis ni Dux ang kamay ng kakambal at nakipagkamay sa akin.
“Sina Lorie at Megan naman yung dalawa.” Pagpapakilala pa ni Dex sa dalawa pang babae.
“Hi, Lorie here,” ani ng nakasalaming babae.
“Megan,” ika naman ng katabi nito na nakabraid ang buhok.
“Umayos ka nga...” Hinila ni Ally si Dex at pilit pinaupo sa couch.
“Aray!"
Napangiwi ako habang pinagmamasdan sila.
“Hehe… Pagpasensiyahan mo na. Ganiyan lang talaga sila.” Hindi magkaintindihan si Aila sa pagpapaliwanag sa akin.
Tiningnan ko sila. Sa unang tingin ay walang mag-iisip na mga 18 years old lang sila lalo pa. They were beautiful and elegant without exerting too much effort. Pero kahit pa sabihing mga anak-mayaman at mga tagapagmana rin ang mga ito. It felt that they totally used to it. At wala akong nakikitang pagkukunwari sa kanila. They all looked natural.
“Walang problema sa akin.” Masayang wika ko kay Aila. “ I think, I’m going to like them.”
Lumapad ang ngiti ni Aila. “Oh, Yume...”
Hindi pa doon natapos ang pagpapakilala namin. Marami sa kanila ay halos tatlong taon ng nasa Galleria kaya naman halos close na sila sa isa't isa. Nasa kani-kanila lang bakasyon ang mga ito kaya halos kauuwi lang. Sina Gem, Ally at ang kambal na Dux at Dex ay sa VU din pumapasok. Sa ibang university sina Lorie at Megan.
“Absent na tayo kaagad ng one week.” Humalumbaba si Dex.
“Ikaw lang,” wika ni Dux.
“Sus, two days ka lang din naman pumasok.”
“At least, pumasok...”
"So, may honor ka na kaagad?" sarkastikong saad ni Dex.
Ngayon naunawaan ko na kung bakit gano'n na lang ang pagpapasalamat ni Brandon at nakatapos si Aila nang unang linggo.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Sumasagot kapag kailangan at nagsasalita kapag hinihingi nang pagkakataon. Ngunit mas madalas, inoobserbahan ko sila.
Mabait silang lahat. Si Gem, ang ate ng grupo. Si Ally, bagama't seryoso ay masarap ding kakwentuhan. Sina Lorie at Megan ay halos hindi nagkakalayo ng ugali. Hindi maipagkakaila na mag-bestfriend sila lalo na't kahit sa pagkilos at pag-ngiti ay iisa. Sina Dux at Dex kahit kambal ay magkaiba. Kengkoy si Dex at maingay samantalang mas mukhang maginoo at pino kumilos si Dux. Iba-iba man sila ng ugali ay nakakatuwang nagkakasundo sila sa maraming bagay.
“Okay, guys, let’s cheers para sa bago nating kaibigan.” Itinaas ni Gem ang baso ng juice Ang una nilang option ay ang uminom ng wine pero hindi sila pinayagan.
“Cheers for Yume!”
“Cheers for us!”
Sabay-sabay naming itinaas ang mga baso at nag-tossed. Aaminin kong naiilang pa rin ako. The fear and awkwardness were still there, but the warm feeling was slowly craving in.
Marami pang naging kwentuhan. Halos napuno ang buong silid ng kwentuhan at tawanan at pati na rin kantahan. At isang bagay ang nalaman ko, magaling palang kumanta sina Dex at Dux.
“Hey, mga bro, maupo nga kayo rito.” Kahit tumutugtog pa ang music ay pinatay na ni Dex at ibinaling ang tingin sa mga bodyguard namin.
Kanina pa rin ako nabo-bother sa presensiya nilang walo. Madalas akong pasimpleng lumilingon kay Akane at hindi iilang beses ata na nahuli niya akong ginagawa iyon at palagi ay ngiti lang ang itinutugon nito.
Lumapit si Dex sa mga bodyguard na nasa likod. Kanina lang ay napag-alaman kong ang bodyguard ng kambal ay parehas babae. Ang rason kung bakit ay dahil daw lahat sa kagagawan ni Dex. Kung ano iyon ay hindi nila sinabi.
“Heto na naman siya.” Naka-face palm na komento ni Lorie.
“Sinabi mo pa,” sang-ayon ni Megan.
Masama naman ang tingin nina Gem at Ally dito habang walang reaksyon si Dux.
“Bakit?” Nagtatakang tiningnan ko si Aila.
“Kukulitin na naman niya si Mellow.”
“Hindi ba si Mellow 'yong bodyguard niya?” curious na tanong ko. Kanina lang ay isa-isa nilang ipinakilala ang kani-kanilang mga bodyguard.
“Uhuh at tiyak lagot na naman iyan.”
“Mellow, ngayong gabi lang naman sabihin mo kay Miss Michelle na magpadala ng wine.”
“Sir, hindi pwede,” diretsong pagtanggi ni Mellow.
Ayon kay Aila, parehas 19 years old lang sina Mellow at Dolly na bodyguard ni Dux. Ang unang naging bodyguard nila ay parehas lalaki pero dahil nga kay Dex ay napaltan ang mga ito. Ngunit ang nakapagtataka lang ay bakit napakababata ng mga bodyguard nila. Mas matanda pa lang sila sa’min ng isang taon pero heto’t mga bodyguard na sila. Nahihiwagaan talaga ako sa Galleria.
“Ngayon lang naman kami magsasaya, eh.”
“Pasensiya na at hindi pwede,” wala pa ring emosyong ani Mellow.
“Ikaw na lang, Dolly.” Binalingan ni Dex si Dolly na bodyguard ni Dux.
“Sorry, hindi pwede. Tumatanggap lang din po ako ng utos galing kay Sir Dux.”
Umingos si Dex bago tumalikod. “Boring...”
“Tumigil ka na kasi.” Tumayo si Dux bago namulsa at lumapit sa table.
“Kung ayaw nila ako ang kukuha.” Naglakad si Dex papunta sa pinto.
“We can still enjoy the night even walang wine,” wika ni Megan.
“It’s a routine kapag may bago sa grupo,” pagpupumilit ni Dex.
“Dex…” nagbabalang tawag ni Ally.
“Babalik ako, sweetheart.” Nakangising sabi ni Dex pero sinimangutan lang ito ni Ally.
“Bumalik ka dito kung ayaw mong ipabugbog kita kay Matt.” Napahalukipkip na pagbabanta ni Ally.
Si Matt ang bodyguard nito, kaedad ito nina Akane pero pagdating sa pangangatawan ay mas maskulado ito.
“Sweetheart naman…” Nag-aalangang wika ni Dex.
“Matt...” Ally called Matt. Kaagad namang humakbang si Matt palapit kay Dex.
“Okay... Okay. Hindi na..” Nagmamadaling bumalik si Dex sa tabi ni Ally. “High blood ka naman kaagad.”
“Mahiya ka nga.”
“I just want to formally accept Yume to the group,” katwiran ni Dex.
Napalingon ako sa kaniya. “Thanks, but, wine and I wasn’t also goes together.”
Ngumisi bigla si Dex dahilan para bahagya akong kabahan. “Parang mas lalo kong gustong kumuha ng wine pa—”
Hindi pa natatapos magsalita si Dex ay nahampas na ito ni Aila ng isa.
“Tumigil ka sa mga kalokohan mo, Dex,” inis na ani Aila. “Huwag mo siyang pansinin, Yume.”
“O-okay lang... Hehe.”
“Bakit ba ang tatapang ninyo?” Hinimas-himas ni Dex ang balikat. “Mellow, tingnan mo nga sila, oh. Hindi ba dapat ay ipinagtatanggol mo ako?” parang bata na baling ni Dex kay Mellow.
Pero walang reaksyon si Mellow at tiningnan lang si Dex. Mukhang sanay na ito sa kalokahan ni Dex.
Nagtawanan sila at hindi ko mapigilang hindi makisabay.
“Grabe kayo. Ipababalik na talaga kita,” kunwa’y nagtatampong pahayag ni Dex.
“Ampanget mo umarte,” singit ni Dux sa kakambal habang may dalang plato ng pagkain. “Dolly, come over.”
Walang salitang mabilis na lumapit kaagad si Dolly kay Dux. Hindi na ako magtataka at Dolly ang pangalan niya. Mukha siyang manika—mula sa walang emosyong mga mata, malalantik na pilik, tamang tangos ng ilong at maliit na labi. Para siyang life-size doll na nagkaroon ng buhay.
“Sir?” ika niya nang makalapit kay Dux. Even the way she spoke, napaka pormal.
“It’s getting late, kumain ka na rin.” Iniabot ni Dux ang plato ng pagkain.
“Pero, Sir...” May pag-aatubili sa tinig ni Dolly pero hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.
“It’s an order. Go.”
Natigilan ako sa ginawa ni Dux.
“Ang gentleman talaga ni Dux.” Tila nangangarap ang tinig ni Aila.
“Sweet.” Nakangiting saad ni Gem bago tumayo na din. “Nor, halika na din, “ tawag ni Gem sa bodyguard niya.
Sa lahat ng bodyguard si Nor ang pinakamatanda. He’s already 27 years old, lean, muscular, and the tallest. Hindi seryoso at pormal ang mukha niya na gaya ng iba. Instead, he looked calm and kind. Younger version ni Nor sina Jim at Mac na bodyguard nina Megan at Lorie.
Tumayo na rin ang iba pa at inaya ang kani-kanilang bodyguard. Si Ally ay sinenyasan si Matt na lumapit, si Megan ay nilapitan si Jim at si Lorie ay pinalapit na rin si Mac.
“Mellow, halika na din. Peace na tayo, ha.” Ngingiti-ngiting aya ni Dex kay Mellow. Hindi na hinintay ni Dex magsalita ito at hinila na sa kamay.
Napakagat-labi ako habang nakatingin sa kanila na magkakasamang dumalo sa hapag. Mukhang close na sila sa mga bodyguard nila pero… kami ni Akane.
‘Aalukin mo lang siyang kumain, Yume.’
'Pero nahihiya akong lumapit sa kaniya.’
Nagtatalo ang isip ko nang biglang magsalita si Aila.
“Haiiisttt, ito kasing si Dux,” naghuhurumentadong bulong ni Aila. "Nagbago na ang isip kong sweet siya, nakakainis na siya."
“May problema ba?” baling ko sa kaniya.
Pinilit niyang ngumiti, “Mukhang mapapaaga ang pagbabati namin.”
“Nag-away na naman kayo ni Brandon?” nagtatakang tanong ko.
“Nope, ako ang nang-away sa kaniya.” Tumayo na ito. “Halika na, baka mamaya magtampo pa ang mga iyon.”
Nag-aalangang sinundan ko siya. Lumapit siya kay Brandon na katabi si Akane.
“Tara, kumain ka na rin,” pag-aaya ni Aila habang nakatingin sa ibang direksyon. Halatang nahihiya ito.
“Busog ako, Miss, salamat.” Sinulyapan lang ni Brandon si Aila.
“Tara na,” aya ni Aila.
“Miss, okay lang—”
“Sabi ng kakain ka eh!” malakas na wika ni Aila bago iniyakap ang dalawang kamay sa kanang braso ni Brandon at hinila ito. “Hindi ka pwedeng magtampo, ako lang pwede,” parang bata na ani Aila sa mahinang tinig.
Hindi ako makapaniwala na sinundan sila nang tingin. Kahit ang iba ay napatingin sa kanila at napatawa. Obviously, sanay na sila sa away at bati nina Aila at Brandon.
“Akane...” Nilapitan ko siya.
“Hindi mo ako kailangang sigawan, Miss Yume. Lalapit ako kaagad isang sabi mo lang," nangingiting saad nito.
Nagtatakang tiningnan ko siya pero pagkaraan ay naunawaan ko rin ang sinabi niya.
Ngumiti ako. "Hindi ako si Aila.”
“Alam ko, dahil iba ka sa lahat.” Titig na titig siya sa akin habang sinasabi ang mga salitang iyon.
“N-nagugutom ka na ata," saad ko sabay sulyap sa gilid.
“Yume!”
“Akane!”
Napalingon kami nang nagsimula na silang magtawag.
Nagkatinginan kami at sa isang iglap ay hawak niya ang mga kamay ko palapit sa bagong mga kakilala... kaibigan...
Hiling ko lang… sana...totoo ang lahat at magtagal pa ito.