Chapter 2 "Galleria"
[Yume’s POV]
Tahimik ang buong byahe namin. Nakatulala lang ako sa labas ng sasakyan at pinapanood ang mga nadaraanan namin. Naranasan ko namang lumabas at naranasan ko ring pumasok sa paaralan kaya hindi bago sa paningin ko ang paligid. Ang bago sa’kin ay ang pakiramdam na tila kahit sandali ay malaya ako.
Maaari kong gawin ang nais ko. Pwede ko nang puntahan ang lugar na nais kong puntahan. Kahit kanino ko gustuhing sumama, walang problema.
Maliban na lang kung…
Napatingin ako kay Akane. Naalala kong sinabi niyang pipilitin niyang gawin ang trabaho niya nang hindi ko napapansin, na hindi siya magiging sagabal. Pero hindi mawala ang pag-aalinlangan sa loob ko. Madalas bago ko pa magawa ang mga gusto kong gawin dati ay pinipigilan na ako ng mga bodyguard ko.
Hindi pwede nito, hindi pwede niyan.
Magagalit ang mommy at daddy ni’yo.
Hindi gawain iyan ng isang tagapagmana.
Ito ang mga salitang madalas kong marinig mula sa kanila.
"Malapit na po tayo," dinig kong wika niya na nagpapitlag sa akin.
Mabilis akong napatingin sa unahan ng sasakyan. Ito ang unang beses na makakarating ako ng Galleria. Wala akong kaide-ideya kung anong hitsura ng complex, kung anong klase ng mga tao ang daratnan ko, o kung paano ako magsisimula sa lugar na iyon. Ang tanging nasa isip ko lang ay makaalis ng mansion.
"Nagugutom na po ba kayo?" tanong pa niya.
Napatingin ako sa orasan. Mag-a-alas dose na pala.
"Hindi pa naman," tipid kong sagot na binigyan lang niya ng tango.
Ilang minuto pa ay natanaw ko na ang malaking gate na bakal na napipinturahan ng kulay itim at puti. Matayog ang gate at bakod na nakapalibot sa isang mataas na complex na matatanaw mula sa labas. Hindi ko masiyadong makita ng maayos ang disenyo sa loob kaya itinuon ko ang tingin ko sa malaking gate na bakal. Sa bandang itaas ng gate ay nakasulat ang salitang "Galleria".
Heto na nga.
Nakasara ang gate pero ng ilang metro na lang ang layo ng kotse mula sa gate ay kusa iyong bumukas. Wala naman akong nakitang guard sa paligid, o kahit sino man lang.
"Pinagagana ng computer ang maraming facilities sa loob at labas ng building. Pagkatapos ni’yo pong magpahinga ay ililibot ko kayo sa buong complex." Paglalahad ni Akane dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
I didn’t speak, but it seemed that he knew what I was thinking. I tried to ignore the unfamiliar feeling that started to creep in and just looked outside the window.
Akane parked the car near the entrance of the building before he exited from the car to open my door. Pagbaba ko ay sumalubong sa akin ang kulay mocha na mga baitang ng hagdan paakyat sa mismong entrance, sa magkabilang tabi ay may ramp at railings. Ang bawat sulok ay may mga pasong may mayayabong na halaman. Tiningala ko ang mataas na building at at hindi ko maiwasang hindi humanga dahil sa taas nito. Bukod doon, napakalawak din ng paligid ng building kung saan may mga matataas ay mayayabong na mga puno at ang lupa ay nababalutan ng mabeberdeng d**o.
Sanay ako sa magaganda at magagarbong bagay dahil doon ako iminulat ng buhay ko pero kahit napakaganda ng paligid, nakakalula ang hatid na pakiramdam nito.
"Miss Yume…"
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang magsalita si Akane. Nilingon ko siya at sa pagkabigla ko’y nakalahad na ang palad niya sa’kin. Napatitig ako sa mahahabang daliri sa kamay niya. Tiyak kong kapag tinanggal ang itim na gloves niya ay napakaganda din ng mga daliri niya.
Nag-angat ako ng tingin sa mukha niya at gaya ng dapat asahan ay hindi nawawala ang ngiti sa labi niya. His smiles were always warm and encouraging, giving me an unfamiliar warmth.
May pag-aalinlangang nilingon ko ang building. Ito ang unang yapak ko sa totoong mundo. Kakayanin ko ba?
Muli ay bumalik ang tingin ko sa kamay niyang nakalahad. At tila may kaniyang isip ang kaliwang kamay kong tinanggap iyon. Ipinatong ko ang palad ko sa palad niya at sa sandaling nagdaop ang mga palad namin ay magaan niyang hinawakan iyon at iginaya ako paakyat sa hagdan at papasok sa loob ng Galleria.
Minsan niya nang inialok ang mga kamay niya sa akin ng unang beses ko siyang makilala, ngunit tinanggihan ko iyon. Naniniwala ako na kahit nakangiti siya sa’kin, katulad lang din siya ng iba—papaniwalain ka’t lolokohin.
Ngunit marahil iba si Akane…
"HINDI ka ba kakain?" Hindi inaalis ang tingin sa pagkain na tanong ko kay Akane. Wala na kami sa mansion at sa mapanuring mga batas doon kaya marahil hindi naman kalabisan ang alukin ko siyang kumain.
"Salamat, Miss Yume. Napakabuti mo pero huwag mo akong intindihin."
Nilingon ko siya’t hindi nga ako nagkamali ng hinala, hindi man lang nabawasan ang ngiti niya. Napakagalang din niya na kung minsan ay ako nang naiilang sa kaniya.
"Wala na tayo sa mansion kaya maaari mo ng hubarin iyang ngiti mo. Gawin mo na rin ang gusto mo," malamig kong parunggit sa kaniya.
Naiinis ako sa sarili ko dahil sa mga sinasabi ko pero hindi ko kayang pigilan. Matagal nang nabahiran ang paniniwala at tiwala ko sa ibang tao.
"Miss Yume, kahit wala na tayo sa mansion ay gagawin ko pa rin ang trabaho ko." Napalingon ako sa kaniya nang maramdaman ang pagseryoso ng tinig niya. May ngiti pa rin sa labi niya pero ang mga mata niya ay napakatiim ng titig, na para bang napakarami niyang gustong sabihin na hindi niya masabi.
Napalunok ako.
"Pagkatapos ni’yong kumain ay magpahinga na muna kayo. Iniayos na ang mga gamit sa unit mo. Maaari ko na lang kayong tulungan—"
"Salamat pero kaya ko na iyon. Maliliit lang naman na gamit," putol ko sa mga sasabihin pa sana niya at mabilis na nag-iwas din ako ng tingin.
"Kung iyan ang gusto mo.”
Bumalik siya sa pagkakatayo sa gawing kanan ko. Alam kong pinagmamasdan niya ako at hindi ko na kailangang lumingon pa dahil damang-dama ko ang bawat init ng titig niya.
Habang kumakain ay pasimple kong sinulyapan ang lugar kung saan niya ako dinala para kumain. Lounging Area ang tawag niya sa silid. The room was enormous, that’s the least adjective I could use to describe the whole room. May dalawang bahagi ang Lounging Area: una ay ang dining area style nito na may mga pabilog na table at mga upuan—kung saan ako kumakain ngayon, at ang pangalawa ay ang living room style na part kung saan may mga black couches at center tables. Sa sobrang laki ng lugar ay hindi ka magiging takaw-atensyon. Napatunayan ko iyon nang pumasok kami at kahit may mangilan-ngilang tao sa loob ay halos konti lang ang nakapansin sa amin.
Ngayon pa lang ay iniisip ko na kung paano ako mamumuhay sa bagong kapaligirang ito. Walang maraming matang nakamasid at naghihintay ng pagkakamali ko. Walang maraming maid. Walang maraming bodyguard.
Siya lang…
PAGKAHATID sa’kin ni Akane sa unit ko’y iniwan niya muna ako. Nagpahinga ako saglit bago naisipang magbabad sa bath tub. Masarap sa pakiramdam ang tubig, hindi ito nagkakamaling pagaanin ang pakiramdam ko. Pagkatapos kong magbabad ay nagbihis ako’t nahiga sa malambot na kama. Tumingin ako sa kisame at nagpakawala nang malalim na buntonghininga.
Heto na ang simula.
Magiging madali ba ang lahat o magiging mahirap?
Kakayanin ko ba ang pagbabago? Hindi ako maaaring bumalik sa mansion ng luhaan.
Gagawin ko ang lahat…
Napapikit ako. Niyapos ko ang unan at isinubsob ang mukha doon. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong posisyon hanggang hindi ko namalayang nakatulog pala ako.
MADILIM. Wala akong makita. Pero dinig ko ang malalakas nilang pag-uusap at tawanan.
"Siya ba ‘yun?"
"Hindi mahirap pasunurin ang kagaya niya."
"Ang mga babaeng katulad niya ay dapat nananatili lang sa iisang lugar."
"Bilang tagapagmana kailangan niyang sumunod..."
"Wala siyang alam sa ginagawa niya."
"Mahina lang ang katulad niya."
"Dapat noon pa lang—"
Nagmulat ako ng mga mata at ang unang sumalubong sa akin ay ang kulay puting lampshade sa ibabaw ng night table. Kumurap-kurap ako para pawiin ang pamimigat ng mga mata ko. Malamig ang silid pero dama ko ang pagtulo ng pawis sa noo ko at ang mabilis na t***k ng puso ko.
Nanaginip na naman ba ako?
Tumayo ako’t pilit inignora ang pamilyar na takot at pag-aalala. Tiningnan ko ang orasan. Dalawang oras pala akong nakatulog. May oras pa para mag-ayos ng mga gamit.
"Oh..." Wala sa loob na natampal ko ang noo ko. Sinabi ko nga pala kay Akane na iakyat niya ang ibang mga maleta para dalahin sa unit ko. Kung iniakyat niya iyon, saan niya idideritso gayong ni-lock ko ang pinto.
Dali-dali akong nag-ayos at lumabas. Dahil nagmamadali ako’y hindi ko agad nakita ang malaking bulto na nasa tapat ng pinto. Nakatalikod ito pero nang mabuksan ko ng tuluyan ang pinto ay unti-unti itong humarap.
Akane? my mind whispered.
Natigil ako sa paghakbang, ilang pulgada na lang ang pagitan namin sa isa't-isa bago ako nakapreno sa paglalakad. Gayunman, hindi ko naiwasang hindi maramdaman ang init na nagmumula sa kaniya.
"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko at pasimpleng humakbang paurong.
"Magandang hapon, Miss Yume. Narito na po ang mga gamit n’yo." Nakangiting wika niya sabay turo sa mga maleta na nasa tapat ng pinto.
Naglipat ang tingin ko sa kaniya at sa mga maleta.
"Kanina ka pa?"
"Hindi naman po."
Tinitigan ko siya. "Dapat kinatok mo ako," saad ko sa kaniya
"Nagpapahinga ka, Miss Yume. Hindi ko po maaaring abalahin kayo. Isa pa’y may susi naman ako ng unit mo pero kailangan kong hingin muna ang permiso mo bago ako pumasok."
Napahalukipkip ako sabay buntonghininga. Hindi ko mapaniwalaan ang naririnig ko mula sa kaniya.
"We’re not in the mansion, so please drop the formality. At pakialis ng po dahil ‘di hamak na mas matanda ka sa’kin." Pilit kong pinakaswal ang pagsasalita na saad sa kaniya.
Hindi ko ugaling maging ganito sa mga tauhan namin—maging ito man ay bodyguard, maid o kung sinuman. But, maybe I could start new things here in my own simple way.
"Tauhan mo lang ako, Miss Yume."
"Sinabi mo sa akin na hindi ko mapapansin na ginagawa mo ang trabaho mo pero paano ko gagawin iyon kung sa pakikipag-usap pa lang ay ganiyan ka na kapormal." Kalmado ko pa ring ani sa kaniya kahit na sa loob ko’y medyo hindi na ako nagiging komportableg makipag-usap sa kaniya. I’m not good in talking and talking to him makes me exhausted.
Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatitig sa akin na para bang tinitimbang niya ang sinabi ko.
"Nagkakaintindihan tayo?" tanong ko.
"Nauunawaan ko, Miss Yume," malumanay at nakangiting wika niya. "Hayaan ninyong tulungan ko kayo ngayon at bukas na lang nang umaga ililibot kita sa buong Galleria."
Nagkibit-balikat ako’t sinulyapan ang mga maleta. "Pakipasok na lang sa loob," malamig kong utos sabay talikod.
Bahagya akong nakahinga nang maluwag nang makatalikod sa kaniya. Pakiramdam ko’y tumitigil ang paghinga ko sa t’wing kausap ko siya. O marahil dahil hindi lang talaga ako sanay na makipag-usap.
Kahit noong nasa mansion ako’y hindi ko rin naging ugaling makipag-usap ng matagal sa mga maid at bodyguards namin. Hindi rin ako lumalabas ng mansion maliban na lang kung papasok sa school. Wala akong gasinong kaibigan. Minsan akong nagkaroon nang itinuring kong matalik na kaibigan pero nawala lang sa huli.
Ipinilig ko ang ulo ko at itinuon ang atensyon sa nangyayari ngayon.
Walang ibang mas mahalaga kundi ang mga nangyayari ngayon.
KINABUKASAN…
Ngayong araw ay ililibot ni Akane ako sa buong complex. Kagabi nang bumaba kami sa Lounging Area ay iilan pa rin ang tao. Sa sobrang taas at laki ng building nakakapagtaka lang na mangilan-ngilan lang ang taong nakikita ko o siguro dahil bago lang ako sa lugar. Isa pang iniisip ko’y tila hindi lang ako ang may bodyguard na palaging nakaabang sa bawat kilos at galaw. Ang bawat tenant na nakikita ko ay may kasamang bodyguard.
Dumadagdag pa sa isipin ko ang sinabi niya kagabi.
"Bukas kapag inilibot kita sa buong Galleria ay ipapaliwanag ko ang lahat, pati na rin ang setup sa loob ng complex."
Wala akong sinasabing kahit ano sa kaniya pero dahil kita niyang nakamasid ako sa ibang tenant ay bigla na lang siyang nagsalita.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako. Hindi na ako nagulat nang makita ko si Akane sa labas ng pinto. Nakangiting bumati siya kaagad sa akin. "Good morning, Miss Yume."
Pinanood ko siya hanggang magsalubong ang mga mata naming.
"Ipinahanda ko na ang pagkain mo sa baba,” dugtong pa niya.
Tumango na lang ako sabay wikang, "Good morning." Walang emosyon ang mga salitang iyon at kahit ang bigyan siya ng ngiti ay hindi ko ginawa.
Nagsimula na akong maglakad at sumunod siya sa likuran ko. Sanay ako na palaging may nakabuntot sa akin, pero simula ng siya nang naging bodyguard ko, bigla ay tila naging conscious ako sa paligid ko. Nagiging conscious na rin ako sa mga gawi ko dati na wala naman akong pakialam.
Malamig man ang pakikitungo ko sa mga maid at bodyguard noon, wala lang sa akin. Batiin ko man sila o hindi, wala akong pakialam. Ngunit pagdating sa kaniya’y tila iba ang lahat.
"Miss Yume, nakatulog ka ba ng maayos?" tanong niya mula sa likuran ko.
Bahagya akong napapitlag nang marinig ko ang tanong niya. Hindi ko alam kung thoughtful siya o front niya lang iyon.
"Oo," tipid kong tugon.
Pumasok kami sa elevator. Siya na din ang pumindot ng button. Habang nakatingin ako sa dark red na carpet ng sahig ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip. May kung anong nasa loob ko na gustong tanungin siya kung nakapagpahinga ba siya ng maayos. Gusto ko siyang tanungin kong kumusta ang unang gabi.
Pero hindi ko kaya. Natatakot ako’t nahihiya.
Hindi ko maunawaan ang nararamdaman pero hindi ko ito dapat maramdaman sa kaniya.
WALA pa kaming isang oras na umiikot sa buong building pero pakiramdam ko ay nalulula na ako— hindi sa pagod kundi dahil hindi pa kami nangangalahati sa paglilibot sa buong complex ay pakiramdam ko’y nanghihina na ako. Nagsimula kami sa Lounging Area kung saan nakilala ko sina Chef Michael at Miss Michelle. Magkapatid sila na nakatoka sa buong kusina ng Galleria. Ipinakilala din nila ako sa buong staff nila.
Isang tipid na ngiti at bati lang ang naggawa ko sa kanila sa kabila ng mainit nilang pagbati at pagtanggap sa akin.
Pumunta rin kami sa malawak na gaming room ng complex, pero dahil hindi ako mahilig sa sports ay hindi ako masiyadong naging interesado. Pumunta rin kami sa surveillance room pero hanggang entrance lang kami. Nakilala namin si Paul na kasalukuyang naka-duty sa surveillance room kung saan lahat nang nagaganap sa loob at labas ng Galleria ay nakikita. Siyempre, maliban na lang sa bawat loob ng unit. Ganoon pa man, sinabi ni Akane na may motion sensor sa loob ng unit na ini-o-on lang kapag umaalis ang tenant. Ayon dito ay may mga maid na nagche-check ng unit at mga bodyguards na kasalukuyang nagra-rounds sa bawat sulok ng complex.
Marami pa kaming pinuntahan pero sa ngayon ay ang umagaw palang ng atensyon ko ay ang malaking library ng complex kung saan may malalaki at malalapad na couches na parang ini-engganyo kang mahiga’t magbasa.
Nang makagaling kami ng library ay parang gusto ko nang sabihing sa sunod na lang ulit pero naunahan ako ng hiya.
"Dito tayo, Miss Yume." Umuna si Akane nang paglalakad at sumunod ako sa kaniya.
Nasa 10th floor na kami at ngayon ay naglalakad sa mahabang pasilyo. Walang kwarto akong nakikita hanggang tumigil kami sa tapat ng isang pinto.
Kumatok siya ng tatlong beses na magkakasunod at dalawang mas mahina sa nauna. Ilang segundo kaming naghintay bago bumukas iyon. Isang babae ang lumabas na sa tantiya ko’y hindi naglalayo sa edad ko. Nakasuot siya ng pang-maid na uniporme.
"Andito na pala kayo, Sir Akane," magiliw na bati ng babae.
"Akane na lang, Nesh. Masiyadong kang pormal," saad naman ni Akane habang hindi nawawala ang ngiti sa labi.
Pinanood ko lang sila hanggang lumapit sa akin si Akane.
"Nesh, siya si Miss Yume." Pagpapakilala sa akin ni Akane sa babae.
"Magandang araw, Miss Yume. Ako po si Nesh. Isa po ako sa housekeeper dito. Kapag kailangan niyo po ng tulong o may iuutos kayo ay magsabi lang po kayo." Bati ng babae sa’kin sa masaya at magiliw na tinig.
"Magandang araw din," ganting bati ko.
"Totoo palang napakaganda ninyo po," may humahangang ngiti na puri niya, "para kang artista."
Napakagat-labi ako. Hindi sigurado sa kung anong tamang reaksyon.
"Napakaamo rin po ng mukha niyo," dugtong pa ni Nesh.
"Ha? Ah." Naging mailap ang mga mata ko’t hindi ko magawang makahanap ng tamang salita na dapat sabihin.
“Siguro’y mas maganda kung pumasok na tayo sa loob,” sansala ni Akane kay Nesh.
Sinulyapan ko si Akane at marahan niya lang akong tinanguan. Marahil napansin niyang hindi ako mapakali kaya nakisabat na siya.
“Tamang-tama ang dating ninyo!” Hindi nawawala ang sigla sa boses ni Nesh. “Pasensiya ka na, Miss Yume na-excite lang ako.” Napakamot siya sa batok pero hindi naglalaho ang magiliw na ngiti sa labi niya.
“O-Okay lang. Salamat.”
Umuna na ako sa kanila sa pagpasok sa pinto. Tahimik naman silang nakasunod sa akin.
Sanay akong pinupuri, pero hindi ako hangal para hindi maunawaan ang pinagkaiba ng papuring galing talaga sa puso o para lang mapalapit sa akin. Marami akong nakikilalang galing sa mga mayayamang angkan kapag may nagaganap na okasyon sa mansion at marami sa kanila ay maraming baong papuri. Ilan sa mga papuring iyon ay para sa’kin at kailangan nila akong purihin, sabihan ng magagandang bagay para mapalapit sa negosyo at kayamanan namin. Pinupuri nila ako kapag kaharap nila pero kapag nakatalikod na para sa kanila ay tila isa lang akong babaing pinaaandar ng pisi.
"Ang bawat silid po ay may kaniya-kaniyang bathroom pero ginawa po ito kung sakaling gusto niyong maiba naman ang ambience at ang nakikita niyo sa paligid. Dito rin nagsasama-sama ang ibang mga tenants,” masayang paliwanag ni Nesh na nagpabalik sa diwa ko.
I halted at the end of the hallway while they continued walking. My gaze fixed at the whole room which was a big bathroom with wide different shapes tubs. Sa paligid ay may mga halamang nakatanim sa malalapad na paso—may namumulaklak at may hindi. I could smell the sweet and tender aroma of the flowers and the other plants inside the room.
Humakbang ako patungo sa gilid ng mga tub. Wala pang lamang tubig ang mga ito at tila kalilinis lang.
"Pwede ninyo din pong baguhin ang temperatura ng tubig base sa nais niyo,” pagpapatuloy ni Nesh sabay turo sa isang lever. “Ang nasa second floor hanggang tenth floor ang madalas gumagamit nitong bathroom. Ang mga nasa upper floor ay may kanilang bath house sa itaas. Palagi po itong nililinis kaya wala kayong iisipin kung sakali mang maraming gumamit. Pero minsan naman po’y may araw ding ibinababa ang management kung kailan pwede at hindi pwedeng gamitin itong bath house. Bukod din po ang para sa babae at para sa lalaki.”
Tumango-tango lang ako sa mga sinasabi ni Nesh.
"At hindi lang iyan, Miss Yume…" Naglakad si Akane patungo sa isang bahagi ng silid. May hinila itong tali at biglang bumukas ang malaking kurtina. Bumulaga sa harap namin ang salaming dingding. Mula sa kinatatayuan ko ay natanaw ko ang asul na asul na langit.
Napakurap ako at manghang humakbang palapit sa glass wall. Kitang-kita ang asul na langit sa labas at ang sikat ng araw mula sa labas ay lumilikha ng mga tila mumunting bahaghari kapag tumatama sa salamin.
Tumigil ako sa paghakbang nang mapagmasdan ang tanawin sa baba.
"Oh God," mahinang anas ko. Pakiramdam ko’y tumigil sandali ako sa paghinga.
Sumalubong sa mga mata ko ang malawak at makulay na hardin sa ibaba, at dahil nasa itaas kami ay parang isang malapad at magandang painting ito. Napakaganda ng kulay ng mga bulaklak: dilaw, pula, asul, lila at iba pa.
I need to see that garden in person.
“That glass is like a two-way mirror,” I heard Akane. “Nakikita mo ang labas pero hindi nila makikita ang loob. So, you can be at ease na safe maligo dito.”
Tumango lang ako at nanatiling nakatingin sa labas. Hindi ko rin pinansin ang mga nagmamadaling hakbang mula sa likuran ko.
"Maiwan ko muna po kayo, Miss Yume, Akane," dinig kong paalam ni Nesh.
"Uhuh." Tumango ako at nanatiling nakatingin sa labas. Pinagsawa ko ang mga mata ko sa magandang tanawing nasa harap ko. I love flowers, gardens and colorful things. I also love the blue sky and even the night sky.
"Masaya akong nagustuhan mo ito, Miss Yume."
Napakislot ako ng maramdamang tila mas malapit na ang tinig ni Akane sa kinatatayuan ko. Hindi pa nakakabawi ang puso ko sa ganda ng tanawing nasa harap ko ay tila bumibilis na naman iyon dahil sa mainit at baritonong tinig niya.
"Mas gumaganda ka kapag ngumingiti ka," papuri pa niya ng hindi ako magsalita, dama ko ang kakaibang emosyon sa tinig niya.
Weird, but that unfamiliar feeling started to crawl in, giving me good shivers.
Gusto kong ipikit ang mga mata ko ngunit gusto ko siyang makita.
Gusto kong makita kung hindi ba niya sinasabi lang iyon para may masabi lang.
Gusto kong makita ang mga mata niya at tiyaking para sa akin ang mga salitang iyon.
Gusto kong makatiyak…