Lumingon ako kay Akane, ngunit sa pagkadismaya ko ay malapit lang siya sa akin. Nakatayo malapit sa’kin habang nakatingin sa labas. Nakaharap siya sa may salaming dingding kaya hindi ko makita nang maayos ang mukha niya.
"Para kang bulaklak," wika niya habang nakatingin sa labas. “At sa t’wing ngumingiti ka ay para kang namumukadkad na bulaklak." He turned his face at me, and I held at the glass for me not to fall down because of the way he looked at me now. There was something in his eyes, making my legs wobbled and my heart beat faster. There was something there, something warm, sweet and intense as if he was telling me to believe and trust him.
But it’s wrong. We just knew each other for almost a week and I still didn’t know him. My parents trusted him, but I wasn’t sure if I could.
"You..." I said in a low voice. I clenched my fist and stared at him. "Stop saying those things." I diverted my eyes away from him as if I couldn’t continue to look at him. “You don’t know a thing,” I whispered in grimace.
I left our mansion for a change, but playing with sweet words weren’t included at that change.
"Mukhang kayo ang marami pang dapat maunawaan, Miss Yume." Naging seryoso ang tinig niya nang magsalita.
Nananatili naman akong nakatingin sa labas. "Wala kang karapatang magsalita ng ganiyan sa akin," malamig kong wika. Nagagalit ako pero hindi ko tiyak kung sa kaniya o sa sarili ko.
"Alam ko po iyon," seryoso pa rin niyang wika.
Hindi ko na siya pinansin hanggang maramdaman ko ang pagkilos niya kaya napalingon ako sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko ang ginagawa niya. "A-anong...?" Napaurong ako sa pagkabigla sa kaniya. "Anong ginagawa mo?" marahas kong tanong sa kaniya.
"I'm asking for your forgiveness, Miss Yume," mapagkumbabang saad niya.
Umarko ang isang kilay ko at hindi makapaniwalang tinitigan ko siya nakayuko ang ulo at kalahati ng katawan. He’s bowing at me with full respect.
Umiling-iling ako.
Ano bang ginagawa niya? Nababaliw na ba siya?
"Umayos ka riyan. H-hindi mo kailangang gawin iyan." Pilit kong pinahinahon ang tinig ko kahit ang totoo ay may emosyong unti-unting bumabalot sa buong katawan ko.
Tumunghay siya at tinitigan ako sa mga mata, muli ay binigyan niya ako ng ngiti.
"Hindi lang ito para sa paghingi ng paumanhin. Tanda ito na hindi ako nagsisinungaling at tapat ako sa mga sinasabi ko at sa mga sasabihin ko pa. Gusto kong makita mo ang halaga na meron ka, Miss Yume."
Para akong sinampal dahil sa sinabi niya.
Gusto kong makita mo ang halaga na meron ka.
Hindi ko na hinayaang mag-isip ng kung ano-ano ang isip ko.
"U-umayos ka kung ayaw mong pabalikin kita sa mansion," utos ko sa kaniya. "At wag mo ng uulitin ‘yun," matigas kong dugtong.
Nang makatuwid siya nang pagkakatayo ay mabilis ang mga hakbang na tinalikuran ko siya.
"Miss Yume!" dinig kong tawag niya.
Itinaas ko ang palad ko paharap sa kaniya dahilan para tumahimik siya. Magkasunod kaming naglakad ng tahimik. Kahit sa pagsakay sa elevator ay hindi kami nagsasalita. Dama kong gusto niya akong kausapin pero nagpapasalamat ako at hindi siya nagpumilit. Baka hindi ko na kayanin kung ano pang marinig ko mula sa kaniya.
Nasa tapat na kami ng unit ko nang magsalita ako.
"Magpahinga ka muna. I'll stay here. Wala akong pupuntahang iba." Hindi ko tiyak kung kanino ba mas tama ang mga salitang iyon. Kung bakit tila nagpapaliwanag ako sa kaniya kahit hindi naman dapat.
"Miss Yume…"
Hindi ko siya nilingon at binuksan ko ang pinto. Akmang papasok na ako ng muli siyang magsalita.
"Alam kong nagdududa ka sa mga sinasabi ko. But let me remind you this, not all beautiful flowers grow in the garden. Some of them grow in the wilderness. If you let me, I'll replant that beautiful flower in the garden—the place where you belongs."
Hindi ko na kaya.
Alam ko, dahil hindi pa man ay nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Walang salitang pumasok ako sa loob ng unit at sinarhan ko ang pintuan. Gusto ko man siyang tingnan. Gusto ko mang itanong kung paano niya nasasabi ang mga bagay na iyon pero mahina ako. Mahina ang puso ko para tanggapin lahat iyon.
Tumakbo ako patungo sa kama ko. Isinubsob ko ang mukha sa unan ko.
"W-Wala siyang alam..." garalgal ang tinig na anas ko.
Prinsesa ang tingin nila sa akin dahil nagmula ako sa mayamang angkan. Mahalaga ako dahil makapangyarihan ang pamilyang pinagmulan ko. Ngumingiti silang lahat sa’kin dahil kailangan nila ng katulad ko. Pinakikisamahan nila ako kahit labag sa loob nila dahil sa yamang makukuha nila. Ngunit kailanman ay hindi nila ako tiningnan bilang ako.
Kahit ang sarili kong mga magulang. Nakikita lang nila ako bilang susunod na tagapagmana, pero hindi ang Yume na anak nila. Hinayaan nilang palibutan ako ng mga maid na siyang mag-aalaga sa akin. Ipinagkatiwala nila ako sa mga bodyguard na hindi naman ako kayang proteksyunan sa totoong makakasakit sa akin. Noong una, buong akala ko ay totoong nagmamalasakit sila sa akin pero ang totoo ay gusto lang nila ako dahil kailangan.
Gusto kong makita mo ang halaga na meron ka.
Nasaan ang halaga ko doon?
Kung wala akong yaman, papansinin ba nila ako?
Pahahalagahan ba nila ako? Makikita ba nila ang totoong Yume?
O ang mahinang Yume na binuo ko sa harap nila?
Tumihaya ako at tumingin sa kisame. Nangako ako noon na magiging matapang na ako.
Pero bakit umiiyak ako? Bakit nasasaktan ako sa mga salita niya?
Gusto kong makita mo ang halaga na meron ka. Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang mga sinabi ni Akane.
Ano nga bang halaga ko maliban sa kayamanan at titulong meron ako? Bakit hindi ko na makita? Tuluyan na bang nawala ‘yun? Na kahit ang sarili ko ay hindi ko na din makita ang halagang meron ako.
Ipinikit ko ang mga mata ko at nakangiti niyang mukha ang nakikita ko.
Akane…
Hindi pa niya ako lubusang kilala. Halos isang linggo pa lang siyang nagtatrabaho sa akin. Wala siyang alam…
Pero...
Alam kong nagdududa ka sa mga sinasabi ko. But let me remind you this, not all beautiful flowers grow in the garden. Some of them grow in the wilderness. If you let me, I'll replant that beautiful flower in the garden—the place where you belongs.
How could he say those things? And where was that place?
NANATILI ako sa silid ko hanggang sa magtanghali. Hindi rin ako nakakadama ng gutom. Sa mga ganitong pagkakataon ay mas gusto kong mapag-isa.
Gaya lang ng dati.
Tumayo ako mula sa kama ko. Nakatingin ako sa malaking kulay puting kurtina. Simula kahapon ay hindi ko pa natitingnan kung ano ang nasa likod ng kurtinang iyon. Alam kong salaming dingding din iyon pero duda ako kung kasing ganda din ng tanawin sa bath house ang tanawing makikita ko dito.
Akmang hihilahin ko na ang puller nang madinig ko ang pagkatok sa pinto at natuon doon ang atensyon ko. Marahang binitawan ko ang puller at naglakad patungo sa may pinto. Ngunit kaagad din akong natigilan ng mapatingin ako sa salamin.
Gusot ang damit na suot ko. Gulo ang buhok ko. Bagama’t hindi na pugto ang mga mata ko ay hindi maikakaila na umiyak ako. Sinulyapan ko ang pinto bago dali-daling pumunta sa banyo. Naghilamos ako, sinuklay ng mabilis ang lampas balikat na buhok. At ng tingin ko’y ayos na ang lahat ay tsaka ako lumabas.
Nag-aalinlangan pa rin akong buksan ang pinto dahil wala naman akong maaaring maging bisita. Wala rin namang maaaring maghanap sa akin sa ganitong oras maliban kay Akane. At tingin ko ay hindi ko pa kakayaning makita siya.
Nagtatalo ang hiya at takot sa loob ko. Nahihiya akong napakadali para sa kaniya na basahin ako at natatakot akong baka sa huli kagaya din siya ng lahat.
Wag kang matakot. Hindi ka dapat matakot, Yume. Pampalakas-loob na bulong ko sa sarili ko.
Nagpatuloy ang marahang pagkatok.
Nagpakawala ako nang isang buntong-hininga bago binuksan ang pinto. Inihanda ko ang sarili ko na mapagbubuksan ko si Akane pero…
"Good afternoon, Miss Yume. Dinala ko po ang tanghalian niyo," nakangiting bati ni Nesh habang tulak ang isang trolley.
Bahagya akong nakahinga ng maluwag pero hindi ko maiwasang hindi makadama ng pagkadismaya. Nilingon ko pa ang paligid para matiyak kung wala nga si Akane.
"Pakipasok na lang." Pinilit kong ngumiti sa kaniya sa kabila ng disappointment na nararamdaman ko.
Pumasok si Nesh at maliksi niyang inilagay ang tray ng pagkain sa table.
"Salamat, Nesh," wika ko sa kaniya.
"Wala iyon, Miss Yume. New Orleans Shrimp Salad and sliced chilled beef tenderloin po ang ipinahanda ni Akane sa amin at pinasamahan niya din po ng cheesecake. Nandiyan din po ang tsaa ninyo. Okay na po ba sa inyo ang mga iyan o papalitan namin?" Nakangiting mahabang salaysay ni Nesh.
Sa sigla ng tinig niya ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti.
"Okay na ang mga iyan. Hindi pa rin naman ako nagugutom."
Bigla naman itong tumuwid ng tayo. "Pero kailangan niyo pong kumain. Tiyak mag-aalala si Akane."
Napatingin ako sa may taklob na mga pagkain sa mesa. Alam na alam niya ang madalas kong kainin, pero kung nag-aalala siya bakit si Nesh ang nagdala ng pagkain ko?
Oh, ano ba itong iniisip ko?
"Meron pa pala po." Lalong sumigla ang tinig ni Nesh. May kinuha ito sa ilalim ng trolley. Bahagyang nangunot ang noo ko lalo nang makita kong naglabas ito ng puting rosas at maliit na card. "Ipinabibigay po ni Akane at sa tingin ko ay nag-aalala talaga siya sa’yo."
Tiningnan ko ang bulaklak at card. Hindi ito ang unang beses na binigyan niya ako ng puting rosas at card.
"Nasaan siya?" Huli na ng maisip ko ang tanong ko.
Bakit ba bigla na lang akong nagsasalita nang hindi nag-iisip?
Tiningnan niya ako. "May aayusin lang daw po siya pero babalik din siya kaagad."
So, umalis sya? Akala ko ba ay nag-aalala siya pero paano pa niya nagagawang umalis. Iniisip ba niya na mapapalubag ng bulaklak ang loob ko?
"Salamat, Nesh,” anas ko kahit tila may pagkadismaya sa loob ng dibdib ko.
"Walang problema po, Miss Yume." Nakangiting nag-bow siya sa akin bago tumalikod na.
Palabas na siya ng pinto nang magsalita ako.
"Nesh..." mahina kong tawag.
Mabilis at masigla siyang lumingon. “Bakit po?”
“Pwede bang Yume na lang din ang itawag mo sa’kin? Sa tingin ko’y hindi naman tayo nagkakalayo ng edad.”
Napansin ko ang pagrehistro ng gulat sa mukha niya ngunit pagkaraan ay ngumiti din. "Ang nais po ninyo ang masusunod, Mi— Yume."
"At pwede bang walang po?”
Lalong lumapad ang ngiti niya. "Walang problema, Y-yume." Hindi nakalingat sa mga mata kong tila nag-alangan siya pero kaagad ding nakabawi.
"Salamat."
“Kahit ano, Yume…”
Lumabas na siya at sinara ang pinto. Dala pa rin ang puting rosas at card ay lumapit ako sa tray ng pagkain. Naupo ako sa silya at binuksan iyon. Tiyak kung nandiyan si Akane, siya ang mag-aayos ng pagkain ko at siya ang maghahalo ng salad ko. Kulang na lang ay subuan niya ako.
Napailing ako sa mga naiisip ko.
Bakit ba hinahanap ko agad siya?
Masiyado atang na-a-attached ako sa kaniya to think na halos isang linggo pa lang siyang nagtatrabaho sa akin.
Pero kailan nga ba nagsimula ang lahat?
Bakit nga ba ang bilis kong nasanay sa presensiya niya?