Episode 3

1521 Words
Walang magawa nga si Esmeralda sa pambabastos sa kaniya ni Arturo ng hawakan siya sa dibdib nito. Pinanganuhan na siya ng takot sa nanlilisik na mga mata ni Arturo na may kasamang pagnanasa. Pero agad din namang natigil ito ng makita ni Arturo na patungo na sa sasakyan si Señior Juaquin. Dahil sa nakaimpake na ang mga kagamitan ni Esmeralda. At wala ngang sinayang na sandali si Esmeralda agad niya isinumbong sa kaniyang ama ang pambabastos ni Arturo sa kaniya sa loob ng sasakyan.. "Papa binastos ako ni Arturo! Dito mismo sa loob ng Kotse!"agad na pagsusumbong ni Esmeralda. Pero hindi nga siya pinAniwalaan ng kaniyang ama dahil labis niyang pinagkakatiwalaan si Arturo sa lahat ng mga tauhan niya. "Huwag kang gumagawa ng kwento! Mas lalo mo lang dinadagdagan ang galit ko sayo."agad na sabi ni Señior Juaquin. Matapos mag sumbong ng anak sa pambabastos ni Arturo. "Anong klase kayong ama! Ako na anak ninyo ayaw ninyong paniwalaan!"sumbat ni Esmeralda habang lumuluha.. "Ikaw. Ano kang klase kang anak? Natanong mo na ba yan sa sarili mo? Kapag Sinusuway mo ang mga pag uutos ko! Kaya pala ginusto mo mag aral sa universiry rito sa Probinsya! Kumpara sa Manila? Or States... Dahil lang sa lalakeng iyon! Isa kang wala kwentang anak! Kaya itutuwid ko ang pagkakamali mo kaya kailangan na kita sa lalaking iyon kaya kalimutan mo na siya! Dahil kailanman di na kayo magkikita pa!"sagot naman ni Señior Juaquin at pumasok na ito sa kotse at tumabi sa anak. At si Arturo nga ang naging Driver na nila patungong manila... At naiwan ang mansion nila sa San Agustin sa pangangalaGa ng mga katiwala niya roon. 'Sabi ko naman sayo Esmeralda mas paniniwalaan ako ng ama mo kumpara sayo."masaya pang sabi ni Arturo sa isipan niya habang nag mamaneho. Si Arturo ay hindi lang basta tauhan ni Señior Juaquin. Ito rin ay nag sisilbing Hitman niya sa mga taong kumakalaban kay Señior Juaquin. SamantAla sa Ospitsal nagkamalay na nga si Antonio. Kasabay nun ang kaniyang pagkabatid sa isang malungkot na balita ang pagkasawi ng kaniyang ama sa mga kamay ni Señior Juaquin.. "Tay. Tay," lumuluhang sabi ni Antonio dahil iyon na lamang ang tangi niyang magagawa ang lumuha.. Dahil sadyang mahirap makamtam ang hustisya sa mga tulad nilang dukha. Kahit ilaban pa nila ito sa Korte.. Naroon lamang sa tabi niya si Elena at ang kaniyang ina. At sa gitna ng kanilang pagluluksa dumating ang Abogado ni Señior Juaquin. At may dala itong maraming pera. "Tanggapin ninyo na ang mga perang yan. pampalibing sa asawa po ninyo. At Sobra pa yan sa pagpapalibing pati bayarin ninyo sa Ospital kasama na sa perang yan. Galing ang lahat ng yan kay Señior Juaquin." ngiting sabi ng abogado. At wala na ngang nagawa pa ang ina ni Antonio kundi tanggapin ang pera. Dahil sa wala rin naman talaga silang mapagkukuhan ng pera. "Sana naman maging maayos na ang lahat sadyang mabuti pa rin si Señior Juaquin.. Dahil sinagot pa niya lahat ng bayarin ninyo rito," sabi pa ng abugado. "Umalis ka na! Pwede bang umalis ka na! Umalis ka na" pag papalayas ni Antonio sa abogado at agad namang itong umalis. "Esmeralda babawiin kita pangangako." Sa muli ngang pagbabalik ng kamalayan ni Antonio. Kasabay nga rin nito ay ang hindi niya pagkaramdam sa kanang binti niya. At halos hindi niya maigalaw kahit isa sa daliri niya sa kaniyang kanang paa. "Nay... Anong nangyari? Bakit ganito? Bakit hindi ko maramdaman ang kanang paa ko."pagkabahala ni Antonio. "Hindi pwedeng ganito! Paano ko mababawi si Esmeralda sa ganito kong kalagayan paano!"sabi muli ni Antonio. At kahit anong pilit niya ikilos ang kanang paa niya lagi siyang nabibigo. "Anak kalimutan mo na ang anak ni Señior Juaquin napahamak ka at ang iyong ama dahil sa pagmamahalan ninyong dalawa. Pakiusap tama na anak kapag nawala ka pa. Wala na akong dahilan para ituloy pa ang buhay ko.."lumuluhang nag susumamo na sabi ng ina ni Antonio. "Pero ina minamahal ko si Esmeralda nag mamahalan po kami hindi ko po kayang iwaglit siya sa puso ko ng ganun lang. Siya lang ang una at huli kong mamahalin ko.."agad na giit ni Antonio sa ina. At nasasaktan naman ang kalooban at puso ni Elena. Habang harap harapan niyang naririnig mula kay Antonio na si Esmeralda lamang ang babaeng mamahalin nito at wala ng iba pa.. "Tama ang iyong ina kalimutan mo na si Esmeralda ikakapahamak mo lamang ang pagmamahal mo sa kaniya.'pag sang ayon nga ni Elena sa ina ni Antonio. "Elena... Sa lahat ikaw ang nakakaalam kung gaano ko kamahal si Esmeralda. At kung sakaling hindi kami talaga sa isat isa. Wala na akong ibang mamahalin pa wala na.."muling Tugon ni Antonio. At dahil nga sa kundisyon ni Antonio halos isang linggo pa siyang mananatili sa ospital para sa mas ikakabuti ng kaniyang kalagayan. At habang tulog muli si Antonio.. "Aalis po muna ako dahil kailangan ko pa pumasok sa Trabaho ko. Pero pangako po mamayang gabi babantayan ko po ulit si Antonio para po maasikaso na po ninyo ang libig po ni Tatay Tonio."sabi ni Elena sa ina ni ANTONIO na si Linda.. 'Salamat Elena at kailanman hindi ka nawawala sa tabi ni Antonio."pagpapasalamat ni Linda. At umuwi nga muna si Elena sa San Agustin para makapag bihis bago pumasok sa Bayan sa isang tindahan bilang Tindera. At doon nakasalubong niya ang isa pa nilang kababata na si Efren.. At agad nito tinanong ang kalagayan ni Antonio. Dahil nga napag alaman niyang galing roon si Elena. "Patay na ba si Antonio?"agad na tanong ni Efren "Patay? Anong pinag sasabi mo! Si Tatay Tonio ang namatay hindi si Antonio."agad na sabi ni Elena. "Ahh.. Pasensya na nAgkamali lang ako... Dahil halos parehas lang ang pangalan nila di ba."agad na pag papaliwanag ni Efren. Pero agad na lang siyang nilagpasan ni Elena at di na lang inimik pa. "Buhay ka pa pala... Kaya si Elena hindi pa rin mapapasa akin."inis na sabi ni Efren habang nakatanaw kay Elena mula sa malayo. Si EFREN ang dahilan sa pagkakabatid ni Señior Juaquin sa lihim na pagmamahalan ni Esmeralda at Antonio. Nabatid niya ito mula kay Elena ng matagpuan niya itong umiiyak sa lilim ng puno ng mangga malapit kabukiran na madalas nilang tambayan noon mula pa noong pagkabata nila. Sa sobrang hinanakit ni Elena sa pagtatapat ni Antonio patungkol sa relasyon nila ni Esmeralda. Hindi na nga niya pansin ang nasa likuran na niyang si Efren at sa bibig mismo ni Elena nabatid niya ang lihim na pagmamahalan ni Antonio at Esmeralda.. Sa puntong iyon buong akala ni Efren na magkakaroon na siya ng puwang sa puso ni Elena dahil sa may iba ng minamahal si Antonio. Subalit sa huli hindi pa rin siya nagkaroon ng puwang sa puso ni Elena. At umabot na ito sa puntong pagbubunyag ni Efren kay Señior Juaquin patungkol sa relasyon ni Esmeralda at Ni Antonio. Umaasa siyang mapapatay ni Señior Juaquin si Antonio kapag nabatid nga niya ito pero sa huli hindi nga ganoon ang nangyari... Ang pagiging matalik nilang magkaibigan ni Antonio ay mas natumbasan ng tindi ng selos ni Efren kay Antonio kaya umabot na ito sa puntong nais na niya mamatay si Antonio. Upang mabaling sa iba ang pagmamahal ni Elena. At dahil nga sa binigay ni Efren na inpormasyon kay Señior Juaquin. Binigyan ni Señior Juaquin ng malaking halagang pera.. "Antonio pasensya na mas matimbang kasi ang pagmamahal ko kay Elena kumpara sa pagkakaibigan natin.. At makalipas ng isang linggo.. Kahit paano nailalakad na ni Antonio ang kanang paa niya. Pero pilay na nga talaga ito at hindi nga niya ito mailakad ng maayos kaya kinakailangan niya na gumamit ng saklay upang makalakad ng maayos ayos.. At sa kabila nga ng pilay na niyang kundisyon. Hindi ito nagpapigil sa pagbalik sa Mansion.. "Esmeralda! Esmeralda!" Paulit ulit na tawag ni Antonio.. Wala pa rin kaalam alam si Antonio na nasa manila na ang kaniyang minamahal at wala na sa San AGUSTIN. "ANTONIO tayo na umalis na tayo mapapahamak lang tayo rito.."nag aalala sabi ni Elena. 'Kailangan ko makita at makausap si Esmeralda.... Hindi maaring matapos ito ng ganito lang."pagpupumilit pa rin ni Antonio at paulit ulit na naman niya tinawag si Esmeralda. At nilabas na nga siya ng dalawang bantay ng Mansion "Wala na rito si Ma'am Esmeralda nasa Manila na siya at hindi na babalik pa rito. Kaya umalis ka na bago ka pa namin mapilitang saktan."sabi ng bantay ng Mansion. "Hindi totoo iyan! Hindi ako iiwan Esmeralda! Ipakita ninyo sa akin siya pakiusap!"lumuluhang nakikiusap ni Antonio. At nainis na nga ang mga bantay sa pagpupumilit ni Antonio. Kaya sinipa nila ito na ikinabagsak naman ng kaawa awang si Antonio. "Ano ba kayo! Pilay na nga siya! Di na kayo naawa!"agad na sabi ni Elena "Umalis na kayo wala kayong mapapala rito."sabi ng mga bantay at pumasok na ulit ito sa Mansion. "Si Esmeralda... Nilalayo nila sa akin si Esmeralda.."lumuluhang sabi ni Antonio. "Lagi na lang si Esmeralda, narito naman ako Antonio, at ako kailanman hindi ako nawawala sayo. Ako na lang, pakiusap ako na lang Antonio." lumuluhang sabi ni Elena habang yakap si Antonio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD