Episode 2

1420 Words
"Elena pakibantayan mo na ang anak namin susubukan ko lang ulit na pigilan ang kaniyang ama."agad na sabi ng ina ni Antonio. Dahil sa nangangamba siya sa maaring mangyari sa asawa niya lalo pa at makapangyarihan si SEÑIOR JUAQUIN. At Halos pag mamay ari pa nga nito ang mga Lupain sa San Agustin. "Mag iingat po kayo ako na po bahala kay Antonio.."sabi ni Elena na nag presinta na mag bantay kay Antonio na wala pa rin malay sa mga sandaling iyon. "Antonio kung ako na lang kasi ang minahal mo hindi aabot sa ganito? Kung ako ang pinili mo... Mas kaya kitang mahalin higit pa sa pagmamahal ni Esmeralda na iyon.. Ako na lang Antionio ako na lang.."lumuluhang sabi ni Elena habang hawak ang kamay ni Antonio. Samantala... Nakarating na nga ang ama ni Antonio sa labas ng Mansion. At kinakalampag niya ang ng malakas ang Gate gamit ng kaniyang Itak.. "Señior Juaquin lumabas ka! Pagbayaran mo ang ginawa mo sa anak namin!"Galit na galit na sabi ng ama ni Antonio. At dahil nga sa pagwawala ng ama ni Antonio. Naantala ang masayang inuman ni Arturo kasama ng apat niyang kasamahan sa Mansion. "Tanda gabi na? Nambubulabog pa kayo? Umalis na kayo wala kayong mapapala rito."agad na sabi ni Arturo. "Hindi ikaw ang gusto kong makita! Iharap mo sa akin si Señior Juaquin! Pagbabayarin ko siya sa ginawa niya sa anak ko!"sabi ng ama ni Antonio. "Pagbabayarin? Hahaha! Walang magagawa ang Hustisya sa Pera? Lahat ay nababayaran tanda.."sabi ni Artuto. At nagtawan pa nga sila.. Hindi naman magawang masaktan ng ama ni Antonio sila Arturo dahil sa may gate na namamagitan sa kanila. "At isa pa Tanda... Hindi naman talaga si Señior Juaquin ang bumubogbog sa anak ninyo? Kundi kami.. Mas marami nga lang akong sipa at suntok na ibinigay sa anak ninyo. At hinampas lang siya ni Señior Juaquin ng sandaling minuto lamang. At buhay pa naman si Antonio di ba? Maging masaya na lang kayo roon."sabi ni Arturo. At doon ay mas lalong sumilakbo ang galit ng ama ni Antonio. Na halos tagagin na niya ang gate upang makapasok lamang. Habang nagtatawan lamang sila Artuto. "Mga Demonyo! Mga Demonyo kayo!"galit na sabi ng ama ni Antonio. At ilang sandali pa. Dumating na si Señior Juaquin.. Sabay tutok ng baril sa ama ni Antonio. "Nagpakita ka rin Demonyo ka!"galit na sabi ng ama ni Antonio . "Ako Demonyo? Napakabuti ko pa nga sa inyo at dahil maraming taga San Agustin ang may Trabaho. Masama pa ba ako sa mga Dukhang tulad ninyo? Masyado lang kasing umaakyat sa ulap ang anak mong bagay lang sa maduming lupa katulad ninyo. Kaya pinaintindi ko lamang sa anak mo na kailanman hindi siya babagay sa anak ko. Kaya umalis ka na kung ayaw mong iputok ko na itong baril kong ito sayo."pagbabanta ni Señior Juaquin. "Tanda umuwi ka na... At bantayan ang lampa ninyo anak."sabat pa ni Arturo. "Tandaan mo Señior Juaquin ang kayamanan hindi nadadala sa langit. Iyon kung sa langit ka nga ba pupunta?"sambit ng ama ni Antonio. "Lang hiya ka! Anong karapatan mo pagsalitaan ako ng ganiyan! Ikaw na mahirap!"galit na sabi ni Señior Juaquin. At sa galit nga niya nakalabit na niya ang gatilyo ng kaniyang baril na siyang tumama sa puso ng ama ni Antonio.... "Aaaahhh!" "Ang asawa ko...."nababahalang sabi ng ina ni Antonio na palapit pa lamang sa Mansion. At dali dali nagmadali nag tungo sa Mansion ang nag aalalang ina ni Antonio. Subalit... Nadatnan na lang niya ang kaniyang asawa na wala ng buhay sa loob ng Mansion at may tama nga ito ng baril sa puso nito. Nasa loob na nga mansion ang ama ni Antonio. Ipinapasok ito ni Señior Juaquin kanila Arturo para palabasin na Tresspassing ito. At tangka pa silang papasalangin. At hawak hawak pa rin ng ama ni Antonio ang kaniyang Itak. "Asawa ko. Anong ginawa ninyo sa asawa ko!" lumuluhang sabi ng ina ni Antonio habang yakap ang wala ng buhay na asawa. "Pinatay ko siya dahil tinangka niya akong patayin at pumasok pa siya ng walang pahintulot sa Mansion ko. At papatunayan kong inosente ako sa tulong isang mahusay na abogado. At kung nais mo ipaglaban sa korte ang asawa mo? Mabibigo ka lang dahil mahirap lamang kayo at isa pa nababayaran ang batas."sabi ni Señior Juaquin na walang mababakas na konsensya sa pagpatay niya sa ama ni Antonio. "Napakasama ninyo! Napakasama ninyo""lumuluhang sabi ng ina ni Antonio. "Kaya sabihan mo ang anak mo Na huwag na huwag na ulit makipag kita sa anak ko! Kung ayaw niyang sumunod siya sa ama niya."sabi pa ni Señior Juaquin at agad na itong muling pumasok sa Mansion na animoy walang nangyari... At alam na nila Arturo ang gagawin. "Manang ihahatid na po namin sa Morge ang asawa ninyo."sabi pa ni Arturo at muling nag tawanan ang mga ito. Habang patuloy naman sa pagluluksa ang ina ni Antonio. At hinimatay na nga lang ito sa sobrang pag dadalamhati sa pag kasawi ng asawa niya. "Anak ng Tupa naman! Hinimatay pa ang matanda na ito..'inis na sabi ni Arturo dahil dagdag pa ito sa trabaho nila.. At dinala na nga mga ito sa Ospital ang mag asawa. Kampante lang sila Arturo dahil kahit mga Pulis sa San Agustin ay alipin ng Pera ni Señior Juaquin. Bulag bulagan at bingi bingihan lamang ito sa mga ginagawang mali ni Señior Juaquin. At Dineretso na nga sa Morge ang ama ni Antonio habang ang ina ni Antonio ay pinagpahinga lang sa isang kuwarto dahil sa hinimatay lamang ito. At walang kaalam alam nga si Antonio sa sinapit ng kaniyang ama, kay Elena na lang ipinabatid ng mga Doctor ang nangyari sa mag asawa. Dahil ito nga ang nagbabantay sa anak ng mag asawa. At gulat na lumuluha si Elena ng mabatid niyang patay na ang ama ni Antonio. At halos sisihin din niya ang sarili niya sa nangyari. "Sana nanahimik na lamang ako... Sana di ko na lang sinabi.. Patawad Antonio." lumuluhang sabi ni Elena. At kinabuksan. Tila wala pa rin sa sarili ang ina ni Antonio ng bumalik na ito sa kinaroronan ng anak. At tanging pagyakap na lamang ang kayang gawin ni Elena para damayan sila Antonio. "Wala na. Wala na ang asawa ko, wala na ang ama ni Antonio." umiiyak na sabi ng ina ni Antonio habang yakap ito ni Elena. Habang si Esmeralda naman ay iniimpake na ang mga kagamitan nito. Para dalhin na ito sa Manila upang mas mailayo kay Antonio. Bantay sarado nga ni Arturo si Esmeralda sa loob ng kotse para di nga nito magawang tumakas habang inaampake ang mga kagamitan nito. "Bitawan mo ako! Huwag mo ako hahawakan!"pagpupumiglas ni Esmeralda sa mahigpit na hawak ni Arturo. "Pasensya na po SINUSUnod ko lang ang utos ng iyong ama." tugon ni Arturo. "Galit ako sayo! Galit ako sa inyo! Pinagmalupitan ninyo si Antonio!" galit na sabi ni Esmeralda habang nagpupumiglas pa rin ito. "Sumusunod lang ako sa utos... Dahil tapat ako sa pamilya ninyo at isa pa. Magkakaedaran lang naman tayo? At matanda lang ako ng bahagya sayo. Pwede mo rin akong kaibigan." sabi ni Arturo. Dahil nga si Arturo ay nasa 23 years old na. Habang si Esmeralda at Antonio ay 20 Years Old naman. "Kailanman hindi ako makikipag kaibigan sa mga taong nanakit sa minamahal ko!" tugon ni Esmeralda. "'Ano ba ang meron sa Antonio na iyon? Di naman mas hamak na mas lalaki ako roon. At kung di mo natatanong mahusay ako sa Kama. Mas magaling pa kay Antonio." sambit pa ni Arturo. At doon nakatikim ng sampal si Arturo kay Esmeralda. "Bastos ka! Kailanman hindi hiningi sa akin ni Antonio ang bagay na yan! Dahil nirerespeto niya ako bilang babae! At nais niya sa tamang panahon iyon magaganap! Kaya huwag na huwag mong ikukumpara ang sarili mo kay Antonio!" galit na sabi no Esmeralda. "Hahaha! Kung ganoon Virgin ka pa pala? Mahina pala ang Antonio na iyon? Hahaha!" tawang sabi ni Arturo. "Bastos ka talaga! Bastos ka"galit na sabi muli ni Esmeralda at pinag sasampal na naman niya ito. "Pasalamat ka anak ka ni Señior Juaquin dahil kung hindi may kalalagyan sa akin.."pagbabanta ni Arturo habang nanlilisik ang mata nito at doon ay napahinto si Esmeralda sa pagkatakot. "Isusumbong kita kay Papa! Isusumbong kita!" 'Hahaha! Hindi ako natatakot dahil mas pinagkakatiwalaan ako ng ama mo... Kumpara say0! Kaya huwag mo ako sasagarin at baka di ako makapag pigil sayo at marasan mo ang Romansa ko." ngiti pang sabi ni Arturo sabay hawak sa dibdib ni Esmeralda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD