"Sigurado ka na ba talaga riyan Sabel?" Napatingin ako kay Susie na kanina pa nagtatanong sa'kin. Binitawan ko ang mouse na hawak atsaka hinarap siya.
"Susie, alam mo namang dalawang taon na akong nakatutok sa kasong 'to. Ngayong may opportunity na ngayon pa ba ako mag-ba-backout?" sagot ko.
"Gaga! Ang dami mong nakatambak na pwedeng isulat, bakit 'yong kay Montecorpuz pa?"
"Hindi mo talaga ako naiintindihan Susie. Something's telling me that I need to know what really happened three years ago. Kahit nga sarili ko ay hindi ko na rin maintindihan kung bakit masyado akong na-hook sa kaso niya," sambit ko.
Sumimangot si Susie si sa'kin at tinaasan ako ng kilay.
"Hoy Sabel, suicide 'yang gagawin mo. Mag-ingat ka nga! Hindi basta-bastang kalaban ang mga Montecorpuz. Kahit nga ang pag-published ng kahit isang article tungkol sa kanila ay nahaharangan ng nasa itaas." Ang tinutukoy ng kaibigan ay ang mga big boss namin. Sila 'yong may hawak sa pwede naming ilabas sa iba't-ibang newspaper outlet at pati na sa ibang media platforms.
Totoong ilang ulit na kaming nagtangkang maglabas ng article tungkol sa pamilyang Montecorpuz. Lahat naman sigurong journalist ay magkukumahog makakuha ng scoop na pwedeng maisulat tungkol sa kanila. Bilang isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa ay lahat ng mata ay nakatutok sa kanila. Kaya noong minsan ay nasangkot ang isang anak nila na si Landon Montecorpuz sa isang gulo ay niyanig niya ang buong media community. Lahat kami ay nagtangkang maglabas ng article pero sa huli ay wala kaming napala. Not even a single article had been published, ganoon sila ka-maimpluwensya.
"Hindi mo pa nga sure kung totoong deds na 'yong fiancéé no'ng Landon."
Landon Montecorpuz, the fourth son and the most mysterious one among the five siblings. Naaksidente ang binata three years ago. Sakay nito ang kan'yang hindi pa nakikilalang fiancéé, ayon sa source na nasagap ko ay dead on the spot ang kasama nito habang agad naman isinugod sa hospital si Landon. And after just a few months, he fled from the country at nagtago sa ibang bansa. We didn't even know what country he is right now. Wala rin akong nasagap kung sino 'yong babaeng sakay niya that night when the accident happened.
"Kaya nga Susie di ba? I need to research more about the case," mahina kong tugon. Talagang pinahina ko ang boses dahil baka marinig kami no'ng chismosa na si Sandra.
Si Sandra ang kaagaw ko sa pwesto bilang susunod na EIC sa isang newspaper publishing company na pinagtatrabahuhan ko. Kani-kanina lang ay pinatawag kami no'ng EIC namin and she said that we are both qualified for the position and it will matter now to our performances. Si Madam Stella kasi 'yong EIC namin ngayon ay magreretiro na siya sa susunod na taon. Ewan ko ba kung bakit si Sandra pa, ang dami-daming competent na journalist sa kompanyang 'to, nadala lang naman ng malaking hinaharap ni Sandra ang ibang bosses namin dito kaya nakakaangat ang bruha sa iba.
"Anong sabi ni Ms. Stella?"
"Ayon na nga noong una ay ayaw niyang pumayag pero kinulit ko ng todo. She's giving me 7 months to complete my article," I said.
"Ha? Paano mo gagawin 'yon?" tanong ni Susie sa'kin.
Tumayo naman ako atsaka ibinulong ang sagot.
"What?!" gulat na ani ni Susie.
"Shh, tumahimik ka nga baka marinig ka ng bruhang Sandra na 'yon."
Napatakip naman ng bibig si Susie atsaka lumapit pa sa cubicle ko. Mabuti na lang talaga at coffee break namin ngayon kaya malaya kaming nakakapag-chismisan.
"Ilalagay ka ni Ms. Stella sa field?"
"Oo nga, ang kulit mo."
Sa pag-uusap namin kanina ni Ms. Stella ay nabanggit ko sa kan'ya ang napili kong article na isusulat. Noong una ay matindi siyang umayaw pero noong nailatag ko na ang mga benefits at reasons kung bakit ko i-pu-pursue 'yong kaso ni Landon Montecorpuz ay napa-oo ko siya. She gave me 7 months at sa loob ng pitong buwan ay kailangan kong mag-update sa kan'ya. Binalaan niya ako sa kahihinatnan ng gagawin ko pero nagkibit-balikat na lamang ako. Pursigido na ako at buo na ang isip ko na gawin ang pananaliksik.
"Ano ang balak mo ngayon?"
May plano na akong nabubuo sa utak ko. Matagal ko na ring pinagplanohan 'to. I somehow need to be at his house. Kailangan kong makapasok sa bahay niya, hindi bilang akyat-bahay kung hindi bilang isang kasambahay o kahit anong trabaho na pwedeng mapalapit kay Landon. Sinabi ko kay Susie ang plano ko and as expected ay nagulat na naman ang kaibigan, at tinanong na naman ako kung paano ko gagawin 'yon.
"Syempre kailangan ko ng tulong mo," saad ko. Napaatras pa si Susie at itinuro ang sarili.
"Ako? No way!"
"Sige ka, kapag ako na ang bagong EIC, hindi kita i-pro-promote," pananakot ko pa. Agad namang nagningning ang mata ni Susie atsaka hinawakan ako sa kamay.
"Talaga ba Sabel?"
"Oo nga, ang kulit mo."
Nagtawanan kaming dalawa ni Susie atsaka napagpasiyahan na sa kanila muna ako matutulog ngayon. Kailangan kasi naming mag-research at magplano ng mabuti para sa gagawin ko. Wala rin namang kasama sa bahay ang kaibigan dahil patay na ang mga magulang nito at tanging ang kapatid na lalaki na lang ang kasama niya sa buhay. Wala rin ang kuya niya dahil masyadong delikado ang trabaho nito at masyadong demanding sa oras. Her brother Sandro is working in the government as intelligence in the army, 'yon lang ang sinabi ni Susie sa'kin. Personally ay kilala ko ang kuya niya, nanligaw pa nga sa'kin ito noon bago nagsundalo. Pagkatapos namin sa trabaho ay dumiretso na agad kami sa bahay nila Susie. May spare clothes naman ako sa kanila dahil paminsan-minsan ay sa kanila ako natutulog. Nasa Probinsiya kasi ang pamilya ko at ako lang mag-isa rito sa Maynila upang magtrabaho. We both agreed to order from grabfood for our dinner dahil wala naman sa aming dalawa ang magaling magluto. Nag-order lang kami ng isang malaking pizza, at isang bucket na chicken joy from Jollibee, sinamahan na rin namin ng milktea for drinks. Habang kumakain ay may kan'ya-kan'ya kaming laptop sa kandungan.
"First, we need to plan on how will you get in." Ang tinutukoy ni Susie ay ang pagpasok ko sa bahay ni Landon. Hindi pa namin alam kung anong gagawin kaya naglista kami ng pwedeng gawin.
"Maid?" I said.
"Depende 'yan, pero mukhang walang plano 'yong taong kumuha ng kasambahay Sabel," sagot ni Susie.
"Ang hirap!" angal ko.
"Ayan! Nagsisimula pa nga lang at umaangal ka na," saad naman ng kaibigan sa'kin. Kasalukuyan lang akong pumapapak ng chicken joy habang patuloy lang sa pagsasalita si Susie sa mga pwede pang gawin.
"What about act like nasagasaan ka and ask help from him? Told him na galing ka Probinsiya and you needed work to feed your family, paawa effect ba ganern?" Actually may point si Susie sa sinabi niya.
"Pwede," I replied.
"That may sound cliche and baka pagduduhan ka, but it will depend now to your acting skills. Kailangan mo lang kapalan ang mukha mo." Napatango ako sa sinabi ng kaibigan at may iba't-ibang senaryo na ang nabubuo sa utak ko.
"What about his schedule pauwi ng bansa? Did you already asked Sandro about it?" Kailangan kasi naming malaman kung anong exact date uuwi si Landon sa Pilipinas. After three years of hiding ay uuwi na talaga ito for good here in the Philippines. Mabuti na lang talaga at marami akong Marites na kaibigan sa media at marami-rami akong nasasagap na balita kung saan-saan.
"He has property at Batanes right?" tanong ko kay Susie na ngayon ay busy sa kakakain ng Pizza.
"Yeah, it's a 5000 hectares property." Napa-wow naman ako sa laki ng lupa nila sa Batanes. Ayon sa narinig ko rin ay independent ang lalaki at ni isang property ay wala itong tinanggap mula sa mga magulang niya. He worked really hard and bought that land for himself.
Ngayon ay may planta na siya roon. He is currently one of the biggest suppliers of sugar in the Philippines. Grabe haciendero naman pala pero kahit marami pa akong naririnig na magagandang balita tungkol sa kan'ya, that one issue from his past will never leave my head until I solved what really happened before. Sino ang may sala? At sino ang babaeng sakay niya no'ng gabing 'yon?
"Ayon!" biglang sigaw ni Susie habang nakaharap sa laptop. "Kuya already sent me the details about his flight. Next week ang uwi nito sa Pilipinas."
"Really? Well, that's good news! Mukhang mapapadali ang trabaho ko," masaya kong tugon sa kaibigan.
Sabay kaming napangiti ni Susie sa isa't-isa. Mukhang tuloy na tuloy na talaga ang gagawin kong misyon. Sana nga lang ay hindi mabulilyaso lalo pa't matinik si Landon Montecorpuz. He is really mysterious, and his aura screams wealth and power. Mga tipo ng taong ayaw mong makabangga dahil isang pitik lang sa daliri nito ay pwede kang mawalan ng hininga. Tinitigan ko ang litratong nasa laptop ko. Ito ang kaisa-isahang litrato na nakalap ko sa lalaki. Kuha pa ito noong ikinasal ang nakatatandang kapatid niya na si Lenonn Montecorpuz. Sa litrato ay nakangiti ang lalaki pero kung tititigan mong mabuti ang mga mata niya ay makikita mo ang nakakubling kalungkutan. He is really a puzzle for me, too hard to read and too hard to solve.