"This is Susie, reporting for duty, I already saw the target. Be ready!" ani ni Susie sa kabilang linya.
Naghanda naman ako at alam ko na ang dapat na gagawin sa signal niyang 'yon. For almost four days of planning, tonight is the right time para isakatuparan ang mga plano naming dalawa. We already knew that Landon will gonna go straight to his house in Batanes. Sa tulong ng kuya ni Susie ay nalaman namin kung ano ang plate number ng sasakyang gagamitin niya pauwi. Malalim na ang gabi at heto kami ngayon ni Susie, nagmamatyag sa mga dumaraan na sasakyan. Nasa kabilang kanto ang kaibigan, inaabangan niya ang pagpasok ng sasakyan ni Landon at sisignalan ako kapag paparating na talaga ang lalaki. Nasa likod ko ang malaking bag, gusot-gusot din ang aking damit na talagang sinadya ko para magmukha akong kaawa-awa. Buwis-buhay ang gagawin kong stunt pero wala ng iba pang paraan para makapasok sa buhay ni Landon Montecorpuz, kung ang pagpapasagasa ang magiging tulay ko papunta sa kan'ya ay malaya kong gagawin.
"Copy Susie, wala bang naunang sasakyan?" tanong ko.
"Wala Sis, solong sasakyan lang ang paparating kaya hindi ka magkakamali riyan," sagot naman ni Susie.
"O siya sige." Iniwan ko ang cellphone sa damuhan dahil baka pagdudahan pa ako ni Landon kapag nakita niya ang Iphone 12 na cellphone ko. Kahit sino naman siguro ay magtataka kung ang ganitong ayos na meron ako ay magkakaroon ng mamahaling gamit. I already informed Susie that I left my phone here, kasi sayang din 'yon.
"Good luck Ysabelle," saad ko sa sarili nang makita ko na ang ilaw ng sasakyan sa may kalayuan. Sinimulan ko na ang maglakad nang mahina at noong papalapit na ang sasakyan sa akin ay sinadya kong matumba.
I'm at the verge of shouting nang makita kong mali ang pag-kalkula ko sa distansya naming dalawa. Masyadong mabilis pala ang pagpapatakbo ni Landon sa sasakyan niya kaya ang acting kong pagpapasagasa ay nauwi talaga sa totohanan. Wala na akong nagawa nang tumama ang hood ng kotse sa katawan ko, ang huling natatandaan ko na lang ay ang paglapit ng isang lalaki sa kinaroroonan ko at ang gulat nitong pagmumukha nang makita ako.
Nagising ako na parang binugbog ang buo kong katawan. I can barely move my fingers at parang may sementong nakadagan sa katawan ko kaya hindi ako makagalaw. Sinubukan kong magsalita pero hindi ko makagawa. Masyado natuyo ang lalamunan ko kaya wala ni isa mang salita ang lumalabas sa bibig ko. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan nitong kuwarto na kinasasadlakan ko. Where am I? Ang huli kong natatandaan ay ang pagbangga ng isang sasakyan sa katawan ko. Hindi rin pamilyar ang lugar kung nasaan ako ngayon, did I succeed with my mission? Nandito na ba ako sa bahay ni Landon Montecorpuz? Bigla akong napapikit nang marinig ko ang tunog ng pagpihit sa siradora nitong kuwarto. Someone is coming kaya agad ako nagtulog-tulogan.
"Iho? Isang linggo nang hindi nagigising ang dalagang 'to, sigurado ka bang okay lang talaga siya?" Isang boses ang narinig ko at alam ko galing iyon sa isang matandang babae dahil sa tono nito.
Hindi pa ako makapaniwala nang sabihin niyang isang linggo na pala akong natutulog. Ganoon ba kalala ang nangyari sa'kin?
"Manang, Dr. Selvia said she's fine now, don't worry." Biglang kumabog nang mabilis ang puso ko noong narinig ko ang boses ng isang lalaki. Si Landon ba 'yon?
There's a silence for a while after that man spoke. Alam kong hindi pa rin sila lumalabas ng kuwarto dahil maririnig ko naman 'yon kung umalis na sila.
"Pero hindi mo naman siguro naiisip na si Ingrid ang babaeng 'to di ba?" tanong no'ng matanda. Sino si Ingrid? Nagtataka man ay sinigurado kong hindi makagalaw dahil mabubuking ako kapag nangyari 'yon.
"Landon," tawag muli no'ng matanda sa lalaki. Nagbunyi naman ako nang malaman kong nandito na pala talaga sa pamamahay ni Landon Montecorpuz. Hindi nauwi sa lahat ang pagbubuwis-buhay kong pagpapasagasa.
"Yes Manang, I don't see her as Ingrid, and she will never be her. Siguro nga ay magkamukha sila pero alam kong hindi sila iisa," malamig na tugon ni Landon. His voice sounds like lifeless, hindi ko alam kung paano ko i-de-describe ang boses ng lalaki, pero alam kong may nakatagong lungkot do'n.
Hindi naman sila nagtagal at lumabas sila sa kuwarto. Nang makalabas sila ay saka palang ako nakahinga nang maluwag. I don't understand what they're talking about me. Sino naman si Ingrid? At bakit sinasabi ni Landon na magkamukha kami? He seemed more mysterious than I thought, mas lalong sumiklab ang kuryosidad sa buo kong katawan. Kating-kati na akong malaman ang mga tinatagong lihim ni Landon. Pagkatapos kong mag-isip ay unti-unting kong naramdaman ang pagod ng katawan at nakatulog ako muli. Hindi ko alam kung ilang oras na ako nakatulog basta no'ng nagising ako ay madilim na ang kapaligiran.
"I'm hungry," impit kong sabi habang hawak ang kumukulong tiyan. That old woman said that I'm asleep for one week now, kaya understandable na nakakaramdam ako ng malalang gutom ngayon.
Marahan kong ginalaw ang mga daliri ko sa kamay at sa awa ng Diyos ay maayos ko na iyong nagagalaw. Nawala na rin ang bigat sa pakiramdam na naramdaman ko kanina. I slowly move my whole body and I'm already fine now. Tatayo na sana ako nang makita ko ang dextrose na nakakabit sa'kin. Napabuntong-hininga ako nang makita ko iyon, I don't have a choice kung hindi bitbitin iyon. Una kong ginawa ay ang marahan na pagbangon mula sa kama. I can felt some pain in my back at sa ibang parte ng katawan ko, but the pain is bearable.
"Wew!" mahina kong ani nang maisakatuparan ko ang pagbangon.
Nang makabangon ay bumaba ako sa kama at dahan-dahan naglalakad patungo sa pinagsabitan ng dextrose ko. I lift my right hand to grab it from the steel post where it was hanging. No'ng makuha ko iyon ay naglakad na ako patungo sa pinto. I slowly open the door at namangha ako sa laki ng bahay na'to. Hindi ko masyado maaninag ang kabuuang disenyo dahil isang ilaw lang mula sa chandelier sa ibaba ang tanging liwanag ng buong bahay. Nasa second floor pala ako kaya naglakad na naman ako patungo sa hagdan. Dahan-dahan akong bumaba para hanapin ang kusina. For sure, may pagkain do'n dahil gutom na gutom na talaga ako.
"Wow, ang gara ng bahay!" I can't stop myself from praising this house. This is my dream house. Lagi kong pinapangarap na magkaroon ng ganitong kalaking bahay.
Nang makababa ay hindi ko naman alam kung saan ko mahahanap ang kusina. Dahil wala naman talaga akong alam kung saan ang direksyon ay sinubukan kong maglakad sa iba't-ibang direksyon hanggang sa natunton ko na ang kusinang hinahanap ko. Nakaramdam uli ako ng gutom kaya agad akong nagtungo sa refrigerator na nasa gilid.
"Argh, stop rumbling, kakain na talaga tayo," I said. Hindi kasi maawat ang tiyan ko sa kakatunog.
Nang makita ko ang laman ng ref ay nagbunyi ako. There are lots of foods that I can eat. Agad akong kumuha ng isang bugkos na ubas, saging at apple. I also grab some fresh milk, breads, chocolate and ice creams. Dinala ko iyon sa lamesa at doon sinimulang papakin lahat ng kinuha ko. Dahil sa gutom ay hindi ako nakaramdam ng takot na baka may makakita sa'kin, ang nasa isip ko na lamang ay ang maibsan ang gutom na nararamdaman. Walang tigil ako sa kakakain, ni hindi ko na makuhang huminga dahil walang habas kong nilalagyan ang bunganga ko ng iba't-ibang pagkain na nasa lamesa ngayon. Sa isip ko ay wala namang ibang taong nakakakita sa kababuyan ko ngayon kaya okay lang. Napatigil naman ako nang biglang bumara sa lalamunan ko ang isang ubas na sinubo ko. Dahil sa pagmamadali ay hindi ko na nanguya iyon at dumiretso na lang sa lalamunan ko at bumara na nga.
"A-arg-hh!" Hinihimas ko ang lalamunan ko at pilit na pinapababa ang ubas na sumabit do'n pero sa kasamaang palad ay hindi iyon bumababa.
"T-ubi-g," nahihirapan kong ani. Kahit nahihirapan ay tumayo ako sa kinauupuan. Napatigil ako sa pagtayo ko ng biglang may nag-abot sa'kin ng tubig.
"Here," ani nang isang baritonong boses mula sa likuran ko.
Agad kong kinuha ang isang basong tubig sa kamay ng lalaki at ininom 'yon. Nakahinga ako nang bumaba na iyong kinaing ubas ko at hindi na nakabara. Biglang nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino ang nag-abot sa'kin ng tubig. Napalingon ako sa likuran ko, and there I saw Landon, standing and watching me intently while holding a champagne glass in his hand. Napaatras pa ako nang makita ko ang seryosong mga mata ng lalaki. I grabbed all the food that I ate at itinago iyon sa likod ko.
"Sorry, nagutom ako. Hindi ko sinasadya," kinakabahan na ani ko. Putcha?! Bakit kinakabahan ako ngayon? Bigla na lang nangatog ang tuhod ko nang makitang hindi pa rin umiimik ang lalaki. Nakatingin lang ito sa mukha ko na parang kinakabisado ang parte niyon.
Landon walked slowly towards me. Gusto ko mang lumayo ay hindi ko magawa, I have trouble walking because of my injuries kaya kahit gustuhin ko mang umalis ay hindi ko kaya.
"S-sir," tawag ko. Nanlalamig na talaga ako at mukhang matatae pa ata sa kaba. When we're just inches apart, he suddenly grab my hand and kiss me in the lips.
Isang halik ang iginawad niya sa labi ko. Lahat ng iniisip ko ay nawala na parang bula. He is just kissing me passionately. The feeling is surreal, para akong nakalutang sa hangin. Hindi ko alam kung anong i-re-react ng katawan ko. This is my first time and I don't know how to act in this situation. Itutulak ko ba siya? O hindi? Why does my body does not cooperating to me? Parang may mga sariling buhay na nagpapaubaya ang mga 'to. Wait?! Hindi pa ako nakakapag-toothbrush! Isang linggo na! A realization hits me really hard at nakakuha ako ng lakas para itulak si Landon. Nang maitulak ko siya ay bumulagta ito sa sahig at agad na nakatulog.
"Ingrid," sambit nito at tuluyan ng nawalan ng ulirat. What the f**k is that? Napaupo na lang ako habang hawak ang puso kong hindi ko mapakalma dahil sa nangyari.
"I'm doomed!" tanging ani ko.