ICE'S POV Konti na lang talaga ay masasapak ko na ang lalaking to! Nakipaghabulan pa man din ako para lang sa cellphone nya, tapos nagpabangas, bago babasagin nya lang? Gago! Nauna na akong maglakad dahil ang kaganina nabubuo ng maganda kong mood ay sinira nya na naman! Sya na lang lagi! Dahil sa kanya pati ang mood ko paiba-iba. Nakakabwiset! Isa pa, nakakabwiset! "Ice!" isa pa yan! Ang pagsigaw ng malakas tuwing kasama ako, nakakarindi ang bunganga nya. Daig pa nya ang babaeng nanganganak kung makatawag sa akin! "Ano?" tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya, hingal na hingal naman syang lumapit sa harapan ko. Pinakatitigan ko ang kabuuan ni Layus at napalunok ng sunod-sunod nang mapansin ang damit nyang suot. Dahil sa pawis ay basang basa iyon, dumikit sa katawan nya ang manipis n

