ICE'S POV Inabot na ata ako ng ilang minutong nakatayo dito pero wala pa din si Layus. Saan lupalop na naman kaya nagpunta ang gunggong na yon? Nananakit na ang hita ko, ang lamig-lamig pa rito bago pag-iintayin nya lang ako? Gusto nya na ba talaga mamatay sa mga kamay ko!? Nakakainis! "King-ina, san ka ba galing!?" hinihimas ang sariling braso kong tanong ng makita ko syang tumatakbo papunta dito sa pwesto ko. May hawak hawak syang maliit na paperbag, di ko matanaw kung ano yun. "Nakalimutan natin to oh! Dahil dun sa mga lecheng babae kaganina! Yung pakay ko pa ang muntikan kong hindi mabili." Nang tuluyan syang makalapit sa akin ay doon ko lang nakita kung ano ang hawak nya, yun pala yung cellphone. Naipasok ko naman na sa loob ng kotse yung paperbag na pinaglalagyan ng damit ko kaga

