WALLY'S POV -Kinabukasan- Tuesday. Time check: 4:00 am. Maaga akong bumangon para makapag-almusal pa ako bago kami umalis ni Antonette and speaking of kailangan ko na din pala gisingin ang bruhildang babaeng yun! Pagkababa ko ng kama ay lumabas na agad ako ng kwarto at dumiretso sa tapat ng pintuan nya. -TOK! TOK! TOK!- Nakailang malakas na pagkatok pa ako bago nya buksan ang pintuan. Namumungay pa din ang mga mata nya pero gising na sya. "Bakit ba nanggigising ka? Sobrang aga pa Wally." Napangiwi naman ako sa hitsura nya, mukha kasing inaantok pa talaga sya at napilitan lang bumangon dahil sa pagkatok ko. "HAHAHAHAHAHA! Ang panget mo! Dalian mo na nga dyan! Magluluto na ako sa baba, para maaga tayong makakilos." Tango lang ang natanggap kong sagot sa kanya, nakapikit naman ang mga

