9

3059 Words
Kinukulit ako ni Heather na pumunta ngayon sa tita niyang fashion designer at may-ari ng isang botuique para magpagawa ng gown para sa senior promanade namin. Of course I will attend lalo na at huling taon na, hindi ko din alam kung huling party ko na rin ba ito na kasama sina Heather kaya syempre ay pupunta ako. "Tara na kasi Mira, wala ka namang gagawin diyan sa bahay niyo" iyan agad ang bungad niya sa akin umagang umaga. Sabado ngayon at balak ko lang matulog maghapon dahil hindi ako masyadong nakakatulog noong may review at noong nasa hospital ako. "Heather hindi ba puwedeng next week na tayo pumunta?" Kagigising ko pa lang at nakikipag video call na siya. "Mira, gusto mo bang makipag-unahan sa mga designs ng gown? Hindi lang naman tayong school ang mag proprom" reklamo niya. I groan, ayoko pa talagang tumayo. Bakit ba kapag pinilit niya ako ay hindi na talaga ako makakatanggi. "Sige na! Ayaw mo bang maging handa, si Kith ang date mo" ngumuso ako. "Hindi ko sigurado kung siya nga ang date ko Heather, tinanggihan niya ako sa harap ng buong school kung naaalala mo" inirapan naman niya ako. Nakita kong naglalagay na siya ng kolorete sa mukha kahit nakapambahay pa naman siya. Her room is all violet and white, nakapunta na ako sa bahay nila madalas kapag nagrereview kami kahit most of the time ay hindi siya nagrereview dahil pipilitin niya lang akong manood ng movie at ako naman itong mabuting kaibigan na papayag. In the end magrereklamo siya kung bakit hindi siya nagreview kapag mababa iyong nakuha niyang marka sa quiz. "Syempre bumabawi na nga siya sa'yo ngayon diba? Kaya sigurado na akong siya ang magiging date mo! Kaya tumayo ka na diyan dahil magbibihis na ako at susunduin kita" pinatay niya agad iyong tawag. Napilitan tuloy akong bumangon, hindi ko pa nga alam kung anong susuotin ko. Hindi ko din talaga alam kung si KJ ang magiging date ko. Syempre gusto ko siyang makadate, kahapon ay gusto ko ulit siyang tanungin pero baka magalit siya kahit pa sinabi niyang magiging mabait siya ngayon sa akin. Nagsuot lang ako ng spaghetti na pink color dye na croptop, black trousers at pink rubber shoes. Kinuha ko din ang belt bag ko. Hindi ko masyadong gusto ang manamit kaya kung ano na lang ang una kong nakita sa closet ko ay iyon ang sinuot ko. True to her words, dumating nga siya. Tuwang tuwa pa siyang nagpaalam kay mommy. Si mommy naman dahil excited din sa prom ko ay pumayag agad. "Tara na! Bye tita mag-iingat po kami" hila niya sa akin pagkatapos kong humalik sa mommy ko para magpaalam. Binigay na din sa akin ni mommy ang card niya for the payment of the dress kahit hindi pa ako sigurado kung may magugustuhan akong design o kung magpapagawa na ba ako ngayon. "You know what, nagtingin na ako ng peg ko para sa gown ko" hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung ano ang tema ng prom namin. "Ano ba ang theme natin for this year's prom?" Tanong ko. "Oo nga pala at wala ka 'nun" ngumiti siya ng tipid. Ipinakita niya sa akin ang prinisent ng adviser naming powertpoint na pinicturan lang niya. "It's an enchanted forest theme Mira so it's going to be all flowers and fairy lights" excited niyang sabi. "It's going to be so enchanting" sabi pa niya. It's going to look like a fairy tale theme then with all the flowers, plants and fairy lights on it. "They require us to wear long gown?" Zinoom ko ang pinicturan niya. "Yup and I agree na long gown dapat" me too. Ibinalik ko sa kaniya ang cellphone niya at nagsimula na akong magtingin sa phone ko ng puwedeng ipagawa. Kung pupunta na lang din ako ngayon doon might as well tell the designer the things I want to do with my gown para man lang may idea siya kung magpapagawa nga talaga ako. Madami naman akong nakitang magaganda pero hindi ko alam kung ano talagang pipiliin pero gusto ko iyong makakagalaw ako ng maayos. Ayaw ko ng masisikipan ako na gaya ng mermaid cut. I want to be comfortable that night. "Hi tita" humalik ito sa pisngi niya. "Si Mira po kaibigan ko" humalik din ako sa pisngi niya. "Nice to meet you po" bati ko. "Magpapagawa daw kayo ng gown sabi ni ate" tumango si Heather. Ipinakita na agad ni Heather iyong design na gusto niya samantalang ako ay hindi pa talaga sigurado kung anong ipapagawa. Kaya tinulungan na nila akong mag-isip "Hmm, let's start with the color" tugon ng tita ni HeatherZ "Gusto ko lang po sanang neautral like champagne color" ngumisi ang tita niya sa sinabi. "Babagay sa'yo ang champagne color because of your skin" isinulat niya iyong sinabi ko. "Since it's enchanted forest theme I wanted to have like a fairy kind of vibe po sana" sabi ko pa. Nagpakita siya ng ilang samples na pwede kong maging choices. May nakita akong dress na iyong top part ay parang iyong damit ko sa party ni Heather but this one is lace. "It's called the balloon long sleeve off shoulder, lalagyan natin ng flower accents" tumango tango siya habang siya na mismo ang nagvivisualize nung gagawin. "Oh my gosh Mira ang ganda na agad" excited niyang sabi. "I suppose you like the tulle gown" ang sinasabi niya ay ang lacey din na ibaba. "As long as I'm confortable po" ngumiti ako. "I think I know what you want to wear and I can now imagine you wearing it pero syempre issketch ko pa para matignan niyo or kung may gusto kayong palitan pa, kaya you need to come here maybe on monday for the final approval and measurement" sabi ng tita niya. We both agree, hindi rin naman madali ang magdrawing at gumawa ng designs. "How about your partners? Bakit hindi niyo pa sinama para may matching pairs kayo kahit sa bow or tie lang" "Si Andrei po pupunta daw dito bukas, kilala mo naman siya diba tita?" Tumango iyong tita niya. "And for Mira, kukumbinsihin pa niyan iyong partner niyang dito magpagawa tita medyo masungit kasi 'yun" bulong ni Heather pero narinig ko naman. "Ganon ba? Oh sige just tell him to look for me and to tell your name para alam ko" tipid akong ngumiti. "Are you going to do your own make up or I should appoint you with one of mines na rin para wala kayong problema?" Nagtinginan kaming dalawa ni Heather "Sige po tita, book niyo na lang kami dito para minsanan siguradong iyon din naman isusuggest nila mommy" tumango na rin ako. "Your shoes also, I should be the one to buy so I can pair it with your dress properly" naaamaze na lang kami ni Heather kung gaano niya naiisip lahat na samantalang ilang weeks pa naman ang hihintayin para sa prom. Nagpaalam kami pagkatapos, ilang oras din kaming nagstay doon para lang sa mga ideas at design ng gowns and we went to eat outside. Alas tres na ata nang matapos kami. Nagpasundo na lang ako dahil may pupuntahan pa si Heather. I was about to go home when tita Kelly called me. "Tita" bati ko. Halatang may mga kinakausap siya sa kabilang linya at busy sa meeting "Yes Mira. I am currently in Bantangas right now and I've been calling Kith tinawagan ko sa bahay wala naman daw siya 'dun can you contact him?" Mabilisan niyang sabi "Po?" Naintindihan ko naman pero bakit ako ang cocontact sa kaniya. "Please Mira, sorry I kind of busy and I am in the middle of a meeting at itong anak ko pa ay hindi ko macontact" gusto kong sabihin na siya nga na mommy niya hindi niya sinasagot, ako pa kaya. "Sige po susubukan ko tita" nagpasalamat siya at binaba agad ang tawag. I opened my contacts at dinial agad ang numero ni KJ. It's funny because he never answer my call and text. I am expecting for him to really not answer. Sasabihin ko na lang na hindi din siya sumasagot pero dahil sa tinig ng mommy niya na parang nag-aalala ay tila nag-alala na din ako. Why is he not answering calls? Nasaan ba siya ngayon? "Hello" napatigil ako sa paglalakad palabas ng sasakyan ng babae ang sumagot. Bakit babae ang sumasagot sa telepono niya at nasaan siya? "Hello" ulit ng babae. "Who is this?" Tanong ko. I almost sound like a girlfriend being shock after finding out his boyfriend is cheating. "Ikaw ang tumawag tas tatanungin mo kung sino ako! Hindi nakaregister 'yung pangalan mo sa cellphone ng boyfriend ko" may kumirot agad sa puso ko May girlfriend si KJ? Now I look like kawawa in the middle of our front door na hindi alam ang gagawin o sasabihin. "Ano?! Magsasalita ka ba o ibababa ko na" masungit na sabi nung babae sa kabilang linya. "Ano, uh, nandiyan ba si KJ?" Mahina kong sabi. My voice almost broke "Syempre nandito, kaniya nga itong phone di ba? He is playing basketball with his friends" maarte niyang sagot. Okay I think I know where he is. Ibinaba ko na agad iyong phone. The girl will probably telling me naI am bastos kasi hindi pa ako nagpaalam. Hindi ko alam kung pupuntahan ko ba para sabihing kanina pa tumatawag si tita o tatawagan ko na lang si tita pero busy kasi si tita. Pinuntahan ko na lang siya. He is in the subdivison na madalas niyang puntahan kasama ng mga kateam din niya sa varsity. Sumama na ako minsan sa kaniya hindi nga lang niya gustong andun ako dahil pinasama lang ako ni tita Kelly. When I was there he was just ignoring me, parang wala lang ako doon. Hindi na rin naulit iyon. "Manong Camila Heights please puntahan natin si KJ" tumango agad si kuya at pinaandar iyong sasakyan. Ano naman ang gagawin ko doon pag pumunta ako? Susungitan kaya niya ako? And he have a girlfriend? Paano nangyari iyon? I thought he likes Grace or baka dahil hindi nga naman niya ako gusto dahil may girlfriend naman talaga siya. Kung nandito lang si Heather she would say it's possible kaya ayaw niya sa akin. Mabilis naman kaming nakarating dahil malapit lang sa bahay. Pinapasok din naman kami ng guard ng sinabi kong pupuntahan ko iyong kaibigan niya. Naabutan ko sila doong naglalaro nga ng basketball. They are all busy playing. Hinanap ko agad kung nasaan iyong babaeng sumagot ng tawag ko and she said hindi nakarehistro ang numero ko sa phone ni KJ. Gusto ko tuloy makita kung sino ba siya. So what kung mahanap mo Mira? Sasabunutan mo ba? Ikukumpara sa sarili mo na sigurado ka namang mas lamang siya sa'yo dahil siya ang pinili ni KJ? I will take care of my heart ka pang nalalaman, eh sumusugod ka na naman sa isang laban na alam mong sa huli ikaw ang laging talunan. Bumaba ako ng sasakyan para pumasok sa basketball court, nahaharangan kasi ito ng mga bakod na wires. I saw a group of girls sa kung saan nakalagay ang mga gamit nila. Maybe one of them? All of them are wearing short shorts and croptops. They all look beautiful as well. They all look at me from head to toe. Hinanap ko siya na ngayon ay nagdridribble ng bola para ipasa sa kasama niya. Nagtama ang paningin namin, oh no he saw me. Syempre makikita ka niya Mira, siya naman talaga ang sadya mo diba? Umiwas ako ng tingin, uuwi na lang ata ako at itetext si tita Kelly, tutal naman ay nakita ko siyang safe. Pumito iyong referre hudyat na tapos na ang laro. Pumunta siya sa upuan nila para kunin ang punas at uminom ng tubig. A girl, na siguradong siya ang sumagot kanina ay naglahad ng telepono niya. She's chinita with a long hair. Of course she is beautiful, pero hindi ko siya kilala baka taga ibang bayan o taga ibang school. Nagsasalita iyong babae pero hindi naman ata sumasagot si KJ. Tinanggap niya naman ito. Kumunot ang noo niya habang tinitignan ang phone niya nang tumingin siya sa akin. Napakagat ako ng ibabang labi. Bigla siyang naglakad palapit sa akin, napaatras tuloy ako at kinabahan. Should I brace myself again? "What are you doing here?" Pagsisimula niya. Okay he is calm. Hindi siya masungit. "Uh? Tumawag kasi si tita Kelly, hindi ka daw macontact at nag-aalala nung triny kong tawagan sinagot ng girlfriend mo kaya pinuntahan kita dito para makita ko kung andito ka at masabi kay tita" Saka pa lang ako nakahinga. "What did you just say?" Nagtaas siya ng kilay hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Sabi ko tumawag si tita Kelly nag-aalala kaya..." hindi ko tinuloy dahil umiling siya "No the girlfriend part, sinagot ng girlfriend ko?" Pati siya ay hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin. Tumango ako at umiwas ng tingin, kailangan talaga paulit ulit pa? Sobrang mapanakit? "The girl who was holding your phone awhile ago" mahina kong sagot. "She told you that?" Tumango ako. Hindi naman siya nagsalita pagkatapos. Walang imik niya lang na inilagay iyong telepono niya sa tainga niya marahil ay para tawagan si tita. Nakita ko ang takas ng pawis sa noo niya na papunta sa mata niya. It will sting kapag napunta sa mata niya. Hindi na ako nag-isip, inilabas ko iyong panyo sa bag ko at pinunasan ito. Napatingin siya sa akin dahil sa gulat pero hindi siya nagsalita at hinahayaan lang akong punasan iyong pawis niya habang nakatitig sa akin. "Hello mom" sagot niya. Nakatitig pa rin siya sa akin, still letting me wipe his sweat. "No, I am playing, I am sorry kung hindi ko nasagot ang tawag mo" pagpapaliwanag niya. Ibaba ko na sana ang panyo ko nang kunin niya ito sa akin para siya na mismo ang magpunas ng pawis niya sa leeg ngayon. Medyo nahihirapan pa siya dahil hawak din niya ang tumbler niya. Kinuha ko ito sa kaniya na ibinigay naman niya para ako na mismo ang magpunas noon. I can see how sweaty he is pero ang bango niya pa rin. Bumalik ang titig niya sa akin. Iyong puso ko tuloy ay hindi na makapagpigil sa pagtibok. "Yes, Mira Kael is here" sagot niya. Ayaw ko siyang tignan dahil ang mga mata niya ay nakatingin sa akin. "Oo na mom, ako na ang maghahatid sa kaniya" matigas niyang sabi. "Okay take care" binaba niya ito. Binaba ko na rin iyong panyo kong basang basa na din mula sa pawis niya. "Kuya, ako na maghahatid kay Mira" sinabi niya sa driver naming nasa likuran ko lang at nag-aabang ng utos Tumango ito at umalis na. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. "Nasaan si kuya Gino?" Ang tinatanong ko ay ang driver niya. "I drove myself here Mira Kael" simpleng sagot niya habang nagtitipa sa phone. Of course he have his own driver's license. Bakit ko pa ba tinatanong? He also own a car na never niyang pinadrive sa driver nila o never na nagpasakay ng kahit na sino. The thought of me being the first one to ride his car. Ang isang parte ng isip ko ay trinatraydor ako, sigurado nga ba akong ako ang unang makakasakay dito? He have his girlfriend, baka pa kasama namin siya pauwi. "Wait here, I'll just get my things" tumango ako. Naglakad siya papunta sa mga kaibigan niya, nakipaghigh five pa ang mga ito. Nakipag-usap siya ng kaunti at nakipag tawanan pa. Some of the girls are joining. Ang iba sa kanila ay halata mong girlfriend ng mga kaibigan niya. Samantalang ang babaeng sumagot sa tawag ko kanina ay tumayo na ng kunin ni KJ ang gamit niya. Pinipigilan pa ata siyang umalis ng iba pero napaiwas ako ng tingin ng ituro niya ako at tumingin silang lahat. Naglakad na siya ulit papalapit sa akin. The girl is calling his name but he is ignoring her. Akala ko ba girlfriend? Teka. "Let's go" hindi ko alam kung susunod ba ako dahil tinitignan ko pa rin ang babaeng tumatawag sa kaniya. "'Yung girlfriend mo" mahina kong sabi sabay turo pa sa babae Mukha na tuloy siyang galit ngayon, ano na namang ginawa ko? "Do you seriously think she is my girlfriend Mira? I'd rather date you than her, ganiyan ba ang tingin mong papatulan ko?" Hindi ko alam pero tumalon agad sa tuwa iyong puso. "And besides, I am currently engage to you Mira" Ano nga ulit iyong sinabi niya? Teka hindi ko na maproseso ng maayos iyong sinasabi niya. "Come on, mag-gagabi na" naglakad na siya palayo kaya sumunod na ako. Wala talaga siyang girlfriend. Sinabi niyang engage siya sa akin wait lang. Nang makarating kami sa pinagpark niya. Tumunog agad ang wrangler niyang sasakyan. It's a black jeep sport wrangler. Binuksan niya ang likuran para ilagay ang duffle bag niya. Pareho kaming sumakay sa harapan. Gaya ng sa labas, itim din ang lahat ng nasa loob. It's all shiny and neat, naamoy ko din ang pabango niya sa kotse. "Dito ka ba dumiretso kanina?" Pagsisimula niya nang tumakbo na ang sasakyan "Hindi, sumama ako kay Heather para magpagawa ng gown sa prom" kumunot ang noo niya. "Hindi ba masyadong maaga?" Tanong niya. "Pinilit niya ako kaya umoo na lang din para walang problema" pagpapaliwanag ko. Tumingin ako sa labas ng bintana niya. Papunta na kami sa bahay ngayon, syempre ay ihahatid niya ako. "Gusto mo bang magdinner sa bahay?" Nag-iingat akong yayain siya sa mga ganito dahil ayaw niya "Okay" mabilis niyang sabi. Hindi naman dapat ako magulat kasi niyaya ko siya pero nagulat ako kasi pumayag siya agad. Ganun lang, oo agad. "Talaga?" Inilabas ko agad iyong phone ko ara itext si manang na kakain siya doon at sarapan iyong pagkain. "Don't get too excited Mira" napansin niya atang aligaga ako sa pagtitipa. "Tell me what's the color of your gown then" napatigil ako sa pagtitipa at napatingin sa kaniya. Siya naman ay diretso pa rin ang tingin, hindi inisip na malaking bagay ang tinanong niya sa akin. "Champagne" hindi makapaniwala kong sagot. "Good, I hate bright colors" hindi ko naman maintindihan ang ibig niyang sabihin. "Saan ka magpapagawa ng gown, text me about the info" tumango ako kahit hindi ko pa rin naiintindihan. Kinonfirm niya bang magpapartner kami sa senior's prom?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD