8

3042 Words
I can't believe he said yes though, siguro iniisip niyang kaunting oras na lang iyon and it's gonna be really over between us, well there is no really an us. Hindi ko alam kung paanong magbabago ang pakikitungo niya sa akin. Maybe he will not get mad at me that often anymore. Bumalik na ako sa gymnasium pagkatapos ng pag-uusap namin. Nanatili lang siya doon at ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi ako nagpaalam, tumayo na lang ako kanina at saka lumabas dahil baka kasi kapag nagpaalam ako umiyak pa ako lalo. Naabutan ko ang mga kaklase kong nagpapahinga na sa benches ng gym namin. Natanaw ko agad si Benedict at Heather na nagkukulitan na naman, Heather is currently trying to control her patience with Benedict. Nilapitan ko sila, hindi pa nila ako napansin noong una dahil sa asaran nila kaya naupo ako sa harapan nila. "Saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap akala ko for the first time nagcutting ka na! Magtatampo dapat ako kasi hindi mo ko sinama" pagbibiro ni Benedict. "Alam mo minsan feeling ko hindi mo talaga bagay mag top 2" umiling iling pa si Heather. "Feeling mo lang iyon" nakangising tugon ni Benedict. "Pero saan ka nga pumunta?" Tanong ni Heather. "Bathroom" palusot ko. "Dapat sinama mo ko kanina pa ako naiihi" ngumuso si Heather. "Bakit ka niya isasama, iisa ba katawan niyo?" sabat ni Benedict. Sinapak siya ni Heather. Mabuti na lang talaga at hindi sila nagkakapikonan. Tumatawa na lang ako habang pinapanood silang nagbabangayan ngayon sa harap ko. Si Heather na patuloy pa rin ang pananapak kay Benedict at si Benedict na todo ilag lang sa isang ito. "Napakabayolente mo alam mo iyon?" Iwas ni Benedict sa mga sapak ni Heather. "Bakit kasi ang hilig mong mang-asar" inirapan niya ito. "Ang pikonin mo kasi oh kita mo" umiling na lang ako sa kanila. Nang mapagod ay tumigil din sila. Napainom si Heather sa kaniyang tumbler at si Benedict naman ay hinarap na ako. "Nasaan na pala iyong relo mo?" Hinawakan pa ni Benedict ang palapulsuhan ko. "Hindi ko alam, hinubad ko noong nasa garden ako, nahulog ata. Hindi ko na din binalikan dahil baka nawala na din naman o natapakan" "Dapat ay sinabi mo para nabalikan natin" si Heather. "Nah, baka nasira na iyon. Bibili na lang akong bago" sagot ko. They both nod. Dumating ang teacher namin hawak iyong ginagawa kanina ni KJ. Galing siguro siya sa classroom para kunin iyon at si KJ nagstay na doon. "Are you done with your scores?" Tanong ni sir. Umoo naman sila agad at ako? Gagawa ng written work para sa activity na ito ngayon. Konting tiis na lang at hindi ko na kakailanganin pang umupo at manood lang. Once I'm okay right? I should be okay. I have to be okay. "Okay, you can go back to your room and rest there while waiting for the bell" anunsyo ni sir. Naghiyawan pa ang iba sa amin. May 20 minutes pa kasing natitira at nabigyan kami ng free time kahit hihintayin namin ang bell. Tumayo kami agad at saka isa isang lumabas na ng gymnasium. Ang iba ay nagpalit pa ng white t-shirt, I don't need to do that since I didn't really do anything. "Mauna na kayo magpapalit lang ako" sabi ni Heather kaya nauna na nga kami. "Bakit ikaw hindi ka ba magpapalit Benedict?" Tumingin siya sa akin at umiling "Hindi naman ako gaanong naglaro, sports are really not my thing. I'd rather sit and study" ngumuso ako. "Parehong pareho kayo ni Mira" bakit ako? Sinabi ko bang I am not into sports? Hindi kasi talaga siya mahilig sa sports, naglalaro naman siya kung may nag-aayang kaibigan pero hindi iyong sobrang gustong gusto niya. He is really a nerd kaya never siyang naalis sa top pero hindi rin naman niya matalo talo si KJ. Pilosopo din siya and I wonder noong una kung puwede bang magkaroon ng nerd at pilosopo sa katawan ng isang tao well, Benedict is the proof. Inakbayan ako ni Benedict paakyat sa classroom namin. Madalas naman siyang umaakbay talaga so I don't mind. There are boys who do it to flirt, he do it because we are close. Kung hindi lang siguro dahil sa alam ng lahat na gusto ko si KJ ay baka kaming dalawa ang laging laman ng balita sa school, Benedict doesn't care, sometimes I do because of what KJ will say. Nagkuwento pa siya tungkol sa pressure na nararamdaman niya dahil sa kuya niyang madalas magexcel sa lahat ng bagay. That's doc Val Saguin, my doctor. Magkasundo naman sila pero naiinggit daw minsan si Benedict dahil madalas siyang purihin ng mga magulang niya hindi gaya ni Benedict na palaging hanggang top 2. Nakasalubong namin si KJ na pababa naman ng hagdan. He look at me from head to toe, napatigil ako sa paglalakad and I just stand there and stare at him. Inalis ni Benedict iyong akbay niya at hinawakan na kamay ko, siya na mismo ang nanghatak sa akin palayo sa nasa harapan ko lang si KJ. We were about to pass him nang hawakan niya ang isa ko pang kamay kaya napatigil si Benedict . Now they are both holding my hands. Napatingin ako sa kamay ni KJ na nakahawak pa rin sa akin, he looks at me without saying anything. Hinihila pa rin ako ni Benedict pero napatigil nang hindi ako nagpahila. "Benedict" tawag ko dahil medyo naiilang na ako sa puwesto naming tatlo. "Bitawan mo Yuchengo" matigas na sabi ni Benedict. "Why don't you do it yourself Saguin" nagtaas pa siya ng kilay. Do men really don't call each other's name when they are pissed? "Baka nakakalimutan mo ang ginawa mo kay Mira?" Sabi pa rin ni Benedict. "Why are you so concern of Mira? Kaibigan ka lang naman niya." Baka mamaya mag-away na naman sila "Ano naman sa'yo? Ano ngayon kung kaibigan niya ako. Eh ikaw ano ka ba talaga niya? You don't want to be friends with her, ni ayaw mo ngang maengage sa kaniya. Bakit concern na concern ka ngayon sa kaniya?" tumalim ang tingin nito kay KJ. KJ clenched his jaw and so does Benedict. Naghahanap ba sila araw-araw ng away? Lagi na lang sa tuwing nagkakasalubong sila o ano. "Ben, hayaan mo na" huminga siya ng malalim para siguro pakalmahin ang sarili. People gasp when KJ bend on one knee, sinong hindi? Ang isang KJ ay lumuhod sa harapan ko. Is this a dream or am I hallucinating? Yumuko siya at dahan-dahan na inayos iyong sintas ng sapatos ko. Bumilis na naman iyong t***k ng puso ko. Natakot pa ako dahil baka magcause ng abnormality sa heart ko. Teka lang, anong nangyayari? Ito na ba iyong magiging mabait siya sa akin? Humigpit iyong hawak ni Benedict sa kamay ko pero hindi ko na masyadong pinansin dahil sa t***k ng puso ko. Nang matapos niya iyong gawin ay tumayo din siya agad at naglakad na palayo. Iniwan ako doon na nakatunganga. Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko o iisipin at sasabihin ko. "Let's go" kung hindi lang sa hila ni Benedict ay baka nag-stay na talaga ako doon. Hindi ko pa rin maproseso ang nangyari kahit nang kumakain na kami ng lunch. Parang lutang na lutang ang isip ko at ang tanging tumatakbo lang sa isip ko ay ang nangyari kanina "Oh my gosh talaga Mira, dapat pala ay hindi na muna ako nagpalit para nakita ko" rinig kong sabi ni Heather. "Tss, what's the big deal anyway? Sinaktan niya pa rin si Mira" tugon naman ni Benedict "Alam mo ang bitter mo talaga, malay mo nagbabago at narealize na mali siya lalo na sa nangyari kay Mira" sagot naman ni Heather "Mira almost die Heather, baka nakakalimutan mo" mamaya ay baka tuluyan silang mag-away. Hindi nila alam na nag-usap kami, hindi ko rin naman balak sabihin sa kanila ang pag-uusap namin. I want that conversation to stay between us. Hindi ako sumagot bagkus ay nagpatuloy lang sa kinakain. "Okay! Okay! People change but their feelings don't" nakita ko ang sulyap niya sa akin. "I don't get it, ano na namang pakulo niya? Redeeming himself to the public?" Sabi pa niya. "Baka sobrang naguilty siya kasi sobrang lala nung nangyari kay Mira" tugon ni Heather "Kahit ano pang gawin niya hindi na niya maibabalik pa 'yung nangyari" umiling si Benedict "Nagiging mabait lang siya kasi may nasasabi na iyong ibang tao sa kaniya" tugon ni Ben. Hindi ko na lang sila inintindi. Nang hindi naman nila ako narinig na sumagot ay nagpatuloy na lang din sila sa pagkain. I can see KJ from where I am sitting, kasama niya ang ibang kasama na varsity players na kumakain. He is just focusing in eating habang ang iba ay nagkukuwentuhan. Nakikisama sa usapan pero saka lang kapag tatanungin talaga at kapag makikipagbiruan. Pagkatapos maglunch ay nagpaalam silang dalawa, si Benedict para pumunta sa faculty at si Heather para pumunta sa library. Ang boring pala talaga kapag hindi sila kasama. Nagpunta ako sa benches sa gitna ng school namin, may lilim kasi dito at mahangin. May ilang estudyanteng namamalagi dito kapag ganitong oras pero madalas nasa canteen, library at kanya-kanyang club rooms sila. I belong to the book keepers club pero wala naman kaming ginagawa madalas, saka lang kapag may contest o programs kaya ayaw ko din naman mamalagi sa club room namin. May umupo sa tabi ko na hindi ko naman pinansin dahil pangtatluhan naman talaga ang upuang ito at hindi dapat nangaakin. "Put this on, kapalit nung nasira mong relo" tinignan ko ang isang KJ na umupo sa tabi ko. Kumunot ang noo ko sa box na inaabot, nang mapagtantong iyong kapareho ito ng relong nawala ko. Hindi ko pa alam kung kukunin ko pero sa huli ay kinuha ko na rin. "Nakita kong hindi mo suot iyong relong bigay ng mommy mo" mahina niyang sabi. "Hindi mo naman kailangan palitan pero thank you" ngumiti ako, hindi pinahalata pero sobrang tuwang tuwa itong puso ko. Kinuha ko sa box iyong relo, tinanggal iyong suot ko ngayong ordinaryong relo. I put aside the box and the other watch and put the one he gave me. Tinulungan pa niya ako dahil mahirap ilock iyong bigay niya dahil nga bago. Ang pagkakaiba lang nila ay ang kulay, this one is white. "You know my mom is so mad at me right now and she doesn't want to talk to me" pagsisimula niya. Kaya ba siya pumayag na maging mabait sa akin para ipakita sa mommy niya na nagsisisi na siya? Alam ko naman na fake lang lahat ng pinapakita niya dahil sa pakiusap ko pero hindi rin pala napipigilang masaktan dahil nalaman mo iyong isa sa mga rason kung bakit niya ito ginagawa talaga. "Sorry, kaya ka siguro laging galit sa akin dahil kahit hindi mo naman talaga ako obligasyon ay ikaw ang nasisisi" This is the first time we ever talk about this. "Nah, it's my fault anyway, ako naman ang gumagawa lagi ng rason" sabi pa niya. Yumuko ako, iiyak ba ulit ako? Bakit kasi ang bilis bilis pumatak ng mga luha sa mata ko? "Aren't you scared of the surgery? You've been telling me that eversince" seryoso niyang sabi. "Takot, pero mas natatakot akong iiwan ko si mommy mag-isa" pag-aamin ko. "Paano kapag pumalya iyong surgery" I shrug. Hindi ko naman talaga alam kung anong mangyayari. Yes, it can go wrong isa naman na iyon sa mga unang sinabi ni doc Val simula noong una pa lang. "Ayaw mo 'nun I will be totally gone KJ" malungkot kong sagot. "Mira Kael!" Nahimigan ko agad ang galit sa boses niya. "I may find you annoying but I will never wish you gone Mira Kael" mahina niyang sabi. "Wala namang araw na ipinaparamdam mo sa aking gusto mo kong manatili. It feels like you always wanted me gone" sinabi ko pa. "It's not your fault anyway" matapang kong sagot. "You never take good care of your heart" pagsusungit niya. Ngumuso ako, tinignan ko siya at nakitang nakatingin sa akin. Alam mo iyong pakiramdam na sobrang close namin pero hindi? Na bestfriend ko siya pero ayaw na ayaw niya sa akin? Ganito lagi iyong nararamdaman ko sa tuwing nag-uusap kami. "Hindi pa naman huli ang lahat, kaya ko pa rin namang alagaan siya ngayon" tumango siya. Tumayo na siya para aalis pero hinawakan ko iyong dulo ng polo niya para pigilan siya. Magagalit kaya siya? "What?" Tanong niya. "Sabay na tayong pumunta ng classroom" tumayo na din ako. Inayos ko iyong relo at box na itinabi ko kanina. Akala ko ay iiwan niya ako pero hinintay naman. Inaabangang matapos para makabalik na. Sabay nga kaming naglakad papasok ng room. Some of our classmates are looking at us, nagtataka siguro kung bakit magkasama kami gayong kahit kailan naman ay hindi kami naglakad ng sabay. Ang sarap pala sa feeling nung cease fire kaming dalawa. Iyong kahit alam ko naman na ginagawa niya lang ito dahil may sinabi ako at nag-usap kami pero ang saya saya ng loob ko. Kung sana lang ay totoo iyong ipinaparamdam niya sa akin. I wonder if tita Kelly told him that we will need to do the surgery abroad. Kung alam niya ano kayang naramdaman niya? Natutuwa kaya siya kasi sa wakas ay hindi na niya ako makikita? Siguro din oo kaya siya pumayag sa usapan namin. "Did you do your homework in math?" Bigla niyang tanong nang paakyat na kami sa second floor. "Oo kaya lang hindi ko naman alam kung tama iyong sagot ko kasi hindi ko naintindihan iyong turo ni Benedict" deretsong sagot ko. "I gave you my notebook, bakit kailangan mo pa si Benedict?" Matigas niyang tanong. "May mga time pa rin naman na hindi ko naiitindihan iyong notebook mo kasi pang masyadong matalino iyon" ngumuso ako. "Why didn't you ask me?" Sigurado ba siyang tinatanong niya iyan? "Baka sungitan at sigawan mo ko" hindi ko alam kung dapat bang sabihin ko iyon. Napahinto siya sa paglalakad kaya napahinto din ako. Nag-isip siya ng kaunti bago nagpatuloy ulit sa pag-lalakad. Nagtaka tuloy ako kung anong iniisip niya. "Ask me anything from now on. I'll not get mad, may usapan tayo" saka nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Nakarating kami sa classroom in no time, siya ay parang walang nangyari at nagpatuloy na sa kaniyang upuan. He sat there and look at his phone. Ako ay hindi ko alam kung lalapit kina Heather na nakangiting aso at Benedict na sobrang takang taka. Nilapitan ko na lang silang dalawa tutal naman ay nasa harapan ko lang si Benedict at si Heather ay nakaupo sa tabing upuan ko. Hindi naman sila nagsalita, I just shrug it off. Nakangiti pa rin sa akin si Heather at hindi maalis ni Benedict iyong tingin sa akin but then the bell rang kaya nagsibalikan na sila sa upuan nila. Sakto pala ang pagbalik namin sa classroom. Hindi pa nakaset ang relong bigay ni KJ. Mamaya ko na lang ito aatupagin. We did our afternoon class, surprisingly hindi ako inantok. Usually kasi kapag pang hapong klase ay hindi ko naiiwasang antukin kahit gusto kong maging attentive sa klase. After class I went to my mom's office to wait for her. Balak kasi naming kumain ng dinner sa labas. Nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi na namin nagagawa ito. Nang makarating ay dumiretso ako sa office niyang walang tao. Sabi ng secretary niya ay nasa meeting pa daw siya. Our business is in real estate company. Inikot ko lang ang buong tingin ko sa opisina niyang opisina ni daddy dati. Wala siyang pinalitan kahit isa. She wanted to keep his memory kahit na nagtratrabaho siya, ganoon niya kamahal si daddy. I just hope my mom is happy though. Bumukas ang pintuan niya at iniluwa noon si mommy na kausap ang secretary niya. "Kanina ka pa naghihintay?" Binaling niya ang tingin sa akin. "Sakto lang mommy" ngumiti ako sa kaniya. She went to his table para ilapag ang mga papel na kanina pa niya hawak and she got her bag. "Let's go" hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula nang maglakad palabas. Nagpunta kami sa paboritong restaurant naming tatlo nila daddy. It's not that we always say it's our favorite pero madalas kasi kaming pumunta dito. Nang maupo kami ay lumapit agad ang waiter para ibigay sa amin ang menu. I know what I want to order though even my mom without looking at the menu kaya nagorder kami agad. "Mom" tinignan ako ni mommy. "Hmmm" nginunguya pa niya iyong pagkain niya "What if, we live abroad after the surgery?" Kumunot ang noo niya "Bakit naman? Ayaw mo bang dito magcollege?" Umiling ako. "Hindi naman sa ganon mommy pero I just wanted to start fresh you know with my new heart if ever" nakangiti kong tugon. "You know, it's a good idea" tumango siya pero nag-isip din Bigla kong naalala ang negosyo naming maiiwan niya. Baka hindi puwede. "Or kung hindi mo po maiiwan nag negosyo puwedeng ako na lang muna? Babalik ako kapag nakapagtapos na ng college" umiling agad si mommy "Mira, kung nasaan ka dapat andoon din ako and besides may internet naman Mira I can still look after the business kahit malayo" ngumiti siya ng tipid. "Baka lang po sobra iyong hinihingi ko at mahirapan kayo" ngumuso ako "Of course not, alam mo naman na ikaw ang priority ko diba?" Tumango ako. "Alam ko naman kung bakit gusto mong lumayo Mira, hindi mo kailangan itago sa akin" hinawakan niya ang kamay ko. "At hindi mo din naman kailangan sabihin sa akin, susuportahan kita sa kung anong gusto mong gawin sa buhay mo" ngumiti siya sa akin "And if you think this will be the best option na naiisip mo para sa sarili mo, susuportahan kita dahil ikaw na lang ang mayroon ako Mira and I will never let anything happen to you! Alam mo naman kung bakit talaga ako pumayag sa engagement na iyon diba?" Tumango ako. "All I want for you is your happiness anak, kung masaya ka mas masaya ako pero jung nasasaktan ka mas nahihirapan ako so please always choose to be happy" ayaw kong umiyak. Determinado na rin ako, mas lalo ngayon dahil sa sinabi ni mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD