The school is noisy, sa bawat dadaanan ko ay may naghihiyawan dahil sa prom campaign. You know he accepted the promposal when people start to scream and clap. Meanwhile, here I am and still doesn't know what to do to ask KJ.
"Just ask him Mira besides he is not into things like that" turo niya sa mag jowang nagpropromposal.
Iyong babae kasi ay nagdala ng mga kaibigan niya na may hawak na board to spell out the magic word "will you go to prom with me?"
Tama si Heather, KJ is not into those things. It would be better if I would just ask him privately. Hindi naman sa nahihiya akong mareject, nasanay na ako sa part na iyon but I just want to be in that moment with just the two of us kung oo man ang sagot niya.
"Hindi ko alam kung kaibigan ka ba niya minsan. Gusto mo bang nasasaktan 'yang kaibigan mo hah Heather?" Andito na naman si Benedict.
"Bakit? Kailan ka ba naging supportive sa kaniya hah?" Balik ni Heather.
"Suportado ko si Mira sa kahit na ano, huwag lang kay Yuchengco" seryoso niyang sabi.
"Nagseselos ka lang kasi wala pang nag-aya sa'yo" nagsisimula na naman sila.
"Para lang sa kaalaman mo hah Heather, kanina pa sila nagtatanong sa akin para sa prom" nauna na akong maglakad sa kanila.
"Napakafeeling mo talaga alam mo iyon? Bakit hindi ka umoo sa mga iyon kung ganoon? Bakit hanggang ngayon wala kang kadate?" Inirapan siya ni Heather
Bahala nga sila diyan, bakit hindi na lang sila ang magkasama sa prom tutal naman ay kanina pa din humihindi si Benedict sa mga nagtatanong sa kaniya tungkol sa prom at itong si Heather hindi niya alam kung sinong isasama sa prom kaya perfect sila sa isa't isa.
Sakto namang nakita namin si KJ dito sa hallway, may bitbit siyang mga papel na hula ko ay mga activity sheets namin kanina na cinollect niya. Tinulak ako agad ni Heather, I stop infront of him na kinagulat niya pa pero nang makitang ako ay naghintay ng sasabihin ko.
"Can I talk to you for a minute?" Why are people always stare when we talk.
"Mag promposal ba si Mira! Omg yes" sabi ng mga kaklase ko.
"Grace will be so mad when KJ said yes" natatawa pa ang iba.
"Asa naman kasi si Grace, si Mira naman ang fiancee" tugon ng isa pa.
"What do you want?" Nagtaas pa siya ng kilay.
"Ano kasi uh" bakit ba niya ako tinanong.
Dapat ay mag-uusap kami ng pribado pero mukhang hindi naman siya pumapayag sa gusto ko.
"I will not go to prom with you Mira Kael kaya stop asking me those things" nilagpasan niya ako.
"Stop dreaming Mira Kael, hindi ko gusto ng partner na gaya mo. You think you can be with me? well I am so tired of saying this but you are so annoying " tinignan pa niya ako mula paa hanggang ulo.
"Oy grabe ka naman Kith, si Mira na nga nagtatanong sa'yo!" Isa sa mga nasa kabilang strand.
"Oo nga. Harsh mo naman masyado porket gwapo na at saka bakit mo tatanggihan fiancee mo" umiling pa sila.
"Mira kami na lang kasama mo sa prom nakakainis si Kith, napaka yabang".
Tumakbo na lang ako palayo doon, tumulo na iyong luha ko. Hindi ko naman siya masisisi. Narinig ko pa ang tawag ni Benedict at Heather pero hindi ko sila nilingon.
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa pinakalikod na garden ng school, walang tao dito. Nagbell na din pero ayoko pa ring pumasok. Pinagmasdan ko iyong relo kong medyo tumutunog kaya tinanggal ko para tumahimik.
Isinubsob ko lang iyong mukha ko sa lamesa dito. Namimiss ko na si daddy, dadalawin ko siya mamaya pagkatapos ng klase. Hindi ko alam kung ilang oras na ako namalagi dito pero I don't mind.
"You really are annoying huh?" tinignan ko si KJ na ngayon ay nakatayo sa harap ko.
"You really made me find you because people are so worried on where you are" he look so pissed and tired too.
Pawisan siya at halata mong kanina pa din siya tumatakbo para maghanap sa akin.
"Sorry" yumuko ako.
"Sorry?! Bakit ba lagi mo na lang akong ginugulo if you still don't understand that? I am so sick and tired of being your caregiver Mira Kael! Ilang beses ko bang uulitin, you are annoying because of your disease" Umalingawngaw iyong sigaw niya.
"Nakakapagod kang alagaan, hindi ko naman gustong alagaan ka! Nag-aalala iyong mga tao sa buong school dahil hindi ka mahanap tapos nandito ka lang para umiyak?!" Sabi pa niya.
I saw how anger filled in his eyes. He just stared at me with so much anger.
Nagulat ako nang may kamaong dumapo sa pisngi niya. Natumba siya, hindi ko na alam ang gagawin. Benedict is just so mad. Nakikita ko ang pagpipigil niya sa ganitong sitwasyon. He is clenching his fist at baka masugod niya ulit si KJ.
"Gago! Alam mo matagal na akong nagtitimpi talaga sa'yo" hinawakan ko na ang polo niya dahil lalapitan na naman niya si KJ.
"Nakikita mo ba hah?! Ikaw pa rin iyong gusto niyang protektahan kahit gago ka" hinahawakan niya iyong nasuntok sa gilid ng labi niya habang nakatingin sa amin.
"Bakit ba lagi ka nalang nakikialam Benedict, kapag usapan naming dalawa huwag kang nakikialam" ambang susuntok na naman siya nang hinayaan ko na.
KJ will not fight him, I can see how annoyed he is pero hindi siya papatol, alam ko. Kung papatol siya ay kanina pa siya tumayo para sugurin din ng suntok si Benedict pero hindi, naupo lang siya doon at pinupunasan iyong dugo sa labi niya.
Napabitaw ako sa kaniya nang maramdaman ko iyong paninikip ng dibdib ko. Naman bakit ngayon pa! Napahawak ako sa dibdib ko dahil para siyang nag-aapoy. Kakaiba sa mga nararanasan kong heart pains. Ito ay parang may nasusunog sa loob at may nanununtok. Hindi ako makahinga.
KJ stand up to come near us but Benedict is faster dahil nandito ako sa tabi niya. Binuhat agad ako ni Benedict at tumakbo sa parking lot para hanapin ang driver ko.
Hindi ako makafocus sa mga nangyayari dahil sa dibdib ko. I would rather choose to pass out than experience this kind of attack. My vision blurs.
"Mira, naririnig mo ako! Hinga ka ng malalim" I can barely hear Benedict.
"Mira, breathe".
Sinunod ko siya pero hindi pa rin talaga nawawala. My vision turns too blurry until everything just turns into black.
I surprisly woke up, akala ko ay hindi na ko magigising dahil sa sakit na nararamdaman ko. Kagigising ko naman pero parang pagod na pagod iyong buong katawan ko. Pakiramdam ko lahat ng enerhiya ko ay nahigop, I feel so heavy and tired at the same time.
My eyes are still shut but I can hear my mom sob somewhere in the room. She's crying and I feel so guilty. Dahan dahan akong nagmulat ng mata, my eyes are still blurry. Nang makaadjust iyong paningin ko ay agad na lumapit si mommy sa akin.
"May masakit ba sa'yo?" While she's wiping her tears.
"Masakit po iyong ulo ko" mahina kong sabi.
Agad naman siyang tumingin sa gilid, nandito rin pala si manang at tita Kelly but KJ is nowhere to be found. I want to ask where is he pero I need to focus everything to my mom for now. Bigla kong naalala iyong nangyari.
I've never been so scared and hurt both at the same time in my life, not scared for myself but for my mom when the I experienced that painful attack and hurt because after everything that I would give and do, everything is useless. Kung nakakapagsalita lang iyong puso ko, magmamakaawa na siya para alagaan ko.
Dumating si Doc Val, he looks so worried. He looks at my mom worriedly. Naawa tuloy ako sa sarili ko. Kung makikita ko lang siguro iyong sarili ko sa salamin baka maawa din ako sa sarili ko. I am wearing my hospital gown, may nakasaksak sa aking oxygen and something else. May machine din sa gilid ko for my heart rate.
"Can I talk to you tita?" Mahina niyang sabi kay mommy.
"Wait I want to know too!" Bumangon ako agad.
"Mira" pagsusumamo ni mommy.
"Mommy, gusto kong malaman please" naiiyak na naman ako.
"Mira is right tita, she needs to know too because from now on she really needs to focus on taking care of her heart" tumango si mommy sa huli.
Naupo si mommy sa tabi ko at hinawakan iyong kamay ko. Hinahaplos niya ito habang naiiyak. Lumapit si tita Kelly para aluhin si mommy.
"Everything is getting worse everyday, her heart is getting weaker and weaker everyday na nasasayang and baka hindi na ito maaagapan tita" tumingin siya sa akin.
Tumulo iyong luha ko. I'm dying really and my mom would again suffer twice because of the same disease.
"Anong puwede naming gawin doc?" Si tita Kelly na ang nagsalita.
"We need to do the surgery as soon ay possible, we need to start looking for a heart donor tita"
"Pero I tell you, this is not going to be an easy operation tita" nakatingin kaming lahat sa kaniya.
"It's a 50-50 chance, kapag nagkaroon ng komplikasyon baka mauwi din sa wala ang lahat" malungkot niyang sabi.
"But it's our only option right?" Tanong ni mommy.
Tumango si doc Val.
"Mira kapag naging successful ito, hindi mo na kailangan pang magsuffer. You'll be fine after all of this" .
Tumingin silang lahat sa akin, waiting for me to agree. I look at my mom's eyes and I can see her pain. Pumikit ako, bakit ba ako natatakot sa operasyon na ito? Bakit ba ayaw ko pa tong gawin?
"Okay I'll do it" nabuhayan si mommy sa akin.
"Doc Val, we need to find a heart donor quickly" tumango tango si doc.
"We will do everything as fast as we can tita makakaasa ka sa akin" may sinabi siya sa nurse at saka umalis.
"If we do this surgery, we need to do it abroad. That way mas madami silang facilities na puwedeng magamit but don't worry I'll do the surgery myself".
Lumapit sa akin si doc at hinaplos iyong buhok ko.
"You need to really take care of yourself from now on Mira, hindi tayo susuko sa ganitong laban nang hindi sinusubukan ang kahit ang huling chance" tumango ako.
"Please anak" hinalikan ni mommy iyong kamay ko.
Ngayon ko lang narealize na anytime maiwan ko si mommy, kapag nangyari iyon hindi ko matutupad iyong pangako ko kay daddy.
"You need to stay here for two more days hindi biro iyong nangyari Mira kung hindi kumilos ng mabilis si Benedict" kailangan ko pa palang pasalamatan si Benedict.
"I want to say thank you to Benedict, Val please tell him I am thankful for what he did to my daughter" tipid na ngiti ni mommy.
"Don't worry tita, importante din po si Mira kay Benedict. Madami pong nag-aalala sa kaniya" kinindatan ako ni doc Val.
Pinagpahinga na nila ako pagkatapos 'nun ayaw ko pang mahiga dahil kakabangon ko lang pero dahil ayaw ko ng dagdagan pa iyong pag-aalala ni mommy ay sinunod ko na lang.
"Mira your friends are here" bulong ni mommy sa akin.
Nakita ko sina Benedict at Heather sa paanan ko na hinihintay akong dumilat. Niyakap ko sila agad nang makita ko. Heather is tearing up and Benedict just pure worried.
"Benedict, thank you for what you did" pagsisimula ni mommy
"Walang kaso po iyon tita" ngumiti si Benedict
"Iiwan ko muna kayo, magpapabili lang ako ng pagkain" tumango kaming tatlo.
"Kumusta na pakiramdam mo?" Pag-aaala ni Heather.
Pinanusan ko iyong luha niya at saka niyakap ulit.
"Sabi ni doc Val kailangan ko na daw ng surgery as soon as possible kaya dapat mag-ingat ako habang naghahanap sila" malungkot kong binalita.
"Magpapatulong ako kina mommy at daddy Mira, sasabihin ko kay tita" tugon ni Heather
"Thank you Heather"
"What's your plan now with Kith?" Tanong ni Benedict
Umiling ako, hindi dahil hindi ko alam ang sasabihin o gagawin pero dahil ayaw ko nang maalala. Ayaw ko na ring pag-usapan. Parang iyong for the first time in my life ngayon ay parehong nag-agree iyong isip at puso ko. I will do this for my mom.
"Sarili muna Mira" ngumiti si Benedict.
Tumango ako, tama siya. Palagi naman siyang tama. Kahit masakit minsan pero palaging totoo ang mga sinasabi niya.
"Hanggang kailan ka dito?" Tanong ni Heather.
"Sa susunod pang araw puwede akong lumabas" nababagot na ako agad.
"Di bale, susulatan kita or puwedeng si Benedict din para hindi ka mahuli" nagpasalamat ako agad.
Nagkuwentuhan lang kami hanggang sa kailangan na nilang umuwi dahil mag gagabi na. Sinabihan ko din si mommy na umuwi na lang muna para magpahinga dahil kaya ko naman dito at may mga nurse naman na mag-aasikaso sa akin. Noong una ay ayaw niya pa pero dahil pinilit ko na at kailangan na talaga niyang umuwi para na din magpalit at kumuha ng mga gamit ay pumayag din.
I'm bored for the next days na nandito ako sa hospital. Heather and Benedict visits me every after class pero KJ never did. I wonder where is he? Dapat din ay papasok ako ng school pagkalabas ng hospital pero sa lunes na daw ako papasok para makapagpahinga pa but I am bored to death.
I just woke up, ate, read novels or write and sleep again and eat and watch netflix and then eat dinner and sleep. That's my routine for the next days until it's monday.
I plan to really talk to KJ today, I want to talk him things. I know, I am not stupid para sabihin na hindi ko na siya magugustuhan pagkatapos nito o para sabihin na makakalimutan ko naman siya agad pagkatapos nito. It's not that simple, my life is not program to be simple.
Nandito siya ngayon sa classroom, he is alone at ginagawa niya iyong iniuutos sa kaniya ng teacher namin. P.E. namin ngayon, and since hindi naman talaga ako nakikisali sa mga activities ay pumunta ako dito para kausapin siya. Kung hindi talaga ako mag-eeffort na gumawa ng paraan hinding hindi niya ako kakausapin. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang siya napagtanto.
Naupo ako sa harap niya, nakaharang ang mesa niya. Sinulyapan niya ako pero bumalik din sa ginagawa. Huminga ako ng malalim. Hindi ko naman talaga alam kung anong sasabihin ko.
"I want to stop liking you" napatigil siya sa ginagawa niya.
Unti-unti niya akong tinignan. He looks so confused. Hindi maintindihan kung anong ibig kong sabihin.
"Sabi mo ayaw mo sa akin kasi may sakit ako, annoying ako kasi may ganitong sakit ako at kaya mo lang naman ako inaalagaan kasi naiipit ka kay mommy at tita Kelly" pagsisimula ako.
I need my heart to bare with me even just for this moment. I need to say everything.
"Pero hindi ko naman iyon ininda kasi hindi ko nakikita iyong puwedeng mga mangyayari. Hindi ko na realize kung anong puwdeng maramdaman natin pareho"
Pinunasan ko iyong tumulong luha ako. He reach out to wipe my tears and I let him.
"Ang hirap pala kapag one sided lang iyong pagmamahal no? Ang hirap pala magbigay ng pagmamahal sa isang taong hindi naman kayang ibigay pabalik iyong binibigay mo pero lately narealize ko na hindi lang naman iyong nagbibigay iyong nahihirapan"
Nakatitig lang siya sa akin, ganun din naman ako sa kaniya. He is looking at me with full of question.
"Nahihirapan din iyong taong binibigyan. Hindi ko alam na mahirap din sa'yo iyong sitwasyon. Ngayon ko lang narealize na napipilit ka sa bagay na hindi mo naman gustong gawin"
Ngumiti ako ng tipid sa kaniya
"Hindi ko alam kung alam mo na ito o sinabi na ni tita Kelly pero naghahanap na sila ng heart donor para sa surgery ko, sabi ni doc Val dapat daw alagaan ko iyong puso ko"
Kinagat o iyong pangibabang labi ko para pigilan iyong panginginig nito.
"I know I said I want to stop liking you pero puwede bang humingi ng pabor?"
Kumunot ang noo niya, his face softens now.
"Baka puwedeng kahit hanggang makahanap lang ng heart donor, puwede bang maging mabait ka sa akin"
Dapat ba hindi ako himingi ng ganitong pabor? Kasasabi ko lang na alam ko na nasasaktan siya ng sobra. Is it really too much ask from me?
Huminga siya ng malalim. Inilabas niya mula sa bulsa niya iyong panyo at pinunasan niya iyong luha kong hindi ko na pinansin simula kanina pa.
"Alright Mira Kael until you find a donor" mahina niyang sabi.
"But don't let me see you cry again. I hate crying" sabi pa niya
Tumango ako. Pangako, hanggang sa pagkakataong iyon lang talaga. Hindi ko kasi alam kung kahit may heart donor ay magiging successful pa rin iyong operasyon. We want to believe it will be fine but just like doc Val said it's a 50-50 chance pero paano ka tatanggi kung ito na lang iyong tanging paraan mo para lumaban at mabuhay.
Kapag maooperahan na ako, pinapangako kong kakalimutan ko na siya. I will forget how I started liking him or how I started to care for him. Kahit ngayon lang, kahit habang naghahanap lang ng pamalit sa puso ko. Kahit ano pang mangyari hindi ako magsisisi sa lahat. I'll probably die happily if ever, the only reason that stop me from thinking about dying is my mom. I hate thinking na mag-iisa siya sa mundong to. I hate thinking that she will suffer with the same reason as my dad's death. That will totally makes her misearable. Ito ang dahilan kung bakit binibigay niya ang lahat sa akin, she will make me happy no matter what it is. Ibibigay niya lahat and as of her, ang gusto niya lang ay subukan kong mabuhay.
Kaya susubukan kong mabuhay, kung ito lang ang tanging paraan ay susubukan ko even when it cause me to forget the greatest love I'd ever had.