6

3096 Words
I wore a white cocktail dress with a balloon long sleeve off shoulder. I even carry a rose gold clutch for Heather's birthday. Minessy bun ni mommy iyong hair ko. Bitbit ko din ang regalo kong binili namin ni KJ. Magpipink sana ako para sa theme ng party niya pero maalala kong baka maging terno ko iyong table cloth at palamuti doon. "KJ is already downstairs iha" silip ni mommy sa pintuan ng kwarto ko. KJ will accompany me, well that's because his mom insisted. He will never be willing to accompany me on his own will, he never said it but he makes me feel and think that way for 11 years. Bumaba ako just to find the dazzling man sitting on our couch. He is wearing his tuxedo with a rose gold tie. Napatingin siya sa gawi namin, I saw his jaw clenched for some reason that I don't know. Ngumiti ako sa kaniya. Bakit ba ang gwapo gwapo niya? Kaya ang daming may gusto sa kaniya. I still consider myself lucky for this kind of things, kahit sa madaming pagkakataon ay napipilitan siyang kasama ako. "Sorry, naghintay ka pa" ngumiti ako sa kaniya. Umiling lang siya. "Picture muna bago umalis" hawak na pala ni mommy iyong cellphone niya. Napakagat ako ng ibabang labi at tinignan si KJ na ngumiti lang kay mommy. He placed his hands on my waist and he pulls me closer to him. Naestatwa ako sa ginawa niya. Sobrang lapit niya sa akin at iyong puso ko hindi ko maintindihan. Parang wala na akong naririnig sa mga gustong ipagawa sa amin ni mommy. "Go on, baka malate kayo" si mommy. "Mauna na po kami tita, ihahatid ko po si Mira Kael agad pagkatapos ng party ni Heather" tumango si mommy. "May regalo ka ba sa kaniya?" Pagsisimula ko ng usapan namin. It's rare that we are together like this kaya susulitin ko na lalo na at hindi naman siya ganoon nagsusungit ngayon. "Mom bought her whatever things Mira Kael you know I don't do those things" tumango ako. Kagaya ng ginagawa niya sa tuwing binibigyan din niya ako ng regalo sa iba't ibang okasyon. "Bagay sa'yo 'yang tie" kami kasi ni tita Kelly ang namili noong sinamahan nila ako ni mommy para bumili ng dress para sa susuotin. "Are you praising me or are you praising yourself for buying the right tie?" Nagtaas siya ng kilay. Ngumiti ako, alam niyang ako ang namili ng neck tie na suot niya. "Stop smiling Mira Kael" sungit na naman. Nakita kong lumiko siya sa isang resort and hotel kung saan gaganapin ang debut ni Heather. Hindi ko na namalayan dahil siya lang naman ang tinitignan ko. Nasabi ko na bang ang gwapo niya? I wonder if he will ask me to dance tonight? Hindi naman siguro masamang umasa. Wala namang problema kung ako ang magtanong pero baka magalit lang siya sa akin. Masyado ko na siyang ginagalit lagi. Nang makapasok kami hinanap ko agad si Benedict na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya sa ibang table. I was about to go and greet him nang pigilan ako ni KJ. "Huwag kang aalis sa paningin ko Mira Kael" nagsasalubong na naman ang mga kilay niya. Tumango ako at saka naupo doon sa upuan naming dalawa. Babalik naman sana ako pero sige na nga huwag na. Magtatawag dapat ako ng waiter para manghingi ng tubig dahil nauuhaw ako. "Do you need water?" Tumango ako kay KJ. "Don't leave and stay here" tumayo na siya para kumuha ng tubig. Pinagmasdan ko ang paligid. It looks like a fairytale theme debut. I am just really happy for Heather. Araw-araw niyang sinasabi ang ganitong klaseng debut ang gusto niyang maranasan na ngayon ay ito na. There are balloons in the ceiling, different lights and a red carpet. I would love to have this kind of party as well but I'd rather have a nice and peaceful dinner with my mom, KJ and tita Kelly. It seems that fairy tale is really not for me. Bumalik siya ng may dalang dalawang juice. Ininuman niya iyong isa at ang isa ay nilapag niya sa harap ko. "Thank you" ngumiti ako at tumango lang siya. We are waiting for it to start. Pinagmamasdan ko din si KJ na nandito lang sa tabi ko, may mga lumalapit at bumabati sa amin at nakikipag-usap sa kaniya at niyaya siya sa ibang table pero humihindi siya. Naguguilty tuloy ako, parang tama iyong sinasabi niya na pabigat ako sa kaniya kasi dapat niya akong alagaan, laging nasa paningin niya dapat ako. Maya maya ay biglang namatay ang ilaw at nagsimulang ipatugtog ang paboritong kanta ni Heather. Biglang natapat ang spotlight sa likod kung saan may two door entrance. Doon tumambad si Heather. She's wearing a gold and pink ball gown with his hair up. Pumalakpak kami para salubungin siya. She is all happy and smiles. Pinaupo kami ng MC at nagsimula na ang program. They started with some video clips of her behind the scenes photoshoot for her debut. Pagkatapos ay may ilang nagmessage at kami na ang sumunod. I waited for my turn and deliver my speech. "Happy Birthday Heather! I know you've been dreaming for a fairytale at here it is. I wish you all the happiness in the world because you've been wishing for mine everyday. I am thankful to have you as my friend who is willing to support and take care of me always. Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat sa'yo sa pagtyatyaga mo sa akin. I love you" Lumapit ako sa kaniya para yakapin siya. Kaya ayaw kong nagsasalita ng matagal dahil maiiyak kami pareho, ngayon pa lang na ganito ay naiiyak na kami pareho. Pinanood ko ang 12 roses niya, hinintay ko hanggang kay KJ para kunan sila ng litrato. Nag-uusap silang dalawa. KJ is shaking his head. Ano kayang pinag-uusapan nila? Mabuti na lang ay pumayag siya dito and thank you kay Heather dahil sa ginawa niyang pabor sa akin. "Mas gwapo naman ako diyan sa crush mo" pagsisimula ni Benedict na nakaupo na pala sa tabi ko. "Doon ka nga Benedict ang pangit pangit ng mga sinasabi mo" asar ko pabalik. "Ni hindi mo man lang ako nilalapitan Mira, porket kasama mo si Kith" he pouted. "Sorry naman okay" I pat his head because he hates it pero hinahayaan niya lang ako. "I'm glad you have Heather with you though" tintignan niya si Heather ngayon. "Ako rin, hindi ko alam kung paano ako kapag wala din siya" ngumiti ako ng tipid "She is a nice friend Mira" I know. Nagpalakpakan ang lahat ng natapos ang sayaw nila ni KJ. Tumingin siya sa pwesto namin at nakita kami ni Benedict. "Alis na ako baka mag-away ulit kami ng crush mo, pikonin pa naman iyan" Tinulak ko siya palayo dahil nagsisimula na naman mang-asar. Umiling ako habang siya'y tumatawa palayo kaya natatawa na rin ako. "What does he want?" Nilingon ko si KJ na naupo na sa tabi ko. "Nakipagkuwentuhan lang" ininuman ko iyong baso ko. Isinerve na iyong pagkain namin. Kanina pa sila nagseserve ng pagkain at hindi ko naman nauubos lahat. Sinasabihan pa ako ni KJ na sayang daw iyong mga pagkaing di ko naman nauubos. Nilapitan ko si Heather nang matapos na iyong debut niya para magpaalam. "Happy Birthday ulit" niyakap ko siya. "Thank you Mira sa pagpunta" habang yaka pa rin ako. "Nilagay ko na iyong gift ko doon, tignan mo na lang saka ingatan mo kasi baka mabasag" ngumiti ako sa kaniya. "Sorry kung hindi kita masyadong naasikaso" she pouted. "Bakit mo ako aasikasuhin Heather party mo ito kaya ikaw dapat ang inaasikaso" hinawakan niya iyong kamay ko. "Mauna na kami kasi gabi na din" tumingin ako kay KJ na nasa tabi ko. "Happy Birthday again Heather" tumango si Heather sa kaniya. Naglakad na kami palabas. Tapos na naman ang araw. Ayaw ko pa mang umuwi dahil gusto ko pa siyang makasama pero wala naman akong magagawa. Ang bilis talaga ng oras kapag masaya ka pero ang bagal kapag may pinagdadaanan ka. Why is everything so unfair sometimes. Hinatid niya ako sa bahay pagkatapos. "Thank you sa pagsama" sabi ko. He just nod. Nauna na akong pumasok sa bahay. I'm tired but happy, that's worth spending my time. "Ang saya saya ng party mo Heather" sabi ng mga kaklase ko ng pumasok kami ng lunes. Everyone's talking about Heather's party. Sino ba namang hindi, it's one of the biggest party. "Thank you ulit Heather, kung hindi dahil sa'yo hindi ko makakasama si KJ ng ganun katagal" ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya. "You're welcome, para pareho tayong masaya sa birthday ko Mira" tugon niya. "Pero hindi pa rin naman nagbabago iyong pagtingin niya sa akin" malungkot kong sabi. "Gusto talaga kitang maging masaya Mira kaya sinusuportahan kita kay Kith pero sana huwag mong lubusin iyong sarili mo. Sana ay kapag talagang masakit na, tama na" malungkot niyang sabi. Tumango ako. "Alam ko naman iyon" "Good, kasi ayaw ka naming mawala" pinisil niya iyong pisngi ko. "Ano palang pinag-usapan niyo? Nakita ko kasi kayong parang nag-uusap" Hinarap ko siya. "Wala naman, tinanong ko siya kung talagang wala ba siyang gusto sa'yo at kung talagang wala siyang nararamdaman" "Anong sabi niya?" Kuryuso ko. "Hindi siya sumagot Mira" nagsimula na siyang magsulat. Bakit naman? Madali lang naman sagutin iyon? Pero baka ayaw niya lang masira ang araw ni Heather dahil alam niyang magagalit siya kapag sinagot niya. "Nakapagreview ka na sa exam next week?" Isa pa itong exam na ito. "Hindi pa, I will start tomorrow night" sabi ko. "Alam mo buti ka pa nasa top 3 lang kahit hindi na magreview" ngumuso siya. "Kailangan ko pa rin magreview Heather, hindi naman ako gaya ni Benedict at ni KJ na hindi na kailangan magreview pa" tinignan ko iyong ginagawa niyang essay. Tapos ko na sa akin kahapon pa. I would love to write essays, poems and stories all day. "Tapos magproprom na tayo next month" excited na tugon niya. "Tapos graduation na" ngiti ko. "Speaking of prom, dapat ba magpatahi na tayo ngayon Mira?" Nag-isip ako ng kaunti. "After exam pa ang start ng prom campaign" maligaya kong sabi. Binibigyan kasi kami ng school namin ng tatlong araw na prom campaign para gumawa ng gimik or magtanong kung sinong gusto naming maging prom date. That's one of the perks of our school, it's cool isn't it? This year it's the girls turn, kaya hindi ko alam kung paano ko yayayain si KJ. "Sigurado naman akong si KJ ang magiging partner mo" sambit niya. "Malay mo kay Grace siya umoo" malungkot kong sagot. "Eh di unahan mo magtanong" sinimangutan ko siya. Kaya ko bang tanungin siya para sa prom? Ayaw ko namang humingu pa ng tulong kay mommy o kay tita Kelly, kaya nagagalit siya sa akin. I spent my weekdays and weekends the following days para magreview. Nakakabored lang siya lalo na kapag iyon lang ang ginagawa mo sa buong araw. "Mira nasa baba si KJ, mag-aaral daw kayo?" Napabangon agad ako sa sinabi ni manang. Wait ano daw? Tumakbo ako agad sa salamin para tignan ang sarili. I put some lip tint and powder to my face as if it will make a difference to KJ. Mabilisan akong bumaba para batiin si tita Kelly na katawanan na ni mommy sa living room. Si KJ naman ay nasa likod niya na nakabag pa, that's probably his laptop and notebooks. "Hi tita Kels" bumeso ako sa kaniya. "Sinama ko na si Kith para may kasama kang magreview, i-aim mo iyong top 2" kindat niya sa akin. "Tita talaga, hindi ko naman matatalo si Benedict" tipid kong ngiti "Naku, huwag mong bigyan ng idea 'yan Kelly baka mamaya hindi na 'yan matulog para lang magtop 2" umiiling na sabi ni mommy. "Mom we need to review" matigas na sabi ni KJ. "Okay okay, sige na go upstairs" nagexcuse na kami pareho at dumeretso sa kwarto ko. Inilapag niya agad iyong bag niya gaya ng lagi niyang ginagawa sa kama ko at dumeretso sa lamesa ko kung nasaan ang nagkalat ko pang notebook. Tahimik niyang in-on iyong laptop niya at iniscan iyong notebooks ko. "Are we going to review or what?" Nilingon niya ako. Naestatwa na kasi ako dito sa may pintuan at pinapanood siya. Dali dali akong lumapit at naupo sa tabi niya. He started comparing his notes to mine at tinignan ang mga nakaligtaan kong isulat. "Is science and math the only problem for you?" Tumango ako. "Okay let's start with math" nilagay niya sa isang tabi ang iba pang notebooks niya binuksan na ang notebook sa math. Nagsimula na siyang magtanong at magpaliwanag ng mga equations at problem sa math. Alam ko naman na iyong ibang basics, may mga nalilito lang talaga akong part. Pagkatapos sa science naman, nagtanong lang siya sa akin ng terms para marecall ko sa isip ko iyong mga nakakalituhan kong terms. "Did you get it?" Isinara niya 'yung mga notebooks namin pareho. "Oo pero ang hirap kasing isa-ulo" binasa ko ulit iyong binigay niya kaninang paper. "I told you before right? We don't have to memorize the terms we just need to understand them" tumango ako. "Pero kunwari sa may part na gaya nito may computation sa math tas mayroon din sa science. Naguguluhan na ako" mahina kong sabi. "Don't worry hindi naman laging sabay ang science andmath sa exam. You should know that by now and that means you are good" sumang-ayon ako agad. Nag-pop ang message sa laptop niyang battery low kaya tumayo siya para kunin ang charger nito. "f**k, I forgot my charger" mahina niya bulong sa sarili pero narinig ko naman. "Uh you can borrow my charger, pareho naman ata tayo ng laptop" pagprepresinta ko. Tumayo agad ako para kunin sa drawer iyong charger ko. Tama nga ako at pareho kaming dalawa nun. "You are wearing that watch" napatingin ako sa relo kong binigay ni mommy. "Mom just think it's more convenient for me" sagot ko. Inabot ko iyong charger sa kaniya na agad niyang tinanggap. "That's going to be very noisy" ang sinasabi niya ay kapag nagalert ito na hindi normal iyong heart rate ko. "Hindi pa naman siya tumunog nitong mga nakaraang linggo" tugon ko. "But that doesn't still change anything" huminga ako ng malalim. Alam ko. "Kumain daw muna kayo" kinatok kami ni manang para sa dinner. Sabay kaming bumaba para magtungo sa dining area. "Tapos na kayo sa pagrereview?" Tanong ni tita Kelly. "Tapos na po niya akong turuan tita" sagot ko. "Mabuti na lang at mayroon si Kith na nagtututor kay Mira" nakangiti si mommy kay Kith. "Bakit naman hindi? It's for their future" uminom siya sa kaniyang tubig. "As long as Mira is happy Kelly, walang problema sa akin ang kahit ano alam mo 'yan" nagcheers pa silang dalawa. "And I am thankful to Mira for liking my son" ngumiti si tita sa akin. Alam ko na ayaw na ayaw ni KJ na pinag-uusapan ang mga ganitong bagay. He's just quietly eating dito sa tabi ko. Bakit hindi na lang niya sabihin sa mommy niya ayaw niya sa akin. "Mom we are still young" sa wakas ay nagsalita siya. "Oh you! Syempre alam namin iyon mag cocollege pa kayo at magtatapos plinaplano lang naman namin ng tita mo ang makakabuti para sa inyong dalawa" Umiling lang si KJ at sumubo na ulit. "Anyway, How is your prom dress Mira? Nakahanap ka ba ng damit?" Tanong ni tita. "Hindi pa po, hihintayin ko pa pong matapos ang prom campaign bago maghanap" napatingin ako kay KJ na kumakain pa rin. "Why would you wait for the prom campaign iha, of course KJ will be your date hindi ba anak?" tumingin kaming lahat sa kaniya. Hindi siya nagsalita pero tumango lang siya. "See, so nevermind the prom campaign, maghanap ka na ng damit or better yet sabay na lang kayo ni KJ magpatahi" sumang-ayon agad si mommy. Tumahimik na lang ako. "Balita ko ay babae daw ngayon ang maghahanap ng date sa prom" excited na sabi ni mommy. "You should plan to ask Kith then Mira pero umoo naman na ang anak ko" ngumiti siya sa akin. "Uh? Hindi ko pa po alam ang gagawin" how can I ask him about prom. I bid my goodbye to them after dinner. Natulog na din ako pagkatapos para hindi ma-overload iyong utak ko para sa exam. Students are always early when it's exam days. Kapag na late ka, mas kaunti ang oras mong sumagot sa mga exam mo and of course no one likes that lalo na school namin because despite everything, academic is the main focus ng mga mag-aaral dito, lalo na at nageexpect ang mga magulang nila. "May plano na ba kayo para yayain ako sa prom?" Kinukulit kami ni Benedict porket tapos na siya sa pagrereview. "Huwag kang feeling Benedict, bakit ka naman namin yayayain at saka may date na si Mira" hindi makapagpigil si Heather na sumagot. "Bakit sigurado ka bang papayag 'yung crush mo?" Binatukan siya ni Heather "Alam mo Heather hindi naman ikaw iyong inaasar ko pero ikaw lagi iyong nananakit" hinahawakan niya iyong parteng binatukan ni Heather "Huwag mo nga kasing sabihin 'yang mga 'yan, inuunahan mo" inirapan siya ni Heather. "Heather go back to your seat ,you two are noisy there" sita ni ma'am. Study period kasi namin at sila lang talaga ang maingay. Ako man ay hindi na sila pinapansin dahil ayoko talagang bumagsak sa exam. Dalawang araw lagi ang exam namin and the remaining three days for this week ay nakalaan sa prom campaign. Nang magbell ay tinago namin agad ang mga reviewers. Tumayo na din si ma'am para icheck iyong mga upuan namin. She even instructed us to put our bags in front and the only time that we can go out is if tapos na kami sa exam for that hour dahil kapag lumabas ka kailangan mo nang ipasa iyong papel mo and hindi mo na makukuha ulit. It started easy, or maybe because I reviewed kaya alam ko iyong mga sinagot ko. Sinulyapan ko si KJ na abalang abala sa pagsagot. Relax na relax lang. I finished mine on time, pero kahit maaga ka matapos ay hihintayin mo iyong bell at sabay sabay magpasa. "Sigurado ka ba talagang si Yuchengco ang idadate mo sa prom?" Nilingon niya ko. "Akala ko ba gusto mo lagi akong masaya Ben?" I pouted "Exactly Mira, and he" turo pa niya kay KJ "Will never make you happy" He is wrong though. He makes me happy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD