5

3240 Words
Hindi ko alam kung kaya kong pumasok noong lunes 'nun. I wonder what they are thinking? Siguro ang ilan sa kanila ay iniisp na masyado na akong ambisyosa para magustuhan talaga ni KJ or maybe they will pity me. "Huy" akbay sa akin ni Benedict nang magring iyong bell. 7:30 na pala? Bakit hindi ko namalayan. "Lika na, baka malate tayo magkarecord pa" tumango ako Pumunta na kaming classroom para ilagay iyong bags namin. Of course monday is flag ceremony day. Magtitipon kami sa hallways para dito. "Ang sakit ng katawan ko Mira" reklamo ni Heather nang madatnan ko siya sa linya. Minasahe ko iyong balikat niya, ngumiti agad siya nang malaki. "Bibigyan kita ng invitation mamaya para sa birthday ko" tumango ako. Excited na ako sa birthday niya. She's been dreaming of having this kind of birthday sobrang iba sa gusto kong birthday pero natutuwa ako para sa kaniya. She will be having that party on saturday and I'm sure no one's going to miss it lalo na dahil isa naman talaga sa pamilya ni Heather sa mga kilalang tao dito. Her mom and dad are both doctors. "Absent daw si ma'am ngayon sabi ni Kith" rinig kong sabi ng mga lalaki. "May substitute bamg pupunta mamaya?" tanong ng mga babae. "Wala ata may hawak na activity sheet si Kith kanina" nag yes naman silang lahat agad. Nagsimula na ang flag ceremony, the usual singing and reciting. Pagkatapos may kaunting announcement iyong principal namin regarding our quarterly exam. We all groaned in frustration. Bakit ang bilis bilis ng phase ng school year. "Benedict paano na nga ulit dito?" Kalabit ko kay Benedict sa harap ko nang ibigay ni Kith iyong mga activity namin for science. Bawal kasi kaming magtingin sa notebook o sa mga libro. We need to rely on our knowledge. Nilingon niya ako agad para iexplain iyong hindi ko naiintindihan. "No talking to your seatmates" striktong sabi ni Kith Nakaupo kasi siya ngayon sa teacher's table at siya ang nagbabantay sa amin. Ang sungit sungit niya talaga. "May tinatanong lang naman" pagdadahilan ko. "Kung may tanong kayo sa akin, I am the one assigned for this activity" tugon pa niya. Susungitan niya lang naman ako pero tumayo ako para lumapit sa kaniya. Dahan dahan pang inilapag iyong activity sheet ko sa table para ipakita sa kaniya. "Anong hindi mo naiintindihan?" Tinignan niya ang tinuro kong number. Nagsimula na siyang magpaliwanag, inisa isa pa niya iyong terms na medyo naguguluhan ako. Tumatango lang ako habang tinitignan ang paraan niya ng pagtuturo. Ang amo amo naman ng mukha niya pero bakit pinipilit niyang magsungit sa akin, hindi naman niya bagay. "Do you understand?" Tumango ako Ibinigay na niya agad iyong activity sheet ko. Dapat ba sabihin ko hindi ko pa rin naiintindihan para nagtagal ako sa tabi niya? Pero baka kasi mas lalo lang siyang mainis. We finished the activity in time, noong nagbell, pinasa agad namin ito. Our adviser is strict when it comes to passing our requirements well lahat naman ng teachers namin ganoon pero may teachers na pagbibigyan ka basta nagexplain ka pero iyong adviser namin kapag ontime eh ontime talaga. Our class goes on as usual as any normal day for us senior high schoolers. Nakakainip minsan iyong ganito lang lagi araw araw mong ginagawa, buti na lang you have your own friends. "Oh huwag na huwag kang mawawala Mira ah! Kahit magdala ka ng tagabantay mo okay lang basta pumunta ka!" Tumango ako Pinagmasdan ko iyong pink and gold na invitation na ibinigay ko. Habang binabasa ko ay nakita ko ang 18 candles, my name is there ganoon din ang pangalan ni KJ at Benedict sa 18 roses. Siguradong dadalo siya nito. "Nilagay ko si Kith para may rason na pumunta siya para masaya ka naman" niyakap ko siya agad. Hindi rin naman kasi talaga sila close kahit magkakaklase kami noon. Masyado daw out of radar ni Heather ang kaibiganin ang isang Kith. She is just some of the people na hindi naaattract kay KJ. Well she admits nagwagwapuhan siya because you can't deny it pero hindi niya daw type ang mga masusungit na tao. "Magkaibigan nga kayong dalawa" tintignan kami ni Benedict habang ngumunguya noong burger niya. Naglalakad kasi kami ngayon sa hallway pabalik ng classroom. Katatapos lang naming bumili ng pang recess. Inumin lang ang binili ko samantalang sa kanilang dalawa ay sandwich at burger. "Pakialam mo ba? Wala ka kasing kaibigan" balik na asar ni Heather. "Hoy Heather ako unang naging kaibigan ni Mira" hila sa akin ni Benedict. "Anong ikaw excuse me sampid ka lang naman sa aming dalawa" natatawa na lang ako habang pinag-aagawan nila akong hilain. Biglang may naramdaman akong basa sa likuran ko. Nabunggo ko pala ang nanggagalaiti na ngayon sa galit na si Grace. Basa ang likod ko at basa din ang sa may harapan niya. "Oh my gosh! Tama ba kasing magharutan sa hallway" galit na galit niyang sabi habang pinupunasan iyong damit niyang basang basa ng iced tea. "Sorry" inilabas ko ang panyo ko para tulungang punasan iyong kanya pero hinawi niya lang. "Alam mo siguro may galit ka talaga sa akin kasi pinapansin ako ni Kith at ikaw ay hindi!" Inirapan pa niya ako. "Kita iyong panloob mo Grace" bulong sa kaniya ni Victoria. Namula agad siya dahil na rin siguro sa hiya. May biglang nagbalot sa kaniya ng hoodie nang makita kung sino iyon ay kumirot agad iyong puso ko. "KJ" natahimik kaming lahat agad. "Na naman Mira Kael?" Sasabihin ko sanang hindi ko sinasadya pero nakakapagod rin pala. Inalalayan niya palayo si Grace. Ako ay nanatiling nakatayo doon. Maya maya ay naramdaman ko na ang paglalagay ni Heather ng towel sa loob ng damit ko para hindi malamigan iyong likod ko. "Baka si Grace naman talaga ang gusto ni Kith kaya galit na galit siya sa engagement announcement dati ng family nila tapos kaya galit na galit si Mira kay Grace" rinig kong bulong ng mga kaklase ko at ibang estudyante. "Tara na" inalalayan ako palayo ng dalawa kong kaibigan. Hindi kaya ganoon nga? Na hindi naman talaga ako ng gusto niya at si Grace naman. Grace is beautiful may ari ng isang skin clinic. She is also in top 10 of our class and her attitude? I don't even want to start. "Iniisp mo na naman iyong narinig mo huwag ka ngang ganiyan Mira" pinupunasan niya pa rin iyong likod ko habang nakaupo na ako sa classroom. Wala pa rin sila, hindi ko alam kung saan dinala ni KJ si Grace pero naiinggit ako. Mali ba iyon? Mali ba na pangarapin din na maging concern siya sa akin na hindi dahil sa mommy ko o dahil sa sinabi ng mommy niya? Tinignan ko si Benedict na kinakalkal iyong bag niya. May dala daw kasi siyang white t-shirt at ipapahiram na lang sa akin. "Sabi kong huwag mo kong titignan ng ganiyan Mira ganun pa rin ang sasabihin ko sa'yo pero hindi ka naman nakikinig" naiinis niyang sabi. Sinamahan ako ni Heather magpalit. Gusto ko na naman umiyak pero dahil sa sinabi ni Benedict ay pinigilan ko na lang. "Bakit kasi gustong gusto mong sinasaktan iyang sarili mo" tinutupi na ngayon ni Benedict iyong uniform kong basa ng iced tea. Napalingon ako sa kapapasok lang na si Grace. Suot suot iyong t-shirt ni KJ na pinamprapractice niya ng basketball. Siguro nga tama sila, siya ang gusto at hindi ako. Sa likod niya ay si KJ na nakapamulsa at deretso sa upuan niya. "Eyes here Vedano" binalik ko ang tingin ko kay Benedict na ngayon ay matalim akong tinitignan. "Try mo kayang mahalin naman sarili mo. Try mo lang Mira, wala namang mawawala" ngumuso ako. Mahal ko naman sarili ko a kaya ko nga sinusunod iyong puso ko kasi si KJ ang nagpapasaya noon pero napapasaya pa rin nga ba talaga niya ako? "Hindi yan pagmamahal Mira kung nasasaktan ka" mahina niyang sabi. "Bakit anong alam mo sa pagmamahal?" Kontra ni Heather. Siya naman ngayon ang naglalagay na ng uniform ko sa bag ko. "Pigilan mo nga yang kaibigan mo Heather, bakit kasi hindi ka na lang maghanap ng iba" iiling iling pa siya. "Sino naman? Ikaw?" Dinilatan siya ni Heather "Sinabi ko bang ako?! Ha? Ha?" Tinulak na niya si Heather palayo sa kaniya. Hindi ko na lang sila sinagot. Kinuha ko na lang iyong telepono kong tumunog galing sa mommy ko. Mommy:anak sumabay ka na muna kay Kith, your driver needs to go home dahil manganganak ang asawa niya kaya pinagbigyan ko na. Do you want me to call Kith? Now paano pa ako sasabay sa kaniya nito. "Benedict hahatid mo ba ako mamaya kung wala iyong sundo ko?" Napatigil sila sa bangayan dahil sa tanong "Yeah sure pero asan muna driver mo?" Tanong niya. "Emergency sa bahay nila" tumango agad siya. Ako:okay po mommy, ako na po bahala don't bother na po. "Samahan mo na din akong mall" tumango ulit siya. "Sama ako" inaayos na ni Heather ngayon iyong buhok ko. "Hindi puwede, ngayon ako bibili ng regalo mo" "Talaga? Oh sige pero hindi mo naman na kailangan bumili" maligayang tugon niya. "Talaga ba Heather? Ikaw pa ba?" Nagsisimula na naman sila. Sasagot pa sana si Heather pero tumunog na iyong bell kaya itinali na niya iyong buhok kong trinitrintas niya at bumalik na sa upuan niya. Pumasok ang literature teacher namin, dala dala ang isang box na may lamang mga project namin. Gumawa kami ng sarili naming story, pina bookbind at saka pinasa. Ngayon niya pala ibabalik. I love writing essays, stories and poems specially when they are all reflection of what I feel. I want to be a writer someday kung mabubuhay pa sana ako pero hindi ko pa nasasabi kay mommy. She expects me to work for our business. Pipigilan kaya niya ko kapag sinabi kong gusto kong magsulat buong buhay ko? I also have stories and compilation of essays and poems online. So far my stories got a lot ot views and even my compilations have positive reviews and comment. I hope I can someday publish my own work. Sana kung bibigyan pa ako ni Lord ng chance mabuhay. "Of course, as expected to Mira Kael. She got a perfect score" nagpalakpakan ang mga kaklase ko Tumayo ako para kunin iyong librong naisulat ko na matagal na. I didn't published it online, hindi ko din alam kung bakit hinayaan kong basahin ito ng literature teacher namin. Maybe because I just wanted to have his opinion. "Why don't you pass that to some publishing house I'm sure they will publish your work kaya lang ang lungkot ng ending Mira" ngumiti ako ng tipid. It's my own life story and I decided to kill the main character in the end. Sa hirap ng pinagdadaanan niya sa buhay I just decided to just free her from anything. Sana ganoon din ang buhay. "Hindi ko po siya sinulat para sa happy endings" tumango naman si sir. "But I love how you use the daisy oracle in there it gives me a lot of memories" ngumiti ako kay sir. "Bakit sir ginagawa mo po ba iyon noon?" Umiling siya. "Hindi naman pero you know it gives me a lot of thoughts" ngumiti siya ng tipid. "The oracle of daisy makes it more sad rather than the ending Mira" nagthumbs up pa siya. Nagpasalamat ako agad at saka bumalik na sa upuan. The last petal on the daisy I sometimes think I should revise the ending of my story. Dapat ay deserve niya ang happy endings kahit man lang sa libro ko kasi hinding hindi ko iyon makukuha sa totoong buhay but then I will expect more. Expecting is worse than dying, it's more painful. Nang matapos ang buong klase namin maghapon, sumunod na ako agad kay Benedict sa sasakyan niya. What should I buy for Heather? "Nagpaalam ka bang ako ang maghahatid sa'yo?" Habang binubuksan nito ang pintuan. "Hindi pero alam naman niyang sasabay ako kay KJ at hindi naman din papayag iyon kaya okay lang bakit kikidnapin mo ba ako?" Irap ko sa kaniya. "Bakit? Hindi ba dapat matuwa ka kasi sa kaniya ka sasabay? Alam mo na nahahalata ko lagi na lang akong second choice. Masakit iyon Mira" hawak pa niya sa dibdib niya. "Alam ko" mahina kong sabi. Naalala ang sitwasyon ni Grace at KJ. "Ayan na naman po siya, sumakay ka na nga" nauna na siyang sumakay. Bubuksan ko na dapat ang sasakyan niya nang may humila ng kamay ko. "What are you doing?" Nagulat ako kay KJ. Nakapang basketball jersey siya at hawak ang isang bola. "Uuwi na ako" simpleng sagot ko. "Binilin ni tita na sa akin ka sasabay" matigas niyang sabi. "May practice ka diba? Tas dadaan ako ng mall" ayaw ko siyang tignan Alam kong galit niyang mga mata na naman ang makikita ko. Maalala ko ulit iyong mga pagkakataong pinaparamdam niyang hindi naman niya gusto lahat ng ito. "Sa akin ka nga sasabay" lumabas si Benedict sa kotse niya. "May problema ba Mira?" Nakatingin lang siya sa akin, hinihintay ang sasabihin ko. "Umuwi ka na Benedict, ako ang maghahatid sa kaniya pauwi" hinila na niya ako paalis pero nahawakan naman ni Benedict iyong isa ko pang kamay. Napakagat ako ng ibabang labi. Pinagtitinginan na kasi kami dito sa parking lot. Tatanggi na sana ako kay KJ kasi alam kong galit pa siya sa akin dahil kanina. "Kay Benedict na lang ako sasabay, may lakad kasi kami" mahina kong sabi. "Narinig mo si Mira, Yuchengco bitawan mo na kamay niya" yumuko ako dahil sa titig niya. "Stop bothering my fiancee and get your own, Saguin" si KJ na mismo ang nanghablot ng kamay ko kay Benedict at hinila palayo. "Sige Yuchengco, inaangkin po tapos ginagago mo naman" narinig kong sabi ni Benedict. Dumiretso kami sa gymnasium, hila hila niya ako papunta sa upuan kung nasaan ang ibang gamit ng mga kateam mates niya. Inilapag niya sa tabi ko ang bag niya at tumbler. "Stay here and wait for me" Matigas niyang sabi at saka nagjog papunta sa mga kasama niyang nagwawarm up. Kinuha ko iyong cellphone ko, tatawagan ko na lang si Benedict dahil alam kong nagdridrive siya at hindi makakapagreply sa akin. Sa unang ring ay sinagot niya agad. "Sorry" mahina kong sabi. Naririnig ko ang pagstart ng sasakyan niya. Nasa parking lot pa siya? "Will you be fine?" Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. "Should I buy the gift for you?" Suhestiyon niya. "Bukas na lang ako bibili Benedict pero salamat" ngumiti ako. "Call me if anything happens" nagpaalam na ako. I watched every game of his, hindi ko pinalampas lahat ng laro niya kahit masama ang pakiramdam ko. I just want to be there for him. I want to be the first one to congratulate him when they win and I want to be the first one to comfort him when they lose. Kahit sa malayo lang, kahit palaging nasa gilid lang naman talaga ako at hindi siya nalalapitan. I always dream of giving him his enerygy drink before the game or give him water when he is in the middle of the game or hug him when he finish the game pero syempre hanggang doon lang iyon. Pinanood ko kung paano siya nag-eenjoy sa tuwing pinapasa niya iyong bola, pag nagdridrible at kapag nakakashoot. Masaya ako parati para sa kaniya and I am so proud of him. Alas sais na nang matapos ang practice niya. Isa isang lumapit iyong mga kateam mates niya dito kung saan ako nakaupo para sa mga bag nila. "Ate Mira andito ka pala" tanong ng isang grade 11 student. "Hello" bati ko sa kanila. Lumapit na din si KJ sa akin, kinuha niya iyong tumbler niya sa tabi ko at sinimulang inumin. Nakatingin siya sa akin habang ginagawa ito. Pawis na pawis siya, medyo basa din iyong buhok at damit niya dahil sa pawis. "Wait here" sabi niya at naglakad papunta sa locker room nila. "Mira?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. "Kuya Tristan" tumakbo ako para yakapin siya. He is KJ's cousin from father side, nag-aaral siya dito pero nasa college department siya. Hindi ko siya madalas makita dahil iba ang building nila sa building namin. "Ginagawa mo dito? Wala kang kasama?" Nakangiti niyang tanong. Sasagot sana ako nang si KJ ang sumagot galing sa gilid. He's wearing his uniform again. "Kuya" bati niya. "Ikaw ba ang kasama niya?" Tumango siya. "Kaya pala andito 'to sa gym" inakbayan niya pa ako. "Kumusta training mo? Champion na ba pag interschool?" Varsity din kasi si Kuya sa volleyball nga lang. "Hindi ko pa napapanood game ng ibang school eh kuya" sagot niya. "Uuwi na ba kayo?" Tumingin siya sa akin at saka inayos iyong buhok kong nagulo niya. "Opo" "I thought you are going to the mall?" Tinignan ko agad si KJ. "Huh? Eh gabi na at saka pagod ka na kaya bukas na lang ako pupunta" "No we are going today" matigas niyang sabi. "Oh kung ganun, mauna na kayo kasi baka mas gabihin kayo" binitawan niya ako at saka nagpaalam niya. "Why are so close with Kuya Tristan?" Habang naglalakad kami papuntang parking lot. Nagkibit balikat ako. Hindi ko din alam pero kinakausap naman niya kasi ako kapag nagkikita kami sa labas kaya ganoon. "Ano ba dapat ang bibilhin niyo ni Saguin sa mall?" Tanong niya sa akin sa loob na ng sasakyan. "Regalo ni Heather, okay lang naman talaga kung hindi tayo pupunta doon ngayon" I insist He looks so tired kasi. Baka lang naman. "I told you we are going there now, what's the difference kung pupunta ka rin lang doon bukas" pagsusungit niya. Tumahimik na ako. Hinintay na lang na makarating ng mall. Magkatabi kami dito sa likuran ng kotse nila, nasa kabilang gilid siya. Nakapikit at nakasandal na ang ulo sa gilid. "Andito na tayo Kith, Mira" sabi ng driver nila kaya agad kaming lumabas. This is the first time we will go together sa mall, naexcite ako agad. I wonder why he agreed to do this. "Basta huwag kang magtatagal" sabi niya ng pumasok kami sa isang shop Bibilhan ko siya ng snowball pero hindi ko alam kung anong kulay ang bibilhin. One is gray and the other is white. "What should I buy?" Tinanong ko siya. Nasa kabilang shelf siya at nagtitingin ng mga powerbank na nakadisplay doon. Nilingon naman niya ako, kinunot ang noo. "You are her friend, bakit ako ang tinatanong mo, dapat ay mas alam mo iyan" sagot niya at binalik agad ang tingin sa mga hawak. Kinuha ko agad iyong gray, nang papunta sa counter ay muntik pang matumba dahil sa nakabanggang babae. Mabuti na lang ay nahawakan ko iyong snowball. Mabuti na lang din ay nahawakan ni KJ iyong beywang ko para pigilan sa pagkakatumba. Nagkatinginan kami, he is looking at me with worried eyes or guni guni ko lang iyon. Umiwas na ako agad ng tingin dahil pinamulaan na ako. "Be careful" matigas niyang sabi "Thanks" nahihiya kong sagot. Binili nga namin iyong snowball. Akala ko pa naman ay maglilibot kami pero hindi dahil lumabas na kami agad at pumunta sa kotse. Hinatid niya ako sa bahay. Hindi na siya bumaba dahil gabi. "Dito ka na lang kumain" alok ko bago ko isara ang pintuan ng kotse niya. "Mom's waiting" tumango ako at sinara na iyong pintuan. Nagbusina si kuya driver bago tuluyang nawala sa paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD