Akala ko tutulo na naman iyong luha ko sa mga sinabi niya pero this passed few days parang nasasanay na ako sa kaniya. 11 years at hindi pa ba ako masasanay? Malungkot si Heather nang binalita ko sa kaniya iyong nangyari pero masaya daw siya para sa akin.
"Ano ba yan? Akala ko naman magkagrupo tayo" Heather sighed.
"Pero syempre gusto mo pa rin kasi si Kith naman ang kasama mo di ba?" Ngumiti ako agad at saka tumango.
"Okay na iyon basta masaya ka" ngumiti si Heather
"Alam mo minsan Mira naiinggit ako sa'yo kasi nakukuha mo iyong gusto mo. Nakakasama mo Kith at ang tapang mo sa mga gusto mong gawin" ngumiti si Joana.
"Mali ba iyon?" Umiling sila agad.
"Syempre hindi, bakit naman mali iyon? Si ma'am pa rin naman ang nagdesisyon at saka kung ako ikaw syempre masaya din ako kasi makakasama ko iyong taong gusto ko" ngumiti si Joana.
Mabait ba talaga sila sa akin o mabait lang kasi may sakit ako? Napaisip tuloy ako sa sinabi ni KJ.
"Mali ba na lahat ng gusto ko nakukuha ko kasi may sakit ako?" Wala sa isip kong tanong.
"Hindi! Huwag mo ngang isipin 'yan Mira. Hindi mo naman ginusto iyang sakit mo" tugon ni Heather.
"Oo nga! Kung nirequest ng mommy niya or ng mommy mo man, ibig sabihin lang nun nag-aalala sila. Kung iyong parents ko din naman ganun kapag may ganiyang sakit ako" pagsang-ayon ni Joana.
Tumayo bigla si Heather at saka kinuha iyong bag niya.
"Huwag mo na nga iyong isipin, mabuti pa lumabas muna tayo para pumunta sa souvenir shop, siguradong hindi na tayo makakapunta doon kapag nagstart iyong mga activity" tumayo na din si Joana.
Pero ako, nanatiling nakaupo sa kama. Parang wala naman kasi ako sa mood mamasyal. Kanina lang sa bus ang saya saya ko tas ngayon hindi ko na naman napipigilan iyong mga iniisp ko.
"Halika na! Hayaan mo na si Kith, bakit kasi hindi ka pa nasanay sa kaniya" ngumiti ng tipid si Joana at saka hinila na ako palabas ng room.
Hindi na nakakagulat kung madami kaming kaklase na namamasyal. Pare-pareho kasi kami ng iniisip din at tama si Heather, hindi na namin ito magagawa pag nagsimula iyong mga activities kaya ngayon pa lang sinusulit na namin.
Nasunod iyong gusto ni Heather, pumunta kami sa souvenir shop. Madaming mga kaklase namin ang nandoon din, nagsisimula nang bumili ng kung ano ano.
"Mira, a daisy keychain" turo ni Heather sa mga random keychains na nakaayos sa isang shelf.
Ngumuso ako, because I remeber doing the daisy oracle when I was in high school. Si Heather ang lagi kong kasama. Iyong daisy oracle ay iyong parang laro na habang tinatanggal mo iyong petals ng daisy tas sasabihin mo iyong he loves me at he loves me not. Sa huli laging he loves me not naman iyong nachachant ko. Kapareho din nito iyong anklet ko.
Sobrang naalala ko pa iyong mga panahon na iyon. I would really go every day in the park sa subdivision namin para lang mamitas ng daisy tas gagawin ko iyong chant o hindi kaya sa garden ng school namin. Magpapasama naman ako kay Heather para lang gawin iyon.
One day KJ saw me and he told me I am just wasting my time and it's ridiculous.
Naisip ko tuloy kung bibilhin ko para ibigay kay KJ. Hindi naman siya as in pambabae na keychain, it's a wooden iyong daisy na charm niya.
"Sige na bilhin mo na" ngumiti si Heather, alam ang iniisip.
"Ate may gift box kayo para dito?" Pumunta ako sa counter para bilhin iyon.
Binigyan ako ni ate ng blue and white box, kapareho noong kulay ng Vitalis. Hindi ko naman alam kung magugustuhan niya pero malay mo lang. Puwede niyang ilagay sa car keys niya o hindi kaya sa susi ng kwarto niya.
"Good luck Mira!" bulong ni Joana.
Nandito na kasi kami sa shore, nahanap namin siya na nakikipag-usap sa mga iba naming kaklase. Nandito rin iyong iba naming kaklase at nangunguha ng picture.
"Hayaan na natin sila Joana, hayaan mo na si Mira bili tayong shake. Mainit" hinila na niya si Joana pabalik sa taas.
Napalunok ako habang unti-unti akong naglakad palapit sa kaniya. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Nang mapansin ako ng mga kasama niya ay nagpaalam agad sila. Kumunot ang noo niyang nakatingin sa akin habang hinihintay ang sasabihin ko.
"What now?" Napakagat ako ng labi.
"'Mira Kael, don't waste my time" sabi niya pa ulit.
Inilahad ko iyong dalawang kamay ko na may hawak na maliit na paper bag. Laman nun ay iyong box na keychain. Tinaggap niya naman
"What's this?" Sinimulan niyang buksan ito.
Sinuri niya iyong keychain. Naghihintay akong masungitan. Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa isip ko at binigay ko pa ito. Baka nageexpect ako na mag-iba iyong isip niya at tanggapin niya kahit ito lang.
"You..." dinilaan niya iyong labi niya at saka tumingin sa akin ng matalim.
Yumuko ako, some of our classmates are looking at us.
"Sa tingin mo ba? Tatangapin ko 'to" Seryoso niyang tugon.
"Baka lang naman..." hindi ko tinuloy iyong sasabihin ko.
Itinapon niya iyong keychain sa dagat. Napatingin ako nang gulat na gulat sa ginawa niya.
"Hindi ako tatanggap ng kahit na ano galing sa'yo alam mo 'yan" tumulo na ang mga luha ko.
"Uy! Kith sobra naman 'yan" sabi ng isa kong kaklase.
"Huwag kang makialam dito" sinamaan niya ng tingin ang kaklase ko kaya napaatras ito.
"Don't give me things like that again" at saka naglakad na palayo.
Napaluhod tuloy ako sa buhangin, nakakahiya tapos ang sakit sakit pa. Hindi man lang siyang nagdalawang isip na itapon iyon. Tinignan ko iyong dagat, wala sa isip akong naglakad doon. Hindi ko alam kung anong iniisip ko pero sinulong ko iyong dagat, hahanapin ko iyon. Tumutulo pa rin iyong luha ko habang deretso akong naglalakad sa dagat. Hinahanap iyong keychain. Para akong kawawa.
"Uy si Mira pigilan niyo" nagpapanic na rinig kong sabi ng mga kaklase ko.
"Mira uy! Lika dito" sigaw ng isa kong kaklase pa.
"Tawagin niyo si ma'am bilis" rinig ko pa.
"Mira" tawag nila.
I wonder why people call my name but never try to really approach me.
Hindi ko na alam kung anong ginagawa ko. Nasa dibdib ko na rin iyong tubig. Ang tanging naisip ko na lang ay hanapin iyong keychain. Kung ayaw niya, akin na lang.
"Benedict si Mira!" Maya maya ay may lumusong sa dagat para lapitan ako.
Hinawakan ni Benedict iyong magkabilang braso ko. Galit na galit iyong mga mata niyang nakatingin sa akin habang ako iniisip pa rin iyong nangyari.
"Nababaliw ka na ba talaga? Anong ginagawa mo?!" Pasigaw niyang sabi.
Para kaming tanga dito sa dagat. Galit na galit pa siya kaya mas lalo akong naiiyak.
"Iyong keychain ko" idinikit ko iyong noo ko sa dibdib niya.
"Mira naman, para lang doon?!" Frustrated niya pa ring sabi.
"Bakit ba ayaw niya sa akin?" Mahina kong sabi habang sinusuntok ko iyong dibdib niya.
"Tama na kasi" mahina niyang sabi.
Mas lalo akong umiyak. Paano naman kung ayaw ko?! Ayoko!!!
Biglang nanikip iyong dibdib ko. Napahinto iyong ginagawa kong panununtok sa dibdib niya. Naramdaman niya kaya iniharap niya ako. Napansin niya agad na iba na iyong paghinga ko at mukha ko kaya hinila niya ako agad papunta sa dalampasigan. Nang makarating kami binuhat niya ako. Hindi ko magawang kumalma kaya parang mas lalo pa atang naninikip.
I woke up in an unfamiliar place, probably the resort's infirmary. Inadjust ko agad iyong mga mata ko para mas malinaw na makita iyong paligid ko. Hinanap ko agad si KJ pero naalala ko iyong nangyari kanina. Nilapitan ako ni Heather at ni Benedict.
"Nahanap ba iyong keychain ko?" Malungkot kong tanong.
Umiling si Heather, si Benedict naman masama pa rin iyong tingin sa akin.
"Mira naman, iyon pa rin ba?! Muntik ka na naming itakbo sa hospital!" Tugon niya
"Sorry, pinag-alala ko kayo" yumuko ako.
Napabangon ako nang maalala ko si mommy.
"Si mommy? Sinabi ba?" Tanong ko.
"Kausap sa labas ni Kith sa telepono, sinisermonan ata ng mommy niya din" sabi ni Heather.
"Buti nga sa kaniya" umiling pa si Benedict.
Lumingon kami sa KJ na papasok sa kwarto. Pumwesto siya sa may paanan ng kamang hinihigaan ko. Nakatitig lang siya sa akin at lumapit para iabot ang telepono niya. Tinanggap ko agad dahil alam kong si mommy iyon.
"Mommy" bati ko sa kaniya.
"Mira naman!" Pagod niyang sabi.
"Sorry po" sabi ko na lang.
"Ano bang ginagawa mo?! Papunta na kami ngayon diyan ng tita Kelly mo at iuuwi kita. No buts Mira" yumuko ako.
Wala naman kasi akong magagawa. Kasalanan ko kaya hahayaan ko na lang siya. Minsan naguguilty na ako sa mommy ko dahil lagi na lang siyang nag-aalala sa akin.
"Okay po" mahina kong sabi.
Nagpaalam na siya. Iniabot ko kay KJ iyong telepono. Binulsa niya agad, nakatitig pa rin siya sa akin. Hindi ko siya magawang tignan ngayon.
"Tubig Mira?" Nag-salin si Heather sa baso, tinanggap ko at nagpasalamat.
Pumasok ang adviser namin.
"Benedict and Heather, you both can go back and take your dinner. Kami na ni Kith ang maghihintay sa magulang ni Mira" anunsyo siya.
"Bakit mananatili si Kith dito ma'am eh siya naman iyong may kasalanan nito" panggagalaiti ni Benedict.
"Benedict!" Suway ni ma'am
Sumunod pa rin naman sila. Lumabas din iyong adviser namin para abangan daw iyong magulang namin.
"Are you happy that everyone got your attention?" Tinignan ko si KJ.
Hindi ko naman iyon intensyon.
"You are so lucky Mira Kael, umiyak ka lang, gamitin mo lang iyang sakit mo pagkatapos ay mapapasunod mo silang lahat" umiiling niyang sabi.
Yumuko ako, gusto kong umiyak ulit pero parang pagod na rin iyong mga mata ko. Nakakapagod din pala 'to? Masyado na ba akong martyr? Naglakad siya papunta sa labas. Iniwan ako doon mag-isa.
Maya maya pa ay dumating na din si mommy, nakaready na pala iyong gamit ko sa labas at talagang uuwi na kami. Hindi man lang ako nakapagpaalam na kay Heather man lang. Tinignan ko si KJ ulit na kinakausap sa hindi kalayuan ni tita Kelly.
"Sorry na po talaga mommy" ikinawit ko iyong braso ko sa braso niya.
Huminga siya ng malalim.
"Huwag mong uulitin iyon Mira! That is very dangerous!" Pagalit niyang sabi
Tumango ako. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa.
"Let's go" lumapit sa amin si tita Kelly at KJ.
"Thank you ulit Kith at pasensya ka na lagi sa anak ko" ngumiti nang tipid si mommy.
Tumango lang si KJ. For the first time in my life, napaisip ako. I want to hate him so bad. How can I do that to myself? how can my mom still say thank you to him?
Tahimik lang kami sa kotse, uuwi na ako agad hindi pa man nag iisang araw. Huminga ako nang malalim.
"Wear that from now on" inabutan ako ni mommy ng isang watch box
Binuksan ako at doon, may isang relong may bilog na screen. Sakto lang ang laki at kulang black. It's kinds ordinary, bakit ako bibigyan nito ng nanay ko?
"It's a smart watch Mira, dapat noon pa ay binilhan na kita niyan. It can detect if your heart is beating normally or not" malungkot niyang sabi.
Hinubad ko iyong relo ko at saka isinuot iyong bigay ni mommy. Nang i-on ko ay nagprocess pa ng kaunti pagkatapos ay ipinakita na ang heart rate ko. I know things like this exist pero ayoko din naman suotin. Ipapapaalala lang lagi nito na hindi ako normal at dapat lagi akong mag-iingat dahil baka mamatay ako any minute.
"Sorry po tita Kelly sa abala" nilingon ko si tita Kelly na nakatingin sa akin.
Umiling siya at saka ngumiti. Hinawakan niya din iyong kamay ko.
"I should be the one saying sorry for Kith's behavior towards you" malungkot niyang sabi.
"Don't push your son too much Kels, ang anak ko naman lagi ang may gusto ng ganito" mahinang tugon ni mommy.
"Hindi niyo na po dapat pinapagalitan o pinagsasabihan si KJ tita, ako naman po ang naghahabol" mahina kong sabi.
"Hindi ko maintindihan sa batang iyon kung bakit hindi ka niya gusto" umiling pa siya.
"Baka ayaw po niya sa may sakit na gaya ko" malungkot kong sabi.
"Mira huwag ganiyan" naiiyak na naman tuloy ako.
Medyo tumunog iyong relo ko kaya napatingin kaming tatlo doon.
"Take it easy" bulong ni mommy habang hinahaplos iyong dibdib ko.
Sumandal na lang ako dito sa upuan at saka pinikit iyong mga mata ko. Hinayaan na dalawin ng antok.
Mag-gagabi na nang makarating kami sa bahay. Hindi na din bumaba si tita Kelly at nagpahatid na agad sa bahay nila. Sinamahan ako ni mommy sa kwarto para tulungang ma-ayos ng gamit at makapagpalit para matulog na.
Kinaumagahan, I woke up late dahil na rin siguro sa pagod ko. Yesterday was tiring, I can't believe that happened to me. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at chineck agad ang messages ni Heather.
Heather: I wish you are here, nakakapagod iyong mga pinaggagawa sa amin dito :(
Nainggit naman ako agad pero kahit siguro andoon ako hindi rin ako makakasali sa mga nakakapagod na activities. Nagtipa ako para magreply.
Me: magsend ka ng picture niyo ni Benedict. Sorry hindi na ako nakapagpaaalam kagabi, pakisabi din sa kaniya thank you :)
Napagdesisyonan kong bumangon na para kumain ng umagahan at tanghalian na din. Sigurado akong nasa opisina si mommy ngayon. Nadatnan ko si manang na naglilinis sa sala.
"Good morning po" bati ko sa kaniya.
"Ipaghahain na kita?" Tumango ako.
Naalala ko na birthday na pala ni Heather sa susunod na linggo and it's her 18th birthday. Lahat ay imbitado, I wonder if KJ will attend? Siguro ay oo, hindi naman siya anti-social talaga. Sa akin lang ata siya mailap. Lalabas na lang ako para bumili ng regalo ko sa kaniya. Magpapaalam muna ako syempre sa mommy ko. Kinuha ko iyong phone ko na nasa lamesa ng dining table at dinial iyong numero ni mommy.
"I will be there just a minute. Yes anak?"
"Mommy puwede bang lumabas? Bibili ako ng regalo ni Heather"
"Kailan ba iyan?" May bahid ng pag-aalala ang boses.
"Next week po ng sabado" sagot ko.
"Hindi ba puwedeng next week ka na bumili? Matagal pa naman Mira, magpahinga ka nalang muna" tumango ako.
Masyado na akong madaming abala sa mommy ko. Pumayag na din ako at binaba na agad ang tawag.
"Mira, laging nag-aalala ang mommy mo sa'yong bata ka" tipid na ngumiti si manang habang sinasalinan ako ng gatas sa baso ko.
Huminga ako ng malalim. Alam ko naman iyon, alam ko na nagiging spoiled brat na nga ako. Maybe KJ's right, na ginagamit ko na lang iyong sakit ko para makuha ko iyong gusto ko. That made me guilty, kinagat ko ang labi ko at nag-isip.
Biglang tumunog iyong facetime ko, Heather is calling me kaya sinagot ko agad. Nakita ko ang pawisan nilang mga mukha, Benedict is drinking behind her. Mukhang ang saya saya doon.
"Ginagawa niyo?" Tanong ko agad
"Katatapos lang naming mag amazing race" tawa nang tawa si Benedict sa likod.
Hindi ata niya alam na nandito pa ako pero kinalabit na siya ni Heather.
"Hoy Vedano, sayang wala ka dito miss ka na ni Heather! Ako kinukulit" sinapak agad siya ni Heather
Natawa na lang ako sa kanilang dalawa, para silang aso't pusa palagi kapag magkasama.
"Free time na namin ngayon, magswiswimming kami mamaya maya lang" ngumiti si Heather
Naiinggit na ako agad, sumimangot ako.
"Ayos lang iyan Mira, pagaling ka na" kinindatam ako ni Benedict
"Natalo namin iyong grupo nila Kith, kulang ka kasi sa grupo nila" balita ni Heather.
"Hindi rin naman ako maglalaro kahit andiyan ako"
"Sabagay" mahina niyang sabi.
"Sa susunod nga sa akin ka lang sumama, tignan mo napauwi ka tuloy nang wala sa oras" piningot ni Heather
"So anong akala mo? Porket ako huli niyang kasama ibig sabihin hindi siya safe sa akin?" Ang gulo nilang dalawa.
"Benedict bilhan mo kong pasalubong a. Huwag kang uuwi dito nang wala kang bitbit" sabi ko sa kaniya.
"Tas sa akin ka magpapabili ng pasalubong, dapat sa crush mo"
Naalala ko si KJ, asan kaya siya ngayon? Ano kayang ginagawa niya.
"Nasaan pala siya ngayon?" Tanong ko.
Swinitch ni Heather iyong camera niya sa back para mahagilap nun si KJ na kausap si Grace at iyong iba niyang kagrupo. Baka kapag nandiyan ako masira lang araw niya.
"Oh awat muna sa iniisip" ngumiti ako kay Benedict
"Okay na din siguro na nandito ako, baka kapag andiyan ako hindi niya maenjoy iyong trip" mahina kong sabi.
"Bakit siya lang ba may karapatang mag-enjoy Mira? Ikaw din naman a" matigas niyang sabi.
"Oo nga Mira, dapat talaga hindi ko na sinabing bilhin mo iyong keychain. Sana nandito ka pa rin ngayon" malungkot niyang sabi.
"Bibilhin ko pa rin naman iyon Heather, hindi mo naman kasalanan" tumango siya.
Binalik niya sa front camera iyong phone niya.
"Hanggang sa susunod na araw pa kami dito" I pouted.
Ang tagal naman 'nun, gusto ko nang pumunta ng school. This is one of the reasons why I wanted a normal life, ang gusto ni mommy noong una ay mag home school na lang ako pero anong gagawin ko dito sa bahay? Hindi ko nun makikita si KJ, hindi ko makikita mga kaibigan ko. Mamatay ako nang hindi pa naeenjoy iyong buhay ko kahit man lang saglit. Ayaw ko namang mawala nang hindi pa iyon nararanasan.
"Miss ko na kayo agad" sabi ko.
"Kami o si Kith?"Asar ni Heather.
"Siya at kayo" namula ako.
"Hindi ka naman niya miss, hindi ka din niya gusto. Sana marealize na ng puso mo 'yan Mira. Hindi naman ako napapagod pero naiinis na akong umiiyak ka, baka mamaya masuntok ko na"
"Oo nga Mira, susuportahan ka naman namin sa kahit na anong magpapasaya sa'yo pero sana din mahalin mo 'yung sarili mo"
Hindi ko alam talaga kung anong gagawin ko kapag nawala pati mga kaibigan ko sa akin