3

3025 Words
Everyone's excited for the friendship trip, alas sais ng umaga ang call time dito sa school para pumunta ng Santiago, Ilocos Sur. According to my map app in my phone it will be an 1 hour and 48 minutes drive from San Fernando La Union pero dahil sigurado naman akong hindi talaga ito masusunod lalo na at magdadatingan ang mga estudyante ng alas syete na ng umaga at matratraffic kami. I doubt kung iyan nga magiging oras ng biyahe namin talaga. Dumating ako dito ng 6:30, kaunti pa lang ang estudyante. Hinatid ako ni mommy, bago pa mapirmahan iyong waiver ko ay madami siyang paalala sa akin. Hindi naman ako magpapagod, alam ko naman na iyon. I've been trying to survive for 18 years of existence pero dahil naiintindihan ko siya at nag-aalala lang ay hinahayaan ko na lang. I saw Benedict talking to Heather kaya nilapitan ko sila. Halatang inaasar na naman niya si Heather. Iniirapan ni Hearher si Benedict at ang iyong isa naman ay tuwang-tuwa. I wonder if Ben have a crush on Heather. "Hi" bati ko sa kanilang dalawa. "Finally! Hindi na ako ang guguluhin ni Ben" sinapak pa niya ito sa balikat na nagpadaing sa kaniya. "Grabe talaga itong kaibigan mo Mira, ang sungit na tas nananakit pa" umiiling ito habang hinahaplos iyong balikat niyang nasapak. "Baka kayo magkatuluyan niyan sige" asar ko sa kanila. "Eeww" sabay pa sila. Napailing na lamang ako, tuwang tuwa sa kanilang dalawa. "Kumusta na pala iyang paa mo? " sabay sabay pa kaming lumingon sa paa kong hindi na nakabandage. Inikot ikot ko ito para ipakitang okay na. "Okay na!" Masigla kong tugon. "Last year, hindi ka namin makasama kasi nakadikit ka lang sa crush mo" "Grabe ka naman Benedict, sumama naman ako sa inyo" depensa ko pero hindi ko na talaga maalala. "Anong sumama? Hoy miss Vedano, alam ng buong school na patay na patay ka sa Yuchengcong iyon" pinitik niya ang noo ko. "Dapat sa grupo kita ngayon para sama sama tayong tatlo" sumang-ayon agad si Heather. Friendship trip is like a team building or a field trip but not really educational more on like building social skills, hinahati kami sa groups and we do some activities. Ito lang ata ang isa sa pinakahighlight ng senior high namin aside from the prom and graduation of course. "Bakit? Nakokontrol mo ba iyong listahan ni ma'am ng teams hah?" Balik ko sa kaniya. Makapagsalita kasi siya ay parang siya ang nasusunod sa mga grupong ginagawa ng adviser namin. Nag-make face lang siya at saka binalingan na iyong cellphone niya. Nang makumpleto kami ay ginather kami agad ng adviser namin. Pinaglinya ng dalawa, one for the girls and one for the boys. Antok na antok pa ang karamihan sa amin. Kaniya-kaniyang hawak ng bags. Nakabagpack lang ako, ang iba ay naka maleta pa. "Amin na" kuha ni Benedict sa bag ko. Binigay ko naman dahil hawak din niya iyong maleta ni Heather. Bale dalawang bag na ang nakasupbit sa balikat niya. Nasa tapat kasi namin siya nakalinya kaya nakikipag-usap na naman siya sa amin. "Pabida ka na naman" asar ni Heather. "Aba! Ikaw na nga itong ginagawan ng pabor" inirapan lang siya ni Heather. Tumahimik kami 'nung nagpalakpak si ma'am that means she wants our attention. Tinuon namin agad ang mga tingin sa kaniya. Sa tabi niya ay ang gwapong gwapo na si KJ, nirereport ang bilang namin at kung kumpleto ba kami. "Alam mo napaka-useless mo talagang vice, kita mo lahat na lang si Kith gumagawa" bulong ni Heather kay Benedict "Kasalanan ko pa?!" Tinuro turo pa niya sarili niya. "Quiet Saguin, bakit ka ba andiyan you should be here helping Kith" napatahimik tuloy sila. Nakamot siya ng batok at saka pumunta sa harapan para tulungan nga sila sa counting at kung ano ano pa. "I will give you your assigned seats for the whole trip and later on pagdating sa resort I will give you your assigned rooms" anunsyo ni ma'am Madami na tuloy ang nagreklamo dahil sa assigned seat sa bus, last year kasi kaniya-kaniyang upuan naman kami. We want to sit next to our friends you know at ako, syempre gusto ko siyang katabi pero hindi naman din nangyari. Last year ang katabi ko ay si Heather at siya ay katabi si Benedict sa harap. "Ma'am naman hindi ba puwedeng kaniya-kaniyang upuan na lang?" Reklamo ng isa kong kaklase. "Oo nga ma'am kahit ito na lang" nagkamot pa sila ng ulo. "No" matigas na sabi ng adviser namin. Ibinigay ni Kith ang listahan na kanina pa ata niya hawak. Napatingin siya sa akin at saka umiling. Ano na namang ginawa ko? "It will be alphabetically arrange" everyone groaned. "Acosta-Bautista..." she started calling our surnames. Isa-isa na ding pumasok sa loob ng bus iyong mga natawag na ang apilyedo. Malayo pa iyong akin. I'll be last. Our class have 18 boys and 17 girls. Ako pa ang pinakalast. Baka wala pa akong katabi. Pinaupo pa ni ma'am iyong isang pinakamakulit naming lalaki sa tabi niya para payapa kaming lahat kahit maluwang naman sa palagay ko ang buong bus. It's a school bus though 40 ang maximun capacity niya. It's a girl-girl and a boy-boy seating arrangement. Hindi puwedeng magtabi ang babae at lalaki well unless it is needed or kami na lang ang matitira. Bumilis tuloy ang t***k ng puso ko with that thought. KJ and I are the last ones with our surnames. "Rivera-Saguin, Vedano and Yuchengco" I knew it. "That will be fine right Mira? Or do you want to sit with me instead?" Mas lalo namang ayaw ko 'nun. Wala talagang may gustong tumabi sa kaniya, mabait naman siya but who would want to sit with the teacher while travelling? Hindi ka na makakakilos 'nun and besides, it's KJ, bakit ako tatanggi. "Okay na po iyon" ngumiti naman si ma'am. Umakyat na ako, nakita ko si Benedict na nag-aayos ng gamit niyang nasa paanan niya. Nasa kaniya pa rin iyong bag ko. Kalong kalong niya. Si Heather ay nakikipag-usap na din and KJ is standing beside our seat, hinihintay na makaupo ako. Napangiti ako ng tago, busog na busog nga iyang puso mo ngayon pero sa tingin mo naman gusto ni KJ na katabi ka? My mind is questiniong myself. "She always have her way, Grace" rinig ko sa isa kong kaklase sa katabi niyang si Grace. "Of course, spoiled brat akala naman niya ay gusto siyang katabi ni Kith eh halos itulak tulak na siya palayo" hindi din nila tinatagong pinag-uusapan nila ako kahit naglalakad ako sa gilid nila. Isinawalang kibo ko na lang iyon at nagtungo na sa upuan namin. Hindi siya nagsalita bagkus ay talagang hinintay lang akong makaupo bago siya tuluyang naupo sa tabi ko. He wears his earphones at tumingin na sa harap. Hindi man lang ako binalingan ng tingin. I sigh, ilalabas ko na dapat iyong earphones ko nang maalala nasa bag ko pala iyon na kalong kalong ni Benedict. Nasa tapat namin sila naka-upo. "Benedict iyong bag ko" lumingon naman siya at nagtaas ng kilay. "Kukunin ko iyong earphones ko" mahina kong sabi. Nguso ko pa sa may maliit na bulsa ng bag kung saan ko nilagay ang earphones ko. Nakuha naman niya agad at saka bubuksan ang bag nang hablutin ni Kith iyong bag ko at saka inabot sa akin. Magsasalita sana si Benedict but he end up shaking his head instead and looks at Kith with full disappointment. Nginitian ko na lang siya to apologize. Inabot ko agad iyong malaki kong bag na may pagkamabigat. Binuksan ko iyong bulsa para makuha ang wireless na earphones. Nang maisara kinuha ulit ni KJ, tumayo siya kahit umaandar na iyong bus ay nagawa niya pa ring iayos iyong bag ko sa itaas. Iyong lalagyan talaga ng bags. "Why does he have your bag?" Masungit niyang tanong. "Mabigat kasi? at kinuha niya sa akin?" Hindi sigurado sa sagot. "You can't even carry your own bag bakit ka pa sumama?" Ngumuso lang ako. Nagsimula nang ilagay iyong earphones ko para makinig na lang ng kanta. Hindi pa nga nagsisimula iyong trip nasusungitan na ako agad pero buti na lang katabi ko siya. I would take every kasungitan para lang dito, titiisin ko na lang. Okay na talagang katabi ko siya kahit hindi naman niya ako kinakausap. Kahit nakaearphones, naririnig ko iyong ingay ng mga estudyante. Kailan kaya kami magkakaroon ng actual conversation ni KJ? Pasimple ko siyang nilingon, abala lang siya sa telepono niya. He's watching some basketball match. Nakakunot ang noo niya habang nanonood, tatanda siya ng maaga niyan lagi na lang nakakunot ang noo. "Mira, food?" Nilingon ko si Benedict na nagooffer ng pagkain. Tumango ako, aabutin ko na sana nang maalala kong baka magalit na naman si KJ dahil nanonood siya at maistorbo kapag inabot ko iyong pagkain. Napansin ata ni Benedict kaya medyo tumayo siya para sa bandang likuran ko ipasa iyong pagkain. "That's bad food Mira Kael" napatingin kami pareho sa nagsalitang si KJ. Napakagat ako ng ibabang labi. "Saguin can you please sit down ang gulo mo" pagsusungit niya. "Bawal ka pala nito Mira, hindi mo naman sinasabi" tinignan niya pa iyong hawak niyang junkfood Hindi naman talaga as in bawal na bawal pero as much as possible ayaw ni mommy at ni doc Val na kumakain ng ganoon. Nang nakitang hindi ko na tatangapin ay binalik niya iyong panonood niya "Cookies then" abot ni Benedict iyong isang cookies na nasa bag niya. "Titira ka na doon? Bakit ang dami mong pagkain" sabi ko sa kaniya. "Gusto mo ba o hindi?" Pagbawi niya pero inabot ko na agad at saka nagpasalamat. Nagsimula na akong kumain ng tahimik. Ang pangit pa naman kumain ng mag-isa. "Gusto mo?" Alok ko kay KJ pero umiling lang siya. "Hindi ka ba nahihilo na nagphophone ka lang?" Tanong ko ulit. Tapos hindi kasi ulit siya sumagot. Hindi ba talaga niya ako kakausapin forever? Bakit pa siya pumayag na kaupo ako. Sana ay kay Ma'am na lang siya para si Benedict ang katabi ko dahil madaldal at nakakausap ko pero syempre nagpapasalamat akong siya ang katabi ko. It's a once in a lifetime experience. "Siguro hindi mo ko naririnig" mahina kong sabi dahil nakaearphones nga naman siya. Tinignan niya ako. Ngumuso ako, bakit ba ang daldal ko kasi? "No, I don't want to eat that. No I am used to using phones while I am in a vehicle and no I can hear you Mira and I am busy too" deretso niyang sabi. "Anything else?" Naghintay siya ng sasabihin ko. "Sorry" umiwas na lang ako ng tingin at saka tinignan iyong mga nadadaanan naming bahay sa labas ng bintana. Nang nabusog ay ngayon naman maaalala kong wala nga pala akong tubig. Kakain kain ka Mira at wala ka naman dalang kahit na tumbler man lang. Nilingon ko ulit si Benedict na umiinom sa bottled water niya. "Ben tubig" sinara naman niya agad iyong tubig niya para ibigay sa akin. Aabutin ko na nang tumayo si KJ at biglang ibigay ang itim niyang tumbler. Hindi ko tuloy alam kung tatanggapin ko o hindi dahil baka magalit siya pero inabot ko din dahil nakakabother iyong mga tiitg niya. Nilingon ko si Benedict na parang wala lang iyong nangyari at saka uminom ulit. "Do you always do that?" Tinaas ko ang kilay ko dahil hindi ko naintindihan. "Drink on someones bottle?" Tumango ako agad without even thinking dahil abala akong umiinom. Can you believe it? He let me drink on his tumbler. His tumbler. "What?" Hindi makapaniwala niyang sabi. "I mean not with everyone, kay Heather or kay Benedict lang they are my friends" pagpapaliwanag ko. What's the big deal anyway, gawain naman iyon ng mga magkakaibigan talaga. "Heather is fine but Saguin is a boy Mira Kael kung hindi mo alam?" Masungit niyang sabi. Lalaki din naman siya pero pinainom niya iyong tumbler niya sa akin. Sasabihin ko sana pero baka hindi niya na maulit kaya tumango na lang ako. Ibinalik ko na sa kaniya iyong tumbler niya and then he suddenly opens it and drink from it. Napalunok tuloy ako, indirect kiss. Tinitignan ko lang siya habang iniinoman niya iyong tumbler niya na ininoman ko. It's my lucky day indeed. "Stop staring Mira Kael, Stop making it such a big deal" napansin niya ako. "Sorry" mahina ko na lang sabi. Tumahimik na talaga ako pagkatapos 'nun. Kontento na ako sa araw na ito. Okay na talaga ako. Sinandal ko iyong ulo ko sa bintana dahil naiidlip na ako pagkatapos kong kumain. Napansin ko ding medyo tumahimik na iyong mga kaklase ko malamang ay nakaidlip na din sila. Pinikit ko na iyong mata na hindi ko namalayang nakatulog nga ako. "Mira Kael, nandito na tayo" narinig ko iyong boses ni KJ kaya iniangat ko agad iyong ulo ko. Nagulat din ako sa sarili ko nang nakatulog ako sa balikat niya. Napapikit ako dahil baka kanina pa ay naiiirita na si KJ. Ano bang ginawa mo Mira? Tulog tulog ka pa. Okay na kasi kanina baka sungitan niya ako ulit. Tumayo na siya para kunin iyong bag niya kaya napatayo na din ako para kunin iyong akin. Isa-isa namg bumababa iyong mga kaklase ko. Kaming nangunguha na lang ng mga bag ang medyo naiwan. Iyong iba kasi ay sa compartment sa gilid ng bus nilagay iyong mga gamit nila lalo na iyong mga nakamaleta. Kukunin ko na dapat iyong sa akin nang bigla niyang kunin at isinakbit sa balikat niya. Parehong nasa balikat na niya ngayon iyong bag niya at iyong bag ko. Napangiti naman ako. "Don't smile, nangako lang ako sa mommy mo na titignan kita" binawi ko agad iyong ngiti ko. Sabi ko nga. Nauna siyang bumaba kaya sumunod na ako. Nakalinya ulit iyong mga kaklase namin at hinihintay namin ang adviser naming nakikipag-usap pa sa isa sa mga staff na hula ko ay manager ng resort para masigurado kung okay na iyong mga room namin. "Okay before I'll give you your assigned rooms, I'll give you first your groups for our activities" tumango tango naman kaming lahat. "Group 1 will be Kith's group and your members will be Grace, Fiona, Leon, Yuri, Victoria" Ngumuso ako kasi hindi ko naman siya kagrupo, tapos na ang pagiging lucky ko kanina . Nagexpect pa akong kagrupo ko siya dahil kagrupo ko naman siya last year. Well, hindi naman lahat aayunan ng destiny sa akin. Atleast nakaupo ko na siya kanina sa bus and that's enough for me. Ano pa bang hihilingin ko? "Group 2 will be Benedict's group and your members will be Joana, George, Heather, Kian, Mira Kael and Felix" I will be with Ben's group, okay na din iyon kasi kaibigan ko siya napayes si Heather sa likuran ko. Nilingon ko siya para ngitian. Tinignan ko si Benedict na kumindat pa, napailing na lang ako dahil nagkatotoo ang sinabi niya. He announce the groups. We will be group into 5 kasi and then she announce our room assignments. Kami na ding magkakagroup na babae ang magkakasama. Binigay ni ma'am iyong mga susi and Heather is our key master. Nagapir tuloy kami ni Heather. Last year kasi hindi talaga kami magka room mates. "You can consider today as your free time and tomorrow we will have our activity. Tonight as well we will have our dinner together at 8 p.m. in their restaurant" Nagsimula na silang magsikuha ng gamit para umakyat ng kanilang mga kwarto. Nilingon ko si Kith, kasama niya iyong mga leaders ng group at kausap ni ma'am. Napansin ko pang parang nagkakaroon sila ng diskusyon ni Benedict at tumatango tango naman iyong adviser namin. Luminga linga siya at nang makita niya kami ni Victoria ay tinawag niya kami agad. Nang makalapit kami na ipinagtaka namin ay nagsialisan na iyong iba, si Benedict at KJ na lang ang natitira. "Actually, I have your point Kith" naabutan namin silang nag-uusap "But I can take care of her" sabi naman ni Benedict. "I don't think so Saguin" umiling pa siya. "Okay ganito na lang, tutal ay ibinilin naman talaga ng mommy mo Mira" tumingin siya sa akin na nagpaangat ng kilay ko. "Can you exchange groups na lang with Victoria" napakurap kurap pa ako para maproseso iyong sinasabi ng adviser namin. Is that the reason why na kanina pa sila nag-ussap. Is it about me? "Po? Pero gusto ko naman po sa grupo ko lalo na iyong rooms" ayaw ko talaga sa kwarto nila Grace kahit gusto kong kagrupo si KJ. "Hindi rin po ako papayag lalo na pag magpapalit kami ng rooms ma'am bakit naman ganon? It's unfair" pagrereklamo ni Victoria. Huminga ng malalim si ma'am. Magkagalit kasi si Victoria at Heather and she is friends with Grace. "Okay papayag ba kayong magpalit ng group kung hindi ko kayo ililipat ng rooms? Because that is the only option I am giving you Victoria and Mira" napakagat ako ng labi at saka tumango. Wala naman ding nagawa si Victoria kundi ang umoo na lang din. Benedict looks pissed and so is KJ. "Okay go to your rooms" at iniwan na kami doon. Naunang naglakad si Victoria, kukunin ko pa pala ang bag kong na kay KJ pa rin hanggang ngayon. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Pagsisimula ni KJ. "Dude, bakit mo pa kasi pinipilit na sa grupo mo si Mira" sabat ni Benedict. "Puwede ba huwag kang makialam Benedict, this talk is between the two of us" nakatingin pa rin sa akin si KJ habang sinasabi ito. "Why do you even care Yuchengco? Tinataboy mo din naman" Umiling lang siya at saka umalis na. Naiwan kaming dalawa dito. "Stop being so happy about everything that is going on Mira Kael, ako ang mapapahamak kapag may nangyaring masama sa'yo. My mom requested this not me. Lahat na lang ng gusto mo nakukuha mo porke't may sakit ka" tumango ako. "I'll bring your bag there later, pumunta ka na sa kwarto niyo. Nagsimula na siyang maglakad paalis. Huminga ako ng malalim at saka nagpunta na rin sa room namin. Bakit ba lagi na lang siyang ganun sa akin? Bakit ba umaasa pa akong babait siya sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD