Pinagmamasdan ko iyong mga bulaklak dito sa garden ng school namin habang nakaupo ako dito sa benches dito. Hindi naman ganun kadami iyong mga bulaklak pero may iba't ibang kulay naman din. Naalala ko tuloy iyong angklet sa paa ko na hanggang ngayon ay nasa akin pa.
Tumayo ako para abutin iyong isa sa mga bulaklak sa puno. Hindi ko alam kung anong pangalan nito pero may mga bulaklak na tumutubo sa mga ito. Gusto kong abutin iyong isa sa pinaka-malaking nakita ko nang bigla akong na-out of balance, mabuti na lang ay may kamay na humawak sa braso ko.
"Oh careful baka bali naman sa kamay ang mangyayari sa'yo" inalalayan niya ako para makatayo nang maayos.
Nilingon ko ang mukha ni Benedict Saguin, kapatid ito ng aming family doctor na kaibigan na rin ng pamilya. Mas madalas ko siyang maka-usap kumpara kay KJ. Silang dalawa kasi ni Heather ang lagi kong nakakasama. Nakilala ko siya hindi lang dahil sa kaklase ko siya pero madalas kasi siyang tambay sa kuya niya kapag nasa hospital ako. Nakakausap ko din siya tungkol sa kuya niya minsan kaya medyo close na rin kami.
"Thanks" nakangiti kong tugon.
"Ano ba kasing inaabot mo?" Tiningala niya ang bulaklak na gusto kong abutin.
Siya na mismo ang umabot nito, hindi naman niya kailangang tumingkayad o iunat nang sobra ang kamay niya dahil matangkad siya sa akin.
"Bawal pumitas ng bulaklak dito sa school Mira, hindi porket fiancee mo si Kith" biro pa niya sa akin pero inabot din iyong gusto kong bulaklak.
Ngumuso ako sa kaniya at kinuha iyong bulaklak sa kamay niya.
"Ikaw naman ang pumitas kaya ikaw ang may kasalanan" pang-aasar ko pabalik.
Inagaw niya ulit iyong bulaklak sa akin at siya na mismo ang naglagay nito sa tainga ko. I stay still for him para mailagay niya nang maayos ito.
"There you go" ngumiti ito sa akin at saka binalingan ulit iyong libro niyang kanina pa niya siguro binabasa.
"Kanina ka pa dito?" Tanong ko sa kaniya.
Tumango lang siya dahil abala na sa pagbabasa. Bumuntong hininga ako, si KJ kaya nasaan? Luminga linga ako baka sakaling nasa paligid lang ito. Napansin niya ata iyon.
"Wala si Kith, nasa faculty kanina kausap si maam adviser" simple niyang sabi, hindi siya lumingon man lang.
"Paano mo nalaman?" Tanong ko sa kaniya.
"Mira, baka nakakalimutan mong ako ang vice president sa classroom natin o baka si Kith lang talaga ang binibigyan mo ng pansin" sinimangutan niya ako na para bang hindi makapaniwala.
"Bakit daw siya pinatawag? Kung nandoon siya dapat nadoon ka din kung ganun" Curious tuloy ako.
"Hindi ko alam, bakit di siya tanungin mo diba fiancee mo naman" balik niya sa binabasa niya.
"Susungitan lang ako nun" malungkot kong sagot.
"Hay naku, bakit kasi patay na patay kayong lahat doon e di naman maganda ugali niya" binatukan ko na tuloy talaga.
"Ewan ko sa'yo diyan ka na nga! Di ka maganda kausap" tumayo na ako para pumasok ng building namin.
"Ito naman nagagalit agad, Nagbibiro lang ako pero pwede din namang hindi talaga ako nagbibiro kasi totoo naman na hindi maganda ugali ng fiancee mo. Bakit ba di mo matanggap?" sinundan pa ako, di ko na pinansin.
"Nga pala, sabi ni ma'am math, nahihirapan ka daw sa isang topic natin? Turuan daw kita" simple lang sabi habang nakasunod pa rin sa akin.
"Talaga tuturuan mo ako?" Tumango siya agad.
"Kay Kith unang sinabi pero tumanggi siya kaya ako na lang" tipid niyang ngiti.
"Thanks. Top 2 ka nga pala sa klase" pumasok na kami sa classroom.
Naupo ako sa upuan ko, siya naman ay umupo sa harap ko. Iniharapa pa niya iyong upuan niya sa akin. Hindi naman niya iyon upuan talaga.
"Syempre, Binilin ka din sa akin ni kuya! Huwag ka daw maisstress baka pumangit ka lalo. Sige ikaw din mas lalo kang di magugustuhan nung crush mo" pang-aasar niya sa akin kaya pinitik ko iyong noo niya.
Tumawa lang siya kaya natawa na din ako.
"Pero oo nga, sabi niya tignan tignan daw kita masyado ka kasing makulit at matigas ang ulo" sinamaan ko siya ng tingin.
"At saka inihahabol tayo ni ma'am adviser sa over-all top 3 kaya galingan mo" kindat niya sa akin.
Hindi ba siya marunong gumamit ng mga pangalan ng mga teacher namin? Napailing na lang ako.
Nagulat kami nang may bumagsak na notebook sa table ko. Sabay pa kaming lumingon sa nakahalukipkip na KJ sa tabi ko na nakatayo at seryosong nakatingin sa amin.
"All the math formula on it's simpliest form are in there. You are not stupid so you can just analyze all of it" seryoso niyang sabi.
"Okay na bro, ako na lang magtuturo sa kaniya" inilipat niya ang tingin niya kay Benedict na nasa harapan ko.
Akmang kukunin na nito ang notebook niya nang mabilisan kong kinuha. Sinamaan ko ng tingin si Benedict at saka ngumiti kay KJ.
"Thank you sige pag-aaralan ko pero kapag hindi ko pa rin alam puwede ba akong magtanong sa'yo?" Mabilisan kong tugon.
Tumango lang siya at saka bumalik na sa upuan. Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Benedict.
"Hindi naman ako nananaginip diba?" Umiling lang siya at saka kinurot iyong pisngi ko.
Napahawak tuloy ako dun, sinapak ko nga siya.
"Oh eh di hindi ka na nanaginip. Dumating lang yung crush mo tinaggihan mo na iyong alok ko" dismayado niyang sabi.
"Pero seryoso Mira, pag hindi ka niya tinuruan lapitan mo lang ako" bigla siyang tumayo at saka bumalik na sa upuan niya.
Sakto naman na nagbell na para sa susunod naming klase. Literature, ang paborito kong subject.
Ganun pa rin naman lagi kapag pagkatapos ng klase, uuwi ako para gumawa ng assignment pero iba ata ang ihip ng hangin ngayong araw na ito. Nadatnan ko si mommy na nagbabake sa may kusina. Nagulat pa ako dahil masyadong maaga para umuwi siya galing sa trabaho.
"Oh hindi pa kayo nagsabay ni Kith eh pupunta din naman siya dito" kumunot ang noo ko.
Talaga? Pupunta siya dito? Para saan naman kaya?
"Hindi ba ay tuturuan ka niya sa math subject mo? Nasabi na ito ng adviser mo sa akin, tinawagan din ako ng tita Kelly mo kanina para sabihin na pupunta nga si Kith dito" maligaya niyang sabi.
"So here I am, maagang umuwi para makapaghanda ako ng meryenda niyong dalawa" nilapitan ako ng isa sa mga kasambahay namin para kunin iyong gamit ko.
Hindi na kasi ako gumalaw sa kinatatayuan ako, naestatwa na ako habang prinoproseso pa iyong mga sinabi ni mommy. Nang nagrehistro ay agad akong pumunta sa kwarto para makapagpalit at makapag-ayos ng kaunti sa kwarto ko, not that it's messy pero syempre titignan ko pa rin kung may maayos pa ako.
Mga 5:30 na dumating si KJ, pumasok pa siyang nakajersey na halata mong kagagaling sa practice sa basketball. Kapag nakauniporme talaga siya ng basketball ang gwapo niya pero pinakapaborito ko kapag naka plain black tshirt lang siya at pantalon, iba iyong aura niya kapag nakaganun siya. Una niyang binati si mommy na kanina pa sa kusina.
"Let's go" sabi niya agad sa akin at dumiretso na sa itaas patungong kwarto ko.
Hindi ito ang unang beses na pumunta siya sa kwarto ko. Alam na niya kung saan dahil binisita niya ako minsan nang may sakit ako kasama ng mommy niya.
Walang alinlangan siyang pumasok sa pink kong kwarto, well hindi naman buong pink. May accent lang siyang pink pero mas madami parin ang puti. Inilapag niya ang bag niya sa kama ko at dumiretso na sa study table ko. Nagready ako ng isa pang upuan doon kanina. Pinakuha ko iyong nasa kabilang kwarto. Umupo siya agad at saka hinanap iyong isa pa niyang notebook sa math at saka seryosong naghanap.
"Give me your notebook" hindi man lang niya ko ginawaran ng tingin.
Mabilisan kong nagtungo sa bag kong nasa tabi ng bag niya muntik pa akong matalisod at napansin niya pa.
"Careful Mira Kael, hindi ako pumunta dito para alagaan ka" seryoso niyang sabi.
Ngumuso lang ako at saka kinuha na iyong math notebook ko kasama noong math notebook niya. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko bang mababa iyong nakuha kong marka sa isa sa mga pagsusulit namin kaya siya nandito ngayon para turuan ako.
Umupo ako sa tabi niya. Bumilis ang t***k ng puso ko, kinalma ko na lang ang sarili ko dahil the last thing I want right now is my heart getting weak or something.
"Why didnt you study anyway? Hindi mo ba alam na may quiz tayo nung isang araw?" Kinagat ko ang labi ko, hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.
Sumama kasi ang pakiramdam ko noon at pinilit lang pumasok. Ayokong sabihin dahil baka isipin niyang nagdadahilan na naman ako at ginagamit ko iyong sakit ko. Umiling lang siya nang napansin niyang hindi ko sasagutin iyong tanong niya. Bumalik siya sa tintignan test paper ko at notebook niya.
Nagsimula siyang magsulat at itinuro iyong topic na mahina ako. Nakinig ako nang maayos, sigurado akong magbibigay siya ng mga problems mamaya at ayokong mamamali pa rin ako. Ayaw ko ding isipin niya na nasasayang iyong effort niya na turuan ako.
Medyo naintindihan ko naman nang ituro niya sa akin lalo pa at gumamit na siya ng mas simpleng formula para doon.
"Do you understand?" Matigas niyang tanong.
"Pero paano kapag iyong isang equation tatlo iyong variables?" Tanong ko sa kaniya
Ipinaliwanag niya ulit kung paano iyon kukunin. Dahan dahan niyang ipinaliwanag kung paano iyong proseso noon. Tumango tango naman ako namg naliwanagan na ako.
"Try answering this" ibinigay niya sa akin ang kakaprint lang na ginawa niya galing sa desktop ko.
Tumayo siya, sinundan ko ng tingin hanggat pumasok siya sa bathroom. Binalik ko na lang iyong atensyon ko sa pinapagawa niya. Sinubukan ko siyang gawin, kaya ko naman na pero hindi ko pa rin alam kung tama iyong ginagawa ko.
Lumabas na siya galing sa bathroom ko pero hindi siya umupo sa tabi ko, sa kama ko siya umupo at may kung anong hinanap sa bag niya. Nakita kong iyong phone niya iyon, abala na siya ngayon sa pagtitipa. Ano kayang feeling na kausap sa telepono ang isang katulad niya? O kahit katext lang sana. Napansin niya atang nakatingin ako sa kaniya kaya nag-angat siya ng tingin.
"Are you done?" Tanong niya.
Umiling lang ako.
Binalik ko nalang ulit ang atensyon sa sinasagutan. Pakiramdam ko naman never talagang mangyayari iyon. Bumuntong hininga ako. Sakto ding may kumatok sa pinto ko na siyang nagpalingon pareho sa amin ni KJ. Pumasok si manang na may dalang cheesecake, ito ata iyong ginagawa niya kanina. Inilapag niya ito sa kabilang mesa.
"Salamat po" nagpasalamat siya at saka tumayo para abutin ang juice.
Kanina pa yata siya uhaw na uhaw. Mamaya na ako kakain kapag natapos ko ito.
"Eat Mira" utos niya sa akin. Hawak na niya ang isang platitong may cake.
"Mamaya na, tatapusin ko lang ito" ngumiti ako sa kaniya. Nag kunot ang noo niya.
"Just come and eat Mira" ulit niya.
Ayaw ko namang magalit siya kaya lumapit ako sa tabi niya para kumain na din. Hinihintay kong paalisin niya ako sa tabi niya pero hindi naman nangyari. Sinimulan kong kainin iyong pinaghirapan ni mommy. Paborito ko talaga ito kapag si mommy ang nagbabake. Hindi ko alam kung anong nilalagay niya pero ibang iba sa mga nabibili ko sa stores. Tatanungin ko isang araw si mommy kung paano ito ginagawa para magawan ko si KJ. Naalala ko kasing sinabi niya minsan kay mommy na sobrang sarap daw nitong cheesecake niya.
"Stop staring" umiwas agad ako ng tingin.
Hindi ba talaga niya ako magugustuhan? Kung pwede ko lang talaga ihinto ang oras ay kanina ko pa ginagawa. Bakit ganun sa tuwing nag-eenjoy ka sa buhay ay siya naman mabilis lumipas ang oras. Alas otso nang nagpaalam siya para umuwi. Niyaya siya ni mommy maghapunan sa amin pero wala daw kasama si tita Kelly na kumain kaya uuwi na lang daw siya.
"Are you happy?" Silip ni mommy sa akin nang patulog na ako.
"Sobra po" ngumiti ako kay mommy.
Tumango siya at saka nagpaalam na para matulog din. I wonder if it's my mom who insist on having KJ being my tutor? Nalungkot agad ako bigla.
Kinabukasan, ganun pa rin naman. Papasok ng school para mag-aral, ganun kapag buhay estudyante. I can't wait to graduate and work, makakaabot pa kaya ako sa punto ng buhay kong makakapagtrabaho ako o baka hindi na?
Paakyat na ako ngayon sa library para ibalik iyong hiniram kong libro nang may bumangga sa akin. Pababa na ata siya ng hagdan. Huminto siya sa parehong step. Nasa ikalimang step ako.
"Watch where you're going" masungit na sabi ni Grace.
Siya na naman, palagi na lang siya. Kung hindi niya ako babanggain ay itutulak niya ako. I know bullies still exist even when you turn 18. Wala iyan sa ganda o sa kahit na anong estado ng buhay.
"Ikaw naman iyong bumangga sa akin" matapang kong sagot.
Minsan kasi nakakapagod tumahimik.
"At nambibintang ka pa" tinulak niya ako mabuti na lang napahawak ako sa railings.
Hinarap ko siya, nakita ko kung paanong galit na galit siya kahit hindi ko naman alam kung bakit talaga siya nagagalit sa akin. Tinulak ko din siya. Hindi ko naman alam na hindi niya inaasahan iyong pagtulak ko, na out of balance ata siya pero nahila niya ako kaya pareho kaming nahulog sa pinaka ibabang step. Natalisod tuloy iyong paa ko, nakaheels pa man din ako. Mabuti na lang ay hindi ganun kataas. Nasaktan din ata ang paa niya kaya napadaing din siya, mataas pa naman iyong heels nung black shoes niya. Napasigaw din kami pareho kaya agad na nagsilapitan iyong mga estudyante.
"Kith tinulak niya ako" hinagilap tuloy agad ng mga mata ko si Kith na may galit sa mga mata niya. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso.
Lumapit siya agad kay Grace na namumula na iyong ankle paa niya. Yumuko ako, gusto ko naman sabihin na hindi ko sinasadya at saka siya naman iyong nauna.
"Nakita niyo diba tinulak niya ako" naghanap pa siya ng mga kakampi.
Isa isa namang tumango at umoo iyong iba. Hindi ba nila nakita na ako ang unang tinulak. Naiiyak na tuloy ako.
"Say sorry to her!" Pagalit niya sabi sa akin.
Nagbabadya na iyong mga luha ko. Umiling ako at saka sinubukang tumayo pero ang sakit talaga ng paa ko.
"s**t" mahina niyang pagmumura.
Hind na tuloy napigilan ng luha ko. May humawak naman sa paa ko agad na napadaing ako. Tumingla ako para tignan kung sino nang makita ko si Benedict.
"I said say sorry to her" utos pa rin niya sa akin.
"Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikitang pareho silang nasaktan" sumbat ni Benedict.
Tinignan ni Benedict ng masama si KJ at saka umiling bago ulit ako tinignan. Inalalayan niya ako para mabuhat at lumakad na palayo.
"Huwag kang iiyak sa harap ko Mira, masusutok ko iyong fiancee mo" matigas niyang sabi at saka tuluyan nang dinala sa clinic.
Tahimik niya kong nilapag sa clinic bed, lumapit naman iyong school doctor para tignan iyong paa ko.
"Thankfully it's just minor" ngumiti sa akin si doc.
Maya maya pa ay ipinunta na din si Grace sa kabilang clinic bed at siya naman ang tinignan. Hindi si KJ ang nadala sa kaniya dito. Naalala ko na naman iyong kanina, gusto ko tuloy ulit umiyak.
"Kaya mo ba?" Inalalayan ako ni Benedict palabas ng clinic at papuntang classroom.
"Thank you Benedict" pasasalamat ko.
Umiwas siya ng tingin.
"Why do you like him anyway? Halata naman na hindi ka niya gusto" seryoso niyang sabi.
Tahimik lang ako, hindi sigurado kung paano sasagutin iyon.
"Mahina na nga yang puso mo tas gusto mo pang patayin lalo sa sakit. Maawa ka naman" mahina niyang sabi.
Yunuko lang ako. Paakyat na kami papunta sa palapag ng classroom namin nang harangin kami ni KJ. Kinuha niya ako agad kay Benedict.
"Iuuwi na kita" walang ano ano niyang sabi.
"May klase pa tayo" mahina kong sabi.
"Bitaw Saguin" tinignan nito ang kamay niyang nakawak pa rin sa braso ko.
"Talaga Yuchengco? Anong gagawin mo?" I saw KJ's jaw clenched.
They are just staring at each other. Kinabahan tuloy ako baka magsuntukan silang dalawa. Kasalanan ito ni Grace, pamean girl kasi, isa pang spoiled brat na hindi nilulugar ang pagka bully.
Imbes na sumagot ay pwinersa niyang tanggalin iyong kamay ni Bendict sa akin. Napabitaw din naman si Benedict. Magsasalita pa sana ako pero binuhat niya na ako palayo dun.
"Bakit ba galit na galit ka sa akin? Hindi ko naman kasalanan" mahina kong sabi habang naglalakad siya papuntang parking lot.
"Sa tingin mo ba talaga magugustuhan kita Mira Kael?" Imbes na sagutin ako ay ito naman ang sinabi niya.
Umiwas ako ng tingin, alam ko naman iyon. Minsan umaasa ako kapag nagiging mabait siya sa akin pero madalas hinahayaan ko na lang kasi hindi naman kahit kailan mangyayari.
Inilapag niya ko sa loob ng sasakyan nila, siguradong ipapahatid niya ako. Nagsquat siya para icheck iyong paa ko bago tumingin sa akin.
"Siguro naman ngayon pa lang alam mo na hindi ako magkakagusto sa'yo diba?" He is staring at me. Iniwas ko ang tingin ko.
Alam ko.
"Ayaw ko ng may sakit Mira Kael, hindi ako kailanman mag-aasawa ng isang gaya mong may sakit at mahina ang puso. It's annoying" matigas niya sabi.
Tumulo na ang luha ko. Tumayo siya at sinara na ang pinto. Hindi ko na mapigilan pang umiyak. Iba pala talaga kapag sa kaniya galing lagi iyong mga salitang "hindi kita kailanman magugustuhan" . My heart just can't stop beating so fast at hinahabol ko na naman ang paghinga ko.
"Okay ka lang Mira?" Lingon sa akin nung driver niya.
"Bahay na po tayo kuya" deretso kong sabi.
Ibang iba pala talag iyong sakit. Maybe I am not really capable of being loved. Minsan kailangan lang din talagang matanggap iyong realidad na kahit na anong gusto mo sa isang bahay, hinding hindi siya mapapasayo