Hindi ko talaga maintindihan dati kung bakit lagi akong napupunta sa hospital. Lagi na lang ako nagigising na may mga nakatusok ng kung ano ano sa akin. My seven years old me would always cry whenever I woke up lying on the hospital bed wearing a hospital gown but KJ would always makes me feel better, parati lang siyang uupo sa tabi ko hihintayin hangga't darating sina mommy at daddy, hindi mag-sasalita pero nakatitig lang sa akin at binabantayan ang bawat kilos ko. Parating ganun, siya ang lagi kong madadatnan pagkagising ko.
"Thank you Kith for looking after Mira" parati kong naririnig kay daddy.
"No problem tito" nakangiting sagot lagi ng batang si Kith.
Seven years old lang naman kami pero ang mature at independent niyang bata, ganun siya pinapalaki ni tito at tita. Minsan naririnig ko kapag nasa bahay nila ako kapag pinapagalitan siya na dapat maging independent daw siya matutong tumayo sa sariling paa kahit bata pa kasi hindi naman alam kung anong mangyayari kinabukasan.
"Your son will be a good leader when he grows up" at magtatawanan sila nila tito sa loob ng kwarto ko.
Maybe tito wanted KJ to lead that's why. Tito Nathan is a great businessman kaya gusto din niyang ganoon din ang maging anak niya. Nag-iisang anak lang naman kasi si KJ kaya sa kaniya lahat nakatoon ang pagmamahal at atensyon ng magulang niya kagaya ko.
Sa tuwing birthday ko, laging kaming anim lang naman ang nagcecelebrate. Hindi ko lagi gusto ang party, hindi ko alam pero ayoko ng maingay, gusto ko lagi ng tahimik. Ang laging hinihingi ko lang ay magkaroon kami ng dinner kasama ni Kith at ang pamilya niya. Lagi din niya akong binibigyan ng regalo, alam ko rin naman na ang mommy niya ang pumipili ng mga iyon.
"Happy Birthday. It's my gift pero si mommy ang bumili kaya huwag kang masyadong matuwa" bati niya sa akin at palaging buo na ang birthday ko kahit may pagsusungit siya sa huli.
Palagi kong ginagamit ang mga binigay niya sa aking regalo lalo na ng angklet na bigay niya na may simpleng daisy na charm. Hindi ko ito hinuhubad parati. May mga pagkakataong nawala na din iyong angklet at sobra sobra iyong iyak ko. Naaabutan tuloy niya ako minsan na parang tanga sa isang sulok ng school naming umiiyak at hinahanap iyong nawawalang angklet ko.
"Stop crying Mira Kael, tell me what's happening" pagalit niya sabi.
Nakakunot na naman iyong noo niya.
"My angklet is missing" umiiyak pa rin ako.
"Tanga kasi! Stop crying or you'll end up in the hospital again at ako na naman ang maiistorbo" nagsimula na siyang maghanap ng angklet ko.
Papauwiin niya ako kahit hindi ko pa nahahanap iyong angklet at bigo akong sumusunod lagi sa kaniya. Iiiyak ko sa bahay at mag-aalala lang palagi si mommy sa akin at pinapangakong bibilhan ako ng bagong angklet na kagaya nun pero hindi naman iyon ant gusto ko. Gusto ko lang nung bigay ni KJ dahil sabi ni tita iyon daw ang unang pagkakataong siya ang namili ng regalo para sa akin.
Laging siya din ang nakakahanap nito, hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon o baka bumibili na lang siya ng kagaya noon para ibigay sa akin, pamalit para hindi na ako umiyak pero malalaman ko na lang na idinaan niya sa bahay iyong angklet kong nahanap na niya.
"Ingatan mo na iyan, sa susunod hahayaan na kita" may note siya laging pare parehas naman ng sinasabi.
Ilang beses ko na siyang nawala pero ilang beses din naman niyang hahanapin at magpapadala ng pare parehong note lang.
"Itago mo na lang kaya iyan Mira baka mawala ulit" nakangiting sabi ni mommy nang minsan sa kaniya inabot ni KJ iyong angklet.
"Mommy naman, syempre dapat sinusuot ko iyong bigay niya para mafeel niyang gusto ko ito" matatawa lang sa akin si daddy.
"Alam mo nak kaunti na lang maiinggit na ko kay Kith sa mga ginagawa at iniisip mo sa kaniya" napapailing pa siya sa akin.
Noong 16 ako, dumating ang isang bagay na hinding hindi ko inaasahang mangyayari sa buhay ko. Namatay si daddy dahil sa sakit sa puso, that's when I started being scared of my own life. Doon ko na lang din narealize kung anong puwedeng magawa ng sakit ko, not that I am scared of dying anyway. Hindi ako takot mamatay, ano namang masama sa mamatay e doon maman tayo lahat pupunta. I am scared of leaving my mom, I am an only child at bata pa lang ako palaging pinapaalala ni daddy na huwag kong iiwan si mommy dahil sa pamilya namin, tatlo na lang kaming magkakasama pero siya naman ang nang-iwan sa amin. Walang pasabi, basta iniwan na lang kami.
When he died, pakiramdam ko nawalan ako ng matalik na kaibigan, my fragile heart died together with the thought that I will never see my dad again sobra pa siguro ang nararamdaman ni mommy. My dad is my mom's first and only love at hindi ko lubos maisip ang nararamdaman niya ngayon. Hindi ko na din maalala ang mga eksaktong senaryong nangyari sa mga pagkakataong iyon dahil parating bantay lang ako sa tabi ng kabaong ni daddy. I will never leave him not especially on his last day at papagalitan ako ni KJ kasi pinapabayaan ko iyong sarili ko na baka sa hospital din ang bagsak ko.
Doon mas lalong naging madalas ang paggising ko sa hospital at lagi ding si KJ ang unang nakikita ng mga mata ko pagkagising and I will feel secure pero iiyak ako ng madami at lalapit siya para bigyan ako ng panyo. Mga panyo niyang hanggang ngayon nakatago lang sa cabinet ko kasi hindi naman niya kinukuha. Hindi niya pa rin ako kakausapin pero hindi rin naman niya ako iiwan. Hindi ko alam kung galit pa ba siya sa akin nun o naging mabait na siya pero iniisip ko din baka naaawa lang siya sa akin dahil sa sitwasyon ko.
That's the first time I thought to myself, this guy , I want to marry him. Alam ko bata pa ako para isipin ang ganun bagay pero sigurado ang puso at isip. Lagi na lang siya parati ang nasa tabi ko, galit siya sa akin pero hindi rin naman niya ako iniiwan o pinabayaan kahit minsan. Walang wala naman siya kay daddy ko talaga, kasi napakasungit niya, hindi lang masungit sobrang sungit na sungit at hindi naman din talaga niya ako gusto noon pa lang, seven years old pa lang kami araw araw na niyang pinapaalala na hindi niya ako kailanman naging gusto bilang kaibigan o kahit higit pa doon. Hindi ako lagi kinakausap kahit lagi naman siyang andiyan sa tabi ko kapag nagigising ako. Naiinis siya sa akin pero siya naman ang unang magtatakbo sa akin sa clinic kapag masama iyong pakiramdam ko. Pag darating na sina mommy, aalis siya agad na parang wala namang nangyari.
Kaya pinilit ko si mommy na ipakasal ako sa kaniya well hindi naman agad dahil bata pa kami. Hindi ko din alam kung anong pumasok sa isip ko at naisip ko iyon, natawa pa si tito at tita nang sinabi ko sa kanila na papakasalan ko ang kaisa isa nilang anak pero sa huli napagdesisyonan din nilang magandang ideya ito hindi lang sa pagkakaibigan ng pamilya namin kundi maging sa negosyo. That's when he started to hate me more. Mas lalo lang niyang pinaramdam na ayaw na ayaw niya nga sa akin.
"Why would I marry her, dad. I don't even like her. May sakit siya sa puso dad" I heard him say that to his dad.
"Kith your language, hindi naman ginusto ni Mira ang sakit niya" his dad will explain to him over and over again.
Sino ba naman kasing may gusto sa kagaya kong may sakit? I will die eventually and will be forgotten. Naalala ko tuloy si mommy kung gaano siya nalungkot sa pagkawala ni daddy but she a strong woman and I want to be like her when I grow up.
Alam ko naman na napipilitan siya minsan sa pagbabantay sa akin sa hospital, he would leave his friends or leave his basketball practice just to run to the hospital for me dahil itatawag iyon ng mommy niya at lalo na kapag ang daddy niya. Ang mga salita ng daddy niya ay parang batas lagi sa kaniya, hinding hindi siya makakatanggi at palagi niyang sinusunod kahit ayaw na ayaw niya. I know how he admire his dad so much kaya nang mga sumunod na buwan at ang daddy naman niya ang nawala, gumuho ang mundo niya.
I still remember how I woke up that day and I found out he is not beside me. That's a first, nalungkot ako at nagmaktol pa sa nanay ko, such a spoiled brat.
"Mira, Kith's dad is dead"
nang sinabi iyon ng nanay ko, hindi ko na lang alam kung anong iisipin. Naramdaman ko ulit iyong sakit nang mawala si daddy hindi para sa akin kundi para kay KJ. I cannot imagine how devastated it is for him. Mahal na mahal niya ang daddy niya.
"He is in the same car nang maaksidente sila Mira but Kith is fine"
"Mommy pupuntahan ko siya"
Ngayon naman ay gumuho ang mundo ko lalo, paanong ganito ka cruel ng mundo sa kaniya that it let him watch his dad suffering. Hindi ko din naman alam kung magpapasalamat ako sa narinig ko. Knowing KJ, he would rather die than see his father in that kind of situation. Gaanoon niya kamahal ang daddy niya. I would see him staring at his dad with so much admiration while talking about business and I can see twinkle in his eyes.
Nang pumunta kami sa lamay ng daddy niya, he will just sit there staring at his dad. Para siyang bumalik sa seven years old na batang nawalan ng candy but this is different. Anong klase ako na ikumpara sa isang batang nawalan ng candy. This is harder, kapag nawalan ka ng candy pwede ka pa ulit bumili pero ito hindi na maibabalik pa.
Nilingon ko siya na may sugat at pasa pa sa katawan at mukha niya, may bandage ang isa niyang kamay resulta ng aksidenteng nangyari sa kanila ng daddy niya.
"KJ, pumanasan mo muna yang luha mo. Diba nga sabi ni tito huwag kang masyadong umiiyak" pero hindi siya gagalaw sa mga sinabi ko.
Sa huli ako lang din lagi ang pupunas ng luha niya and he will let me do it. Hindi ko alam kung bakit wala siyang lakas para awayin ako, gusto ko awayin niya lang ako kaysa iyong ganitong tahimik siya. I would always choose that than this.
"KJ, kumain ka na muna kaya, ayaw ni tito na nagugutom ka sige papagalitan ka nun" mahina kong sabi sa kaniya at iiling lang siya.
I will bring him a bottled water and help him drink o hindi kaya ay susubuan ko siya ng tinapay kasi ayaw niyang kumain ng lunch o dinner at hahayaan niya lang akong gawin iyon.
"Dapat magpalit ka muna ng damit, babantayan ko si tito para sayo. Hindi naman siya magagalit kapag nagpalit ka ng damit"
Para siyang robot na susunod na lang at tatango. Tatayo para lumapit sa mommy niya at manghingi ng damit na pamalit. Magugulat na lamang ang mommy niya na umalis siya sa tabi ng daddy niya. Lilingon siya sa akin na nakakunot ang noo pero ngingiti sa huli.
I sat there beside him, hindi naman niya ako napapansin at hindi ko rin naman gustong magpapansin not with this situation. Okay na sa akin na nasa tabi niya ako kapag walang wala na siya o kapag kailangan niya ako o puwede ding kahit hindi niya ako kailangan dahil never naman niyang sinabing kailangan niya ako pero kahit na, basta kapag malungkot siya dapat nasa tabi niya ako.
I will hold his hand and he will let me. That will the first time I touch him that long. I can feel his tremble. I can see him sob and cry and I will hug him and he will let me. I can feel how his heart beats so fast. Ipapatong niya lang ang ulo niya sa balikat ko kahit sobrang mas matangkad naman siya sa akin, hahayaan ko siya. Kahit kailan hindi niya ito nagagawa sa akin sa normal na pagkakataon pero siguro pagod na din siya. Kahit nagtataka ako minsan kung bakit bigla siyang naging ganun, iisipin ko na lang kasi nalulungkot talaga siya o hindi kaya sobrang gulo na talaga ng isip niya sa mva nangyayari.
"Let's go Mira" bulong ni mommy sa tabi ko pero hindi ako gagalaw kasi hindi ko siya iiwan.
Lalo na kapag nilingon ko siya ay tulog siya sa balikat ko o hindi kaya nakaunan siya sa hita ko. Hahaplusin ko lang ang buhok niya na parang batang natutulog lang.
"Mommy dito lang ako" mahina kong sabi at maiintindihan iyon ni mommy kaya magpapadala lang siya ng mga damit ko.
Sometimes I still think how miracle it is for me na hindi umaatake ang sakit ko ng mga panahong iyon. Nagpapasalamat ako na naging matapang at malakas iyong puso ko sa mga panahong kailangang nasa tabi ako ni KJ.
I've sat there for hours and hours waiting for KJ to say a word, even just a single word but he would'nt at hindi ko pa rin siya iiwan.
"Mira kumusta na si Kith?" Tanong ni Heather sa akin nang hindi siya pumasok.
"Malungkot pa rin" mahina kong tugon sa kaniya.
"Ma'am puwede po bang sulatan ko na lang si KJ tas ibibigay ko sa kaniya iyong mga dapat niyang gawin at ipasa kinabukasan?" Kinausap ko ang adviser ko.
"That will be nice of you Mira, sige at kakausapin ko ang mga subject teachers ninyo para saiyo na muna ibigay mga activities na ipapadala sa kaniya"
Hindi siya pumasok ng ilang araw magkatapos maiburol si tito. Pag papasok ako, sinusulatan ko siya or ginagawa ng assignment para hindi siya mahuli sa klase. Pupunta lang ako sa bahay nila palagi pagkatapos ng klase at papanoorin siya sa kwarto niya na umiiyak o hindi kaya ay naupo lang sa kama niya at pinagmamasdan ang kawalan. He will not shout at me or get mad at me or question why am I there. Parang wala lang ako doon, parang pagod na pagod na din siyang magalit sa akin ng mga panahong ito.
He will not eat his meal but I will feed him and he will let me do it. He will let me even sleep there in his sofa. Ipapadala na lang kinabukasan ni mommy iyong pamalit ko papuntang school.
"Thank you Mira, kung hindi dahil sa'yo hindi ko alam kung paano si Kith"
"Lagi po siyang nandiyan kapag kailangan ko siya tita kaya hindi ko din po siya papabayaan" mapait kong ngiti kay tita.
"I wonder why Kith doesnt like you, I will be so so happy Mira kung ikaw talaga ang mapapangasawa ni Kith. Alam kong bata pa naman kayo pero sa mga susunod na taon sana matupad nga" hinaplos nito ang buhok ko.
Ngingiti lang ako sa kaniya pero I always doubt his mom's words kahit palagi niya akong pinapasalamatan sa araw araw na pumupunta ako sa bahay nila para tignan siya, maybe because I know he hates me, paniguradong hahayaan niya lang ang kahit na sinong nasa tabi niyang alagaan siya.
Noong bumalik siya sa school mas lalo lang siyang naging cold, he will not talk to anyone palagi siyang nag-iisa sa gilid pero sasamahan ko siya and he will not mind. Bakit ang tagal tagal bago siya bumalik sa dati? Hinihintay ko lang na sigawan niya ako o pagalitan o iwanan doon mag-isa, hindi naman sa gusto ko pero kasi gusto kong bumalik na siya sa dati. Isang buong school year lang siyang ganoon.
"Mira, patanong naman kay Kith kung kailan siya babalik sa basketball, lagi na lang kaming nahihirapan pag wala siya" concern na sabi ng isa sa mga ka teammates niya.
"Sige itatanong ko" kahit hindi ko alam kung may makukuha ba akong sagot sa kaniya.
"Sasabay ako sa iyo pauwi hah?" I always try to be cheerful with him and he will just nod.
"Kailan ka daw ba babalik ng basketball, namimiss ka na daw nila" kahit hindi naman iyon ang sinabi nila.
Hindi siya magsasalita but he shrug. Minsan hindi ko din alam kung bakit hindi ako napapagod sa kaniya maybe because I can still remember my dad's words for me.
"Kung mahal mo, hindi ka mapapagod sa kaniya" and I will always question him.
"Pero paano kung hindi ka naman talaga niya mahal daddy, tao lang ako napapagod din" at ngingiti lang siya sa akin.
Hindi niya sasagutin, bagkus ay ngingiti lang siya.
"Tama naman ako diba mommy? Matuto tayong mapagod kapag hindi naman nakikita ang importansya" ngingiti lang din si mommy.
"Alam mo Mira, dapat hindi tayo nagsasalita ng tapos, malalaman mo din iyan kapag mas lumaki ka na" pero grade 9 na ako nun.
Noong nag-grade 11 kami, bumalik siya dati and I would be the happiest girl for him. Nakikita ko na siyang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya, nakikita ko nang naglalaro ulit siya ng basketball at nag eexcel sa academics. He will look at me with so much anger and that's fine because for me, him being happy is everything. He would look at me and I will smile at him but he will shake his head na para bang hindi naman siya natutuwa sa akin.
"Pasabay akong umuwi" I told him one day.
"Mira Kael, may sarili kang kotse stop pestering me" at papasok na siya ng sasakyan nila.
Kapag galit siya laging buong pangalan ko ang tinatawag niya, well lagi naman siyang galit sa akin kaya laging buong pangalan ko pa ang babanggitin niya. My name literally means Miracle, dahil hindi nila ineexpect na mabubuhay pa ako noong baby ako.
"Bakit ba ang sungit sungit mo?" I pout
Sasabihin ko ito pero hindi naman niya ako lagi naririnig. Napangiti na lang ako, basta okay na siya ay okay na din ako, walang kaso kung masaktan ng kaunti iyong puso ko.