CHAPTER 13

2258 Words
*FARRAH's POV* ~~~ TAHIMIK kaming kumakain nila Maxima dito sa Cafeteria, kasama namin si Noah lagi namang nakabuntot sa akin 'to. Nakakairita talo ko pa May bodyguard kung makabantay. "Anong susunod mong klase?" Tanong niya sa'kin kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit ihahatid mo na naman ako? Mukha pa ba akong bata para ihatid mo?" Mataray kong tanong sa kanya, nakakainis may bago naman silang isyu sa akin. Kaninong boyfriend na naman daw 'tong si Noah, mga inggiterang palaka lahat na lang napupuna! "Wala namang masama kung ihatid ka, malamang fiancé mo, diba Noah?" Nakangising tanong ni Maxima, tumango naman siya bilang sagot. Inirapan ko silang tatlo, wala akong pakialam kahit magkampihan kayo. Kumain na lang ako ng kumain, isusubo ko na sana yung natirang dumpling hindi natuloy. Dahil nandito na naman si Shella, seryoso siyang nakatingin sa akin. "Miss Fukuda, can we talk yung tayong dalawa lang." Tumango ako bilang sagot bago tuluyang sinubo yung dumpling, hm yum yum.. "Sumunod ka sa akin." Tumingin muna ako kila Maxima bago tuluyang tumayo. "Kami na bahala sa gamit mo, bilisan niyo lang mag-usap." May pag-aalala niyang sabi, sumunod na ako kay Shella. Papunta ito sa likod ng school kung saan kami nag-usap ni Augustus. Huminto siya sa pwesto namin kahapon, lihim akong napangisi di kaya nakita niya kami!? Edi nice…. "Anong pag-uusapan natin?" Malamig kong tanong sa kanya. "Nakita ko kayo kahapon ni Merced, hinalikan ka niya ano ang ibig sabihin nun?" Seryos niyang tanong habang nakatingin sa malaking puno. "Si Augustus ang tanungin mo tungkol don. Kasi ako hindi ko alam." Agad na sagot sa kanya, duh alangang sabihin kong inutusan ko siyang halikan ako. The heck no way! "Maganda at mayaman ka Miss Fukuda, maraming nagkakagusto sayo. Bakit si Merced pa? Bakit hindi na lang yung iba? Bakit kailangan pati relasyon naming dalawa sisirain mo? Mahal namin ang isa't-isa, marami siyang plano para sa aming dalawa. Sa susunod na taon, plano na naming magpakasal pero sa nangyayari ngayon dahil sa ginagawa mo mukhang malabo na. Masaya ba sa pakiramdam na nakakasakit ka ng iba? Si Merced lang ang meron ako Miss Fukuda, siya yung dahilan bakit patuloy pa rin akong lumalaban. Siya lang ang tagapagtanggol ko sa tuwing sinasaktan ako ng aking ama. Kapag nawala siya sa akin hindi ko alam, ang hirap kaya nakikiusap ako hayaan muna kaming dalawa. Gusto kong sumaya kahit isang beses lang sa buong buhay ko. Parang awa muna, h'wag mong kunin sa akin si Merced." Umiiyak niyang pagmamakaawa, hindi ako makapagsalita dahil sa nalaman ko. Wala kaming pinagkaiba, sinasaktan din ako pero wala lang Augustus na nagtatanggol sa akin. "Sana ibalik niyo na din ang kanilang pinaghirapan, naawa na ako sa kanya halos hindi na siya natutulog at kumakain. Makaramdam ka naman ng awa, itigil niyo na ang pagpapahirap sa kanila." Halos pabulong na niyang sabi. "Kahit na umiyak ka dugo at lumuhod ulit sa harapan ko. Hindi na muna mababago kung anong sinabi ko sayo. Kung hindi mo kayang makipaghiwalay kay Augustus, ikaw ang bahala choice mo yan. Katulad mo magmahal din ako ang pinagkaiba lang ikaw yung mahal ng taong minahal ko. Pero hindi ibig sabihin ay sumusuko na ako. Hindi pa Shella, katulad mo ginagawa ang lahat para hindi ko siya makuha. Ako naman gagawin ang lahat para makuha siya sayo. Natatakot ka ba sa halik niyang yon? Na baka ako na ang mahal niya hindi na ikaw? Siguro nga dapat ka ng kabahan, dahil baka mamaya sa akin na ang lalaking pinaglalaban mo." Napayuko siya habang umiiyak, hindi ako madadala sa ganyan pareho lang tayong pinaglalaban yung taong mahal natin. "Alam kong sa ating dalawa ako ang walang karapatan, pero kahit na ganun gagawin ko ang lahat makuha lang siya sayo." Pagkatapos kong sabihin yon tinalikuran ko na siya. Hinawakan niya ang kamay ko at biglang lumuhod. "Nagmamakaawa ako hayaan muna kaming dalawa, Mahal na mahal ko siya, ayokong mawala siya sa akin. Kaya nakikiusap ako sayo Miss Fukuda, ibang lalaki na lang h'wag si Merced. Parang awa muna, maawa ka.." Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko, habang nakatingin siya sa akin. Mahina akong tumawa, gagawin niya talaga ang lahat para lang hindi sila maghiwalay. "Nakakaawa ka!" Malamig at natatawa kong sabi, iniwaksi ko ang kanyang kamay. "Wala akong awa na nararamdaman sa isang tulad mo. Kaagaw kita bakit kita kakaawaan!? Masama ako di ba? Wala akong pakialam sa nararamdaman mo, imbis na gumawa ka ng paraan para ikaw pa rin ang mamahalin ni Augustus. Pero ano to nagmamakaawa ka sa karibal mo?" Natatawa kong tanong sa kanya, hindi ko alam if nag-iisip na ang babaeng 'to. Talagang nagmamakaawa siya sa akin? Tuluyan na akong naglakad palayo sa kanya. Hindi na akong nagtangkang tignan pa siya. Bumalik na ako sa Cafeteria, nandoon pa rin sila Maxima, pero wala na si Noah mabuti naman. Naiirita a kasi ako sa kanya, mabait naman siya okay kasama, pero duh feel na feel niya ang pagiging fiancee! Seryoso ang mukhang kong lumapit kila Maxima, napatingin sila sa akin nung umupo na ako sa pwesto ko. "Anong pinag-usapan niyong dalawa? Tungkol pa rin ba sa nangyari?" Tanong ni Maxima, tinaasan ko siya ng kilay. "Pwede bang uminom muna ako Mangubat, hindi halatang chismosa ka din." Pagtataray ko sa kanya inirapan niya lang ako. "Sa itsura ni Farrah mukhang nagkainitan na naman silang dalawa." Sabi naman ni Lillian. "Oo tungkol na naman kay Augustus, tinanung niya kung ano bang ibig sabihin ng paghalik sa akin—" Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil nag-react agad silang dalawa. "Ano hinalikan ka ni Merced?" Sabay nilang tanong na dalawa, tumango naman ako. "Oo bakit? Big deal kung hinalikan niya ako?" Mataray kong tanong. "Teka bakit ka hinalikan? Anong dahilan?" Sunod-sunod na tanong ni Maxima. "Hindi ko alam kung bakit." Kunwaring napaisip ako bago muling nagsalita. "Siguro mahal na niya ako kaya ginawa niya yon." Dagdag kong sabi saka ngumiti. "May ginawa ka na naman no, umamin ka Fukuda!" "Ano nanaman ang gagawin? Halik palang ang ginagawa sa akin ni Augustus, kung makahusga ka namang may ginawa na naman ako." Malamig kong sagot sa kanya, ang halik niyang yon maaring makasira sa kanilang dalawa. Mabuti na lang at nakita niya yon, kung sinuswerte nga naman. ~~~ *3RD PERSON'S POV* ~~ PROBLEMADONG nakatingin si Augustus doon sa nilapag ni Gideon sa mesa. Listahan yon ng mga nawawalang baril at ibang drvgs. Tatlong milyo na ang mawawala, hindi na alam ni Augustus kung paano ito masosolusyunan. "Ano na ang gagawin natin Merced? Hindi pa natin nababawi ang nagastos ng pinagbili natin. Mas nakinabang na ang nagtangkang magtraydor sayo." Seryosong sabi ni Gideon sa kaibigan. "Hindi mo pa rin ba kilala kung sino? Kung nagpatuloy pa 'to mawawalan na tayo ng pundo. Yung mga pangangailangan ng tauhan, hindi pwedeng wala tayong gawin. Magagalaw na ang naipon kong pampagawa ng bagong HQ. Wala na akong pagpipilian kundi ilabas yon." Napahilamos siya sa mukha gamit ang kanyang palad. "Pwede kang humingi ng tulong kay Hermida." Napailing si Augustus. "Hindi tayo matutulungan ni Hermida, dahil kaibigan ng kanyang ama si Mr. Fukuda. Kapag tinulungan niya tayo, malalaman ni Mr. Fukuda baka madamay pa sila." Seryosong sagot ni Augustus bago tumingin sa kisame. "Nakausap mo na ba si Miss Fukuda?" Muling tanong ni Gideon, tanging tango lang ang isinagot niya. "Anong sinabi sayo? Maayos na ba?" Sunod-sunod niyang tanong. Bumuntong-hininga ang binata. Alam na agad ni Gideon, problema na nga talaga 'to. "Hindi ko alam kung matutulungan niya ako, ang sabi niya wala na siyang magagawa dahil si Mr. Fukuda na yung nagdesisyon. Pero ang sabi niya kaya niyang gawan ng paraan, may kapalit!" Seryoso niyang paliwanag kay Gideon. "Makipaghiwalay ako kay Shella at makipag-date sa kanya. Hindi pa ako hibang Carrasco para gawin 'yan! Mahal na mahal ko Shella, pero putang ina naguguluhan na ako kung ano o sino ba ang aking uunahin! Kaligayahan ko o itong grupong iningatan ni dad. Kapag nawala ito lalo lang siyang madi-disappoint, siguradong magagalit din yung ibang kasamahan ni dad. Lahat ginawa ko para maipakitang nararapat ako sa posisyong ito, pero gaddammit talagang sinusubok ako ng tadhana!!" Galit niyang sabi kulang na lang ay suntukin niya yung lamesang nasa harap nila. Ginulo-gulo niya ang kanyang buhok dahil sa pagkainis. Gusto niyang magwala pero kapag ginawa niya yon wala siyang mapapala. Kaya pinipilit na lang niyang kumalma. "Kung makikipag-date ka na lang kaya, walang mawawala Merced sasakyan mo lang kung anong gusto niya. Kapag nakuha muna din ang iyong gusto, bahala na siya napakinabangan niyo naman ang isa't-isa. Marami tayong mga buyers na nawala lalo na connections. May mga natira pa naman pero kulang yon. Ipaliwanag mo kay Shella ang lahat, siguro naman maintindihan niya." Muling napabuntong-hininga si Augustus, kahit sabihin niyang maiintindihan yon ni Shella iniisip niya yung mararamdaman ng dalaga. "Kung talaga mahal ka niya maiintindihan ka ni Shella at may tiwala siya sayo. Kailangan mo ng mag-isip Merced, milyon na ang nawawala kapag nalaman ito ng iba siguradong malaking gulo. Sayo lahat ng sisi." Muling sabi ni Gideon sa kaibigan. "Pag-isipan mong mabuti, aalis na ako marami pa akong kailangang gawin." Paalam niya tinapik nito ang balikat ni Augustus bago tuluyang lumabas ng opisina ng binata. Saktong palabas na siya ng HQ nila, nakasalubong niya si Shella ngumiti sa kanya ang dalaga. "H'wag mo ng pahirapan pa si Merced, malaking pera na ang nawawala sa kanya. Sana gumawa ka ng paraan!" Malamig niyang sabi, napakunot naman ng noo si Shella dahil sa sinabi ni Gideon. Nagpatuloy na siya sa paglalakad hanggang makarating sa opisina ni Augustus. Kumatok muna siya bago tuluyang pumasok. "Babe." Nakangiti niyang tawag sa kasintahan. Napatingin naman sa kanya si Augustus, halata sa mukha niyang problemado 'to. Iginala ni Shella ang paningin sa opisina ng binata. Magulo at makalat dati ay malinis. "Anong ginagawa mo dito? Di ba sabi ko h'wag ka mo ng pumunta dito dahil maraming problema." Malamig na sabi ni Augustus sa dalaga habang nagliligpit ng kalat sa mesa. "Hindi mo kasi sinasagot yung tawag ko, kaya pumunta na lang ako dito. Kumain tayo sa labas." Aya niya sa binata, kunot noo na tumingin sa kanya si Augustus. "Wala akong oras Shella, nakikita mo naman siguro na ang dami kong dapat gawin. Pwede bang sa ibang araw na lang." Iritadong sagot niya sa dalaga, pilit namang ngumiti si Shella. "Pasensya na, may itatanong lang sana ako bago umalis." Nanatiling tahimik si Augustus, huminga naman siya ng malalim. "Nakita ko kayo kahapon si Miss Fukuda, sa likod ng school." Nagulat siya dahil sa sinabi nito pero hindi niya pinahalata. "Nakita kitang hinalikan mo siya, anong ibig sabihin ng halik na yon? May relasyon na ba kayong dalawa kaya doon kayo naguusap?" Sunod-sunod niyang tanong, pinipigilan niya ang luhang gusto ng kumawala. Huminga ng malalim si Augustus, ito na ang pagkakataon niya para magawa ang kanyang mga plano. "Yes, mag namamagitan na sa aming dalawa." Parang tinusok ng maraming kutsilyo ang kanyang puso. "Pa-paano tayo? Yung relasyon natin dalawa. Yung mga pangako mo sa akin?" Muli niyang tanong, ngumisi si Augustus na lalong ikinadurog ng kanyang puso. "Wala na ang lahat ng iyon, tama si dad wala akong mapapala kapag ipinagpatuloy kong makipagrelasyon sayo. Mahal kita Shella kaya ginagawa ko ito." Lalong naguluhan ang dalaga, mahal siya ni Augustus pero nagawa niyang lokohin siya "Hindi kita maintindihan! Ano bang plano mo?" "Wala akong plano, mahal kita pero hindi na tulad ng dati. May nararamdaman na din ako kay Farrah. Basta mag tiwala ka lang sa akin." Hindi na napigilan ni Shella ang kanyang luha. "Paano ako magtitiwala? Sige nga ginagago muna ako Merced! Mukhang masaya ka naman sa kanya, hindi na kita kukulitin!" Pagkasabi yon ni Shella ay tumakbo na siya palabas ng opisina ni Augustus. "I'm sorry Shella, gagawin ko ito para sa atin. Patawarin mo ako if ganito ang ginawa ko ngayon. Hahayaan mo na kitang kamuhian mo ako." Mahina niyang sabi. Patuloy lang sa pagtakbo si Shella hanggang makalabas na ng HQ nila Augustus. Parang sumasabog ang kanyang puso, akala niya'y hindi magagawa yon ni Augustus. Sana noon pa lang gumawa ng siya ng paraan para hindi muling nag-krus ang landas nila ni Farrah. Iyak lang siya ng iyak habang naglalakad hindi niya alam kung saan pupunta. Hindi siya pwedeng umuwi ng bahay nila na ganito ang kanyang sitwasyon. Habang ang mga tauhan nila Farrah ay kanina pa siya pinagmamasdan. Nakakuha din sila ng tyempo. "Kunin na natin siya, baka mamaya may dumating pang kasama yan." Sabi ng isang lalaki, sumenyas sila sa kasama pa nilang isa na kanilang driver. Mabilis niyang pinatakbo palapit sa dalaga ang sasakyan, paghinto ay agad na lumabas ang tatlong men in black. Nagulat si Shella ng hilain siya, sisigaw pa sana ang dalaga ngunit hindi na natuloy dahil tinakpan ng panyo ang kanyang bibig. Nagpupumiglas siya para makawala, pero mas malakas sila kesa sa kanya. Tinulak siya papasok sa loob, lalo siyang naiyak at nanginginig na sa takot. Pagsarado ng pinto ng sasakyan ay saka lang binitawan ang bibig niya. "Anong kailangan niyo sa akin? Sino kayo?" Tanong niya habang tinitingnan ang mga lalaking nakatakip ang mukha. "Pakawalan niyo ako, wala kayong mapapala sa akin wala akong pera!" Sigaw ng dalaga, naririndi na sila dahil sa kaingayan niya. Kinuha muli ng lalaki ang panyo at nilagyan ng pampatulog. Itinakip nito sa ilong ng dalaga, nagpupumiglas si Shella hindi inalis ng lalaki yung panyo hangga't nakikita niyang gising ang dalaga. Unti-unti ng nilalamon ng kadiliman si Shella, Merced tulungan mo ako. Aniya sa isipan bago tuluyang makatulog. ~ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD