*3RD PERSON'S POV*
~~
NAPATAYO mula sa pagkakaupo ang ina ni Farrah nang makita siyang pumasok sa dining. Walang ekspresyon ang mukha ng dalaga, dahil sa galit niya sa ina ay hindi talaga minulat ng dalaga ang kanyang mata kahapon.
"Farrah, anak okay ka na ba? May masakit ba sayo?" Nag-aalala na tanong ng ginang sa anak. Hindi sumagot ang dalaga tahimik siyang umupo sa kanya pwesto.
"Gising na siya mom, malamang okay na si Farrah." Sagot ni Francis bago sumandok ng pagkain niya.
"Hindi naman agad mamatay yan, masamang damo." Nakangisi namang sabi ni Frederick.
"H'wag naman kayong ganyan sa prinsesa natin." Mapang-asar na sabi Ferdinand, tinignan sila ng kanilang ama kaya umayos silang apat sa pagkakaupo.
"Mabuti naman at okay ka na." Seryoso na sabi ni Freddy, nanatili pa ring tahimik ang dalaga.
Dahil sa nangyari hindi na alam ni Farrah, kung sino ba ang kakampi niya sa pamamahay nila. Ang inaasahan niyang makakaintindi sa kanya, mukhang wala na siyang aasahan pa.
Napapangisi nalang ang tatlo niyang kapatid habang nakatingin sa kanya. Wala siyang plano makipagtalo ngayon kailangan niyang bumawi ng lakas.
Nang matapos na siyang kumain, tumayo na si Farrah sa kinauupuan. Tahimik siyang lumabas ng dining, diretso na lumabas si Farrah dahil balak niyang pumasok ngayon.
Sumingkit ang kanyang mata nang makitang si Noah. Nakasandal 'to sa sasakyan sarili niyang sasakyan.
"What are you doing here?" Malamig niyang tanong sa binata.
"Sinusundo ang fiancee ko." Nakangiting sagot ni Noah, inikotan lang siya ng mata. Pinagbuksan niya ng pinto si Farrah, pero hindi sumakay ang dalaga.
"May sarili akong sasakyan, hindi ko kailangang sumakay dyan!" Nakangisi na lamang si Noah.
"Ang sabi ng iyong ama, simula ngayon sa akin ka na sasabay."
"Kung ikaw nakikinig sa kanya, h'wag mo akong itulad sayo. Kung gusto mong magkasundo tayong dalawa. H'wag mo akong pakialaman, h'wag kang umastang meron tayong dalawa. Dahil sa papel lang tayo!" Malamig niyang sabi sa binata.
"Sasakay ako ngayon, dahil wala ang driver ko! Tabi!" Mataray niyang dagdag bago sumakay. Napailing na lang si Noah bago umikot sa driver seat.
Tahimik lang si Farrah habang nakatingin sa labas.
"Ngayon lang ako nakakita ng matapang na gaya mo." Natatawa na sabi ni Noah habang sa kalsada ang tingin.
"Oh tapos? Matutuwa na ba ako?" Pambabarado ni Farrah sa kanya, lalo lang siyang natawa.
"Ibang klase ka talaga, kinakatakutan ang iyong ama pero kung sagot-sagutin mo siya para lang kayong magkasing-edad."
"May karapatan ako, kaya ipaglalaban ko yon kahit sino pa siya sa inaakala niya!" Mataray na sagot ng dalaga. "Bakit ikaw hindi ka man lang nagreklamo nung gabing yon?" Malamig na tanong ng dalaga.
"Kahit naman magreklamo ako wala namang mangyayari. Mapapalayas lang ako sa bahay kapag ginawa ko yon." Natatawa niyang sagot, anak siya sa labas kaya kung maari ay lahat ng gusto ng kanyang ama ay masunod.
"Kalalakî mong tao takot kang lumaban."
"Hindi sa takot, sino ba sa tingin mo ang matutuwa sa plano nila? Magpapakasal sa taong hindi ka naman mahal. Saka hindi ako pwedeng magreklamo dahil May binayaran akong utang na loob." Mahinang natawa si Farrah dahil sa sinabi ng binata.
"Utang na loob? Kapalit sarili mong kaligayahan, katarantaduhan yan! " Sarkastikong sagot ni Farrah, hindi niya akalain na sa lalaking katulad nito ay mas iniisip pa iyon kesa kaligayahan niya
"Magkakaiba kasi tayo ng sitwasyon, hayaan nalang natin ang kagustuhan nila. Hindi naman kita pipilitin na magpakasal sa akin." Napataas ng kilay si Farrah habang nakatingin sa binata.
"Ngayon palang sinasabi ko na, wala akong interest sayo. Gawin mo kung anong gusto mong gawin. Maghanap ka ng ibang babae kung gusto mo." Si Noah naman ang natawa.
"Kung pwede lang why not, maraming mga matang nakatingin sa akin. Pati sayo, kaya gagawin ko kung ano ang aking trabaho bilang fiancé mo." Nagkibit balikat na lang si Farrah dahil wala siyang balak intindihin ang sinabi ng binata.
~
HABANG si Augustus nasa gate na naman hinihintay na pumasok ang dalaga. Saktong pagtingin niya sa labas ng gate. Nakita na ng binata ang babaeng ilang araw niyang hinintay. Pero agad ding kumunot ang noo ni Augustus, dahil nakita niyang may kasamang lalaki si Farrah.
Pinagbuksan ni Noah ng pinto ang dalaga, bumaba naman agad si Farrah.
"Susundin kita sa classroom mo mamaya, sabay tayong kakain." Nakangiting sabi ni Noah.
"Libre mo if oo papayag ako, kapag hindi no thanks."
"Ang yaman mo pero ang kuripot. Oo na libre ko na wag naman yung mahal na pagkain." Walang choice na sabi ng binata.
"Oh bakit mayaman din naman kayo, don't tell me na hindi ka binibigyan ng baon?" Taas kilay na tanong ni Farrah.
"Malamang meron pero kailangan ko pa ring mag tipid." Napaisip naman si Farrah, pero hinayaan niya nalang.
Lumapit naman si Augustus sa kanila, nagulat pa ang dalaga ng makita siya.
"Fukuda, pwede ba tayong mag-usap?" Malamig na tanong ni Augustus.
"Sino siya love?" Tanong ni Noah, kumot noong tinignan siya ng dalaga.
"Love?" Pag-uulit ni Farrah.
"Yes love, tara na mala-late na tayo." Hinawakan na ni Noah ang kamay niya at akmang hahakbang na siya ay binawi ng dalaga.
"Kakausapin ko lang ito mukhang matindi na ang pangangailangan niya." Malamig na sabi ni Farrah.
"Sige mamaya love susundin kita." Napairap na lang si Farrah dahil feel na feel ng binata na tawagin siyang love, kinikilabutan siya.
"Anong kailangan mo? Bilis at May klase ako!" Mataray na tanong ni Farrah, tumingin sa paligid ang binata hindi sila pwedeng mag-usap dito.
"Pwede bang sa likod tayo ng school mag-usap?" Tanong ng binata, tumango na lang si Farrah. Nakasunod lang siya kay Augustus, nanibago naman ang binata dahil sa pagtrato sa kanya.
Habang naglalakad sila, napatingin sakanila ang kapwa nila mag-aaral. Nagtataka bakit magkasama silang dalawa.
"Bakit doon pa tayo mag-uusap? Pwede namang dito na lang." Reklamo ng dalaga pinagpapawisan na siya dahil sobrang init.
Hindi sumagot ang binata, nang makarating na sila sa likod ng school. Humarap sa kanya si Augustus.
"Tuluyan ng nawala sa akin ang lahat, mga koneksyon ko at maging ang buyers namin. Akala ko ba okay na?" Malamig na tanong ng binata, napangisi naman si Farrah.
"Hindi ko na kailangang problemahin yan, si daddy na ang kumilos wala na akong magagawa. Pero sa nakikita ko desperado ka." Mahina siyang natawa, hindi niya lubos akalain na kakausapin siya ng binata. Kung ito lang pala ang dahilan para kausapin siya saan noon pa nangyari.
"Ano pa bang gusto mo? Humingi na ng tawad sayo si Shella. Hindi pa ba sapat 'yon?" Muli niyang tanong sa dalaga.
"Sorry is not enough, kahit na mag sorry kayo ng ilang beses walang mangyayari. Dahil si daddy na ang nagdesisyon. Wala din silbi ang pag-uusap nating 'to." Seryosong sagot ni Farrah. "Bakit nga ba ako nagpapaliwanag sayo, hindi ka naman maniniwala." Dagdag niyang sabi.
Naikuyom ni Augustus ang kanyang kamay, hindi siya naniniwala na walang magagawa ang dalaga.
"Kaya kitang tulungan, pero may kapalit. Ikaw, simple lang naman ang gusto ko. Makipaghiwalay ka kay Shella at yayain mo akong mag-date. Pero kung ayaw mo naman, it's okay hindi naman ako yung mawawalan." Pagkasabi yon ni Farrah ay tinalikuran na niya si Augustus. Agad namang hinawakan ng binata ang kamay nito para pigilang umalis.
"Wala na bang ibang paraan? kahit ano h'wag lang yan!"
Muli niyang hinarap ang binata saka ngumisi. Hinawakan niya yung pisngi ni Augustus, ngumiti ng matamis.
"Kiss me." Nagdilim yung mukha ni Augustus tumawa naman ng mahina ang dalaga.
"Sinasayang mo lang ang oras ko Augustus!" Umiiling-iling niyang sabi bago binitawan ang mukha ng binata.
Pinagmumura na niya sa kanyang kalooban ang dalaga. Wala silang pinagkaiba ng kanyang ama, mahilig manipula ng tao lalo na kung nakikita nilang naiipit 'to.
"Well, wala na akong mahintay baka mamaya tuluyan ng mag-sara yung kumpanya niyo." Aalis na sana siya ngunit muli siyang hinila ni Augustus at walang pag-aalinlangang hinalikan ang dalaga.
Nagulat siya nung una pero agad din niyang tinutugunan ang halik ng binata. Kitang-kita ni Shella kung paano maghalikan ang dalawa, kanina pa siya nagtatago habang nakatingin sa dalawa. Hindi niya lubos akalain na hahalikan ni Augustus si Farrah. Parang pinipiraso ang kanyang puso, hindi na niya namamalayan umiiyak na pala siya. Agad siyang tumakbo paalis sa lugar na yon.
Hingal na hingal silang dalawa nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
"It tastes good!" Nakangiting sabi ni Farrah habang nakahawak sa kanyang labi.
"Pag-iisipan ko ang gusto mong mangyari. Hindi ako basta pumapayag, alam mo kung anong gusto ko Augustus, be my man tutulungan pa kita." Nakangisi niyang sabi sabay kindat. Naikuyom ni Augustus ang kanyang kamao dahil sa galit.
"Wala kang pinagkaiba sa iyong ama! Lahat talaga gagawin makuha lang ang gusto! Pagsisisihan mo ito Farrah Fukuda!" Mahina niyang sabi habang madilim ang mukhang nakatingin sa dalaga.
Tumawa naman ng mahina si Farrah, dahil ramdam niya ang masamang titig sa kanya ni Augustus. Hindi niya na sasayangin ang pagkakataong 'to. Balak niyang gamitin ang pagkawala ng ari-arian nila, para mapasakanya ng tuluyan si Augustus.
"Papaikotin kita sa mga palad ko Augustus, hanggang sa tuluyan ka ng maging akin. Bago tuluyang mangyari yan, kukunin ko muna ang kumpanyang ibibigay sa akin. Uumpisahan ko ang pagpapabagsak sa mga walang kwenta kong kapatid. Wala akong ititira kahit piso, lahat ng iyon ay ibibigay ko sa mga karapat-dapat." Nakangisi niyang sabi habang naglalakad.
Hindi na ako makapaghintay na maging akin na Augustus Merced. Kapag nangyari yon ako na ang pinakamasayang babae sa mundo. Aniya sa isipan.
Mula nung ikinulong ulit siya, narealize ni Farrah na wala ng pag-asang magbabago ang kanyang ama. Kaya napag-isipan niyang kunin ang kumpanya. Babaguhin niya kung anong patakaran. Lahat ng mahihirap at nangangailangan ng trabaho, balak niyang bigyan maraming balak para lalong mapalago ang kanilang negosyo.
Lampasuhin ko kayong lahat, walang pamilya-pamilya mangyayari dahil ni minsan, hindi niyo ako tinuring na kabilang ng pamilyang sinasabi niyo.
~~
ANG INA naman ni Farrah, hinihintay ang mga inutusan niyang nagmanman kay Shella. Wala pa kasi siyang nakukuhang balita mula sa kanila.
"Palpak ata ang binigay mo sa akin na tauhan!" Taas kilay niyang sabi kay Mr. Ogami.
"Magtiwala ka lang Mrs. Fuduka, hindi basta kumilos ang mga yun kapag alam nilang alanganin. Dahil sila din ang mahihirapan kapag hindi maayos ang kanilang trabaho." Agad na paliwanag ng ginoo, nagkibit-balikat balikat naman si Mrs. Fukuda.
Umayos siya sa pagkakaupo ng pumasok yung tatlong men in black.
"May balita na ba?Malamig niyang tanong sa kanila.
"Araw-araw namin siyang nakikita Madam, pero laging may mga kasama. Ginagawa namin ng maayos ang aming trabaho, lagi namin siyang sinusundan kahit saan magpunta. Oras na magisa lang siya hindi na namin sasayangin ang pagkakataon." Paliwanag ng isang lalaki habag nakayuko.
"Siguraduhin niyo lang na maayos ang iyong trabaho, h'wag niyong sasaktan ang babaeng 'yon. Kapag nakuha niyo na siya, tawagan mo agad ako." Seryoso niyang sabi tumango naman sila.
"Kailangang sa madaling panahon makuha niyo na yan, hindi na dapat pinapayagan gusto kong iparanas sa kanya kung ano at sino nga ba ang Fukuda." Tumawa siya ng mahina, iniisip palang niya kung ano ang kanyang gagawin. Siguradong pandidirihan na siya ni Augustus.
"Si Merced madam, wala kayong balak?" Tanong ng isa, agad na naging seryoso ang mukha ng ginang.
"H'wag mong pakikialaman yung lalaki yon, si Farrah ang makakalaban niyo oras na May ginawa kayo." Mariin niyang sagot, galit ang dalaga sa kanya ayaw na niyang dagdag.
"Ang girlfriend niya lang ang pinapakuha ko sa inyo. Hirap na hirap na mga kayo sa babaeng yon. Balak pa ninyo si Merced, mga hibang ba kayo?" Galit niyang tanong sa tatlo, napapailing naman ang dalawa nilang kasama na nasa labas.
"Bumalik na kayo, tignan ko kung hanggang saan ang kaya ni Merced. Unti-unti ng nawawala ang lahat sa kanila. Lalapit at lalapit ka din kay Farrah. Kapag nangyari yon sasangayon na lahat ng kagustuhan ng aking anak. Magkakaayos na ulit kaming dalawa, kaya gawin niyo ang lahat para madukot niyo yung babae na yon!" Seryoso niyang sabi, nagkatinginan silang tatlo bago yumuko at tinalikuran ang ginang.
Narinig lahat ni Ferdinand yung plano ng ina, tumawa siya ng mahina ito na ang pagkakataon niyang magpalakas sa ama.
"Hindi kayo magtatagumpay, lahat ng iyan mapupunta sa inyo ang sisi lalo na yang paborito niyong anak!" Mahina niyang sabi bago umalis sa kanyang pinagtataguan.
~ITUTULOY