*3RD PERSON'S POV*
~~
DAHIL SA GINAWA ni Farrah sa restaurant, pagbaba nila ng sasakyan ay kinaladkad ni Freddy ang dalaga papasok ng bahay nila. Napadaing naman si Farrah, dahil kulang nalang ay humiwalay na sa kanyang katawan ang kaluluwa niya.
"Tama na yan Freddy, hindi ka pa ba napapagod!" Sigaw ng ginang sa asawa, habang hinihila si Farrah.
"Tumahimik ka dyan! Kung ayaw mo pati ikaw ay madamay, dapat ang sungay ng batang 'to pinuputol na!" Malamig na sabi ng ginoo, humigpit ang hawak niya sa braso ng dalaga.
Nagulat naman ang mga kapatid ni Farrah, dahil sa narinig nilang sigawan mula sa sala.
"Ano na namang ginawa ng babaeng yan dad?" Tanong ni Frederick habang pababa ng hagdan.
"'Wag na kayong makialam dito!" Malamig niyang sagot bago hinila papasok si Farrah papasok sa bakanteng kwarto
"Ano pa bang gusto mo? Pinirmahan ko na nga!" Iritadong tanong ng dalaga sa ama. Habang nagpupumiglas, ayaw na ayaw niyang naikukulong sa kwarto 'to. Dahil bata pa lang siya nararanasan na niyang makulong dito.
"Anong inaakala mo palalampasin ko ang ginawa mong pagpapahiya sa akin? Hindi muna ako ginalang Farrah, sa harapan pa mismo ng business partner ko!" Galit niyang sigaw sa dalaga.
"Bakit dapat pa ba kitang igalang? Respetuhin mo muna ang iba bago ka humingi ng respeto mula sa ibang tao!!" Matapang na sagot ng dalaga, dalawang malulutong na sampal ang natanggap ni Farrah mula sa kanyang ama.
"Hindi ka lalabas dito hangga't hindi ka tumitino!" Mariin na sabi ng ginoo bago itulak ang dalaga, napaupo siya sa sahig agad na tumayo si Farrah nang makita niyang isasara na yung pinto. Hindi pa rin siya umabot, sunod-sunod niya itong kinalampag.
"Buksan niyo ang pinto!" Sigaw ng dalaga habang patuloy na kinakalampag yung pinto.
"Mommy buksan mo ang pinto!!" Halos mamaos na si Farrah kakasigaw. Tinginan ni Freddy ang asawa niya.
"Maawa ka sa anak natin, sinabihan na tayo ng doctor. Baka maulit na naman ang nangyari sa kanya noon." Pakiusap ng ginang, natatakot siya para sa anak. May trauma si Farrah sa madilim.
"Kakausapin ko si Farrah, pakiusap pakawalan muna siya!" Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng ginoo, iniwaksi lamang iyon ni Freddy.
"Subukan mong palabasin ang anak mo, sisiguraduhin kong hindi muna ulit siya makikita!" Mariin niyang bulong sa ginang bago nilampasan.
"Freddy maawa ka sa anak natin! H'wag mong gawin to sa kanya!" Muling pakiusap ng ginang pero tila walang narinig si Freddy. Napangisi na lamang si Fredireck habang nakatingin sa sa kanyang ina.
"Mommy maawa ka! Ayoko dito palabasin mo ako!" Muling sigaw ni Farrah, umaasang may magbubukas ng pinto.
"Daddy, I'm sorry buksan mo 'tong pinto! Ayoko dito ang dilim-dilim.!" Pakiusap niya sa kanyang ama.
"Daddy! Buksan mo itong pinto, maawa kayo mga hayop! Patayin niyo na lang ako kesa pinapahirapan ng ganito!!" Muling sigaw ni Farrah halos lumabas na ang ugat nito sa leeg.
Napayuko ang ginang, bago talikuran yung pinto at wala ng lingon-lingon pa. Patuloy sa pagsigaw si Farrah, hanggang mapagod na siya. Napaupo sa sahig ang dalaga, nakapikit habang nakayuko ayaw niyang tumingin sa paligid para siyang hinihigop nito. Nanginginig na din ang kanyang tuhod dahil sa takot.
"Buksan niyo itong pinto— maawa kayo—" Nahihirapan niyang sabi at wala na itong lakas na kinalampag.
Nahihirapan na siyang huminga pakiramdam niya'y kakausapin ang kanyang paghinga. Nasusuffocate na ang dalaga, napahawak siya sa kanyang dibdib.
"Mommy!" Mahina niyang tawag sa kanyang ina. Bago tuluyang bumagsak sa sahig.
~
MAAGANG NAGISING ang ina ni Farrah, agad niya 'tong pinuntahan para tingnan kung okay lang ba ang dalaga.
Pagbukas niya ng pinto ay napasigaw siya. Dahil bumungad sa kanya na nakahandusay sa sahig si Farrah. Nagkagulo naman ang lahat dahil sa ginawang pagsigaw ng ginang.
"Farrah anak gumising ka." Tinapik-tapik niya ang mukha ng dalaga. Pero hindi ito gumising.
"Ogami! Tawagan mo ang family doktor!" Muli niyang sigaw bago tinignan kung nabagok ba ang ulo ng dalaga.
"Wala ka na bang ibang ginawa kundi sumigaw! Marami akong importanteng ginagawa!" Galit na sabi ni Freddy sa asawa.
"Hayop ka talaga, ano sa tingin mo hindi importante si Farrah. Dahil sa ginawa mong pagkulong sa kanya nawalan na naman siya ng malay! Sinabihan na kita Freddy, wala kang awa! Unti-unti mong pinapatay ang iyong anak!!" Galit na galit na sigaw niya sa asawa.
"Gumising ka please, Farrah anak." Halos pabulong niyang sabi sa dalaga.
Lumapit si Francis sa kanya ina at binuhat ang kapatid. Wala siyang aasahan sa iba dahil mataas ang kanilang pride.
"Nagpakitang gilas ka na naman Francis." Natatawang sabi ni Fernand, habang nakatingin sa binata.
"Pare-pareho kayo!" Mariin na sabi ng ginang bago sila daanan.
Pagdating ng family doctor ng pamilyang Fukuda. Agad niyang tinignan si Farrah, napailing na lang ang ginang, dahil naulit na naman kung anong nangyari sa dalaga noon
"Sinabihan ko na kayo Mrs. Fukuda, bakit naulit na naman 'to. Alam niyong May trauma si Farrah sa dilim kinulong niyo na naman siya." Umiiling-iling na sabi ng doktora, hindi naman makapag salita ang ginang nanatili lang siyang tahimik at umiiyak.
"She's okay, walang nangyari masama sa kanya. Maya-maya gigising na din siya, h'wag mo siyang iiwanan misis. Dapat nandito ka pag gising niya. Kung hindi siya makatulog at inaatake ng kanyang Anxiety, painumin mo lang siya ng gamot." Bilin ng ginang kay Mrs. Fukuda bago lumabas ng silid ng dalaga.
Nakasalubong niya si Freddy, malamig siyang tinignan ng ginoo.
"H'wag kang magpakatatay Mr. Fukuda, if hindi mo naman pala kaya " Seryosong sabi nito bago tuluyang makababa ng hagdan. Napahinto naman ang ginoo at masamang tumingin sa doktora.
Pumasok na siya sa kwarto ng dalaga, napatingin sa kanya ang ginang.
"Ang kapal naman ng mukha mong pumunta dito! Wala ka ba talagang nararamdaman na awa? Kahit sa anak mo lang Freddy, alam mong takot siya sa dilim talagang kinulong mo pa talaga!" Galit na sabi ng ginang sa kanyang asawa. "Sinabi ko na sayo, ako na lang ang saktan mo h'wag si Farrah!" Dagdag pa niyang sabi.
"Pwede ba tumigil ka na sa kakasalita mo, kailangan niyang harapan ang kanyang kinakatakutan. Kaya gagawin ko kung anong makakabuti sa kanya! Nakakairita ka, kung gusto mong maging ayos ang iyong anak. Tumahimik ka at suportahan kung anong mga gusto ko!" Seryosong sagot ng ginoo bago nilapitan si Farrah.
"Kaya lalong tumitigas ang ulo ng iyong anak, alam niyang kakampihan mo siya. Kung talagang gusto mong maging ayos ang buhay niya balang araw. Makipag tulungan ka sa akin, baka sakaling matuwa pa ako sayo!" Nanatiling nakapikit si Farrah narinig niya ang sinabi ng kanyang ama. Lalong nag aapoy sa galit ang puso ni Farrah, nanggagalaiti siya sa galit dahil lahat gagawin nito para lang magmanipula ng tao.
"Ano sa tingin mo? Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko. Kung gusto mo makasama pa ng matagal si Farrah susundin mo'ko!" Muling sabi niya sa kanyang asawa bago lumabas sa silid ng dalaga.
Hindi pa rin nagmulat ng mata si Farrah, ayaw niyang makausap ang kanyang ina. Naiinis siya dito dahil sunod-sunuran pa rin ito sa kanyang ama.
~~
*AUGUSTUS' POV*
~~
TAHIMIK kaming kumakain ng agahan, simula nung araw na nag-away kami ng aking ama. Hindi na niya ako kinakausap, maging ang aking ina.
"Dad—" Hindi ko pa nasasabi ang gusto kong sabihin ay nagsalita na siya.
"Una palang sinabihan kita nakinig ka ba? Kaya 'wag kang magsasabi sa akin ngayon. Ilang taon ko silang naging contact pero dahil sa ginawa mo mawawala silang lahat. Siguradong maraming magagalit sa'yong mga taga East Side Ballas!" Malamig niyang sabi sa akin. "Ang anak ni Mr. Fukuda lang ang makakatulong sayo. Kung kakausapin mo siya at makipag kasundo, may mas pakinabang ka pa!" Dagdag niyang sabi bago tumayo mula sa pagkakaupo.
Tumayo na din si mama, humigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara't tinidor.
"Umaalis na din ang ibang shareholders sa kumpanya ng iyong ama. Kapag nagpatuloy pa ito tuluyan ng malulugi." Malungkot na sabi ni mama bago ako talikuran.
Naiwan akong mag-isa, halos hindi nagalaw ang pagkain nakahaing sa hapag. Nawalan na ako ganang kumain kaya napagpasyahan kong tumayo na din.
Kailangan ko na talagang makausap ang anak ni Mr. Fukuda. Iba kasi ang takbo ng utak niya, nakakairita! Ayoko pa namang makipag usap sa gaya niya!
Sumakay na ako sa aking sasakyan at mabilis na pinatakbo. Hindi na kami laging magkasama ni Shella, dahil abala sila sa kanilang thesis.
Pagdating ko sa school, nanatili muna ako sa gilid ng gate. Araw-araw kong inaabangan si Farrah dito, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Gusto ko siyang makausap, dahil ilang araw na kaming walang kinikita sa mga ilegal naming gawain. Hindi pa namin mababawi yung pinang bili sa mga drvgs at bàril. Kapag nagpatuloy pa ito, sa kangkungan kami pupulutin.
"Sinong hinihintay mo Merced?" Tanong ni Hermida nang makita niya ako.
"Ilang araw na kitang napapansin, lagi kang nandito sa gate." Dagdag niyang sabi hindi ko siya pinansin. Nanatili akong nakatingin sa gate.
"Hoy Merced, sino ba hinihintay mo dito? Mala-late ka na sa klase natin kapag nanatili ka pa dito." Pangungulit niya malamig ko siyang tinignan.
"Mauna ka na sinabi ko bang hintayin mo ako. May hinihintay akong tao!" Iritadong sagot ko sa kanya, lahat na lang kasi napapansin ng isang 'to.
"Bahala ka nga dyan!' Masungit niyang sabi bago tuluyang naglakad. Muli akong sumandal sa poste kung saan ako nakasandal kanina.
Darn it! Mukhang hindi ko na naman siya makikita ngayon. Napaayos ako ng tayo nang makita ko si Maxima. Agad ko siyang nilapitan halatang nagulat, pero agad ding naging seryos ang mukha niya.
"What!?" Mataray niyang tanong.
"Nasaan si Fukuda?" Pabalik kong tanong, tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Anong kailangan mo sa kanya? Wala siya hindi ko alam kung nasaan!" Halata sa mukha nito ang pagka-irita.
"Gusto ko lang siyang makausap!" Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, talagang kailangan ko siyang makausap.
"Tsk! Ngayon ikaw na ang kakausap, dati pinagtatabuyan mo ibang klase. Dahil ano? Pabagsak na lahat ng pinaghirapan ng iyong ama. Deserve!" Nakangising sagot niya sa akin saka inikotan ng mata.
"Wala siya ilang araw ng hindi pumapasok, ang sabi sa akin ni Lillian sinaktan na naman siya ng kanyang ama. Siguro nagpapagaling pa!" Paliwanag niya bago ako talikuran, sinaktan?
Problemado akong naglakad papunta sa tambayan namin. Anong gagawin ko ngayon!? Hindi namin pwedeng ibenta sa kung kanino lang baka may makatunog na parak, yari!
Napatingin ako sa aking cellphone dahil tumunog ito. Si Carrasco agad kong sinagot.
"Merced may problema, nasaan ka mag-usap tayong dalawa." Seryoso niyang sabi, napahilot ako sa aking sentido. Hindi na natapos na problema, putangina!
"Nandito ako sa tambayan!" Malamig kong sabi.
"Sige papunta na ako dyan, tiyakin mong tayong dalawa lang ang nandyan." Seryoso niyang sabi bago ako patayin yung tawag. Tumayo ako tinignan ko if may tao sa dalawang kwarto wala naman. May mga klase ang mga iyon.
Maya-maya pa ay dumating na si Carrasco. Umupo na agad siya sa sofa.
"Anong problema?" Seryoso kong tanong habang nakasandal sa dingding.
"Yung binili nating mga baril, unti-unti ng nawawala. May traydor sa grupo mukhang binebenta niya sa iba at siya lang ang kumikita." Seryoso niyang sabi sa akin, agad na dumilim ang aking mukha.
"Sino ang nasa likod nito?" Muli kong tanong sa kanya, sino naman ang naglakas ng loob na traydurin ako. Malaman ko lang kung sino, buhay niya ang magiging kapalit. Lintik lang ang walang ganti.
"Wala pa akong nakukuhang ebidensya magaling ang gumawa nito. Lahat ng tauhan ay pinag-aaralan ko ang kanilang mga kilos. Naglagay na din ako ng CCTV, kung sa kanila mang gumawa ulit sila ng kalokohan mahuhuli na kung sino." Muli niyang paliwanag tumango-tango naman ako.
"Alamin mo sa lalong madaling panahon, dahil hindi ko alam kung hanggang kailan mangyayari to. Hindi ko pa rin nakakausap si Bansot, ilang araw na siyang hindi pumapasok. Pati sa kumpanya namin isa-isa ng umaalis ang ibang shareholders. Hindi lang ang East Side yung apektado lahat ng meron kami." Problemadong paliwanag ko sa kanya.
"Iba talaga kapag Fukuda ang binangga mo. Hindi ka bibiglain kundi uunti-untiin ka nilang uubusin. Kailangan mo nga siyang makausap, dahil kung tutuusin may kasalanan din siya. What if pagbigyan mong mag-date kayong dalawa?" Tinignan ko siya ng masama dahil sa sinabi niyang yon.
"Walang mawawala Merced, malay mo bumalik na sa dati ang lahat. Alam naman natin na patay na patay siya sayo. What if sakyan mo ang trip niya sa buhay? Nag-iisang anak na babae yon ni Mr. Fukuda, siguradong hindi siya matitiis ng kanyang ama." Nakangisi niyang paliwanag.
"Hindi pa ako nahihibang Carrasco! Hangga't kaya kong makipag-usap gagawin ko." Malamig kong sagot, inaasahan ako ni Shella marami akong pangako sa kanya na dapat kong tuparin.
~ITUTULOY