CHAPTER 10

2102 Words
*3RD PERSON'S POV* ~~ DAHIL sa nangyari kay Farrah nagalit ang kanyang ina. Ayaw niya sa lahat ay ang nakikitang umiiyak at nasasaktan ang kanyang anak. "Sino sa inaakala mo Augustus Merced, para saktan ang aking anak. Pagsisisihan mo kung anong ginagawa niyong dalawa ng iyong kasintahan." Mariin niyang sabi habang nakatingin sa malayo. Sinang-ayunan lang niya yung mga sinabi ng dalaga kanina, pero ang totoo ayaw niya kay Augustus. Hindi maaaring magka gusto ang kanyang anak sa isang Mafia. Lalong malalagay sa panganiban ang buhay ng dalaga. Lumabas ang ginang sa silid nilang mag-asawa, kailangan niyang gumawa ng paraan para maipaghiganti ang kanyang anak. Lumapit ang ginang kay Mr. Ogame ang butler nila. Nagulat naman ang ginoo dahil unang beses siyang nilapitan ng ginang. "Ogame, hihingi sana akong pabor kung maari lang. Bigyan mo ako ng limang tauhan may ipapagawa lang akong importante." Seryosong sabi ng ginang, nagtaka naman si Mr. Ogami. "Kung maari h'wag mo sanang ipaalam kay Freddy ang tungkol dito, kundi pareho tayong malalagot." Banta ng ginang sa kanya. "Ngayon niyo na ba kailangan?" Tumango naman ang ginang bilang sagot. "Sige hintayin mo sila dito sa sala, papasukin ko ang limang tauhan." Nagpaalam na siya at lumabas ng mansyon, hindi niya maiwasang maisip kung ano ba ang gagawin niya sa limang tauhan. "Kayong lima, sumunod kayo sa akin." Malamig niyang sabi bago talikuran ang limang men in black. Nagtataka naman silang sumunod kay Mr. Ogami. Pagpasok nila sa loob bumungad sa kanila si Mrs. Fukuda, seryosong ang mukha habang tinitignan sila isa-isa. "Sila na ba?" Malamig niyang tanong tumango naman si Mr. Ogame. "Dito kayo sa harap ko May ipapagawa ako sa inyo." Utos niya sabay turo sa kanyang harapan. Agad naman silang sumunod. "May ipapakidnap akong tao sa inyo, pareho sila ng pinapasukang paaralan ni Farrah." Seryoso niyang sabi, bago inilapag sa mesa yung larawan ni Shella. "Shella Mendoza ang pangalan ng babaeng yan, gusto kong dahil niyo sa sa rest house. Ayoko ng nag-aaksaya kayo ng oras, gusto kong manmanan niyo ang babaeng yan. Kailangan niyong tiyempuhan na wala siyang kasama." Paliwanag niya sa limang lalaking nasa kanyang harapan. "Kidnapin lang naman si Madam?" Tanong ng isang lalaki, napataas ang kilay ni Mrs. Fukuda. "Nakikinig ka naman siguro diba? Kidnapin niyo at dalhin sa rest house, may kailangan lang akong gawin sa kanya. Pero kapag nagmatigas yung babaeng 'yon, kayo na ang bahala kung anong gusto niyong gawin." Muling paliwanag ng ginang dahil mukhang hindi nila ito maintindihan. "Masusunod po Madam gagawin namin ng maayos ang among trabaho." Sabay-sabay nilang sabi, inirapan ko naman sila. "Dapat lang dahil kung hindi, buhay niyo ang kapalit! Umpisahan niyo na ang pagmamanman at makakuha ng tyempo." Nagpaalam na sila sa ginang, napangisi na lamang siya. "Sa gagawin mo Mrs. Fukuda, lalo mo lang nilalagay sa alanganin si Senorita Farrah." Seryosong sabi ni Mr. Ogami. "Tumahimik ka Ogami, ginagawa ko ito para sa kanya. Kapag nawala ang babaeng yon, hindi na mahihirapan si Farrah. Ngayon makikita niyang hindi talaga para sa kanya ang kinagigiliwan niyang lalaki." Mataray na sagot ng ginang bago tumayo mula sa kinauupuan niya. "Kapag nalaman 'to ni Freddy, malalagot ka sa akin." Bantay niya sa lalaki bago tuluyang umalis. ~~~ NALAMAN ni Augustus ang nangyari kahapon, lalo siyang nakaramdam ng galit kay Farrah. Madilim ang mukha niyang papunta sa Cafeteria, alam niyang nandoon ngayon si Farrah dahil lunch time. Balak na niyang kausapin ang dalaga, pero dahil sa kanyang nalaman hindi na niya itutuloy ang balak na makipag usap. Lalong dumilim ang mukha nang makitang masayang kumakain si Farrah. Malalaki ang hakbang niyang lumapit sa pwesto ng magkakaibigan. Nagulat silang tatlo ng binalibag ni Augustus ang kanilang mesa. Nakatingin siya ng masama kay Farrah, hindi naman nasundan ang dalaga nakipag-titigan pa ito sa kanya. "Anong ginawa mo kay Shella!?" Mariin niyang tanong. "Bakit kailangang lumuhod pa siya sa harapan mo!? Sino ka ba sa inaakala mo hah?" Sunod-sunod niyang tanong. Nagkatinginan silang magkakaibigan, hindi maiwasang matawa ni Farrah. "Wala akong ginagawa sa kanya, ano bang sinumbong niya sayo? Pinaluhod ko siya?" Natatawa niyang tanong sa binata. "Ang galing namang gumawa ng kwento ni Shella, paniwalang paniwala ka eh! Kunwaring mabait pero May tinatago din palang sungay!" Dagdag niyang sabi saka muling tumawa. Nagulat silang lahat dahil sa ginawa ni Augustus na paghila sa kwelyo ng dalaga. Ngumisi naman si Farrah, hindi niya inalis ang tingin kay Augustus. "Merced!!" Tawag sa kanya ni Maxima, lalapit na sana siya kay Farrah pero biglang nagsalita ang binata. "H'wag kang mangialam dito Maxima!" Baling niya sa dalaga bago binalik ang tingin kay Farrah. Inis na inis naman si Maxima, kapag wala siyang ginawa siguradong masasaktan ang kanyang kaibigan na tila nag-eenjoy pa sa ginagawa sa kanya. "Sige saktan mo ako kung yan ang gusto mong gawin. Isa lang ang sinisiguro ko sayo, lahat ng meron kayo mawawala isang tawag ko sa aking ama!" Malamig na sabi ng dalaga sa kanya. "Wala kang kasing sama! Kinasusuklaman kita Farrah Fukuda!" Mariin at halos pabulong na sabi ni Augustus sa kanya. "Lalo naman kitang minamahal Augustus Merced." Nakangising sagot ng dalaga, binatawan niya si Farrah. "Ang girlfriend mo ang lumapit sa akin kahapon at kusang lumuhod. Humihingi siya sa akin ng tawad at hiniling na ibalik kung anong pagmamayari niyo. Sa ginawa mo sa akin ngayon, babawiin ko na ang aking sinabi kay daddy." Seryoso niyang sabi, nagulat naman si Augustus sa nalaman. Akmang kukunin na ni Farrah yung cellphone niya, pero hinawakan ng binata ang kamay niya. "Ano pa bang gusto mo!?" Mariin niyang tanong, ngumiti si Farrah at hinila palapit sa kanya ang binata. "Ikaw Augustus, alam mo naman yon diba? Hindi muna kailangang tanungin. Yayain mo lang akong mag-date at mahalin mo masaya na ako." Bulong niya sa binata bago dilaan ang tenga nito. Mariin na napapikit si Augustus. "Pag-isipan mong mabuti, or tuluyang mawawala ang kumpanya niyo at magsasara ang tindahan ng iyong ina." Seryosong sabi ni Farrah sa binata. Tinapik ng dalaga ang kanyang balikat bago siya iwanan. Nanginginig siya dahil sa galit. ~~~ SA BAHAY NG FUKUDA, abalang nag-aayos si Farrah dahil May pupuntahan sila ngayong gabi. Isang simpleng black dress ang kanyang suot at hinayaang nakalugay yung mahaba niyang buhok. Napatingin siya sa pinto nang May kumatok. "Senorita, hinihintay na po kayo sa labas. Bilisan mo daw po sabi ng iyong ama." Seryosong sabi ni Mr. Ogame sa dalaga. Tumayo na si Farrah kinuha ang kanyang sling bag bago lumabas ng silid. Paglabas ng dalaga sa bahay nila agad siyang sumakay sa kotse. Yung ama ni Lillian ang kanilang driver ngayon gabi. "Saan ba tayo pupunta dad?" Tanong niya sa kanyang ama na nakaupo sa passenger seat. "Malalaman mo na lang kapag nakarating na tayo doon." Seryosong sagot ng ginoo, may kakaibang kaba na naramdaman si Farrah. Hindi niya alam kung tama bang sumama siya ngayon o hindi. "Mom, may ideya ka ba kung saan tayo pupunta?" Tanong niya sa ginang. "Wala akong alam." Pagsisinungaling niya sa dalaga, dahil ang totoo ay alam niyang ipapakilala siya sa anak ni Mr. Villamor. Tumango-tango lang si Farrah pero hindi siya kumbinsido sa sagot ng ina. Nanatili na lang siyang tahimik, hanggang huminto ang kanilang sasakyan sa isang sikat na restaurant. Bumaba ang ama ni Lillian para pagbuksan sila. Unang lumabas ang kanyang ina, sumunod naman siya. Naikuyom niya ang kanyang palad, dahil alam na ng dalaga kung bakit sila nandito. Pagpasok nila sa restaurant, sinalubong sila ng isang waitress. "Good Evening Mr. and Mrs. Fukuda." Magalang na bati ng babae. "Magandang gabi Miss Fukuda." Bati niya din sa dalaga, napairap na lang si Farrah. "Sumunod po kayo sa akin." Nakangiti niyang sabi, sumunod sila sa babae yamot na yamot si Farrah habang naglalakad. Kumatok sa isang VIP room ang babae at binuksan ito. Naunang pumasok si Mr Fukuda, sumunod namang ang asawa nito at si Farrah. Napangisi siya nang makitang may lalaking halos kasing edad lang niya. "Bingo alam ko na!" Mahina niyang sabi, seryoso lang siya habang papalapit sa mesa nila. "Good evening Mrs. Fukuda." Magalang na bati ni Mr. Villamor sa ginang. Tumingin siya sa dalaga na nasa tabi nito. "Siya si Farrah ang aking anak na babae." Pagpapakilala ni Freddy sa anak. "Nice to meet you Miss Fukuda." Nakangiting sabi ng ginoo, bago nilahad ang kamay nito. Nakipag shake hands naman siya bago umupo. "So anong ibig sabihin nito dad?" Seryos niyang tanong, pinandilatan naman siya ng mata ng ginoo. "Akala ko ba kakain lang tayo sa labas? Bakit may ganito?" Muli niyang tanong, ayaw niya sa lahat ay pinangunahan siya sa personal niyang buhay. "Alam niyo namang ayoko sa ganito diba? Mom may alam ka dito pero hindi mo man lang sinabi!" Baling niya sa ina, hinawakan ng ginang ang kamay ng dalaga. "Farrah!" Malamig niyang tawag sa dalaga. Napatingin siya sa kanyang ama. "Ano!? Sasabihin mo na namang para sa akin to? My gosh para sa ikabubuti mo!" Wala siyang pakialam kahit may kasama silang ibang tao. "Wala akong pakialam kahit na ayaw mo, buo na ang aking desisyon. Siya si Noah Villamor, ang magiging asawa mo balang araw! Siya ang lalaking nararapat para sayo, hindi ang Augustus na yon wala kang magiging kinabukasan sa kanya!" Ngumisi si Farrah sa kanya ama. "Masyado kang paladesisyon Freddy! Alam muna agad kung anong magiging kinabukasan namin? Hulaan mo nga kung magiging kami hanggang dulo?" Sarkastikong tanong niya sa ama, lalo namang nakaramdam ng galit si Freddy. "Farrah, anak tama na yan, ginagawa ito ng daddy mo para sayo. Ayaw ka niyang malagay sa panganib, kaya kung ano man ang magiging usapan ngayon sundin mo na lang." Salubong ang kilay niyang tumingin sa kanyang ina. "Naririnig mo ba ang iyong sinasabi? Nabagok ba yang ulo mo mom?" Isang malakas na sampal ang natikman niya mula sa kanyang ina. Mapakla siyang natawa dahil sa ginawa ng ginang. "H'wag mo akong ginagalit Farrah, baka nakakalimutan mong kaya kong kunin lahat ng meron sila!" Banta ng kanyang ama, nagngingitngit siya sa galit padabog siyang sumandal sa upuan. Tinignan niya ng masama yung lalaking nasa kanyang harapan. Gagawin kong miserable ang buhay mo! Aniya sa kanyang isipan. Napapailing na lang si Noah dahil sa inasal ng dalaga. Sa itsura palang nito ay halata ng spoiled brat. "Simula sa gabing 'to, siya na ang fiancé mo. Sa ayaw at sa gusto mo Farrah, dahil oras na hindi ka sumunod mawawala sa kanila ang pag-aari nila!" Hindi sumagot si Farrah nanatili lang siyang tahimik. "Mag-aaral na siya sa pinapasukan mong paaralan, Ikaw na ang bahala sa kanya, soon sa iisang bahay na kayo titira." Lalong nag-init ang bungo ng dalaga dahil sa kanyang nalaman. May inilabas na bond paper ang kanyang ama, nilapag niya ito sa mesa at binigyan ng ballpen. "Ano pang tinitignan mo, pirmahan muna Farrah para matapos na 'to!" Ngumisi siya bago kinuha yung bond paper at walang pagdalawang isip na pinunit ito sa harapan ng kanyang ama. "Ops sorry, sinadya ko ng puni—" Hindi natapos ni Farrah ang sasabihin nang malakas siyang sinampal ng ama. Lasang-lasa niya ang dugo mula sa gilid ng kanyang labi. Gulat na gulat naman ang mag-amang Villamor sa kanilang nasaksihan. "Suwail kang anak! Gumagawa na ako ng paraan para gumanda ang buhay mo. Ganyan pa ang inaasal mo, wala ka talagang hiya!" Sigaw ng ginoo sa kanyang anak. Inilabas niya ang isa pang document, isa itong agreement na magpapakasal sila ni Noah pagkatapos nilang mag-aral ng kolehiyo. "Pirmahan mo Farrah!!" Muling sigaw sa kanya sabay hila sa mahaba niyang buhok. Napadaing si Farrah, buong pwersang kinuha ng ginoo ang kamay ng anak. "Pipirmahan mo yan o tatawagan ko si Ogami! Wala kang mapapala sa pagmamatigas mo Farrah! Dahil kahit anong gawin mo ako ang masusunod sa pamilyang 'to! Kaya primahan muna bago pa ako tuluyang maubusan ng pasensya!" Galit na galit na sigaw ni Freddy sa kanyang anak. Tumawa ng malakas si Farrah habang nakatingin sa ama. "Wala kang kwentang ama, masahol ka pa sa demonyo!" Nakangisi niyang sabi. Isa muling malutong na sampal ang natikman niya, bago binigay yung ballpen. "Pirmahan mo o ang pamilya ni Augustus!?" Malamig na tanong ng ginoo, tinginan niya muna ng masama ang kanyang ama bago hinawakan yung ballpen. Masama ang loob niyang pinirmahan ang kasunduan. Saka lang siya binitawan ng ama nung nakaprima na. Hahawakan sana siya ng ginang pero lumayo ang dalaga. "'Wag mo akong hawakan. Wala kang isang salita mom!" Masama ang loob niya sa kanyang ina. Pero nag-aapoy sa galit ang puso niya sa kanyang ama. Magbabayad ka Freddy, hindi lahat ng oras umaayon sa kagustuhan mo! Aniya sa isipan! ~ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD