*3RD PERSON'S POV*
~~~
MAAGANG NAGISING si Farrah, nadatnan niya ang kanyang ina sa dining. Nagkakape 'to habang nagbabasa ng newspaper.
"Maaga ang klase mo ngayon?" Tanong ng kanyang ina, umupo muna siya bago sumagot.
"Yes mom, P.E namin." Walang ganang sagot ng ginang.
"Sabi sa akin ng iyong ama, matamlay ka kahapon. May nangyari ba?" May pag-aalala na tanong niya sa anak.
"Masama lang yung pakiramdam ko mom." Pagsisinungaling niya, napataas naman ng kilay ang ginang.
"Galingan mo Farrah, ipakita mong karapat-dapat ka sa posisyong CEO. Ito na ang pagkakataon mo para unti-unting makaganti sa iyong ama. Kapag naging CEO ka na hindi ka na niya basta mahahawakan sa leeg. Ikaw ang masusunod oras na hindi siya pumayag sa gusto mong mangyari, gawin mong panakot ang pag-alis mo bilang CEO, wala ng ibang aasahan si Freddy kundi ikaw lang." Seryosong sabi ng kanyang ina, nanatiling tahimik ang dalaga. Alam niyang gusto ng umalis ng ginang sa bahay na 'to.
"Pag-iisipan ko." Maikling sagot ng dalaga.
"Paano ka magugustuhan ng lalaking yon, dapat ipakita mo ding mas better ka sa kasintahan niya." Tukoy nito kay Augustus, magsasalita pa sana si Farrah ngunit hindi na natuloy dahil pumasok na ang kanyang ama.
"Maagang umuwi mamaya Farrah, may importante tayong pupuntahan." Seryosong sabi ni Freddy sa dalaga, inihanda na ng mga katulong ang pagkain nila. Kumuha lang ng tinapay si Farrah dahil nagkape na siya.
Hindi sumagot si Farrah, masama pa rin ang kanyang loob sa ama dahil sa ginawa nitong pagsampal sa kanya.
"May bagong labas na bag limited ito, kung gusto mong magkaroon panatilihin mo na mataas ang iyong grado." Tumawa ng mahina si Farrah dahil sa sinabi ng kanyang ama.
"Madali lang akong kausap Farrah, kung sinusunod mo lahat ng gusto ko." Tumingin siya kay Mr. Fukuda.
"Ano ang akala mo tulad pa rin ako ng dati? Hindi na ako bata Freddy, kung kaya mong ibigay yan sa akin. Wala na dapat kundisyon, lalo mo lang akong dinidismaya." Umiiling-iling na sagot niya bago tumayo.
"Papasok na ako, kung grado lang pala ang kailangan kong pataasin, deal bukas kailangan ko ang bag na sinasabi mong limited!" Nakangisi niyang sabi bago lumabas ng dining. Nakangisi na lamang si Freddy.
Tumingin siya ng seryoso sa kanyang asawa.
"Alam mo ba ang nangyari kay Farrah?" Malamig niyang tanong, nagkibit balikat ang ginang.
"So alam mo nga? Anong binabalak mong gawin?" Muling tanong ng ginoo.
"Ano pa gaganti ako sa ginawa ng babaeng yon kay Farrah. Hindi ko pwedeng palampasin!" Agad niyang sagot. "Isa atang himala hindi mo pinagalitan si Farrah, nakonsensya ka na ba sa ginawa mong pananakit sa kanya?" Tanong ng ginang sa asawa, noon kunting kibot nagagalit agad siya kay Farrah.
"H'wag mong sirain ang araw ko, oras na ipinagpatuloy pa ng anak mo ang kahibangan niya sa lalaking yon. Hindi ako magdadalawang isip na saktan ulit siya." Tumawa ng mahina ang ginang, nairita naman si Freddy.
"Tignan natin kung sino ang mawawalan ng tagapag-mana." Dumilim ang mukha ni Freddy habang nakatingin sa kanyang asawa.
~~
PAGDATING ni Farrah sa eskwelahan, halos takbuhin niya na dahil ilang minuto na lang ay mala-late na siya. Kailangan niyang makahabol Alang-ala sa bag na sinabi ng ama.
Habang tumatakbo siya ay sinusukat niya ang mahabang buhok. Habang ang ponytail ay kagat niya bawal kasi ang nakalagay na buhok tuwing P.E nila.
Hingal na hingal siyang nakarating sa kanilang classroom. Umupo siya sa tabi ni Maxima na abala ding nag-aayos ng kanyang buhok.
"Anong meron Fukuda? Pumasok ka ata sa P.E, nabagok ba yang ulo mo?" Tanong ni Maxima sa kaibigan.
"Mind your own business Mangubat! Papasok ako dahil may gusto akong makuha, yon ang dahilan!" Malamig niyang sagot, hindi pa sila nag-uumpisa pero pakiramdam niya'y sobrang lagkit na niya.
Maya-maya dumating na ang kanilang teacher.
"Wow miss Fukuda, present ka ngayon sa subject ko nakakataba naman ng puso." May halong pang-aasar na sabi ng ginang sa dalaga.
"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo." Malamig niyang sagot sa ginang, nanatili nama siyang nakangiti kahit nagngingitngit na ng galit.
"Come to the soccer field with me, form a line, and run ten times. Move quickly!" Sigaw niya, tumayo na ang kanyang mga estudyante at tumakbo.
Inis na inis naman si Farrah, pinaka ayaw niya sa lahat ng subjects ay P.E. Mas gugustuhin na lang niyang umupo kesa mag-exercise at sumali sa activities.
Pumila na silang magka-klase, hiwalay ang mga lalaki sa babae. Si Maxima ang pinaka leader nila dahil active ito sa lahat ng activities.
"Fukuda, umayos ka kung ayaw mong mag-solo!" Sigaw niya sa kaibigan, madilim ang mukha niyang nakatingin sa kaibigan.
"Umpisahan niyo na! Dahil May gagawin pa kayo!" Sigaw ng teacher nila, nag simula na silang tumakbo.
Nakaka-tatlong ikot pa lamang sila ay hingal na hingal na si Farrah. Pakiramdam niya'y kakapusin na siya ng hininga.
"Ano Fukuda susuko ka na ba? Akala ko ba walang sumusuko!" Sigaw ni Maxima sa kanya.
"Tumahimik ka dyan Mangubat, wala ka ng ibang nakita kundi ako!" Ganting sigaw niya sa kaibigan, napapailing na lang si Lillian.
"Okay ka lang ba Farrah? Kung hindi muna kaya umupo ka na doon." May pag-aalala na sabi ni Lillian sa kaibigan, namumutla na kasi ito.
"Intindihin mo ang iyong sarili!" Malamig niyang sagot. "Bilisan niyo namang nasa harap!" Naiiritang reklamo niya dahil ang bagal nilang tumakbo.
Napaupo sa damuhan si Farrah habang hingal na hingal. Basang-basa ng pawis ang dalaga, nakatingin siya sa kalangitan.
"Ano kaya pa ba?" Nakangising tanong ni Maxima, bago binigyan ng tubig ang kaibigan. Si Lillian naman ay pamunas.
"Para akong lalagnatin, ang sakit ng Paa ko." Halos pabulong niyang sagot.
"Makinig, hahatiin ko kayo sa apat, para mamayang hapon bawat grupo maglaban-laban. Ang larong ito ay Volleyball." Tumingin ang guro nila kay Farrah. "Sasali ka ba Miss Fukuda?" Tanong niya sa dalaga.
"Hindi, taga sulat na lang ako ng score." Agad niyang sagot, yon naman talaga ang gawain niya una palang.
"Okay sige, igru-grupo ko na kayo." Nagsimula ng tawagin ang mga pangalan ng kaklase ni Farrah. Magkasama sa grupo sina Lillian at Maxima. Nanatiling nakaupo si Farrah sa damuhan. Masakit pa rin ang Paa niya kaya mas pinili na lang niyang maupo.
Kanina pa nararamdaman ni Farrah na may nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung saan banda.
"Ano Fukuda, wala ka pang balak tumayo dyan?" Tinignan niya ng masama si Maxima.
"Ang dami mong dada dyan kung tulungan mo na lang kaya ako!" Mataray niyang sagot. Hinila nila si Farrah patayo, halos napadaing naman siya dahil parang binugbog ang katawan niya.
"Tara na sa Cafeteria, mamaya pa naman ulit tayo babalik." Aya ni Lilian, akay-akay nila si Farrah habang naglalakad.
"Dapat talaga hindi ka na tumakbo, ano ba kasing nakain mo at sumali ka sa pagtakbo?" Tanong ni Maxima sa kanya.
"Gusto ko lang nagpapawis, dahil parang tumataba na ako." Agad niyang sagot.
"Susmeyo, sa lagay na yan tumataba halos wala kang ibang kinakain kundi vegetable salad, prutas. Hindi pa kita nakitang naglahong!" Inirapan na lang ni Farrah ang kaibigan.
Tulad ng dati ay pinagtitinginan na naman sila ng kapwa nila estudyante. Pagpasok nila sa cafeteria pinaupo muna nila si Farrah sa kanilang pwesto. Bago sila bumili ng pagkain nila, habang hinihintay ni Farrah yung dalawa. Hinihilot-hilot niya ang kanyang binti.
"Kung hindi lang sa punyemas na bag na yon hindi ko 'to gagawin!" Naiinis niyang bulong.
Napatingin si Farrah sa sapatos na nasa harapan niya, tumingala siya para tingnan kung sino. Alam niyang hindi sina Maxima dahil baka black shoes.
Sumingkit ang kanyang mata nang makitang si Shella 'to.
"Nandito ka na naman ba para makipag away? Wala ako sa mood." Malamig niyang tanong sa dalaga. Huminga ng malalim si Shella.
"Hindi ako pumunta dito para makipag-away." Agad niyang sagot, lalong napataas ang kilay ni Farrah.
"So anong dahilan? Gagawa ka na naman ng ikakasira ko kay Augustus? Takot na takot kang maagaw ko siya sayo? Akala ko ba mahal ka?" Mataray niyang tanong saka tumawa ng mahina. Napayuko naman si Shella, may dapat siyang gawin kaya lakas loob niyang pinuntahan ang dalaga.
Gagawin niya ito para kay Augustus, alam niyang galit sa kanya ang binata. Hindi niya ito masisisi dahil nagsinungaling siya.
Pumikit siya ng mariin at muling humiga ng malalim, nakatingin lang sa kanya si Farrah salubong ang kilay.
Nagulat ang lahat nang biglang lumuhod sa harapan niya si Shella. Maging siya ay hindi agad nakapag-react sa ginawa nito.
"Patawarin mo ako sa nagawa kong kasalanan sayo. Ako na lang ang parusahan niyo, h'wag mo ng idadamay ang pamilyang Merced. Nakikiusap ako, ibalik niyo ang pinagpaguran ng kanyang magulang. I'm sorry, sana mapatawad mo ako Miss Fukuda. Lahat tatanggapin ko, ibalik niyo lang ang kumpanya at negosyo nila Merced." Umiiyak na sabi ng dalaga habang ang dalawang kamay niya ay magkadikit.
Naguguluhan naman si Farrah sa nangyayari, wala siyang alam sa sinasabi ng dalaga. Pero sa nakikita niya ngayon ay mukhang ang kanyang ama ang may gawa.
Ngumisi siya habang nakatingin kay Shella. Nakaramdam ng kaba ang dalaga.
"What's going on?" Nagtatakang tanong ni Maxima.
"Anong ginagawa mo? pinalalabas mo na naman bang masama si Farrah? Sa ginagawa mong pagluhod na yan lalo mo lang pinalalaki ang gulo!" Iritadong sabi ni Lillian.
"Hayaan niyo siya, ginusto niyang lumuhod hindi ko naman sinabi. Saka wala akong ideya sa sinabi mong Negosyo o Kumpanya ng Merced." Ramdam ni Shella ang pagpula ng kanyang mukha, gusto na niyang magpalamon sa kanyang pwesto.
Tumawa ang dalaga dahil sa reaksyon ni Shella, kitang-kita niya kung ano talaga kulay ni Farrah. Kung paano siya makipaglaro, mahirap hulaan ang kanyang iniisip.
"Gusto mong mapatawad kita sa ginawa mo sa akin?" Natatawa niyang tanong, muli siyang napayuko nakaramdam siya ng pagkairita dahil sa tawa ng dalaga.
"Hindi kasi ako basta nagpapatawad eh, diba sabi mo lahat iyong gagawin mapatawad lang kita?" Nakangising tanong ng dalaga sa kanya, hinawakan pa siya sa baba.
"Oo gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako pati si Merced. Sana ibalik niyo din ang kanilang mga pinaghirapan." Naging blangko ang ekspresyon ng mukha ni Farrah, sumandal siya sa kanyang upuan.
"Pag-iisipan ko muna." Malamig niyang sagot, bago hinarap ang biniling pagkain ni Maxima.
"Bakit hindi ka pa tumayo dyan?" Tanong ni Lillian, akmang tatayo na sana siya pero nagsalita si Farrah.
"Sinabi ko bang tumayo ka na?" Nagkatinginan sina Lillian at Maxima.
"Anong kagagahan na naman yan Farrah, kapag yan nakita ni Merced magagalit na naman siya sayo!" Sermon ni Maxima.
"Wala akong ginagawa, nakita naman nila siya ang kusang lumuhod sa harapan ko! Gusto niyang mapatawad ko siya at maibalik ang kumpanya nila Augustus. Hintayin niyang matapos akong kumain, malalaman niya kung anong sagot ko!" Malamig niyang sagot kay Maxima, napairap na lamang ang dalaga dahil sa ugali ng kanyang kaibigan.
"Hindi naman ako kasing sama ng iniisip mo Shella. Dahil mabait pa ako sa sa lagay na 'to." Seryosong sabi niya bago sinubo yung ubas. Nangangalay na ang tuhod ni Shella, tulad ng sinabi ng dalaga ay hintay niyang matapos kumain si Farrah.
Nang matapos kumain si Farrah ay hinarap niya ang dalaga. Ngumiti siya dito bago inilapit ang kanyang mukha sa tenga ni Shella.
"Gusto mong mapatawad kita? Alam naman nating dalawa kung anong gusto ko diba?" Bulong niya dito lumayo si Farrah at tinignan ang dalaga.
Sobrang bilis ng t***k ng kanyang puso, halo-halong emosyon ang nararamdam niya. Alam na ni Shella kung anong gusto ng dalaga.
"Ano ang aking gagawin sabihin muna?" Lakas loob niyang tanong, tumawa ng malakas si Farrah dahil mukhang matapang ngayon ang girlfriend ni Augustus.
Inilapit niya ulit ang mukha sa tenga ng dalaga, halos manigas si Shella dahil sa sinabi nito.
"Si Augustus ang gusto ko Shella, makipaghiwalay ka sa kanya sabihin mong hindi muna siya mahal. Kung gusto mong mapatawad talaga kita at para sa kanyang pamilya gagawin mo 'yon diba?" Bulong niya dito saka tumawa ng mahina. Naikuyom niya ang kanyang kamao.
"Hindi lang iyan ang gusto kong gawin mo, meron pa." Tumayo siya sa pagkakaupo at taas noong tinignan si Shella.
"Dilaan mo ang aking sapatos." Gulat na gulat silang lahat sa sinabi ni Farrah. Maging ang kanyang dalawang kaibigan.
"Farrah, anong ginagawa mo?" Mariing tanong ni Maxima sa kanya.
"Sige gagawin ko." Sagot ni Shella na mas ikinagulat nilang lahat, maliban kay Farrah nakangisi lamang siya.
Pumikit ng mariin si Shella at huminga ng malalim bago yumuko at hinalikan ang sapatos ni Farrah.
Mahina namang tumawa ang dalaga. "Good girl, pag-isipan mong mabuti ang isa kong sinabi." Pagkasabi niya yon ay dinaanan na siya ng dalaga. Nanginginig ang tuhod niyang tumayo mula sa pagkakaluhod.
Anong gagawin ko? Aniya sa isipan.
~ITUTULOY