*3RD PERSON's POV*
~~~
NANATILING tahimik ang dalaga, hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig dahil sa takot. Kahit ang lamig na dito sa opisina ng ginoo, pinagpapawisan siya ng malalaki sa kanyang noo.
"Kailangan ko pa bang ulit Miss Ruiz?" Malamig na tanong ng ginoo, dahil tila walang balak sumagot ang dalaga.
Nauubos na yung pasensya ni Freddy, ayaw niyang madaya ang dalagang na sa kanyang harapan.
"Pa-pasensya na po." Paghingi niya ng tawad, huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "Pagpasok ko po sa comfort room, nadatnan kona silang nagaaway. Hanggang sa lumabas at ipinagpatuloy ang pag-aaway sa labas. Ang sabi po si Farrah, si Shella ang unang sumabunot sa kanya. Boyfriend po kasi ni Shella si Merced, lagi po kasing nilalapitan ni Farrah at minsan na din silang kumain na dalawa. Siguro po ang nagmulan ng away nila ay ang paglalandi ni Farrah kay Merced. Saka lang po sila huminto nung pinaghiwalay silang dalawa ni Merced. Si Farrah po ang sinisisi ni Merced dahil sa panggugulo niya sa relasyon nila ni Shella. Gustong magpaliwanag ni Farrah pero hindi siya pinakinggan, dahil po sa nangyari yun usap-usapan sa school namin. Hanggang ngayon po kasi hindi pa tumitigil si Farrah. Nilalapitan niya pa rin si Merced." Mababang paliwanag ng dalaga, lalo namang nag-aapoy sa galit si Mr. Fukuda dahil sa nalaman. Alam niyang may kasalanan din ang kanyang anak, pero hindi siya papayag sa nangyari. Hindi man lang nakapagpaliwanag at napahiya pa sa maraming tao.
"Kailan pa ginugulo ni Farrah si Merced?" Muling tanong niya sa dalaga. Napahawak ng mahigpit si Samantha sa laylayan ng kanyang damit.
"Matagal na po, kahit nakakatanggap na siya ng masasakit na salita mula kay Merced hindi pa rin tumitigil si Farrah." Muli niyang sagot, nanatili siyang nakayuko hinihintay na magtanong ulit si Mr. Fukuda.
"Pwede ka ng umalis, ihahatid ka ng driver ko pabalik sa eskwelahan." Agad na lumabas ang dalaga saka lang siya nakahiga ng maluwag nang makalabas sa opisina ni Mr. Fukuda.
Tumayo mula sa pagkakaupo si Freddy, lumakad siya palabas ng kanyang opisina.
"Ogame, ihanda mo ang isang sasakyan pupunta tayo sa bahay ng Merced." Malamig niyang sabi bago pumunta sa opisina ng isa sa mga business partner niya.
Sinalubong naman siya ng sekretarya nito “Good Morning Mr. fukuda, may kailangan po ba kayo?” Nakangiting tanong ng dalaga.
“Nandyan ba si Mr. Villamor?” Malamig niyang tanong, nairita naman ang ginoo dahil ngiting-ngiti ang dalagang nasa kanyang harapan.
“Yes Mr. Fukuda, nasa loob po siya.” Agad niyang sagot bago naglalakad palapit sa pinto, kumatok muna siya bago binuksa.
“Mr. Villamor, nandito po si Mr. Fukuda hinahanap kayo.” Sumenyas itong papasukin ang ginoo, tuluyang binuksan ng dalaga yung pinto. Seryoso ang mukha niyang pumasok sa opisina ng business partner niya.
“May problema ba Mr. Fukuda?” Agad na tanong ng ginoo, umupo si Freddy sa sofa pumunta naman doon ang ginoo.
“May pag-uusapan lang tayo Mr. Villamor.”
“Tungkol saan? May problema ba ang kumpanya?” Nagtatakang tanong niya.
“Walang kinalaman ang kumpanya sa pag-uusapan natin. Tungkol ito sa anak mo, diba kasing edad lang ng babae kong anak ang bunso mo?” Malamig niyang tanong, tumango naman siya bilang sagot.
“Yes, kasing edad lang ni Farrah si Noah may kailangan ka ba?” Pabalik niyang tanong, sumandal si Freddy sa upuan bago nagsalita.
“Makikipag-deal ako sa’yo, gusto ko lang ilayo ang anak sa taong hindi para sa kanya. Ayokong mapunta sa Merced si Farrah, dahil lalo lang magiging panganib ang buhay niya. Walang magiging kinabukasan ang anak ko sa lalaking ‘yon. I'd like for Farrah and Noah to get to know one another. Kapag nakuha niya ang loob ng aking anak at napaibig niya ‘to. May ibibigay ako sa kanya, isa sa mga bagay na mahalaga sa akin. ang fukuda's hotel. Hindi lang 'yon pakakasalan niya pa ang anak ko, ano sa tingin mo Mr. Villamor?" Natawa ng mahina ang ginoo dahil hindi pa rin 'to nagbabago, tuso pa rin at gusto niya ay umaayon sa kanya ang lahat.
"Walang problema sa akin 'yan, ang anak mong si Farrah ang problema dahil mukhang inlove siya sa anak ni Mr. Merced. Madali lang namang gawan ng paraan 'yan, may tiwala ako sa aking anak. Mapapaibig niya ang anak mo." Ngumisi naman si Freddy, dahil alam niyang hindi basta mapapaibig ang dalaga. Dahil ngayon lang niya nabalitaang may kinahuhumalingang lalaki si Farrah.
"Kung ganun pumapayag ka sa gusto kong mangyari?" Tanong niya kay Mr. Villamor.
"Kahit kailan hindi kita tinanggihan, kung anong mas ikakabuti ng ating pagkakaibigan at sa business why not." Agad na sagot ng ginoo.
"Bukas ng gabi, magkita tayo sa isang kilalang restaurant. Ayokong magsayang ng oras, kailangang matigil na ang kahibangan ni Farrah sa lalaking 'yon." Buo na ang kanyang desisyon, gagawin na niya kung anong makabubuti sa dalaga.
"Sige walang problema, magkita tayo doon hihintayin namin kayo." Tumayo na siya dahil may mahalaga pa siyang lakad. Kakausapin niya si Mr. Merced dahil sa nangyaring kahihiyan.
"Mauuna na ako, aasahan ko ang iyong anak." Seryosong sabi niya bago tuluyang lumabas ng opisina ni Mr. Villamor.
Sumakay na siya sa Elevator, nakapamulsa habang nakasandal mainit pa rin ang kanyang ulo.
"I don't know what I have to do to persuade you to follow me, Farrah, so don't test my patience! Why is he the man you are most obsessed with out of all the men!?" Mariin niyang sabi habang umiigting ang kanyang mga panga.
Paglabas ng kumpanya ay binuksan na ni Mr. Ogame ang pinto ng sasakyan. Umikot si Ogame para sumakay sa passenger seat.
"Kila Merced tayo." Malamig niyang utos.
"Ano ang gagawin mo doon Mr. Fukuda? Tungkol ba ito sa nag viral na Video? Tanong ni Ogame sa kanyang boss.
"Kailangang pagbayaran ng Merced na yan ang ginawa niya sa akin anak. Magbabayad sila ng Kasintahan niya!" Malamig niyang sagot habang nakatingin sa labas ng sasakyan.
"Magpa-reserve ka ng VIP room sa restaurant na lagi naming kinakainan. Dahil May dinner Kami bukas ng gabi, asikasuhin mo 'to." Utos niya kay Ogame.
"Masusunod po Mr. Fukuda." Hindi na muling nagsalita si Ogame, ganun din ang ginoo.
~~~
NANG nakaparada na ang sasakyan ni Mr. Fukuda sa harap ng bahay ni Augustus. Agad siyang lumabas ng kotse, nagulat ang ama ng binata nang makita si Mr. Fukuda. Tumayo ito sa kanyang kinauupuan para salubungin.
"Napadaan ka Mr. Fukuda, sana tinawagan mo na lang ako kung May ipapagawa ka." Nakangiting sabi niya sa ginoo.
"May iba akong sadya dito Mr. Merced, nandito ako para sabihin pinuputol ko na kung ano mang ugnayan nating dalawa." Nagulat si Mr. Merced dahil sa sinabi nito.
"Ang kapal ng mukha ng anak mo at kasintahan niyang pinagtulungan si Farrah. Nasaan siya gusto kong makausap ng harapan." Dagdag niyang sabi, naikuyom niya ang kamao dahil sa kanyang nalaman.
"Ano ang ginawa nila kay Farrah?" Tanong ng ginoo. Umupo muna si Freddy bago muling nagsalita.
"Sinabi sa akin, ang girlfriend ng anak mo ang sumugod sa anak ko, sa comfort room ng school nila. Pinalabas niyang masama si Farrah sa mga mata ng tao. Hindi man lang niya binigyan ng pagkakataon na makapag paliwanag. Hinusgahan niya agad ang anak ko, anong karapatan niyang gawin 'yon!" Galit na galit na paliwanag ng ginoo sa kanya. Damn it Augustus, sinabihan na kitang hiwalayan mo ang babaeng yan! Sakit ka sa ulong lintik ka! Aniya sa isipan. Kapag nawala si Mr. Fukuda, malaki ang mawawala sa kanila pati negosyo nila ay maaapektuhan!
"Sabi sa akin ng anak ko, si Farrah ang laging dumidikit at nanggugulo sa kanila. Siguro nagalit ang girlfriend ni Augustus, kaya nagawa niya ang bagay na yon." Paliwanag ng ginoo kay Freddy.
"Aminado ako sa part na iyon, hindi maghahabol ang anak ko kung walang pinakitang motibo yang anak mo. May nakapagsabi sa akin na minsan na silang kumain na dalawa. Ibig sabihin ginusto din ng anak mo, nasaan siya ngayon? Humingi sila ng tawad kay Farrah! At sana hindi na muling maulit 'to! Hindi ako papayag na mapunta lang sa katulad ng anak mo si Farrah! Ayokong dungisan ang apelyidong Fukuda!" Nag-init ang ulo ng ama ni Augustus dahil sa huling sinabi ng ginoo. Mas pinili na lamang niyang h'wag mag salita dahil baka lumala ba ang alitang 'to.
"Kapag hindi humihingi ng tawad ang anak mo, bukas na bukas din babawiin ko na ang aking share sa kumpanya niyo. Tulad ng sinabi ko, tapos na ang ano mang ugnayan at usapan nating dalawa." Pagkasabi yon ni Freddy ay tumayo na siya, malamig niyang tinignan ang ama ni Augustus, bago tuluyang lumabas sa bahay ng Merced.
Nagngingitngit naman sa galit ang ginoo, nakakuyom ang kanyang palad. Binastos siya sa sarili niyang pamamahay. Hinintay niya ang pag-uwi ni Augustus, nanatili siya sa sala seryosong nakaupo sa may sofa.
"Anong nangyari? Bakit pumunta si Mr. Fukuda dito?" Tanong ng ginang sa kanyang asawa.
"Yang anak mong si Augustus, dahil sa kanyang kagagohan mawawala na sa atin lahat! Ang kumpanya maging ang maliit mong negosyo ay siguradong mawawala!" Malamig na sagot ng ginoo sa asawa. Gulat na gulat naman ang ina ni Augustus dahil sa nalaman.
"Ano na ang gagawin natin? Paano na ang pag-aalala ni Augustus?" May pag-aalala na tanong ng ginang.
"Hindi ko alam, bahala na siya total ginusto niya namang mangyari 'to!" Problemadong sagot niya, napahilamos siya sa kanyang mukha gamit ang kamay.
Saktong pagtayo niya sa kanyang kinauupuan May humintong sasakyan. Alam niyang si Augustus na 'to, agad siyang naglakad papunta sa pinto.
Pagpasok pa lang ni Augustus, isang malakas na sampal na ang sumalubong sa kanya. Maging si Shella ay nagulat sa ginawa ng ginoo.
"Wala ka talagang kwenta!!" Galit na sigaw ng ama niya. Napatingin ang ginoo sa dalaga. "Talagang dinala mo pa ang babaeng 'to dito! Ikaw dahil sa ginawa mong pagsugod kay Farrah Fukuda nalagay sa alanganin ang lahat!" Galit na sigaw niya sa dalaga.
"H'wag niyong sisigaw si Shella!" Ganting sigaw ng binata sa kanyang ama. Lalong kumulo ang dugo ng ginoo.
Sinuntok niya si Augustus dahilan para mapaupo ito sa sahig. Agad naman siyang nilapitan ni Shella.
"Una palang sinabihan na kita Augustus pero hindi ka nakikinig. Hiwalayan mo ang babaeng 'to at kailangan niyong humingi ng tawad sa anak ni Mr. Fukuda! Dahil kung hindi, lahat ng meron tayo mawawala!" Mariin na sabi niya sa kanyang anak. Nagsalubong ang kilay ni Augustus dahil sa sinabi ng ama.
"Bakit kami hihingi ng tawad sa anak niya? Yung babae na yon ang may kasalanan ng lahat. Wala siyang ginawa kundi guluhin ako at balak niyang sirain ang relasyon namin ni Shella." Paliwanag ng binata.
"Kung hindi ka nagbigay ng motibo sa anak niya walang mangyayaring ganito! Yang babaeng yan ang dahilan, siya ang unang sumugod kay Farrah! Hindi mo man lang binigyan ng pagkakataong makapag paliwanag ang anak ni Mr. Fukuda! Sana nga nagawa niyang mapaghiwalay kayo, mas matutuwa pa ako baka nga magpasalamat kay Farrah." Sarkastikong sabi nito na lalong nagpainit ng ulo ni Augustus.
"Babe, Totoo ang sinasabi ng iyong ama. Ako talaga ang unang sumabunot kay Farrah. Nagalit ako sa kanya, I'm sorry." Umiiyak na pag-amin ng dalaga.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Malamig na tanong ni Augustus sa kasintahan. Ang buong akala niya ay si Farrah ang nag-umpisa ng lahat. Dahil alam niyang gagawin nito ang lahat para lang makuha siya.
"See, ngayon mag-isip ka Augustus. Bukas na bukas kapag hindi kayo humingi ng tawad kay Farrah. Mawawala ang kumpanya ay negosyo ng iyong ina. Pati na rin ang pakikipag-ugnayan sa kanya pinutol na niya dahil sa nangyari. Sa kangkungan tayo pupulutin!" Nanggigigil pa rin sa galit ang ginoo.
"Sa tingin mo ba sa iyo pa bibili ang mga client niyo, isang tawag lang ni Mr. Fukuda sa mga yon mawawala na sila sayo. Dahil halos lahat ng bumibili sa inyo, kakilala at kasama niya sa negosyo." Pagkasabi 'yon ng ginoo ay tinalikuran na niya ang dalawa. Hindi na alam ni Augustus ang gagawin. Siguradong malulugi sila.
"Patawarin mo ako babe, hindi ko alam na ganito ang mangyayari." Muling paghingi ng tawad ni Shella.
"Lalo lang gumulo ang lahat, sinabi ko naman sayo na umiwas ka na lang. Alam mo namang makapangyarihan silang tao, hindi ko na alam ang aking gagawin." May pagkairita na sabi ni Augustus sa kanya.
"Natatakot kasi akong baka makuha ka niya sa akin." Lalong sumakit ang ulo ng binata.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo Shella, na kahit kailan hindi ako mahuhulog sa babaeng yon." Tumayo siya mula sa pagkakaupo.
"Ihahatid na kita sa inyo." Malamig niyang sabi sumunod lang si Shella sa kanya. Hindi alam ng dalaga kung galit ba sa kanya si Augustus.
Tahimik lang silang dalawa habang binabaybay ang daan pauwi sa bahay ng dalaga. Nakayuko lang si Shella, ngayon lang sila nag-away kaya kinakabahan siya.
Problemado naman si Augustus, ayaw niyang humingi ng tawad sa dalaga. Malaking sampal yon sa kanya, pero kapag hindi niya yun ginawa mawawala ang lahat.
Nang makarating na sila sa bahay nila Shella, hininto niya ang kanyang sasakyan.
"Baba." Malamig niyang utos, magsasalita pa sana si Shella ngunit mas pinili na lang niyang bumaba ng tuluyan.
Tumingin siya kay Augustus, samantalang ang binata ay hindi lumingon sa kanya. Nakatingin lang siya sa sasakyan nitong papalayo.
Hindi makatulog si Augustus, nag-iisip kung anong pwede niyang gawin. Kung pupunta siya sa bahay ng Fukuda, walang kasiguraduhan kung makikipag usap ang ginoo.
"Darn it! Bwisit simula nung nag-krus ang landas naming dalawa naging magulo na!" Sigaw niya dahil sa inis. Alas tres na ng madaling araw pero mulat na mulat pa rin siya.
Bakit kailangan mangyari 'to!? Lahat naman ng pangit na pakikitungo ginawa ko na sa kanya! May kasalanan din ako una pumayag akong kumain kaming dalawa! Aarrgghh! Aniya sa kanyang isipan, bumangon siya sa pagkakahiga.
Kinuha niya ang kanyang cellphone para tingnan kung may text sina Gideon. Muli siyang humiga sa kama, nag-scroll muna sa f*******: si Augustus pampatulog niya.
Habang nag-scroll down siya ay dumaan sa kanyang FYP yung picture ni Farrah. Bumalik ang galit na kanyang nararamdaman. Tama nga ang naririnig niya tungkol sa dalaga, laging sinuswerte dahil makapangyarihan silang tao. Magaling magmanipula lahat napapasunod.
"Hindi kita mapapatawad Farrah Fukuda, oras na nawala sa amin ang lahat. Ikaw ang ugat ng lahat, hindi ko alam kung paano pa kita pakikitunguhan ng maganda." Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa larawan ng dalaga. Puro bad comments ang nababasa niya sa comment section. Hindi na siya magugulat kung bakit maraming naiinis sa kanya.
~ITUTULOY