*FARRAH'S POV*
~
NAPAPAKUNOT ang aking noo dahil sa naririnig kong chismis. Wala silang ibang bukam bibig kundi si Shella, ano bang meron sa kanya? Kahapon pa 'to hindi kasi ako nakipag tsismisan kila Maxima, dahil kinailangan kong umuwi ng maaga. Nagbabakasakali lang naman ako na mapuntahan si mommy pero malabo, may bantay siyang dalawang tauhan ni tanda, nanggigigil ako!
"Sabay ulit tayong kumain mamaya." Napatingin ako kay Noah, wala ng ginawa kundi bumuntot sa akin.
"Bahala ka sa buhay mo, kahit naman ayoko sasama ka pa rin!" Mataray kong sagot tumawa lang siya, kairita talaga kahit kailan pero kailangang maging mabait ako sa kupal na 'to. Balang araw magagamit ko siya.
"Syempre dapat lagi mo akong kasama, mamaya May ibang lalaking umaaligid sayo hindi pwede yon." Napairap ako dahil sa sinabi niyang yon.
"Ang dami mong alam, bantay sarado muna nga ako. Kulang na lang pati pag-ihi ko sasama ka!" Sabi ko sa kanya bago pumasok sa classroom namin.
"Susundin na lang kita mamaya." Nakangiti niyang sabi, tinaasan ko lang siya ng kilay bago talikuran.
Nilapitan ko na sila Maxima kailangan kong malaman kung anong nangyari kay Shella.
"Mangubat, ano yung naririnig kong chismis sa labas? Si Shella daw, ano meron?" Nagtatakang tanong ko, nakataas ang kilay niyang tumingin sa akin.
"Wow interesado ka?" Pabalik niyang tanong sa akin, malamang si Shella yon baka nakipaghiwalay na siya kay Augustus.
"Oh bakit masama bang maglaman? sa iba na ngalang ako magtatanong." Ngumisi lang siya sa akin, napairap naman ako.
"May nangyari sa kanya, ang usap-usapan ginahasa daw siya kasi sa mga pasa sa kanyang katawan at paso ng sigarilyo. Tsk mga manyakis talaga ngayon nakakatakot mga walang awa." Umiiling-iling niyang sabi, napakunot naman ako ng noo.
"Kamusta na siya ngayon?" Muli kong tanong.
"Ewan, nasa ospital pa daw siya. Para daw baliw yung Shella na yon, siguro hindi na niya kinaya ikaw ba naman kasi ang magahasa. Kaya ikaw dapat lagi mong kasama si Noah, baka mamaya ikaw na yung isunod." Tinignan ko naman siya ng masama.
"Baka ikaw, parang gusto mo pang ako na ang sumunod!!"
"Mag-aaway na naman kayo, para wala ng gulo mag-ingat na lang tayong tatlo. Hindi natin alam kung anong mangyayari." Sungit ni Lallian.
"Dahil sa nangyari, nagdagdag na ng guard tong school naging mahigpit na din. Bawal ng kumain sa labas lahat dito sa loob. Pati yung mga nagdo dorm, dapat seven ng gabi nasa loob na sila bawal ng gumimik." Paliwanag ni Maxima, napasandal ako sa aking upuan. Si Augustus kaya kamusta na siya? Siguradong abala yon sa pag-aalaga kay Shella, kainis!
"Anong iniisip mo, plano para kay Merced? Wag na umasa bîtch dahil kahit anong gawin mo kay Shella pa rin siya." Pang-aasar na naman sa akin ni Maxima.
"Tigilan mo ako Mangubat, may dapat pa akong patunayan kay tanda. Kaya isasantabi ko muna ang kahibangan kay Augustus. Total kahit ano namang gawin ko ngayon, siguradong kay Shella lang siya naka-focus. Sana lang mabaliw na siyang tuluyan, para naman mapansin na ako ni Augustus!" Binatukan ako ni Maxima, kaya tinignan ko siya ng masama.
"Wala ka talagang kasing sama ng ugali! Naririnig mo ba yang sinasabi mong yan? Isipin mo sa nangyari kay Shella, maari kang pagdudahan dahil sa iyong ginagawa!" Napataas ako ng kilay.
" Excuse me! For your information kahit ganito kasama ang aking ugali, hindi ko kayang gawin yang bangay na yan! Ako ba ang pinagbibintangan mo sa nangyari kay Shella?" Malamig kong tanong sa kanya. "Wow ah Mangubat! Ikaw pa talaga ang unang manghuhusga sa akin!" Dagdag kong sabi.
"Wala akong sinasabing ikaw, ang gusto kong sabihin. Baka ikaw yung pagdudahan! Sa mga nangyari bago siya ginahasa diba halos nagkainitan kayong dalawa. Nakita nila kung gaano ka kasama for her!" Mariin niyang paliwanag.
"Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, basta ako malinis ang aking konsensya. May mas mahalaga pa akong gagawin kaysa dyan!" Agad kong sagot habang nakatingin sa kanya ng seryoso.
"Bakit mo naman kasi naisip ang bagay na yan Maxima? Halos araw-araw tayong magkakasamang tatlo, saka wala namang kahina hinalang kinikilos si Farrah." Seryoso namang sabi ni Lillian.
"Ewan ko sa Mangubat na yan, aminado naman akong masama ang aking ugali. Pero what the fvck, kahit kailan hindi ko magagawa ang bagay na yan!" Naiinis kong paliwanag sa kanila. Pati naman ako idadamay sa nangyari kay Shella, ano ang kinalaman ko dyan!
Kinuha ko na ang aking libro para makapag-review. Wala akong mapapala kapag nagpatuloy pa ang usapan namin 'to. Isang taon pa akong nagdurusang mag review damn it! Para akong lalagnatin sa ginagawa ko. Matalino naman ako, top 2 nga ako nung high school. Talaga tamad lang talaga ako ngayon college.
Nasa point na kasi ako ng aking buhay na, gusto ko namang maiba nakakasawa ng sumunod sa kagustuhan nila. Hindi na ako masaya sa aking ginagawa, kasi akala ko noon okay lang yung pagsunod sa kanilang gusto. Pero ngayon, bigla nalang akong nagising na hindi pala ganun. Kailangan ko din bigyan ng pagkakataon ang aking sarili. Hindi na ako bata na madaling mauto. Ginagamit nila ang mga luho ko para masunod yung gusto nila. Never na ngayon. Ang goal ko ay mapabagsak si Freddy, wala akong ibang iisipin kundi yon lang.
MATAPOS ang aming klase ay diretso na agad kaming tatlo sa Cafeteria. Tulad ng dati May asungot na naman nakasunod sa akin.
"Hindi kita masusunod mamaya, sumali akong basketball dito sa school. May try-out kami." Nakangiti niyang sabi, napatango naman ako.
"Edi nice galingan mo para makapasok ka." Agad kong sagot yes! Kapag pumasa siya doon magiging busy na, magiging tahimik na ang aking buhay.
"Kapag May free time ka, manood ka ng practice ko para naman ganahan akong maglaro." Napairap ako dahil sa sinabi niyang yon.
"Susubukan ko!" Tipid kong sagot bago umupo sa aking pwesto.
"Hindi naman kasi mahilig manood si Farrah ng basketball." Sabi ni Lillian. "Pero wag kang mag-aalala yayayain namin siya." Dagdag niyang sabi, nguising aso naman ang lalaking 'to. Tinignan ko ng masama si Lillian, nag-peace sign lang siya sa akin.
"Ako na ang o-order ng pagkain." Pagprepresinta niya tumango lang kami bilang sagot.
"Bakit hindi na lang siya? Okay naman si Noah, mabait lagi kang inaalala." Seryosong tanong ni Maxima.
"Anong magagawa ko kung hindi si Noah? Kahit pa mabait at lagi akong inaalala, if hindi kami para sa isa't-isa wala akong magagawa. Hindi ko siya kilala, kung anong tumatakbo sa isipan niya. Sabihin na nating mabait siya, ang tanong yan ba yung tunay niyang pagkatao?" Pabalik kong tanong sa kanya.
"Judgemental mo naman Fukuda!"
"Parang hindi ikaw?" Sarkastikong tanong ko.
"Oh yan na naman kayong dalawa, mag-review na lang kaya tayo dahil May quiz sa last subject natin ngayong umaga." Awat ni Lillian na nagbubuklat na ng kanyang libro.
Maya-maya pa ay dumating na si Noah, dala yung mga pagkain namin. Ang dami na naman niyang in-order, pinapataba pa ako ng lalaking 'to!?
Sumubo ako habang nagbabasa, kailangan kong uminom ng gamot mamaya. Ang sama ng pakiramdam ko talaga. Nanibago ata kasi nagrereview ako. Yowo!
Napahinto kaming tatlo nang magsalita si Noah.
"Narinig ko ang usap-usapan ng mga kaklase ko kanina. May nangyari daw sa girlfriend ng lalaking gusto mo? Totoo ba yon? Ginahasa daw siya?" Seryoso niyang tanong habang nakatingin sa akin, sumingkit ang mga ko sa sumunod niyang sinabi.
"Wala kabang alam sa nangyari?" Umigting ang aking panga at walang pag-aalinlangan na binuhos sa kanya yung juice.
"Farrah/Fukuda!" Tawag sa akin ng dalawa, hindi ko sila pinansin madilim ang mukha kong nakatingin kay Noah.
"Sino ka para pagbintangan ako? Makakarating ito kay Dad tignan natin kung saan pupulutin ang kumpanya niyo!" Malamig kong sabi sa kanya bago tumayo sa aking kinauupuan.
Nanggigigil ako habang palabas ng Cafeteria. Hindi ko na sila tinignan pa kahit tinatawag pa nila ako. Sobrang ko ba para sa akin nila sinisisi ang nangyari kay Shella!? Mga bwisit ni hindi ko nga alam na may nangyari sa kanya!
Habang papunta ako sa susunod naming klase, nakasalubong ko si Augustus. Seryos siyang nakatingin sa akin, inirapan ko lang siya magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang magsalita 'to.
"Pwede ba tayong mag-usap, sumunod ka sa akin." Malamig niyang sabi.
"May klase ako!" Walang ganang sagot ko sa kanya.
"Saglit lang." Napabuntong-hininga na lang ako bago tumango. Tulad ng sinabi niya nakasunod lang ako sa kanya. Sa likod ng school na naman kami mag-uusap.
Pagdating namin nanatili siyang tamihimik, nakatingin lang sa malayo, habang ako naghihintay ng kanyang sasabihin.
"Anong pag-uusapan natin? May klase ako!" Iritadong tanong ko sa kanya, kapag ako talaga na late dito!
"May gusto lang akong tanungin, may kinalaman ka ba sa nangyari kay Shella?" Mahina akong natawa, sabi na nga ba eh grabe talaga.
"Bakit kung sasabihin ko bang hindi maniniwala ka?" Pabalik kong tanong, ngumisi ako." Syempre hindi dahil alam ang tingin niyo sa akin masama. Ano ang aking mapapala kapag ginawa ko yon? Ngayon ko nga lang nalaman ang nangyari sa kanya. Kung balak ko man noon pa sana. Oo na masama akong tao pero hindi ko kayang gawin yang ibinibintang mo." Malamig kong paliwanag sa kanya, seryos pa rin siyang nakatingin sa akin.
"Paano kapag napatunayan kong may kinalaman ka nga?" May gosh, bakit ba lahat na lang kairita! Sinabi ba ng babaeng yon na ako ang may kasalanan. Lintik na yan kung ako nga sa tingin niya bubuhayin ko pa siya!?
"Patayin mo ako, kaya kong patunayang wala akong kinalaman sa nangyari kay Shella." Taas noong sagot ko sa kanya, bakit ako matatakot? Alam ko naman sa aking sarili na wala akong ginagawang masama.
"Kapag may nangyaring masama sa kanya sa akin agad ang sisi? Anong mga utak meron kayo!? Paano kapag wala akong kasalanan? Anong gagawin ko? Alam ko na kung ano. Sasabihin ko kay dad na pabagsakin ulit ang kumpanya at mga illegal activities niyo, what do you think?" Sarkastikong tanong ko sa kanya, dumilim ang kanyang mukha. Mahina naman akong natawa, ako pa ang hinahamon niya tsk!
"Tungkol dyan, bumalik na ang ibang naming contact." Napataas ako ng kilay. Tapos ganito? Ako pa ang sinisisi niya ngayon darn it!
"That's good sana magtuloy-tuloy." Buti naman dahil kung hindi niya ginawa, lalo akong magmamatigas.
"Pero hindi ibig sabihin ay okay na, pwede kong bawiin yan dahil sa ginawa mong pagbibintang sa akin!" Kita ko ang pag-galaw ng kanyang panga at pagsalubong ng kilay niya.
Hays Augustus, bakit kasi hindi na lang ako ang mahalin mo hindi ka sana nahihirapan ng ganyan.
"Wala ka talagang pinagkaiba sa iyong ama." Mariin niyang sabi, ngumisi ako saka bumuntong-hininga.
"May kapalit ang ginawa kong iyon Mr. Merced." Seryoso kong sabi, ako pa ba lahat ng ginagawa ko may kapalit hindi pwedeng wala.
"Ano naman ang kapalit? h'wag mong sabihin na tungkol ito sa sinasabi muna date." Iritado niyang tanong, natawa ako habang nakatingin sa kanya pero agad ding naging seryoso.
"Hindi, wala sa isip ko ang bagay na yan sa ngayon. Dahil may mga bagay akong pinagtutuunan ng pansin. Gusto kong mapabagsak si Freddy, syempre tutulungan mo ako." Mahina siyang tumawa habang nakatingin sa akin.
"Nahihibang ka talaga, sarili mong ama kakalabanin mo? Anong tumatakbo sa utak mong babae ka!?" Natatawa niyang tanong, nakaramdam naman ako ng pagkainis. Ano sa tingin niya? Nakkkipag lokohan lang ako dito?
"Seryoso ako sa sinasabi ko, gusto kong mapabagsak ang matandang yon. Sa paraan ng pagtulong mo sa akin, don't worry babayaran kita kahit magkano, name your price! Magtulungan tayong mapabagsak si Freddy Fukuda!" Seryoso kong sabi sa kanya, wala akong pakialam kahit isipin niyang baliw ako. Kapag nagawa ko yon, naging successful na ako sa buhay. Magiging maayos na ang lahat.
"Pag-iisipan mong mabuti ang sinabi ko, kung tinulungan mo ako magiging maganda ang ilegal transaksyon niyo. Maraming kakilala ang aking ama, pwede ko silang kausapin na sa'yo bumili ng mga baril at iba pa. Soon ako na ang magiging CEO, kaya pag-isipan mong mabuti ang aking sinasabi." Pagkasabi ko yon sa kanya tumalikod na ako at naglakad palayo.
Pero oras na trinaydor mo ako, mawawala lahat yan sayo. Pati na ang ibang ari-arian na meron kayo. Kung ang aking ama tuso, ibahin niya dahil madumi akong makipaglaro.
~ITUTULOY