*AUGUSTUS' POV*
~~
KANINA Pa ako nakatingin kay Shella, hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. Kailangan kong malaman kung sino ang mag gawa nito sa kanya. Wala akong kwenta, hindi ko man lang siya nailigtas sa panganib. Dapat pumayag na akong kumain kami sa labas. Hindi sana nangyari to sa kanya. Bakit? Bakit si Shella pa!?
Napatingin ako sa pinto dahil bumukas ito, pumasok yung doctor seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Lumabas na ang resulta ng kanyang lab test, ginahasa nga si Miss Mendoza at May sèx drvgs pang itinurok sa kanya. Nagbigay ito sa kanya ng matinding trauma, maari din siyang mabaliw kong hindi niya ito makayanan dahil sa ipinagbabawal na gamot. Bantayan mo siyang mabuti, manalig lang tayo sa itaas hindi niya pababayaan si Miss Mendoza." Seryoso niyang sabi sa akin, Nagdilim ang aking mukha dahil sa aking nalaman. Magbabayad ang may gawa nito sa kanya!
"Kung anong mas makakabuti sa kanya, gawin niyo basta gumaling lang siya kahit magkano magbabayad ako." Hindi ko siya pwedeng pabayaan, kahit maubos lahat ng perang pinaghirapan ko wala akong pakialam.
"H'wag kang mag-aalala Mr Merced, trabaho naming pagalingin ang may mga sakit, kailangan ko ng umalis." Paalam niya bago ako talikuran, tinignan ko si Shella kahit wala ng ay kita sa mukha niyang may dinadala siyang problema.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang mukha, bago hinawakan yung kamay niya.
"Wala ka na dapat ipag-alala dahil gagawin ko lahat ng aking makakaya maipaghiganti lang kita." Seryoso kong sabi sa kanya. Hahalikan ko na sana siya sa noo, hindi natuloy dahil bigla itong nagmulat ng mata.
Ang bilis ng pangyayari, agad niya akong tinulak palayo sa kanya dahilan para mapaupo ako sa sahig.
"Lumayo ka sa akin! Lumayo ka, tama na ayoko na tigilan niyo na ako!!" Natatakot niyang sigaw sa akin. Nanginginig ang kanyang kamay habang nakahawak ito sa ulo niya.
"Tama na… maawa kayo sa akin!" Muli siyang sigaw, napahagulgol ng iyak si Shella. Agad akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit.
"Ako to, si Augustus wala akong gagawin masama sayo." Halos pabulong kong sabi sa kanya. Nagpupumiglas pa rin siya at sumisigaw ng tama na at bitawan ko. Hindi ako nakinig, hindi kita bibitawan Shella hindi! Kailangan mo ako ngayon, putangina hindi ko kayang nakikita kitang ganyan!
"Sino ang may gawa nito sayo? Sabihin mo sa akin please." Tanong ko sa kanya, huminto siya sa pagpupumiglas. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang balikat.
"Sabihin mo sa akin ang lahat, nakikiusap ako magtulungan tayong dalawa. Ako mismo papatay sa hayop na gumawa nito sayo." Seryoso kong sabi sa kanya, napaiwas siya ng tingin.
"Ang dumi-dumi ko na, hindi na ako ang babaeng karapat dapat sayo. Wala na, wala ng saysay para mabuhay ako sinira nila ang aking buong pagkatao. Hangga't nabubuhay ako dala-dala ko ang ala-alang ginawa nila sa akin. Habang buhay ko itong dadalhin, ang dami kong pangarap lahat ng iyong nasira ng minsanang. Sana hindi na lang ako lumabas nung araw na yon. Hindi sana nangyari sa akin to, wala na kahit anong gawin ko hindi na maibabalik. Hindi na… Alam na ng mga tao ang totoo.. Tulungan mo ang pamilya ko Merced, nakikiusap ako sayo iligtas mo sila. Ayokong pati ang mga kapatid ko ay madamay. Hindi ko na kakayanin…" Halos nakapikit na siya habang nagsasalita, hindi ko na maiwasang mapaiyak. Nadudurog ang puso ko sa aking nakikita!
"Hindi ko kilala kung sino ang gumahasa sa akin. Basta May kumuha sa aking mga lalaking nakatakip ang mukha. Hindi ko alam if saan ako dinala. I'm sorry hinayaan ko silang gawin sa akin 'to, wala akong nagawa ma-may itinurok sila sa akin. Hindi ko alam ang nangyari, para akong mababaliw hinayaan ko silang galawin ako. Paulit-ulit hindi sila tumigil… aaahhhhh!!! Ang sabi nila sa akin oras na nagsumbong ako. Papatayin nila sila mommy natatakot ako. Tulungan mo sila nagmamakaawa ako…." Muli ko siyang niyakap ng mahigpit, lalo akong nahihirapan kapag nakikita ko if paano siya matakot at magmakaawa.
"Patawarin mo ako…" Muli niyang paghingi ng tawad sa akin.
"Sshhh, hindi mo kailangang humingi ng tawad. Kahit ano pang mangyari sayo, hindi magbabago kung gaano kita kamahal. Hindi kita iiwan, pangako mo sa akin na magiging matatag ka at magpapagaling. Hahanapin ko sila, hindi ako titigil Shella. Hangga't hindi nila napagbabayaran ang ginawa nila sayo. Pangako ko yan sayo, maghintay ka lang.." Halos pabulong kong sabi sa kanya bago ako kumalas sa pagkakayakap.
Pinahiga ko na siya sa kama nakatingin lang ito sa akin. Pinagmamasdan ang aking mukha.
"Magpahinga ka, kailangan mong magpakalakas nandito lang ako hindi kita iiwan. Babantayan kita, paggising mo nandito pa rin ako." Sabi ko sa kanya, tumango lang siya bago pumikit. Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay. Ramdam ko ang panginginig niya, maging matatag ka Shella.
Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito, si Carrasco seryoso ang mukha.
"Merced, may problema na naman tayo. Lahat ng contact natin, tumawag sa akin at kailangan nila ng mga baril at drvgs. Nakakagulat bigla silang bumalik. Ang masaklap yung mga dapat ibebenta natin, nawala na naman mukhang hindi talaga hihinto yung traydor sa atin. Mamayang gabi sa HQ ako matutulog, aalamin ko if sino talaga siya. Bago ako pumunta dito, kinausap ko na ang contact natin sa ibang bansa para magpadala. Sinabi kong huli na ang bayad, kapag nakaipon na tayo saka lang natin babayaran. Pumayag naman siya, pero isang buwan lang kakausapin ko sila Marcus para tulungan muna ako. Alam kong busy ka ngayon, inutusan ko na din yung ibang tauhan na alamin kung sinong gumawa niyan kay Shella." Mahabang niyang sabi, tumango lang ako bilang sagot. Wala akong matinong pag-iisip ngayon. Dahil ang tanging laman lang ng aking utak ay paghihiganti.
Kung paano ang ginawa nila kay Shella doubleng babalik sa kanila. Hindi ko sila tatratuhing tao, dahil mas masahol sila sa hayop! Hindi nila deserve mabuhay ng matagal dito sa mundo.
Galawin niyo na ang lahat, wag lang si Shella dahil magkakapatayan tayo. Mga hayop kayong lahat!
"Sabihin niyo agad sa akin kung may balita kayo, kikilos tayo ayokong magsayang ng oras. Lalong magiging mapanganib ang buhay ni Shella kapag nagtagal pa to." Seryoso kong sabi sa kanya.
~ITUTULOY