*FARRAH'S POV*
~~
DAHAN-DAHAN akong bumaba ng hagdan para hindi makalikha ng ingay. Balak kong puntahan si mommy, hindi ako makatulog kakaisip if ano ba yung ginawa niya.
Kanina ko pa gustong bumaba, pero ang tagal umakyat ng mga kupal kong kuya. Wala na silang ibang ginawa kundi magtawanan. Nagdiriwang na sila agad wala pa ngang nangyayari di maganda sa akin.
Kung meron lang akong kasundo sa kanila, kanina ko pa nalaman ang tinatago nilang ginawa ni mommy. Kaso wala, isang himala na kapag nangyari yon. Simula sinilang ako, galit na galit na sila sa akin. Tinangka na din nila akong patayin, dahil masamang damo ako hindi sila nagwagi.
"Mga mukhang mana kasi, uhaw na uhaw sa kayamanan at kapangyarihan. Ano bang nakukuha nila doon, kairita lang hindi ba sila mabubuhay na walang pera. Tsk!
Tumingin muna ako sa paligid pagbaba ko ng hagdan. Halos mapatalon ako sa gulat, dahil nakita kong nakatayo si dad sa pinto ng theater room, habang seryosong nakatingin sa akin.
"Alam kong balak mong puntahan ang iyong ina, hindi nga ako nagkamali." Malamig niyang sabi.
"Ano bang ginawa ni mommy? Bakit ayaw niyong sabihin sa akin?" Tanong ko sa kanya, naiinis na ako.
"Hindi muna kailangang malaman, ang dapat mong pagtuunan ay yang pag-aaral mo! Kahit ngayon lang Farrah pakinggan mo ako." Seryoso lang akong nakatingin sa kanya. Mukhang hindi maganda ang ginawa ni mommy, darn it gusto kong malaman if ano talaga yon!
"Kung ayaw niyong sabihin, sige hindi na ako mangungulit pero May gusto lang akong hilingin. Sana ibalik niyo na ang mga nawala kila Augustus, mag-aaral ako tulad ng gusto mong mangyari at papakasalan si Noah." Seryoso kong sabi sa kanya, halata sa mukha niya ang pagkagulat pero agad din naging seryoso.
"Kung hindi ako pumasa ngayon taon, hindi ko na pakikialaman ang magiging desisyon mo. Lahat ng iyong gusto susundin ko, pero dahil ayoko kahit anong mangyari ipapasa ko at ipapakita kong makakapagtapos ako ng pag-aaral na wala ng bagsak." Dagdag ko pa, ngumisi siya sa akin.
"Tignan natin, madali lang naman akong kausap. Kapag maganda ang grades mo at wala kang ibibigay na sakit sa ulo. Hahayaan kitang gawin lahat ng gusto mo. Hindi ako nagbibiro Farrah, maging mabuting anak ka lang magagawa mo lahat ng iyong gusto." Chinachallege ba ako ng matandang 'to.
"Deal, tinatanggap ko ang iyong hamon! H'wag mo akong hinahamon tanda! Dahil hindi kita uurungan, h'wag mong kakalimutan ako mismo ang magpapabagsak sayo!" Seryos kong sabi ko habang nakaturo ang aking isang daliri sa kanya.
"Hihintayin ko yan Farrah, pero mukhang matagal pa dahil wala ka pang napapatunayan sa akin. Saka ko na ihahanda ang aking sarili, oras na nakita ko ng may maipaglalayo ka na!" Nakangisi niyang sabi sa akin, tinaasan ko naman siya ng kilay.
"H'wag kang maging kampante, kaya kitang pabagsakin sa paraang kaya ko! Baka nakakalimutan mong isa din akong Fukuda, kung kaya mong paikutin ang mga taong nasa paligid mo. Kaya ko din." Tumawa siya ng mahina habang nakatingin sa akin. Sige lang tumawa ka ngayon pero sa susunod titiyakin kong luluhod kayong lahat sa aking harapan.
"Mukhang kailangan mo ng matulog, nahihibang ka na naman! Bago mo magawa ang plano mong iyan, marami ka pang bigas na kakainin Farrah. Sa ngayon uupo lang muna ako habang pinapanood kang nahihirapan, para lang maabot ako. Kailan kaya mangyayari yan hindi ko na kayang maghintay ng matagal!" May halong pang-aasar niyang sabi, taas noo akong tumingin sa kanya.
"Hindi pa rin ako susuko Freddy! Pagdating ng araw na yon, sisiguraduhin kong luluhod ka at hahalikan ang aking paa. Hindi na rin ako makapaghintay na makita kang nakaluhod sa harapan ko." Hindi nagpapatalo kong sagot bago siya talikuran. Tumawa pa ako ng mahina para padamdam niya ang pang-iinsulto ko sa kanya.
Tanga na siya kapag naniwala siyang papakasalan ko ni Noah, isang kahibangan ang tawag doon. Mas gugustuhin ko pang maging matandang dalaga kesa maikasal sa lalaking yon. Kung si Augustus ang ipapakasal sa akin, ngayon mismo papayag ako. Dahil wala akong ibang gusto kundi siya lang.
Gagawa ako ng paraan para unti-unting, babagsak ang aking ama. Kay Augustus ako hihingi ng tulong. Nakikipagsabwatan ako sa kanya sabay naming patumbahin si Freddy.
~~~
*3RD PERSON'S POV*
~~
NAKAYUKONG NAGLALAKAD si Shella dahil pinagtitinginan siya ng kapwa niya estudyante. Napayakap ang dalaga sa kanyang sarili, pakiramdam niya ay pinandidirihan siya.
Nagtataka sila dahil sa itsura ng dalaga, gulo-gulo ang kanyang buhok at halatang wala pa itong tulog dahil sa laki ng eye bags nito.
"Anong nangyari kay Shella?"
"Ayos lang kaya siya? Parang wala siya sa katinuan."
"Bakit ganyan ang itsura niya?"
"Hindi man lang niya plinantsa ang kanyang uniform."
Hindi alam ni Shella ang kanyang gagawin, kaya tumakbo na lang siya papunta sa comfort room para ayusin ang sarili.
Agad siyang pumasok sa isang cubicle, napatakip siya ng kanyang tenga dahil naririnig na naman niya yung tawanan ng mga lalaki. Napayakap siya sa sarili pakiramdam niya'y May mga humahalik pa sa kanyang katawan.
Lalabas na sana siya sa cubicle, pero hindi natuloy dahil may narinig siyang dumating at nag-uusap.
"Nakita mo ba si Shella kanina? Nakakadiri yung itsura niya, sa tingin mo anong nangyari sa kanya?" Tanong ng babae sa kanyang kaibigan habang naghuhugas ng kamay.
"Oo ngayon ko lang nakita na ganun siya, para siyang baliw na ewan. Kung nasa tamang pag-iisip siya hindi ganun ang itsura niyang papasok dito sa school." Sagot naman nito bago mag lagay ng lipstick sa labi.
Nakayuko lang si Shella habang nakaupo sa inidoro.
"H-hindi! Hindi nila pwedeng malaman ang nangyari sa akin. Hindi ayoko!" Umiiyak na niyang sigaw, nagulat naman ang dalawang babae.
"Ta-tama na ayoko na! Gusto ko ng tahimik ng buhay hindi yung ganito. Sinira niyo ang buong pagkatao ko, mga hayop kayo!" Muling sigaw ng dalaga habang pinupunasan ang buo niyang katawan na tila sobrang dumi niya.
"Nakakadiri! Ang dumi-dumi ko na!" Hindi naman alam ng dalawang babae kung ano ang kanilang gagawin.
Hinubad ni Shella yung suot na uniporme at pinunasan ng tuwalya ang katawan niya. Mariin ang bawat pagpunas niya, kahit nagbabad na siya kahapon ay parang nananatili pa rin sa kanyang katawan yung laway ng mga lalaki.
"Ang dumi-dumi ko." Halos pabulong niyang sabi at humagulgol ng iyak.
Nagkakagulo na labas ng comfort room dahil sa ginagawang pag-iyak ng dalaga.
"Iba talaga kapag mayayamang tao, lahat gagawin para lang makuha ang kanilang gusto! Akala niyo kung sino kayong malilinis, mga hangal naman ang kaluluwa! Mga hayop kayo!!" Muli niyang sigaw bago lumabas ng cubicle, nagulat silang lahat nang makita siyang nakahubad. Lalo na ang mga pasa nito sa katawan at paso ng sigarilyo.
"Anong nangyari sa kanya?"
"Sino ang may gawa niyang sa kanya? Grabe naman wala silang awa!"
"Nakakadiri naman yan!"
"Nababaliw na ba siya? Bakit siya nakahubad!?"
Dumadami na ang estudyanteng nanonood sa kanya.
"Sige husgahan niyo akong lahat, total doon naman kayo magaling diba?" Sigaw niya sa mga nanonood sa kanya at malakas itong tumawa.
"Kapag baho ng ibang tao ang hilig niyong makisawsaw. Pero yung mga baho niyo sa katawan halos ayaw niyong malaman ng iba. Mga wala kayong kaluluwa! Ganyan ba kayong mayayaman mahilig manipula ng ibang tao. Para lang sa kagustuhan niyo paano naman kaming mga mahihirap lang? Mga hayop kayo!" Muling sigaw niya umiyak na naman siya. Napaupo sa sahig si Shella habang patuloy na umiiyak.
Naawa sila sa dalaga, yung iba naman ay napaiyak dahil sa kalagayan ni Shella.
~
Habang si Augustus naman kalalabas lang niya ng kanyang sasakyan. Nakita niyang nagkakagulo ang kapwa mag-aaral.
Hindi na lang niya pinansin, dahil wala namang bago laging may chismis. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Pupuntahan niya ni Shella, dahil wala na ito sa bahay nila kanina maaga daw umalis.
Naririnig ni Augustus ang usap-usapan, napapataas na lamang siya ng kilay.
"May babae daw sa Comfort room nakahubad. Parang baliw."
"Tara tignan natin, sino ba yon?"
"Naririnig ko kanina Shella daw ang pangalan." Dahil sa narinig niyang yon ay napahinto siya sa paglalakad.
"Sino ang babaeng nasa comfort room?" Malamig niyang tanong na ikinagulat ng dalawang babae.
"Shella ang pangalan." Agad na sagot ng dalaga, halos takbuhin ni Augustus papunta sa Comfort room ng mga babae. Pagdating niya ay ang daming mga estudyanteng nanonood.
"Magbabayad kayong lahat! Pagbabayaran niyo an ginawa niyong kalapastanganan sa akin!" Umiiyak na sigaw ni Shella, nanlaki ang mata ng binata hindi siya pwede magkamali. Kilala niya ang boses na yon.
"Shella." Tawag niya sa dalaga.
"Mga hayop sila!!" Muling sigaw ng dalaga, agad na sumingit ang binata sa kapwa nila estudyante. Para mapuntahan si Shella, hindi niya alam ang nangyayari pero sa paraang pag-iyak ng dalaga ay alam niyang may problema 'to.
Halos manigas si Augustus nang makita ang dalaga. Nagulat naman si Shella, lalo siyang naiyak dahil sa itsura ng binata.
Nadudurog ang puso ni Augustus, hindi niya alam kung anong gagawin. Sa itsura palang ni Shella ay Alam na niyang may mali. Nag-aapoy sa galit ang kanyang puso, hindi niya mapapatawad kung sino man yung gumawa nito kay Shella.
"Babe, patawarin mo ako I'm sorry hindi ko ginusto ang nangyari. Patawarin mo ako…" Halos pabulong ng sabi ni Shella bago tinakpan ang mukha gamit yung kamay niya.
"H'wag mo akong tingnan, 'wag kang lalapit sa akin ang dumi-dumi ko. Isa akong maduming babae, si-sinira nila ang buong pagkatao ko. Patawarin mo ako wala akong nagawa, hinayaan ko sila-Ahhhhh!!" Nanginginig na boses niyang sigaw, habang hinahaplos ang kanyang buong katawan.
"Patawarin mo ako…. Isa na akong babaeng madumi, wala na ang iniingatan kong dapat sayo ko lang ibibigay. Kinuha na nila wala na, lahat wala na sirang sira na ako." Gulat na gulat silang lahat dahil sa nalaman, lalo na si Augustus nangingint ito sa galit.
Hinubad niya ang suot niyang jacket at nilapitan si Shella. Tinakpan niya ang katawan ng dalaga at niyakap ng mahigpit. Nagpupumiglas si Shella dahil ayaw niyang yakapin siya ng binata.
"Bitawan mo ako, hindi mo dapat niyayakap ang isang tulad ko." Mariin niyang sabi habang pilit na inaalis ang kamay ni Augustus.
"Lumayo ka sa akin! Layuan mo ako!" Sigaw ng dalaga sa kanya, imbis na sundin niya ito mas hinigpitan pa ni Augustus ang pagkakayakap nito. Nanghihina na si Shella dahil kanina pa siya umiiyak.
"Bitawan muna ako pakiusap." Halos pabulong ng sabi ng dalaga. Ramdam ni Augustus ang sakit na nararamdaman ng dalaga.
"Hindi, hindi kita bibitawan kahit ano pang sabihin mo. Ikaw pa rin ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi ka nakakadiring tao Shella, h'wag mong isipin ang bagay na yan dahil ang totoong madumi ay yung gumawa nito sayo! Magbabayad sila sa ginawa nila, dadalhin ko silang lahat sa impyerno. Sabihin mo sa akin, sino ang may ganito nito sayo?" Seryosong tanong ng binata, umiiling-iling si Shella.
"Hindi ko alam, wala akong makita—" Hindi na natapos ni Shella ang kanyang sasabihin. Dahil tuluyan na siyang nawalang ng malay. Agad naman binuhat ni Augustus ang dalaga.
"Shella, gumising ka!" Sigaw niya sa dalaga, sunod-sunod siyang napamura sa kanyang isipan. Halos takbuhin na niya papuntang parking lot.
"Damn it!" Mura niya, kailangan niyang madala sa ospital si Shella.
Nakasalubong ni Augustus ang kanyang mga kaibigan. Nagulat sila nang makita si Shella na walang malay at may mga pasa sa katawan.
"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Hermida sa kaibigan.
"Mamaya ka na magtanong, kailangan kong madala sa ospital si Shella." Malamig na sagot ng binata bago sila lampasan. Sumunod naman silang apat kay Augustus.
Pagdating nilang parking lot, sumakay na si Hermida sa driver seat. Si Augustus naman ay sa back seat kasama si Shella nakahiga ito sa kanyang hita. Si Carrasco ay sa passenger seat, yung dalawa naman sa kotse ni Marcus sumakay.
"Nag-away na naman ba sila ni Farrah?" Tanong ni Carrasco.
"Hindi, may nangyaring hindi maganda sa kanya. Kailangan ko ng tuloy niyo, pero kailangang makausap ko muna si Shella kung anong nangyari at sino ang gumawa nito sa kanya." Seryosong sagot ni Augustus
"Hindi ako papayag na mabalewala lang ito! Kailangan kong kumilos, si Shella ang pinag-uusapan dito! Magbabayad sila, lintik lang ang walang ganti!" Dagdag niyang sabi habang hinahaplos ang mukha ng dalaga.
~ITUTULOY