Farrah woke up early. As she entered the dining area, her parents were already eating.
"Mabuti naman at maaga kang nagising ngayon, Donya Farrah." Nakangisi na sabi ng kanyang Kuya Ferdinand.
"Nametenja ne zo. (Don't mess with me) Wala akong panahon sa iyo, Ferdinand!" Malamig na sagot ng dalaga bago umupo sa kanyang upuan.
"Bastos ka talaga kahit kailan, Farrah!" Sigaw niya sa nakababatang kapatid.
"Damare! (Shut up!) Hindi niyo na ginalang ang hapag-kainan!" Galit na sigaw ni Mr. Fukuda sa kanyang mga anak. Bigla silang umayos sa pagkakaupo. Wala namang pakialam ang dalaga. Sumandok na siya ng kanin at ulam.
"Ikaw, Farrah, talaga bang nag-aaral ka? 'Yung mga grades mo, puro pasang-awa! Kapag wala kang naipasa sa exam mo, kahit isang subject, mawawalan ka ng allowance! Pati na ang mga pinabibili mong mga luho, wala kang matatanggap! Saiaku to iu no wa anata no koto yo! (You're the worst!)" Mariin na sabi ng kanyang ama, bago dalawang beses na tinulak ang ulo niya gamit ang daliri nito.
Farrah took a deep breath to calm herself down. She looked coldly at Mr. Fukuda before she spoke.
"Ore o odosu to wa, yoku mo yatte kureta mon da! (How dare you threaten me!) I hate you!" Sagot ng dalaga sa kanyang ama bago tumayo mula sa pagkakaupo at tumakbo palabas ng dining. Tinatawag pa siya ng kanyang ina, pero hindi na siya lumingon pa.
"Kaya tumitigas ang ulo ng batang 'yan dahil sa ginagawa mo! Lagi mong ini-ispoil!" Sermon ng ginoo sa asawa. Nagsalubong naman ang kilay ng ginang dahil pati siya ay nadamay sa init ng ulo niya.
"Sore wa anata niwa kanke ari-masen. (It's none of your business), Freddy! 'Yang mga anak mong lalaki ang pagsabihan mo. Ni minsan, hindi ko pa nakitang trinito nila nang maganda si Farrah! Anong klaseng mga kapatid kayo? Manang-mana kayo sa inyong ama!" Galit na sermon ng ginang sa kanyang mga anak na lalaki. Napayuko naman sila. Tiningnan ng ginang si Mr. Fukuda.
"Hindi na ako magtataka kung balang araw ay wala siyang respeto sa 'yo! Wala kang ginawa kundi pagalitan siya, hindi mo man lang kausapin nang maayos! Ganyan ka na ba talaga? Hindi na magbabago!?" Pagkasabi niya niyon ay tumayo na siya. Matalim ang mga mata niyang tumingin sa kanyang mga anak bago lumabas.
Lalo namang nanggalaiti sa galit si Mr. Fukuda. Minsan na nga lang sila magsabay-sabay kumain, magiging ganito pa.
"Sinabi ko na sa inyo, 'wag niyong pakikialaman si Farrah! Isang beses pa, may kalalagyan kayong apat! Lalo ka na, Ferdinand! Wala ka nang ibang ginawa kundi pag-initan si Farrah. Wala kang kuwentang panganay!" Pagbabanta niya sa mga binata. Nanatili silang nakayuko. Naiinis sila kay Farrah dahil simula nang dumating siya ay nasa kanya na lahat ng atensiyon ng kanilang magulang.
"Ikaw, Ferdinand, balita ko may problema ang kumpanya mo. Anong ginagawa mo pa dito? Dapat inaasikaso mo na 'yan! Pa-chill-chill ka lang dito sa bahay! Oras na nalugi 'yan, wala ka nang makukuha pa! Kumilos ka na! Wala ka talagang kuwenta!" Galit na sermon ng ginoo sa panganay niyang anak.
"Ikaw naman Francis, puro babae ang inaatupag mo. Oras na hindi ka pa tumino, lahat ng mana na binigay ko, kay Farrah mapupunta!" Naikuyom ng binata ang palad niya dahil sa pagtitimpi ng galit. Kaya lalo silang naiinis sa kapatid na babae dahil sa kanya mapupunta ang Fukuda's Corporation.
"Ano naman 'tong nalaman ko, Frederick, na bagsak ka sa isang subject!? Graduating ka na, saka ka pa bumagsak. Anong utak mayroon ka!?" Hindi na lang pinansin ng binata ang sinabi ng kanyang ama. Sanay na sila sa mga masasakit niyang salita. Halos araw-araw ay nakakarinig silang apat ng sermon.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyo. Puro kayo sakit sa ulo! Tumanda na kayong lahat, puro problema pa rin ang binibigay niyo! Mga wala kayong kuwenta! Lalung-lalo ka na, Fernan! Oras na hindi mo mahanap 'yung taong 'yon, sa kulungan ka talaga pupulutin!" Pagkasabi niya 'yun ay lumabas na siya ng dining. Naiwan silang apat. Sumasakit na ang ulo ni Mr. Fukuda dahil sa kapabayaan ng isang anak—si Fernan.
Dalawang tao ang hindi pa nagbayad sa mga utang nila. Malaking halaga ang mawawala kapag hindi na nasingil 'yun. Wala na silang naitutulong, sakit pa sa ulo ang binibigay nila.
Mainit na naman ang ulo ni Farrah na pumasok sa paaralan. Hindi siya makausap ng dalawa niyang kaibigan. Nanatili lang siyang tahimik. Naiinis dahil bakit pati ang kanyang luho, maapektuhan.
"Aba, Fukuda, isang himala. Tahimik ka ata ngayon. May problema ba, b***h?" Tanong ni Maxima sa kaibigan dahil kanina pa niya napapansin na tahimik ito.
"Wala ako sa mood makipagbangayan sa iyo, Mangubat!" Malamig niyang sagot. Napailing na lang si Lillian bago inakbayan ang kaibigan.
"Anong bang problema ng beshy ko? Binasted ka na ba ni Merced, kaya mainit 'yang ulo mo?" Tanong naman ni Lillian habang nakaakbay sa kaibigan.
"Ah, kaya naman pala mainit 'yung ulo. Look, oh, ang sweet nila ng girlfriend niya, magkahawak ang kamay habang naglalakad. Kita mo naman ang ngiti ni Merced kapag kasama niya ang kanyang girlfriend." Pang-aasar pa lalo ni Maxima sa kaibigan. Umiigting naman ang panga ng dalaga habang nakatingin kina Augustus.
"Hindi ako papayag, hinding-hindi! Dapat kaming dalawa ang magkasama ni Augustus ngayon, hindi 'yang epal na 'yan!" Nagngingitngit sa galit niyang sabi. Hinawakan ni Maxima ang kanyang balikat.
"Fukuda, baka nakakalimutan mo, walang 'kayo'. 'Wag kang masyadong desperada. Alalahanin mo 'yang dala-dala mong apelyido. Ang dami pang lalaki diyan. Bakit hindi ka na lang humanap ng iba?" Seryosong sabi niya sa kaibigan habang umiiling-iling.
"Tumahimik ka!" Mas pinalamig na boses niyang sagot kay Maxima.
"Wake up, b***h!" Muling sabi nito habang tinatapik ang balikat ni Farrah.
Isang malakas na sampal ang natikman ni Maxima mula sa kaibigan.
"I said, Damare!" Sigaw niya dito, dahilan para mapatingin sa kanila ang kapwa nila estudyante. Agad namang dinaluhan ni Lillian si Maxima. Gulat na gulat pa rin ang dalaga dahil sa ginawa ni Farrah.
"Ano ba, Farrah? Hindi mo naman kailangang sampalin si Maxima." Lalong nag-init ang ulo ng dalaga dahil ang pinakaayaw niya sa lahat ay pinakikialaman siya.
"That is still not enough for her. Ikaw na naman siguro ang nagsabi kay Daddy na mababa 'yung mga grades ko! Sipsip ka talaga kahit kailan! Oras na nawalan ako ng allowance at huminto siya sa pagbili ng mga luho ko, I will never forgive you! " She said firmly to Maxima. The girl could not make out what her friend was telling her.
"Wala akong kinalaman diyan! Kahit kailan, hindi ako nagsasabi sa iyong ama. Dahil pareho lang tayong mapapagalitan. Bakit lagi na lang ako ang pinagbibintangan mo? Alam mong may contact ang iyong ama dito sa school. Wala naman sanang problema kung nag-aaral ka nang maayos, hindi 'yung puro na lang si Merced ang inaatupag mo!" Pagtatanggol niya sa kanyang sarili habang hawak ang pisngi niyang sinampal ng dalaga.
Hindi niya magagawa ang paratang sa kanya ni Farrah. Naaawa na siya sa kaibigan dahil masyadong mahigpit sa kanya si Mr. Fukuda. Hindi na rin niya masisisi ang dalaga kung bakit may pangit itong ugali. Hindi naman siya ganyan noon, bigla na lang itong nagbago.
"Wala kang pakialam kung ano ang gusto kong gawin, Mangubat! Pinakialaman ko ba ang pakikipaglandian mo kay Hermida? Hindi naman, 'di ba? We're the same, b***h! H'wag mo akong susubukan. Sisiguraduhin kong pagsisisihan mong kinakalaban mo ako patalikod!" Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tiningnan niya nang masama ang dalawa niyang kaibigan bago binangga at naglakad palayo.
-----
Farrah's POV
Hindi ko pa rin maalis ang galit na nararamdaman ko. Hindi ako sumama kila Maxima ngayon, baka lalo lang kaming mag-away na dalawa.
Nandito ako sa cafeteria, mag-isang kumakain. Inaabangan ko si Augustus, baka dito sila kumain ngayon. Sana naman wala 'yung girlfriend niyang mas masahol pa sa linta kung makakapit.
Napatingin ako sa pinto ng cafeteria dahil may mga nagsigawan. Walang iba kundi sila Augustus, kasama ang kanyang mga kaibigan. Buti naman, wala 'yung girlfriend niya. Agad akong tumayo at lumapit sa kanila.
"Hi, Augustus." Nakangiti kong bati sa kanya, pero hindi man lang niya ako pinansin.
"Merced, introduce us to her already." A man said beaming. "Ako na ngalang magpapakilala sa sarili ko. Marcus Encandor, Miss."
He introduces himself, extending his hand to shake. I just stared at him. Hermida even laughed at this, Carrasco too. They're the only ones I knew. I glanced at one guy—hmm, whatever. I didn't care about them. I had my eyes on Augustus only.
"Wala siyang pakialam sa iyo, Marcus, dahil kay Merced lang siya, hahah." Carrasco teased. I just ignored them. I clung to Augustus' arm.
"Anong gusto mong pagkain? Ako na ang bibili." Nakangiti kong tanong sa kanya.
"Kaya kong bumili, kaya puwede ba, tigilan mo ako!" Malamig at iritado na sagot niya sa akin. Lalong lumawak ang aking ngiti. Lalo akong nai-in love sa kanya.
Inalis niya 'yung kamay ko na nakakapit sa kanyang braso. Walang imik siyang naglakad. Agad akong sumunod sa kanya.
"Kailan ulit tayo kakain sa labas? Namimiss ko na 'yung pares nila doon." Tanong ko sa kanya habang nakasunod. Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang tahimik.
"Sa Sabado, may lakad ka? Manood tayo ng sine o mamasyal. Anong gusto mo?" Muli kong tanong.
"Tigilan mo na ako. 'Yun ang gusto ko. Kahit anong gawin mo, Bansot, hindi kita magugustuhan, kaya tumigil ka na!" Malamig niyang sagot. Napanguso ako.
"Grabe ka naman sa akin. Lalo tuloy kitang nagugustuhan. Kahit ano pang sabihin mo, hindi kita susukuan dahil ang susuko, mahina." Muli akong kumapit sa braso niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang umu-order ng pagkain.
"Ang landi niya talaga. Hindi ba siya nahihiya sa kanyang ginagawa?"
"Nakikita niya naman siguro may girlfriend si Merced. Tsk, naku, 'to talaga, lahat na lang."
"Pinagtatabuyan na nga, lapit pa rin nang lapit. Tingnan mo, parang girlfriend kung umasta."
Hindi ko na lang muna pinapansin ang sinasabi ng mga babae sa likuran namin. Nanatili akong nakangiti kahit nagngingitngit na ako sa galit. Ayokong maging war freak sa harapan ni Augustus, baka lalo siyang ma-turn off sa akin.
Nang tapos na siyang um-order, bumalik na kami sa table nila. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin. Sige lang, mainggit kayong lahat! Maglaway! Dahil kasama ko ang mga lalaking kinababaliwan niyo, tch!
I merely stared at him as he ate. Every time he swallowed, his Adam's apple would move.
"Ang tibay mo naman, Miss Fukuda. Hindi ka na nga pinapansin ni Merced." Nakangisi na sabi ni Marcus.
"Bakit? Anong bang problema mo? Hindi ko sinusukuan ang gusto kong makuha. Kahit hindi niya ako pansinin, magpapansin at magpapansin pa rin ako sa kanya." Mataray kong sagot sa kanya. Tumawa lang siya nang mahina.
Kumuha ako ng tissue at pinunasan 'yung dumi sa gilid ng labi niya.
"Hindi naman uso ang salitang sumuko sa mga Fukuda, 'di ba, Farrah?" Tanong naman ni Hermida. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Yes. Kahit pa hindi niya ako pansinin at ipagtabuyan ni Augustus, I won't give up on him, and I'll continue to love him." Seryoso kong sagot habang nakatingin kay Augustus. Para naman akong wala sa tabi niya. Ni hindi man lang siya lumilingon sa akin.
"Where are your friends now?" Hermida repeated the question. I knew very well he was only looking for Maxima.
"'Wag mo akong niloloko, Hermida. Alam kong may relasyon kayong dalawa ni Mangubat. Kayo na ba?" Pabalik kong tanong sa kanya.
"Wala kaming relasyon ni Maxima. Kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Gusto ko nga siyang ligawan, pero ayaw niya." Napataas naman ako ng kilay. Tsk, lokohin na nila ang iba, h'wag ako. Anong oras na niyang hinatid si Maxima, friends lang sila?
"Tulungan mo naman ako, Miss Fukuda." Muli niyang sabi. Inirapan ko naman siya.
"Bahala ka sa buhay mo. Busy ako kay Augustus. Gumawa ka rin ng diskarte mo sa buhay. Kalalaki mong tao, sa akin ka pa hihingi ng tulong." Mataray kong sagot sa kanya. Ano siya, gold? Hindi nga ako magawang tulungan ni Maxima. Hmm, what if sa kanya ako magpatulong kay Augustus? Aha! Kakausapin ko siya 'yung kaming dalawa lang.
Muli akong napatingin kay Augustus dahil tumayo na siya mula sa pagkakaupo.
Nataranta naman ako dahil kinuha na niya 'yung kanyang backpack.
"Tapos ka na? May klase ka ba ngayon? Manood tayong basketball sa gym." Aya ko sa kanya, kaso hindi niya ako pinansin.
Tumingin siya sa kanyang mga kaibigan bago tuluyang naglakad. Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa kanya na papalabas ng Cafeteria.
Hindi ako susuko! Kahit pa sabihin nilang isa akong malandi, makapal ang aking mukha. Wala akong pakialam.
Basta masaya ako sa aking ginagawa, ipagpapatuloy ko. Lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagmahal, tapos may mahal na siyang iba. Para akong nakikipagkarera. Kahit anong habol ko, hindi ako makakaabot sa finish line dahil masyado siyang malayo, sobrang layo niya sa akin.
"Hermida, usap tayo sa susunod." Seryoso kong sabi sa kanya, sabay kindat bago lumakad palabas ng Cafeteria.
~ITUTULOY