Farrah's POV
Seryoso ang mukha ko habang naglalakad papunta sa Cafeteria. Naiinis ako dahil sa Maxima na iyon! Ang bruha na 'yun, sinabihan ko na sabay kaming papasok, aba, nauna na! Nanggigigil ako sa kanya; humanda siya sa akin.
"Nakakatakot talaga siya."
“Matapang lang naman siya dahil marami silang tauhan at mayaman.”
“Ang landi niya, kahit may jowa na 'yung tao, dikit pa rin nang dikit!”
"Tapos alam niyo ba, may nakakita kahapon na magkasama sila ni Merced. Nilalandi niya yata. 'Di ba may girlfriend 'yon?
"Ayy, oo! Narinig ko rin 'yan kanina, usapan sa ibang building. Ang landi talaga ng Farrah na 'yan!"
"H'wag na tayong magulat kung hiwalay na sina Merced at ang girlfriend niya."
Nagpapantig ang aking tenga dahil sa mga naririnig kong tsismis. Ang aga, ako agad ang usapan nila. Kaya lalo akong sumisikat dito, eh! Mga walang magawang matino, buhay ng ibang tao pinakikialaman.
"Have you guys had enough of making fun of me? Are you folks still bringing me up? You people with narrow minds, keep it up if you're happy there, so I can become even more well-known!” Natatawa kong sabi sa kanila habang tinitingnan sila isa-isa. Kita ko ang paglunok nila ng kanilang sariling laway. Asan na 'yung tapang ng mga 'to kanina? Ang sarap tabasan ng dila nila.
"Hindi ko makakalimutan ang mga mukhang 'yan dahil babalikan ko kayo isa-isa. Don't me, bitches!" Dagdag kong sabi bago sila talikuran. Tumawa pa ako para lalo silang mainis sa akin.
Gustong-gusto ko 'yung may namamatay sa inis at galit nang dahil sa akin. Ang mga insecurities nila sa katawan, umaalingasaw! Hindi na lang sila maging masaya para sa 'kin, tsk!
Bilang isang Fukuda's daughter, hindi ako pumapayag na inaapi-api lang nila, tsk!
Nagpatuloy ako sa paglalakad, hanggang sa makarating ako sa Cafeteria, kung saan madalas kaming magkita ng mga bruhang iyon.
"b***h, dito tayo! Wala nang bakante!" pa sigaw na tawag ni Maxima habang kumakaway. Lalong uminit ang ulo ko dahil mukhang masaya siya.
Paglapit ko sa kanila, agad kong hinila 'yung kuwelyo niya. Halatang nagulat siya sa aking ginawa, pero agad ding naging seryoso ang mukha niya.
"Ang kapal ng mukha mong paghintayin ako, tapos malalaman kong nandito ka na pala sa school!" Mariin kong sabi sa kanya habang malamig akong nakatingin sa mga mata niya.
"Ang aga, nag-aaway na naman kayo. Tama na nga 'yan." Awat sa akin ni Lillian. Tiningnan ko siya nang masama.
"H'wag kang makialam dito, baka ikaw pa ang isunod ko diyan!" Banta ko sa kanya. Ngumiti na lamang siya. Muli akong tumingin kay Maxima, seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin.
"Sinabi mo sa akin kagabi na h'wag na tayong sabay pumasok dito sa school. Tapos ngayon, magagalit ka!" Mataray niyang sagot sa akin. Lalong sumingkit 'yung mata ko. May sinabi ba ako?
Parang wala naman. Pinagloloko ata ako ng malanding 'to!
Binitawan ko ang kanyang kuwelyo. Agad niyang inayos dahil nakusot.
Umupo na ako sa bakanteng upuan. Iniisip ko kung may sinabi ba akong h'wag na kaming magsabay. Darn it, bakit wala akong maalala? Bahala na nga; ang brain cells ko na-stress na.
"Fukuda, ano 'yung naririnig naming tsismis? Magkasama daw kayo ni Merced kahapon?" Tanong ni Maxima.
Isa pang tsismosa ng taon! Well, wala nang bago; lagi naman sila nakakasagap ng tsismis.
"Ano naman kung magkasama kaming dalawa? Kumain lang kami, big deal na?" Pabalik kong tanong sa kanya.
Pero yowo, grabe ang kilig ko kahapon. Halos hindi ako nakatulog kagabi, lalo na kapag naaalala ko 'yung mga titig niya sa akin. My gosh, Augustus! Laglag ang panty ko!
"Gumagawa ka na naman ng ikasasikat mo. Alam mong may girlfriend 'yung tao!" Napatigil ako sa aking kahibangan dahil sa sinabi ni Maxima. Para siya walang ginagawa, sus! Taas-kilay ko siyang tiningnan at inirapan.
"Anong pakialam ko kung may girlfriend siya? Maghihiwalay din naman sila dahil magiging akin siya. Minsan lang ako magkaroon ng interest sa lalaki, ibig sabihin n'un si Augustus na ang para sa akin." Kinikilig kong sagot. Minsan lang mangyari 'to.
Buong buhay ko, ngayon lang ako nagkagusto sa lalaki.
"Yang kaibigan mo, Lillian, ipagamot mo na 'yan. Masyado nang malala. Baka mamaya, magwala siya dito. Para pa namang dragon ang Fukuda na 'yon." Umiiling na sabi ni Maxima, dahil kung magsalita parang wala ako sa tabi niya. Inirapan ko naman siya. Lagi na lang akong pinagtutulungan ng dalawang 'to.
"Aba, kung makapagsalita ka, parang wala ako dito! Hoy, Maxima, parang hindi ka patay na patay sa kaibigan niya. Ano na ulit pangalan n'un? Cornic? Corel? Basta 'yun, si Hermida!" Bakit ba hindi ko nga maalala 'yung pangalan niya? Ano ba kasing pakialam ko roon? Kay Augustus lang ako may pakialam, duh!
"Minsan ka ngang ma-in love sa lalaking may mahal pang iba. Ano ba namang puso 'yan, Farrah? Pareho kayong may ubo, sa utak at puso.”
Nakangiting sabi ni Lillian. Tumawa pa silang dalawa. Ngumisi ako. Sige lang, maging masaya kayo.
"Cornell, vobo! Ang yaman mong tao, pero wala kang utak!" Mataray niyang sabi.
"Hayaan mo, bibili ako para magkaroon ng utak ako. Ikaw, nasa loob ang kulo. Kunwari, hindi malandi. Che! Umaalingasaw 'yang kalandian mo sa katawan. Nakita ko kagabi, hinatid ka niya. Saan kayo nagpunta?" Umiwas siya ng tingin. Tumawa lang ako nang mahina.
"Wala ka na roon kung saan kami pumunta!" Inilapit ko ang aking mukha sa kanya. Pumapag-ibig na rin ang bruhang 'to! Hindi ako papayag na siya lang. Dapat, maging malapit din kami ni Augustus.
"Wala rin tayong pinagkaiba. ’Di ba may fiancé na 'yon? Edi may ubo ka rin sa utak at puso. 'Di ba, Lillian?" Baling ko sa kanya habang nakangiti.
"Ah, oo! Wala kayong pinagkaiba. Parehong tanga pagdating sa pag-ibig. Hays, ang gaganda niyo naman, pero bakit? Pareho pang may nagmamay-ari na ang nagustuhan niyo." Umiiling niyang sabi. Binalik ko ang aking tingin kay Maxima.
"Ano, tutulungan mo ba akong mapalapit kay Augustus o sasabihin ko kay Tito 'yung nakita kong kalandian mo?" Tanong ko kay Maxima. Tinaasan niya ako ng kilay. Pumayag ka, Maxima! Nanggigigil na ako sa iyo, sa totoo lang!
"Lahat talaga gagawin mo para mapalapit kay Merced. Hindi nga puwede! Kapag nalaman 'to ng Daddy mo, malaking gulo!" Seryoso niyang sabi. Napabuntong-hininga na lang ako bago umayos ng pagkakaupo.
"Nakakainis naman. Gusto ko lang naman maging masaya at makasama si Augustus." Nakanguso kong sabi habang nakatingin sa mga naglalaro ng volleyball.
"Kaya kung ako sa iyo, Fukuda, itigil mo na 'yang kahibangan mo kay Merced dahil wala kang mapapala diyan. Marami kang dapat pagtuunan ng pansin dahil balang araw, ikaw ang mamahala sa kumpanya niyo. May responsibilidad kang dapat pagtuunan. Wala kang mapapala kay Merced dahil utusan lang naman 'yan ng Daddy mo!!" Napasabunot ako sa aking buhok. Ayoko maging CEO ng kumpanya namin. Iba ang gusto kong gawin.
"Hindi ako titigil. Hindi kahibangan ang tawag dito, Maxima. Pag-ibig! Gagawin ko ang lahat para mapansin niya ako. Ang pagiging CEO sa kumpanya namin ay hindi ko gusto. Nariyan ang iba kong mga kapatid. Wala akong pakialam sa pag-aari ng Freddy na 'yan!" Malamig kong sagot. Galit ako sa kanya dahil lahat ng gusto ko, hindi siya sumusuporta.
Lahat ng gusto niya, dapat sinusunod ko. Hindi naman ako robot para habang-buhay maging sunud-sunuran. Gusto kong maging pulis para mapabagsak siya. 'Yan ang nais ko: ang makitang naghihirap si Freddy Fukuda!
-------
Augustus' POV
Kanina pa ako naiirita sa mga naririnig kong tsismis tungkol sa amin ng babaeng 'yun! Lalo pang pinapainit ng mga kaibigan ko ang aking ulo. Wala silang ginawa kundi magtanong at asarin ako!
"Lalabas ulit kayo ni Fukuda? Isama mo naman kami. Masyado ka namang makasarili, Merced!" Nakangising sabi ni Marcus. Tiningnan ko lang siya nang masama.
"Kaya nga! Hindi man lang nag-aaya. Paano namin siya makikilala? Kamusta naman ang unang date niyo? Masaya ba?" Tanong naman ni Gideon. Halatang tsismoso!
"Tigilan niyo ako, mga tanga! Walang date na nangyari dahil kumain lang kaming dalawa. Hindi na uulit 'yun!" Malamig kong sabi sa kanila.
Nagkatinginan lang silang apat bago tumawa. Ano bang problema nila? Naririnig ko na dati ang pangalan ng babaeng 'yun dahil lagi siyang usap-usapan dito sa school. Lalo akong nawalan ng interest sa kanya. Ang layo sa tipo ko ang ugali niya.
"Hindi kami naniniwala na wala nang kasunod. Pinagbigyan mo lang siya ng isang beses, malamang aasa ulit 'yun." Seryoso namang sabi ni Declan.
"Bahala siya sa kanyang buhay. Wala na akong pakialam sa kanya." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. Kailangan ko pang sunduin si Shella dahil kakain kami ngayon sa labas.
"Aalis ka na? Magkikita ulit kayo ni Fukuda?" Tanong ni Marcus. Hindi ko na lang sila pinansin. Siguradong aasarin na naman nila ako.
I finally came out in my parents' store. Nothing good would come out of staying there any longer.
Being a Mafia Boss, I need to protect Shella, and that means every day I fetch her to and from what would be her classes.
Hindi na baleng mawala ang lahat sa akin, h'wag lang siya. For if anything bad were to happen to her, I wouldn't be able to forgive myself.
Habang naglalakad ako, may tumawag sa aking pangalan. Alam ko na kung sino 'yung bansot na 'yon! Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng Augustus—nakakairita! Hindi ko pinansin; nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nagsimula na namang mag-tsismisan 'yung mga nadadaanan ko. Hindi ba siya nahihiya at lagi siyang pinag-uusapan? O sadyang 'yun talaga ang gusto niyang mangyari?
“Augustus Merced!” She called out once again. Damn it, she just wouldn't let up! Annoying!
“Sa wakas! Nahabol din kita. Kain ulit tayo sa labas.” Nakangiti niyang aya sa akin habang nakakapit sa braso ko. Agad kong inalis dahil akala mo linta kung makakapit.
“Wala akong oras para diyan dahil may date kami ng girlfriend ko. Puwede ba, Bansot, tigil-tigilan mo na ako. Hindi kita gusto at kahit anong gawin mo, hindi ako magkakagusto sa isang katulad mo.” Malamig kong sabi sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Sumingkit ang mga mata ko dahil ngumiti siya. Ano bang problema niya!?
“Ikaw naman, hindi mo na kailangang sabihin 'yan dahil alam ko. Pero kahit na ganu'n, hindi pa rin kita titigilan hanggang sa mahulog ka sa akin. Bibigay ka rin, Augustus Merced. Magiging akin ka, sa ayaw at sa gusto mo.” Seryoso niyang sabi bago ngumiti ulit.
“Enjoy your date. Bukas, samahan mo akong kumain sa labas.” Dagdag pa niyang sabi. Hindi ako sumagot.
Tiningnan ko lang siya nang masama. Tinapik niya ang aking balikat bago tuluyang umalis.
Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad. 'Yung ibang estudyante ay nilalayuan siya dahil siguro sa takot.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa building nila Shella.
Pagdating ko sa classroom nila, ay sakto namang palabas na siya. Agad akong lumapit sa kanya at kinuha 'yung bag at libro niya.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong ko sa kanya. Kumapit siya sa aking braso habang nag-iisip.
"A, babe, may tsismis ngang marinig ko kanina. Totoo bang kumain kayong dalawa ni Miss Fukuda?" Napahinto ako sa paglalakad. Ganun pala siya.
"That means nothing. Whatever you hear, isn't true. You are the one I love. You know that is not the kind of woman I am into. I ensure that will never happen again. You have nothing to worry about." She smiled at me and stroked my face.
“Alam ko naman 'yon. Hindi naman ako naniniwala sa mga sinasabi nila. May tiwala ako sa iyo, babe. 'Wag mo lang sanang sisirain.” Hinawakan ko ang kanyang kamay.
“Ni minsan, hindi ko nagawang tumingin sa iba dahil alam kong ikaw na ang babaeng para sa akin. H'wag na natin pag-usapan ang tungkol doon. Kumain na tayo, baka nagugutom na 'yang mga dragon mo sa tiyan.” Nagtawanan kaming dalawa. Mabuti na lang may girlfriend akong kagaya niyang maunawain. Pero dapat, hindi ko na talaga kinakausap ang babaeng 'yon. Kahit na sinasabi niyang hindi siya naniniwala sa sabi-sabi, nasasaktan pa rin si Shella. Ayokong masira kami nang dahil sa bansot na 'yon!
"Kamusta naman ang klase mo? 'Di ba half day ka lang ngayon?" Tanong niya sa akin habang naglalakad.
"Oo. Pupunta akong headquarter namin para bisitahin sila. Ang sabi sa akin ni Gideon, may naging problema sa huling transaksiyon nila."
Napatango naman siya habang nakatingin sa akin. Alam niya ang aming gawain; hindi ko 'yun tinatago sa kanya. Dahil sa mundong ginagalawan ko ay puro p*****n, nagbebenta ng mga baril at ipinagbabawal na gamot.
“Lagi kang mag-iingat. Kinakabahan ako sa tuwing may ginagawa kayong transaksiyon.” Humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay.
“Walang mangyayaring masama dahil kinikilala ko muna ang kalaban bago kami gumawa ng aksiyon. Sa Linggo, baka hindi kita masamahang magsimba. May kakausapin kasi akong mga negosyante. Ipapahatid na lang kita sa dalawa kong tauhan para na rin bantayan ka.” Hindi puwede siyang mag-isa, lalo na ngayon, masyadong mainit ang mga mata nila sa akin.
“Okay lang. Walang problema. Basta ang sa akin lang, lagi kang mag-iingat. Dapat, wala kang kahit anong sugat. Magagalit talaga ako sa iyo. Marami ka pang mga pangako na dapat mong tuparin.” Napangisi na lamang ako. Napanguso naman siya.
“Oo na po, Madam. Lagi naman akong nag-iingat dahil papakasalan pa kita, magkakaanak tayo ng dose, tapos makikilala ako sa buong bansa bilang isang nakakatakot na Mafia Boss.” Kinurot niya ang aking tagiliran kaya natawa na lamang ako.
Maraming pangarap ako para sa aming dalawa. Ang iba ay unti-unti ko na nagagawa, tulad ng bahay. Sinimulan ko na 'yon dahil may naipon na akong sapat na pera.
Soon, pagkatapos naming mag-aral, papakasalan ko na agad siya.
Kahit anong landi mo sa akin, Farrah Fukuda, hindi kita magugustuhan. Malaking pagkakamali ang mahalin ka dahil anak ka ng tusong businessman dito sa bansa.
~ITUTULOY